Divine Mercy Shrine - Palawan

Divine Mercy Shrine - Palawan A Shrine of the Divine Mercy in the Apostolic Vicariate of Puerto Princesa - Palawan Shrine and Parish Church

๐——๐— ๐—ฃ ๐—จ๐—ฝ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ฒ || The faithful gathered for the Corpus Christi Vigil and Procession on Sunday, led by Rev. Fr. Pepito Rollo ...
07/06/2026

๐——๐— ๐—ฃ ๐—จ๐—ฝ๐—ฑ๐—ฎ๐˜๐—ฒ || The faithful gathered for the Corpus Christi Vigil and Procession on Sunday, led by Rev. Fr. Pepito Rollo and Rev. Fr. Herbert Antong, TC, in honor of the Most Holy Body and Blood of Christ.

๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—•๐—˜๐—– ๐—ฆ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜†, ๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฐ๐˜† ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ตMasayang ipinagdiwang ng Divine Mercy Parish ang Nation...
31/05/2026

๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—•๐—˜๐—– ๐—ฆ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฎ๐˜†, ๐— ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—œ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—ด๐—ฑ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐——๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฐ๐˜† ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ต

Masayang ipinagdiwang ng Divine Mercy Parish ang National BEC Sunday sa pamamagitan ng isang makabuluhan at masiglang pagtitipon na dinaluhan ng mga miyembro ng iba't ibang Basic Ecclesial Communities (BECs) ng parokya.

Nagsimula ang pagdiriwang sa pag-aalay ng Banal na Misa bilang pasasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob ng Diyos at bilang pagpapalalim ng pagkakaisa ng mga pamayanan ng pananampalataya.

Matapos ang Banal na Misa, nagkaroon ng makabuluhang talakayan na pinangunahan ng keynote speaker na si Rev. Fr. Samuel Bacosa. Sa kanyang mensahe, ibinahagi niya ang anim na mahahalagang diwang matututuhan natin sa pagninilay ng Holy Trinity Sunday na nagsisilbing gabay sa buhay ng mga Basic Ecclesial Communities:

1. Nagkakaisa โ€“ Tulad ng Banal na Santatlo, tayo ay tinatawagan na mamuhay sa pagkakaisa bilang isang sambayanan ng Diyos.

2. Natatangi โ€“ Bawat isa ay may kanya-kanyang kaloob, kakayahan, at tungkulin na mahalaga sa pamayanan.

3. Nagkakaugnay (Interdependence) โ€“ Kailangan natin ang isaโ€™t isa upang maisakatuparan ang misyon ng Simbahan.

4. Nagbabahaginan โ€“ Ang pagbabahagi ng panahon, talento, at biyaya ay nagpapalago sa buhay-pananampalataya ng komunidad.

5. Nakikinig โ€“ Ang pakikinig sa Diyos at sa kapwa ay mahalagang sangkap sa pagbuo ng isang buhay at nagkakaisang pamayanan.

6. Nagmimisyon โ€“ Bilang mga Kristiyano, tayo ay isinugo upang ipahayag ang Mabuting Balita at maging saksi ng pag-ibig ng Diyos sa mundo.

Binigyang-diin ni Fr. Bacosa na ang mga katangiang ito ay hindi lamang makikita sa misteryo ng Banal na Santatlo kundi dapat ding maisabuhay ng bawat miyembro ng BEC upang maging mas epektibong instrumento ng ebanghelisasyon at paglilingkod sa Simbahan at sa komunidad.

Isa sa mga tampok ng programa ang Joyful Mysteries Role-Playing Contest, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang kanilang pagkamalikhain, husay sa pagganap, at malalim na pag-unawa sa mga misteryo ng Santo Rosaryo. Itinanghal bilang kampeon ang Our Lady of Holy Rosary, habang pumangalawa ang St. John Evangelist Chapel at pumangatlo ang San Isidro Labrador Chapel.

Naging mas makulay at masaya rin ang pagdiriwang sa pamamagitan ng ibaโ€™t ibang intermission numbers at parlor games na nagbigay ng kasiyahan at nagpatibay sa samahan ng mga dumalo.
Sa kabuuan, naging matagumpay ang pagdiriwang ng National BEC Sunday sa Divine Mercy Parish, na muling nagpamalas ng diwa ng pagkakaisa, pakikibahagi, at buhay na pananampalataya ng mga Basic Ecclesial Communities sa parokya.

DMP Update || Sa pagtatapos ng Flores de Mayo, isinagawa ang Banal na Misa, Koronasyon ng mga Magsasagala, at Prusisyon ...
30/05/2026

DMP Update || Sa pagtatapos ng Flores de Mayo, isinagawa ang Banal na Misa, Koronasyon ng mga Magsasagala, at Prusisyon o Sagala bilang pagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria



30/05/2026

DMP Update || As part of the Flores de Mayo culmination, the children perform the Awit sa Ina ng Santo Rosaryo, beautifully interpreting the song through coordinated hand movements and gestures.


๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ || 3 ๐—ผ'๐—ฐ๐—น๐—ผ๐—ฐ๐—ธ
09/05/2026

๐—ฃ๐—ฅ๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ฅ || 3 ๐—ผ'๐—ฐ๐—น๐—ผ๐—ฐ๐—ธ

๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก 2026Ang Divine Mercy Parish ay magkakaroon ng Kasalang Bayan sa darating na June 13, 2026.Inaanyayahan na...
08/05/2026

๐—ž๐—”๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก 2026

Ang Divine Mercy Parish ay magkakaroon ng Kasalang Bayan sa darating na June 13, 2026.

Inaanyayahan namin ang mga couples na nagnanais mag-isang dibdib sa banal na sakramento ng kasal.

Para sa detalye at requirements, maari pong tumungo sa Parish Office mula Tuesday to Sunday, 8:00 AM to 5:00 PM.

โ€œTherefore what God has joined together, let no one separate.โ€ โ€“ Mark 10:9

Address

Puerto Princesa
5300

Opening Hours

Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Divine Mercy Shrine - Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Divine Mercy Shrine - Palawan:

Share