Masjid al-akhdar Puerto Princesa City

Masjid al-akhdar Puerto Princesa City "ballighu anniy walaw ayah"

Assalamu Alaykum!MGA Kapatid SA Islam Ikaw ba ay naghahanap Ng Madrasah na may pag-aaral tuwing Sabado at Linggo para pa...
04/08/2024

Assalamu Alaykum!

MGA Kapatid SA Islam Ikaw ba ay naghahanap Ng Madrasah na may pag-aaral tuwing Sabado at Linggo para pag-aralan ang Iyong Deen/Relihiyon/kapamaraanan Ng Buhay halina't kapatid mag Enroll sa
Madrasah Nurol-Abrar Al-Islamiyyah Puerto Princesa City Inc. at Ito ay mayroong apat na level Kinder 1, Kinder 2, Grade 1, Grade 2, at Grade 3, mula apat na Taon pataas at Ito ay magsisimula SA darating na Sabado August 10, 2024 In sha Allah Barakallahu feykum.

For Inquiries Please Contact:
Hassanor Mananggolo
MNAI-Admin

Assalamu A'laykum!MGA Brother & Sister SA IslamPABATID:
02/08/2024

Assalamu A'laykum!

MGA Brother & Sister SA Islam

PABATID:

13/07/2024

📌𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐀𝐒𝐇𝐔𝐑𝐀
ANG SUNNAH AT MGA BID-AH
الحمد لله رب العالمين، وبعد:

Ang araw ng Ashurah (عاشوراء) ay ang ika-10 ng Muharram, at ito ay tatapat sa Martes, July 16.

▪️𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗡𝗡𝗔𝗛 𝗦𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗛𝗨𝗥𝗔:
- PAG-AAYUNO
Isinalaysay ni Ibn Abbas (RadiyAllahu Anhuma):
أَنَّ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَدِمَ الْمَدِينَةَ فَوَجَدَ الْيَهُودَ صِيَامًا يَوْمَ عَاشُورَاءَ، فَقَالَ لَهُمْ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «مَا هَذَا الْيَوْمُ الَّذِي تَصُومُونَهُ؟» فَقَالُوا: هَذَا يَوْمٌ عَظِيمٌ؛ أَنْجَى اللهُ فِيهِ مُوسَى وَقَوْمَهُ، وَغَرَّقَ فِرْعَوْنَ وَقَوْمَهُ، فَصَامَهُ مُوسَى شُكْرًا، فَنَحْنُ نَصُومُهُ، فَقَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «فَنَحْنُ أَحَقُّ وَأَوْلَى بِمُوسَى مِنْكُمْ.» فَصَامَهُ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، وَأَمَرَ بِصِيَامِهِ. [مسلم: 1130]

Nang dumating ang Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam) sa Madinah, natagpuan niya ang mga Hudyo na nag-aayuno sa araw ng Ashura, at Kanyang sinabi sa kanila: “Ano itong araw na pinag-aayunuhan niyo?” Kanilang sinabi: “Ito ay araw na dakila, iniligtas ni Allah dito si Musa at ang mga tauhan Niya, at nilunod si Fer-awn at ang mga tauhan niya, at pinag-ayunuhan ito ni Musa bilang pasasalamat, at (kaya) pinag-aayunuhan namin ito.” At sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam): “Kami ang mas may karapatan at mas malapit kay Musa kaysa sa inyo.” At pinag-ayunuhan ito ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam), at ipinag-utos niya ang pag-aayuno nito.

At ang gantimpala ng pag-aayuno sa araw ng Ashura, ay sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam) na:
«يُكَفِّرُ السَّنَةَ الْمَاضِيَةَ.» [مسلم: 1162]
“Kapatawaran sa taon na lumipas.”

𝗔𝘁 𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴𝗴𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗻𝘁𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗮𝘆𝘂𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗔𝘀𝗵𝘂𝗿𝗮:

𝗨𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗧𝗔𝗦: Pag-aayunuhan lamang ang araw ng Ashura, ibig-sabihin ay isang araw lamang, ang ika-10 lamang. At iyan batay sa mga naturang Hadeeth.

𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗧𝗔𝗦: Pag-aayunuhan rin ang araw bago ito, ibig-sabihin ay dalawang araw, ang ika-9 at ika-10. At iyan batay sa Hadeeth na sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam) na:
«لَئِنْ بَقِيتُ إِلَى قَابِلٍ لَأَصُومَنَّ التَّاسِعَ.» [مسلم: 1134]
“Kung ako ay mananatili pa hanggang sa susunod (na taon), ay tiyak na aking pag-aayunuhan ang ika-siyam.”

𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗧𝗔𝗦: Pag-aayunuhan ang araw bago ito at pagkatapos nito, ibig-sabihin ay tatlong araw, ang ika-9, ika-10, at ika-11. At iyan batay sa Hadeeth na sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam) na:
«صُومُوا يَوْمَ عَاشُورَاءَ وَخَالِفُوا فِيهِ الْيَهُودَ صُومُوا قَبْلَهُ يَوْمًا وَبَعْدَهُ يَوْمًا.» [البزار في مسنده: 5238، البيهقي في السنن الكبرى: 8406]
“Pag-ayunuhan niyo ang araw ng Ashurah, at salungatin niyo dito ang mga Hudyo, mag-ayuno kayo bago ito ng isang araw, at pagkatapos nito ng isang araw.”

At kung ano ang mas mainam sa tatlong antas na nabanggit, ay hindi nagkaisa ang ating mga Ulama.

Si Ibnol Qayyim, Ibn Hajjar, at gayundin si Shaykh Ibn Othaimeen (Rahimahumullah), ay kanilang sinabi na ang pinakamainam ay ang pag-ayunuhan ang tatlong araw, ang ika-9, ika-10, at ika-11. At kabilang sa kanilang batayan ay ang Hadeeth na naturan sa Pangatlong Antas.
[Yundhar: Zadol Ma-ad: 2/72, Fathol Bariy: 4/246, Fatawa liqaol bal al-maftuh lil Ibn Othaimeen: 95/13]

Gayundin, na maaaring sabihin kung bakit mas mainam ang pag-ayunuhan ang tatlong araw (ika-9, ika-10, at ika-11) ay dahil mainam ang magparami ng ayuno sa buwan ng Muharram. Tulad sa Hadeeth na sinabi ng Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam) na:
«أَفْضَلُ الصِّيَامِ بَعْدَ رَمَضَانَ: شَهْرُ اللهِ الْمُحَرَّمُ.» [مسلم: 1163]
“Ang pinakamainam na ayuno pagkatapos ng Ramadan, ay ang buwan ni Allah na ang Muharram.”

At gayundin, na nasabi ni Shaykh Ibn Othaimeen (Rahimahullah), na kung pag-aayunuhan ang tatlong araw ay makakamit ang kainaman ng pag-aayuno nang tatlong araw bawat buwan.
At may iba pang pananaw hinggil sa kung ano ang mas mainam sa mga naturang antas.

Gayunpaman, ito ay hindi na dapat pinagbabangayan pa. Alinman ang piliin sa mga antas na nabanggit, maging ang Ashura lamang, ay maaari rin, tulad ng naturan sa Unang Antas, at iyan ay walang kawalan. Bagkus, ang tunay na kawalan ay ang lumipas ang araw ng Ashura na hindi ito napag-ayunuhan.

▪️𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗗-𝗔𝗛 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗦𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗛𝗨𝗥𝗔:
🚫Pagsasagawa ng mga pagsamba dahil sa araw ng Ashura, tulad ng Qiyamol Layl o Tahajjud, pagsa-sadaqah, pagbasa ng Surah na nabanggit dito ang pangalan ni Musa sa Fajr ng Ashura.

🚫Pagbisita sa mga libingan sa araw ng Ashura.
- Paghahanda ng mga pagkain dahil sa araw ng Ashura, tulad ng pagluluto na labas sa nakasanayan, o pagkatay.

🚫Pagbibigay ginhawa sa pamilya sa araw ng Ashura, dahil bibigyan daw siya ni Allah ng ginhawa sa buong taon.

🚫Paliligo dahil sa araw ng Ashura, dahil hindi daw siya magkakasakit sa buong taon.

🚫Paglalagay ng Kuhl (eyeliner) sa mga mata sa araw ng Ashura, dahil mapapangalagaan daw ang mga mata sa buong taon.

🚫Pagdadalamhati sa araw ng Ashura, dahil sa araw na ito pinaslang si Al-hussayn na anak ni Ali (RadiyAllahu anhuma).

Ang lahat ng iyan ay walang batayan, bagkus mga kasinungalingan. Sinabi ni Shaykhol Islam Ibn Taymiyyah (Rahimahullah):
«وَكَمَا يَذْكُرُونَ فِي فَضَائِلِ عَاشُورَاءَ... وَكُلُّ هَذَا كَذِبٌ عَلَى رَسُولِ اللَّهِ -صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ-؛ لَمْ يَصِحَّ فِي عَاشُورَاءَ إِلَّا فَضْلُ صِيَامِهِ.» [منهاج السنة النبوية في نقض كلام الشيعة القدرية: 7/39]
“At gayundin na kanilang binabanggit ang mga kainaman ng Ashura… at lahat ng iyan ay pagpapasinungaling sa Rasulullah (SallAllahu alayhi wa sallam); walang wasto (na nabanggit) sa Ashura maliban sa pag-aayuno dito.”

At sinabi naman ni Shaykh Ibn Othaimeen (Rahimahullah) hinggil sa araw ng Ashura:
«وَكَمَا أَنَهُ لَيْسَ فِيهِ شَيْءٌ مِنْ شَعَائِرِ الأَعْيَادِ فَلَيْسَ فِيْهِ شَيْءٌ مِنْ شَعَائِرِ الأَحْزَانِ أَيْضًا؛ فَإِظْهَارُ الحُزْنِ أَوِ الفَرَحِ فِي هَذَا اليَوْمِ كِلَاهُمَا خِلَافُ السُّنَّةِ، وَلَمْ يَرِدْ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِي هَذَا اليَوْمِ إِلَّا صِيَامُهُ.» [مجموع فتاوى ورسائل العثيمين: 2/297]
“At tulad ng wala sa araw na ito ang anumang diwa ng pagdiriwang, ay wala rin dito ang anumang diwa ng mga pagdadalamhati. At ang paghayag ng pagdadalamhati o pagsasaya sa araw na ito ay pawang salungat sa Sunnah. At walang nabanggit hinggil sa Propeta (SallAllahu alayhi wa sallam) sa araw na ito maliban sa pag-aayuno dito.”

والله أعلم.

Masjid Al-Akhdar UpdateCelling Installation doneAlhamdulillahAng Inyo pong Abang Lingkod Sahibel K. Balahim ay taus puso...
06/07/2024

Masjid Al-Akhdar Update

Celling Installation done

Alhamdulillah

Ang Inyo pong Abang Lingkod Sahibel K. Balahim ay taus pusong nagpapasalamat sa lahat ng MGA Mutabarriin/Donors specially Kay Shaykh Abdulllah na pinadaan Kay Ustadh Sufyan head ng Human development Foundation, at ganun din Kay Brother Saimon Asda, at saating MGA Muslims brother mula SA SAKBAH Riders group, at lahat Ng ating MGA Jama'ah na patuloy sumusuporta para SA kaayusan Ng ating Masjid Alhamdulillah.

Barakallahu feykum Pagpalain nawa kayo ng Allah at tanggapin nawa Ng Allah Mula sainyo ang anumang inyong naiambag.

06/07/2024

📌Mga Karapatan Ng Allah

عَن أَبي ثَعْلبةَ الْخُشَنِيِّ جُرثُومِ بنِ ناشرٍ -رضي الله عنه- عَن رسولِ اللهِ ﷺ قالَ: { إنَّ اللهَ تَعَالى فَرَضَ فَرَائِضَ فَلاَ تُضَيِّعُوهَا، وَحَدَّ حُدُودًا فَلاَ تَعْتَدُوهَا، وَحَرَّمَ أَشْيَاءَ فَلاَ تَنْتَهِكُوهَا، وَسَكَتَ عَنْ أَشْيَاءَ رَحْمَةً لَكُمْ غَيْرَ نِسْيَانٍ فَلاَ تَبْحَثُوا عَنْها }. حديثٌ حسنٌ رواه الدَّارَقُطْنِيُّ وغيرُه.

🔰 Pagsasatitik

‘An Abi Tha’laba al-khusani Jurthum bn Náshir [radiyallahu anhu] Qála: Qála Rasulullah [sallallahu ‘alayhi wasallam]: “Innallaha ta’ala farada’ fará-ida fala tudayyi’úha, wa hadda hudúdan fala ta’tadúha, wa harrama ashyā-a falá tantahikúha, wa sakata an ash’ya’a rahmatan lakum min gayri nisyánin fala tabhathú anha.” Hadith hasan, rawahu Addar-Qutni wa gayruhu

🔰 Kahulugan ng Hadith
Mula kay Abu Tha’laba al-khusani ibn nashir [kalugdan siya ni Allah]: sinabi ng sugo ni Allah [sallallahu ‘alayhi wasallam]: “Katotohanang isinabatas ni Allah ang mga obligadong gawain (tungkulin sa Relihiyon), kaya huwag itong pabayaan, at naglagay sa bawat batas ng hangganan kaya h’wag itong labagin (lagpasan), at may mga bagay siyang ipinagbawal kaya huwag ito suwayin , at may mga bagay na hindi niya binanggit dahil sa habag para sa inyo at hindi dahil sa pagkalimot, kaya huwag mo silang halungkatin.”, Ang Hadith ay hasan, Inulat ni Addar-qutni at ng iba.

🔰 Pangkalahatang Paliwanag ng Hadith
Ang Hadith ay isang katibayan at saligan sa pagsasabatas ni Allah sa kanyang mga ipinag-utos at ipinagbawal.

🔰Ilan SA mga Mapupulot na Aral

✅1. Ang Hadith ay nagpapahayag na si Allah lamang ang nagsasabatas, kaya siya ang nag-uutos ng kautusan, at siya din ang nagbabawal ng kasamaan, tulad ng sinabi ng mahal ng Propeta [sallallahu ‘alayhi wasallam]:“ Katotohanang isinabatas ni Allah ang mga obligadong gawain (tungkulin sa Relihiyon)”

✅2. Ang kautusang pangalagaan ang mga kautusan ni Allah at ang pagsasabuhay ng mga ito, dahil kanyang ipinagbawal na ito’y pabayaan at kaligtaan, kagaya ng sinabi ng mahal na Propeta [sallallahu ‘alayhi wasallam] sa Hadith: “Katotohanang isinabatas ni Allah ang mga obligadong gawain, kaya huwag itong pabayaan.”

✅3. Ang kautusang iwasan ang mga ipinagbawal ni Allah, at h'wag itong labagin at h'wag lumagpas sa mga hangganang itinakda niya, maging sa kanyang ipinag-utos o ipinagbawal, at gayun din sa mga bagay na kanyang ipinahintulot (Mubáh) na hindi marapat lumagpas sa hangganan nito, sa pamamagitan ng hindi pagmamalabis sa pagtangkilik sa mga Mubáh na magreresulta o magdudulot ng Haram.

✅4. Ang anumang hindi binanggit ni Allah kung ito ba'y ipinahintulot o ipinagbawal ay ang hatol nito ay maaaring gawin dahil ang orihinal na hatol sa mga bagay (mga pagkain,inumin at pangangakalal) ay ipinahintulot na kainin o gawin (Mubah o Já-iz), kagaya ng nabanggit sa Hadith:
“May mga bagay siyang ipinagbawal kaya huwag suwayin ito, at may mga bagay na hindi niya binanggit dahil sa habag para sa inyo at hindi dahil sa pagkalimot, kaya huwag mo silang halungkatin.”
At dapat tandaan na ang tinutukoy dito ay ang mga bagay na may kaugnayan sa mga pagkain,inumin at pangangalakal, na kung saan ang orihinal na hatol ng mga ito ay Mubáh, at hindi nya nasasaklaw ang mga gawaing pagsamba tulad ng pagsasalah o pag-aayuno at ibp., dahil ang pamantayan o orihinal na panuntunan sa pagsamba ay ipinagbawal, na ang ibig sabihin ay hindi maaaring gumawa ng pagsamba liban sa pagsambang ipinag-utos ni Allah at ng kanyang sugo.

✅5. Ang Hadith ay nagpapahiwatig ng lubos na habag at awa ni Allah sa kanyang pagsasabatas, ito'y ayon sa sinabi ng mahal ng Propeta [sallallahu ‘alayhi wasallam]: “at may mga bagay na hindi niya binanggit dahil sa habag para sa inyo…”, nangangahulugan lamang na ang pagsasabatas ni Allah ay naglalaman ng habag, sapagkat ang gantimpala ay mas higit kaysa sa paggawa nito, na kung saan ang isang mabuting gawa ay katumbas ng sampung kabutihan hanggang pitong daang kabutihan, na katulad ng nabanggit sa ibang Hadith.

🤲Naway pagkalooban Tayo ni Allah Ng Tamang Pag-unawa SA Qur'an at SUNNAH at Biyayaan niya Tayo Ng pagsasabuhay nito.

_____________________________________________
📚40 Hadith Tinipon Ni Imaam An-Nawawy Salin SA Filipino ni Shaykh Abu Haneen Ibn Abdullah (Hafidhahullah)

05/07/2024

📌ASSALAMU ALAYKUM WARAHMATULLAHI WABARAKATUH.

Bismillahi, walhamdulillah

📢Pabatid po mula SA Inyong Abang Lingkod Sahibel Balahim,

Sa lahat po Ng MGA Jama'ah Ng Masjid Al-Akhdar Brgy. Bagong Silang Puerto Princesa City, ay magkakaroon po tayo ng MEETING bukas Pagkatapos Ng Salatul-Maghrib Araw Ng Sabado July 6, 2024..

Atin pong pag-uusapan ang pagtatapos Ng Aking termino/Pamumuno SA taong ito dito saating Masjid.

Hihiling po Ng inyong Abang Lingkod Sana po makadalo ang lahat ng MGA Jama'ah SA pagpupulong na ito gantimpalaan nawa kayo ng Allah marami pong salamat.

Barakallahu fiykum.

02/07/2024

ٱتۡلُ مَآ أُوحِيَ إِلَيۡكَ مِنَ ٱلۡكِتَٰبِ وَأَقِمِ ٱلصَّلَوٰةَۖ إِنَّ ٱلصَّلَوٰةَ تَنۡهَىٰ عَنِ ٱلۡفَحۡشَآءِ وَٱلۡمُنكَرِۗ وَلَذِكۡرُ ٱللَّهِ أَكۡبَرُۗ وَٱللَّهُ يَعۡلَمُ مَا تَصۡنَعُونَ

📕Tagalog | Ahmad Jibreel Salas
45. Bigkasin mo [O Muhammad] ang anumang ipinahayag sa iyo sa Aklat, at magsagawa ng pagdarasal. Katotohanan, ang pagdarasal ay pumipigil sa mga kahalayan at kasamaan. At katiyakan ang pag-alaala sa Allah ay higit na dakila. *8 At ang Allah ay nakababatid sa anumang inyong mga ginagawa.

📕English | Muhsin Khan
45. Recite (O Muhammad SAW) what has been revealed to you of the Book (the Quran), and perform As-Salat (Iqamat-as-Salat). Verily, As-Salat (the prayer) prevents from Al-Fahsha' (i.e. great sins of every kind, unlawful sexual in*******se, etc.) and Al-Munkar (i.e. disbelief, polytheism, and every kind of evil wicked deed, etc.) and the remembering (praising, etc.) of (you by) Allah (in front of the angels) is greater indeed [than your remembering (praising, etc.) Allah in prayers, etc.]. And Allah knows what you do.

📕At-Tafsir Al-Muyassar
اتل ما أُنزل إليك من هذا القرآن، واعمل به، وأدِّ الصلاة بحدودها، إن المحافظة على الصلاة تنهى صاحبها عن الوقوع في المعاصي والمنكرات؛ وذلك لأن المقيم لها، المتمم لأركانها وشروطها، يستنير قلبه، ويزداد إيمانه، وتقوى رغبته في الخير، وتقل أو تنعدم رغبته في الشر، ولَذكر الله في الصلاة وغيرها أعظم وأكبر وأفضل من كل شيء. والله يعلم ما تصنعون مِن خيرٍ وشر، فيجازيكم على ذلك أكمل الجزاء وأوفاه.
_____________________________________________
📖Al-'Ankaboot | Qur'an Chapter 29

02/07/2024

📌Nakapasok SA Paraiso at Imperyerno dahil SA Langaw

Isang tao ang nakapasok sa Paraiso dahil sa isang langaw, habang ang isa naman ay nakapasok sa Impiyerno dahil din sa isang langaw.

Iniulat mula kay Tariq Ibn Shihab (radiyallahu anhu) na ang Propeta ﷺ ay nagsabi: "Ang isang tao ay nakapasok sa Paraiso dahil sa isang langaw, habang ang isa naman ay nakapasok sa Impiyerno dahil sa isang langaw."
Nagtanong sila (mga Sahabah radiyallahu anhum): "Paano naging posible iyon, oh, Sugo ni Allah?"
Siya ay sumagot: "Dalawang lalaki ang dumaan sa isang bayan na may diyus-diyosan, na hindi pinahihintulutan ang sinuman na dumaan nang hindi nag-aalay dito. Sila (ang mga tao) ay nagsabi sa unang lalake: "Mag-alay ka (ng isang bagay)." Siya ay nagsabi: "Wala akong maipang-aalay." Sila ay nagsabi: "Mag-alay ng isang bagay, kahit na ito ay isang langaw lamang." at ginawa niya ito, at pinahintulutan nila siyang magpatuloy sa kanyang paglalakbay at kaya siya ay nakapasok sa Impiyerno.

Pagkatapos ay sinabi nila sa pangalawang lalake: "Mag-alay ka (ng isang bagay)." Ngunit sinabi niya: "Hindi ako mag-aalay ng anuman maliban kung ito ay para kay Allah, ang Makapangyarihan sa lahat," kaya't hinampas nila ang kanyang leeg (at siya ay namatay) at nakapasok sa Paraiso."
[Hadith na Sahih. Isinalaysay ni Ahmad]

Ang Hadith na ito ay sapat na upang patunayan ang panganib na resulta ng pag-aalay ng hayop para sa iba maliban kay Allah. kung ang isang tao ay nakapasok sa Impiyerno sa pamamagitan ng pag-aalay lamang ng isang langaw, ano pa kaya ang mangyayari sa mga nag-aalay ng malalaking hayop tulad ng baka.

Ang pag-aalay (pagkatay) ay kailangang para lamang kay Allah at wala nang iba pa.

_____________________________________________
📕Da'wah Assistant

02/07/2024

📌Ang Deen ay pagpapayuhan

عَنْ أَبِيْ رُقَيَّةَ تَمِيْم بْنِ أَوْسٍ الدَّارِيِّ- رضي الله عنه- أَنَّ النبي صلى الله عليه وسلم قَالَ:{الدِّيْنُ النَّصِيْحَةُ قُلْنَا: لِمَنْ يَارَسُولَ اللهِ ؟ قَالَ: للهِ،ولكتابه، ولِرَسُوْلِهِ، وَلأَئِمَّةِ المُسْلِمِيْنَ، وَعَامَّتِهِمْ} رواه مسلم

🔰 Pagsasatitik

‘An Abi Ruqayyah Tameem Ibni Awsin ad Dáriyyi [radiyallahu ‘anhu] annan Nabiyya [sallallahu ‘alayhi wa sallam] Qāla: “Addénu nnasíhah”, qulná, ‘liman yá rasulallah?’, Qāla: “lillahi, wa likitābihi, wa lirasuulihi, wa li a’immatil muslimeen, wa ‘ámmatihim.” Rawaahu Muslim

🔰 Kahulugan ng Hadith

Mula kay Abi Ruqayyah na si Tameem ibn Aws ad Dáriy [kalugdan siya ni Allah] na sinabi ng Propeta Muhammad [sallallahu ‘alayhi wa sallam]: “Ang Relihiyon ay ang katapatan (dalisay at tunay na payo)”, aming sinabi: ‘para kanino O Sugo ni Allah?’, kanyang sinabi: “para kay Allah, sa kanyang Aklat, sa kanyang Sugo, sa mga pinuno ng mga Muslim, at para sa bawat muslim.” Naiulat ni Muslim

🔰 Pangkalahatang Paliwanag ng Hadith

Ang Hadith ay naghihikayat at naghihimok tungo sa pagpapayuhan sa isa’t isa, at ito’y bahagi ng pananampalatayang Islam.

🔰 Mapupulot na Aral

✅1. Kahalagahan ng Naseehah (pagpapayuhan) sa isa't isa.
At ito'y ayon sa sinabi ni Propeta Muhammad [sallallahu ‘alayhi wa sallam]: “Addeenun naseehah” na kung saan ito ay ibinilang niya sa Deen (pananampalataya).

✅2. Kahusayan ng Propeta Muhammad [sallallahu ‘alayhi wa sallam] sa pagtuturo o pagbibigay kaalaman na kung saan siya ay nagbabanggit muna ng maiksing salita bilang kabuuan nito at pagkaraan ay kanyang binibigyan ng detalyado ang kahulugan nito.

✅3. Pagpupunyagi ng mga Sahábah sa pagsasaliksik ng kaalaman [radiyallahu ‘anhum], na kung saan sila'y hindi nag-iwan ng anumang bagay na kinakailangang maunawaan ng iba maliban na lamang na kanila itong itinatanong.
Kabilang na rito ay tulad halimbawa noong binanggit ni Propeta Muhammad [sallallahu ‘alayhi wa sallam] ang tungkol kay Dajjaal na kung saan siya ay mananatili dito sa mundo ng apat na araw, at ang unang araw ng kanyang pananatili ay katumbas ng isang taon, pagkatapos tinanong ng kanyang kasamahan ang Propeta (sallallahu ‘alayhi wa sallam): ‘ang araw ba na ito na kanyang pananatili na katumbas ng isang taon ay sapat na ba sa amin dito ang salah (pagdarasal) sa isang araw?’ [Muslim]
Isang palatandaan lamang na sila'y masigasig sa pagkakaroon ng kaalaman.

✅4. Pagpapauna o pag-uumpisa sa kung ano ang higit na mahalaga, ito'y ayon sa kung papaano inumpisahan ng Propeta [sallallahu ‘alayhi wa sallam] ang higit na mahalaga, kaya naman inumpisahan niya sa Naseehah para kay Allah, at pagkatapos sa kanyang Aklat, sa kanyang Sugo [sallallahu ‘alayhi wa sallam], sa mga pinuno at mga namamahala, at pagkatapos ay sa pangkalahatang mga muslim.

✅5. Kinakailangan ang Naseehah (payo) para sa mga pinuno ng mga muslim sa paraang tama at tugma sa pamamaraan na itinuro ni Propeta Muhammad [sallallahu ‘alayhi wa sallam].

✅6. Nararapat sa Islamikong sambayanan na magkaroon ng Imam (namumuno), at ang pagiging Imam ay maaaring pangkalahatan at maaari naman na ito ay partikular, katulad ng Imam sa Masjid.
At dahil dito, ipinag-utos ng Propeta Muhammad [sallallahu ‘alayhi wa sallam] sa mga manlalakbay na kapag sila'y umabot sa bilang na tatlo pataas ay dapat mamumuno ang isa sa kanila upang sila ay hindi magkaroon ng pagkakasalungatan.
At ang nakatalagang ameer (pinuno) sa paglalakbay ay obligado ang pagsunod sa kanya sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang paglalakbay.

Naway pagkalooban Tayo Ng Allah Ng tamang pag-unawa SA Qur'an at SUNNAH at dagdagan niya saatin ang ating kaalaman SA Islam🤲

_____________________________________________
📕40 Hadith na Inipon Ni Imaam An-Nawawy salin SA Filipino ni Shaykh Nasrodin Abdullah (Hafidhahullah)

01/07/2024

📌"Ang Mundo ay daan lamang tungo SA kabilang buhay

عَنْ أَبِي مُحَمَّدٍ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عَمْرِو بْنِ الْعَاصِ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا، قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ ﷺ : {لَا يُؤْمِنُ أَحَدُكُمْ حَتَّى يَكُونَ هَوَاهُ تَبَعًا لِمَا جِئْتُ بِهِ}. حَدِيثٌ حَسَنٌ صَحِيحٌ، رَوَيْنَاهُ فِي كِتَابِ "الْحُجَّةِ" بِإِسْنَادٍ صَحِيحٍ.

🔰 Pagsasatitik

‘An Abi Muhammad Abdullah ibn Am’r ibn A’s [radiyallahu anhuma] Qála: qala Rasulullah [sallallahu ‘alayhi wasallam]: “La yu’minu ahadukum hatta yakúna hawáhu tab’an lima ji’tu bihi.” Hadithun hasan sahih, rawainahu fi katib “ Al-hujja” bi’isnad sahih.

🔰 Kahulugan ng Hadith
Mula kay Abu Muhammad na si Abdullah Ibn ‘Amr ibn al-‘As [radiyallahu anhuma]: Sinabi ng sugo ni Allah [sallallahu ‘alayhi wasallam]: “Hindi magiging ganap ang panananampalataya ng bawat isa sa inyo hangga’t hindi umalinsunod ang kanyang kagustuhan (pagnanais) sa aking ipinarating (na katuruan)”.
Maganda at matatag na hadith na aming inulat mula sa aklat na “al-hujja” na may matatag na pinanggalingang autoridad.

🔰 Pangkalahatang Paliwanag ng Hadith
Ang Hadith ay isang saligan at katibayan na ang isang muslim ay nararapat at obligadong sumunod sa anumang katuruan na ipinarating ng mahal na Propeta Muhammad [sallallahu ‘alayhi wasallam], at i-alinsunod ang kanyang sariling kagustuhan sa kung anong ipinarating ng Rasulullah [sallallahu ‘alayhi wasallam].

🔰 Mapupulot na Aral
✅1. Hindi magiging ganap ang Íman (pananampalataya) ng isang tao kung ang kanyang sariling kagustuhan ay hindi umalinsunod sa kung anong ipinarating ng mahal na Propeta [sallallahu ‘alayhi wasallam], at ito ang Relihiyong Islam, na ang ibig sabihin ay nararapat sa isang muslim na kanyang ialinsunod ang kanyang sariling kagustuhan sa kung ano ang ikalulugod ni Allah.

✅2. Ang mahalin ang sinumang minamahal at kinaluluguran ni Allah at ng kanyang sugo ay tanda ng ganap na pananampalataya ng isang alipin.

✅3. Ang pagkapoot o pagkamuhi sa anumang katuruan at gabay na ipinarating ng mahal na Propeta [sallallahu ‘alayhi wasallam] ay kabilang sa nagpapawalang bisa o sumisira sa pananampalataya ng isang muslim, at ito'y palatandaan ng Nifák (pagkukunwari).

✅4. Obligadong gawin ang gabay at katuruan ng mahal na Propeta [sallallahu ‘alayhi wasallam] bilang saligan at tagahatol sa lahat ng aspeto ng ating buhay, at nararapat na ito’y tanggapin nang taos puso.

✅5. Ang Hadith ay nagbabawal na kunin at panghawakan ang pananaw o salita ng iba bilang kapalit sa katuruan ng mahal na Propeta [sallallahu alaihi wasallam].

✅6. Nararapat tanggapin nang lubos at taos puso ang pagsasabatas ni Allah at ng kanyang sugo.
Sinabi ni Allah sa Qur-an:
}وَمَا كَانَ لِمُؤۡمِنٖ وَلَا مُؤۡمِنَةٍ إِذَا قَضَى ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥٓ أَمۡرًا أَن يَكُونَ لَهُمُ ٱلۡخِيَرَةُ مِنۡ أَمۡرِهِمۡۗ وَمَن يَعۡصِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ فَقَدۡ ضَلَّ ضَلَٰلٗا مُّبِينٗا{
{at hindi nararapat para sa isang naniniwala, lalaki o babae na kapag si Allah at kanyang sugo ay magpasya ng isang bagay , sila ay may iba pang pagpipilian sa kanilang gawain, at sinuman ang sumuway kay Allah at sa kanyang sugo, katiyakan na siya ay nasadlak sa hayag na pagkaligaw.} [surah Ahzab: 36].

✅7. Obligadong panghawakan ang katibayan mula sa Qur’an at Hadith ng mahal na Propeta [sallallahu ‘alayhi wasallam] kaysa sa kaisipin (Lohikang pangangatwiran o Logical Basis) kung magkaroon man ng pagkakasalungatan ang ating pag-unawa sa ilang usapin sa Islam.

✅8. Ang Hadith ay nagpapahayag na ang Iman ng tao ay nadadagdagan (lumalakas) sa pamamagitan nang patuloy na pagsunod kay Allah, at nababawasan (humihina) sa pamamagitan ng pagsuway kay Allah, at ito ang pananaw ng Ahlul Sunnah wal-jama’ah, na taliwas sa ibang sekta tulad ng Mur’jiah at Khawarij o Mu’tazila na kanilang pinaniniwalaan na ang Iman ay hindi nababawasan at hindi nadadagdagan.

____________________________________________
📕40 Hadith Inipon ni Imaam An-Nawawy salin SA Filipino ni Shaykh Nasrodin Abdullah (Hafidhahullah)

Masjid Al-Akhdar UpdateDay 7Celling InstallationAlhamdulillah
01/07/2024

Masjid Al-Akhdar Update

Day 7

Celling Installation

Alhamdulillah

Masjid Al-Akhdar UpdateDay 5Celling & Electrical Installation Alhamdulillah
30/06/2024

Masjid Al-Akhdar Update

Day 5

Celling & Electrical Installation

Alhamdulillah

Address

Puerta Princesa

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Masjid al-akhdar Puerto Princesa City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share