22/10/2021
Congrats po Fr.Val 😇
Godbless po.
GOOD VIBES:
Isang katolikong Paring Palaweño ang kinibibiliban ngayon sa Guam sa United States of America, siya kasi ang itinalagang Superintendent ng 13 Catholic Schools sa boung Guam at siya ay si Fr. Val Rodriguez na tubong Roxas, Palawan.
Ayon kay Fr. Val, taong 2018 siya pumunta sa US para mag-apply ng scholarship, ngunit naabutan na siya ng pandemya kaya ninais nitong pumunta ng Guam dahil nanggaling na siya doon noong 2009, hanggang sa aplayan niya ang maging Parish Priest ng isang parokya doon, at nito lamang Oktubre ay na-appoint siya bilang Superintendent ng 13 Catholic schools.
Sabi ni Fr. Rodriguez, sa kabila ng mga pagbating natatanggap niya ay ang seryosong trabaho na kinakaharap niya ngayon sa kanyang bagong responsibilidad.
Mahirap anya sapagkat bukod sa pagiging Superintendent ng Catholic Schools ng Guam ay Commissioner din sya ng Catholic Education sa ilalim ng Western Catholic Educational Association at myembro ng National Catholic Educational Association. Kailangan nyang aralin ang iba’t ibang batas at patakaran ng Guam at America ukol sa edukasyon.
Bago lumipat sa Amerika, Si Fr. Val Rodriguez ay naging Kura Paroko sa Bayan ng Araceli at ito anya ang nami-mis niya, ang pagmo-motor sa mga liblib na lugar para magmisa at makausap ang mga tao, nami-miss rin nya ang simpleng pamumuhay dito sa Palawan.
Sa kabila nito ay nasa plano parin niya ang pagbalik sa Palawan balang araw, ika nga niya pwede siyang alisin sa lalawigan, ngunit hindi maalis ang Palawan sa kanyang pagkatao.
Si Fr. Val ay nag-aral ng elementarya sa ASMES sa Roxas, sa Mateo Jagmis dito sa Puerto Princesa, High School sa luma pang Seminario De San Jose sa may Katedral, at kumuha ng Master of Arts in Theology sa San Carlos Graduate School of Theology, Makati City, at Master of Arts in Teaching Philosophy sa Ateneo de Manila University
Na-ordinahan siya bilang pari sa San Isidro Church sa Roxas, Palawan noong 1998.
Via Niko Mendoza / DYPR Palawan