28/05/2026
PASASALAMAT✨
Taos-pusong pasasalamat sa aming Pastor Edito Madduma sa pagbibigay ng suporta at kaalaman sa pag gawa ng ganitong gawain. At sa lahat ng aming sponsors na naging daan upang maging matagumpay, masaya, at makabuluhan ang aming VBS 2026. At sa mga bumuo ng gawain na to sa pag aasikaso, pagluluto, at pag gawa ng mga activities maraming maraming salamat po.🤗
Dahil sa inyong kabutihan, suporta, at pagbabahagi ng biyaya, mas naging espesyal ang karanasan ng bawat bata. Ang inyong tulong ay hindi lamang simpleng donasyon, kundi isang malaking pagpapakita ng pagmamahal at malasakit para sa mga kabataan at sa gawain ng Panginoon.🙌
Maraming salamat sa inyong bukas-palad na puso at sa pagiging instrumento ng pagpapala sa aming VBS family. Nawa’y suklian kayo ng Diyos ng mas marami pang biyaya, kalakasan, at pagpapala sa inyong buhay.🩷
God bless you all abundantly!