25/07/2025
CDCCPI Chief Engineer, muling bumisita sa Princess Urduja Chapter
nina: Enan Bryle Ruiz at Donnabelle Sagucio
Palawan Archdiocese
Narra, Palawan — Muling bumisita at nagsagawa ng inspeksyon si Rev. Fr. Engr. Perfecto Laggui, Chief Engineer ng Crusaders of the Divine Church of Christ, Philippines, Inc. (CDCCPI), sa simbahan ng Princess Urduja Chapter upang subaybayan ang progreso ng konstruksyon, Hulyo 1.
Ang pagbisita ay bahagi ng regular na direktiba mula kay Prince Dr. Estrellito V. Magliba, Punong Administrador ng CDCCPI, bilang pagtutok sa mga proyektong simbahan na isinasakatuparan hindi lamang sa Palawan kundi maging sa iba’t ibang Archdiocese sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.
Sa isinagawang inspeksyon, masusing sinuri ni Engr. Laggui ang mga bahagi ng simbahan na natapos na, partikular ang newly completed flooring, at tinukoy ang mga susunod pang gawain.
Kasunod ng inspeksyon ay isang maikling pagpupulong na dinaluhan nina Msgr. Ric G. Samoy, OIC Archbishop; Mr. Allan Rosario, C.O.L. Provincial President; Rev. Fr. Belt Mark Antolin, nakatalagang pari sa tsapter; Rev. Fr. Rodel S. Opredo ng Panitian Chapter; Mrs. Berlen Ubongen, C.O.L. Chapter President; Mr. Jerome Tolentino, C.O.L. Vice President; at ilang mga miyembro ng tsapter.
Nagbigay naman ng mensahe si Engr. Laggui para sa mga miyembro ng tsapter:
"Naparito akong muli upang masuri ang construction sa ating simbahan, at ngayon ay natunghayan ko na mas naging komportable na ito, lalo na sa mga miyembro ng ating simbahan, sapagkat natapos na ang flooring sa loob nito. Ipagpapatuloy na natin ang trabaho para matapos ang giant beam at iba pang kailangang tapusin sa loob at labas ng ating simbahan."
Ang Princess Urduja Chapter ay patuloy na tumatanggap ng suporta mula sa programa ng pananampalataya, ang Mula sa Puso.