25/05/2026
Hermanos at Hermanas!
Kami po ay muling kumakatok sa inyong mga puso para sa ating Local FYS ng Centro La Ciencia Y El Amor na si Hmna. Haylee Ysabel Munlawin. Siya po ay kasalukuyang naka-admit sa isang pribadong ospital dito sa Tacurong City dahil sa abdominal infection at patuloy pa ring inoobserbahan.
Mangyari lamang po na padalhan natin siya ng fluidos mula sa ating mga talaytayan, gayundin ang ating taimtim na mga panalangin para sa kanyang agarang paggaling.
Para naman po sa inyong tulong-pinansiyal—anumang halaga ay napakalaking tulong na para sa kanyang hospital bills—maaari ninyo pong i-SCAN ang GCash QR Code ni Hmno. Akieko Yhum Munlawin. Maaari rin kayong direktang magmensahe sa kanya o kay Hmna. Roxy Villanueva Rodriguez-Claveria.
Maraming salamat po, at pagpapalain ng Diyos ang bawat isa.