11/05/2026
Holy Communion Service!
📖 Title: The Product of your labor!
📜 Text: 1 Corinthians 15:58
🎤 Presider:/Emcee: Bro J**s
🎶 Worship Leader: Bro Reden
🗣️ Speaker: Ptr. Milver Dacasin
1 Corinthians 15:58
“Therefore, my beloved brethren, be steadfast, immovable, always abounding in the work of the Lord, knowing that your labor is not in vain in the Lord.”
Last May 3, during our Holy Communion, God reminded us that every sacrifice, every act of obedience, every silent prayer, and every labor done for Him carries eternal value.
Maaaring may mga panahong parang hindi napapansin ang ating ginagawa ang paglilingkod, pagtitiis, pag-aalaga, pagdarasal, at patuloy na pagsunod sa Diyos. Pero pinaaalalahanan tayo ng Panginoon na walang kahit isang luha, sakripisyo, o pagpapagal para sa Kanya ang nasasayang. Lahat ng ginagawa natin para sa Kanya ay may bunga sa tamang panahon.
1. Labor of Your Kindness
Ang bawat kabutihang ginagawa mo—kahit walang nakakakita, kahit walang kapalit—ay nakikita ng Diyos.
Ang simpleng pagtulong, pagdamay, at pagiging mabait ay maaaring maging sagot sa panalangin ng ibang tao.
Hindi man ito ma-appreciate ng lahat, pero ginagamit ito ng Diyos para magdala ng pag-asa at pag-ibig.
2. Labor of Your Obedience
Hindi madaling sumunod sa Diyos lalo na kapag mahirap, masakit, o hindi naiintindihan ng iba.
Pero ang obedience ay never wasted.
Sa bawat tahimik mong “Yes Lord,” may ginagawa ang Diyos sa puso mo at sa buhay ng iba.
Ang pagsunod ay maaaring may sakripisyo ngayon, pero laging may bunga at pagpapala sa tamang panahon.
3. Labor of Your Love
Ang tunay na pagmamahal ay may kasamang sakripisyo, pagtitiis, at consistency.
Kapag nagmamahal tayo gaya ng pagmamahal ni Cristo—sa pamilya, ministry, at kapwa—maaaring mapagod tayo, pero hindi ito useless. Love offered to God will always produce eternal impact.
Kaya huwag tayong manghina sa paggawa ng mabuti.
Huwag tayong tumigil magmahal, sumunod, at maglingkod.
Dahil ang Diyos ay hindi bulag sa ating pagpapagal.
One day, makikita natin ang “product of our labor” — mga pusong nabago, buhay na naitama, at kaluwalhatiang naibigay sa Diyos.
Every labor surrendered to God will never return empty.
Church: JBK-Family Christian Church
Location: Zone 1: Brgy. Rosario, Pozorrubio, Pangasinan
Time: 8:00am onwards