Fatima - FMG Mosque Porac Pampanga

Fatima - FMG Mosque Porac Pampanga Masjid Fatima aims to spread the knowledge & love of Allah between individuals in order to attain a good life through the Qur'an and Sunnah.

14/10/2022

🌱Isang Munting Paalala na magbibigay sa atin ng Inspirasyon ngayong Araw ng JUM'UAH

"KALAGAYAN NG ISANG MU'MIN, LAHAT AY KABUTIHAN"

Sinabi ng Propeta sumakanya nawa ang pagpapala ng ALLAH at kapayapaan :

(عَجَبًا لأَمْرِ المُؤْمِنِ، إنَّ أمْرَهُ كُلَّهُ خَيْرٌ، وليسَ ذاكَ لأَحَدٍ إلَّا لِلْمُؤْمِنِ، إنْ أصابَتْهُ سَرَّاءُ شَكَرَ، فَكانَ خَيْرًا له، وإنْ أصابَتْهُ ضَرَّاءُ، صَبَرَ فَكانَ خَيْرًا له.) رواه مسلم في صحيحه

( Kahanga hanga ang kalagayan ng isang mananampalataya, katutuhanan na ang kanyang kalagayan ay lahat mabuti, at hindi iyon nangyayari sa kahit na sino man, maliban sa isang mananampalataya kapag nakatanggap siya ng nakakapagpasaya sa kanya ay nagpapasalamat siya at iyon ay mabuti para sa kanya , at kapag nakatanggap siya ng pagsubok -kapinsalaan - ay nagtitimpi siya at iyon ay mabuti para sa kanya ) Iniulat ni Muslim sa kanyang Saheeh.

📌❗Binigyang-diin ng Batas ng Islam ang pagdalo sa Salaah sa Jumu`ah bilang tungkulin at nagbigay-babala sa pagpapakaabal...
08/09/2022

📌❗
Binigyang-diin ng Batas ng Islam ang pagdalo sa Salaah sa Jumu`ah bilang tungkulin at nagbigay-babala sa pagpapakaabala dahil sa karangyaan ng mundong ito. Ang Kataas-taasang (Allah) ay nagsabi: {O kayong mga naniwala, kapag [ang Adhan ay] tinawag na para sa pagdarasal sa araw ng Jumu’ah [Biyernes], inyong simulan ang pag-alaala sa Allah at [pansamantalang] lisanin ang pamilihan [o palitan ng kalakalan]. Iyan ay higit na mabuti para sa inyo, kung ito ay inyo lamang nababatid!}. Al-Jumu`ah (62): 9

At binigyang babala ang sinumang lumiliban at hindi dumadalo rito na wala namang lehitimong dahilan na ang kanyang puso ay tatakpan [o lalagyan ng takip]. Sapagka’t sinabi niya r : “Sinuman ang tumalikod [o lumiban] nang tatlong Jumu`ah nang walang sapat na dahilan ay papasakan [ tatakpan] ng Allah ang kanyang puso”. (Abu Daud: 1052 – Ahmad: 15498).

Ang kahulugan ng papasakan ng Allah ang kanyang puso: Ibig sabihin ay tatatakan ito at tatakpan sa kanya, at itatalaga rito ang pagkamangmang at kasiraan, katulad ng puso ng mga mapagkunwari at mga suwail. At ang kadahilanan na ipinahihintulot sa hindi pagdalo sa Jumu`ah: Lahat ng maaaring magdulot sa iyo rito ng matinding pagpapahirap na hindi pangkaraniwan, o kinatatakutan dito ang malubhang pinsala sa kanyang kabuhayan at kalusugan.



Assalamu'alaykum warahmatullahi wabarakatuhu.🤝📌JUMM'UAH BUKAS✅ Maligo, magpabango at magsuot nang iyong pinakamainam na ...
21/07/2022

Assalamu'alaykum warahmatullahi wabarakatuhu.🤝

📌JUMM'UAH BUKAS

✅ Maligo, magpabango at magsuot nang iyong pinakamainam na damit.

✅AGAHAN ang pagpunta ng Masjid. Mag-Salah doon ng mga sunnah na salah (mutlaqah), kahit ilang Rakah, mag Tasleem kada 2 Rakah.

✅Basahin ang Surah Al-Kahf (Chapter 18 ng Qur'ān).

✅Paramihin ang Ṣalawāt sa Nabi ﷺ.

✅Paramihin du'a lalo na sa Oras ng Asr hanngang Maghribh.

✅ HUWAG magpahuli upang makapakinig ng Khutba at makapag Salah.

✅Kung dumating habang nagkukutba Ang Imam ay huwag agad umupo bagkus mag Tahuyatul Masjid( Magsalah Ng dalawang Rakah bago Umupo)

✅Magbatian Ng Kapayapaan sa bawat Isa.🤝

23/06/2022

ANG PANALANGIN SA ARAW NG BIYERNES "Jumuah" AY TINATANGGAP "hindi matatanggihan"❗

👉 May dalawang panahon sa araw ng Biyernes na kapag siya ay hihiling (manalangin) kay Allah ng anumang kahilingan ay tatanggapin ang kanyang kahilingan, ito ay sa:

1- Panahon ng pag-upo ng Imam para magsagawa ng Khutbah hanggang sa matapos ang Salah

2- Panahon ng pagkatapos ng dasal ng Asar hanggang sa paglubog ng araw❗

Sinabi ng mahal na Propeta: "Napapaloob sa araw ng Biyernes ang isang panahon na kapag napatapat ang isang Muslim na nagdasal at nanalangin kay Allah maliban na lamang na ibibigay sa kanya ang kanyang kahilingan"

PAALAALA:

♦️Saan man sa dalawang panahon magsagawa ng Dua ang tao ay pawang tatanggapin ang kanyang Dua dahil ang parehong kalagayan ay may naiulat mula sa authentic na Hadith Ngunit, ang pinaka malakas sa dalawa ay ang pangalawang kalagayan (after Asar)❗.

♦️ Maaari magsagawa ng dua ang tao na kahit anuman ang kanyang kalagayan o kahit hindi sa panahon ng Salah tulad ng sa loob ng sasakyan, nasa pamilihan, nakatayo man o nakaupo etc..

Pinagkuhanan sa usapin:

روى البخاري (5295) ومسلم (852) : " فِي الْجُمُعَةِ سَاعَةٌ لَا يُوَافِقُهَا عَبْدٌ مُسْلِمٌ قَائِمٌ يُصَلِّي فَسَأَلَ اللَّهَ خَيْرًا إِلَّا أَعْطَاهُ "

27/05/2022

🌱PARA KANG NAG-AYUNO AT NAGTAHAJJIUD NG ISANG TAON‼

👉 Ninanais mong magkaroon ng gantimpala na katulad ng isang taon na pagsagawa ng Ayuno at Tahajjiud??!

Gawin mo lamang ito sa araw ng Biyernes (Jumuah)

"MALIGO, MAAGANG PUMUNTA SA MASJID AT MAKINIG NG KHUTBAH"‼

👉Sinabi ng mahal na Propeta (sumakanya ang kapayapaan): "Sinuman ang naghugas o naligo sa araw ng Jumuah, muli siya ay maagang tumungo sa masjid (sa unang oras nito), siya ay naglakad at hindi sumakay.
Muli siya ay umupo na malapit sa Imam at nakinig ng Khutbah at hindi nagsalita o gumawa ng hindi mainam, katunayan sa bawat hakbang niya ay gagantimpalaan ng isang taon na pagsagawa ng ayuno at Tahajjiud" Inulat ni Imam Abu Dawood

Paalaala:
Sikapin nating gawin ito dahil napakalaki ang gantimpala na makakamit❗

Pinagkuhanan sa usapin:

حديث: "من غسَّلَ يومَ الجمعةِ واغتسلَ ثمَّ بَكَّرَ وابتَكرَ ومشى ولم يرْكب ودنا منَ الإمامِ فاستمعَ ولم يلغُ كانَ لَهُ بِكلِّ خطوةٍ عملُ سنةٍ أجرُ صيامِها وقيامِها "صححه الألباني في صحيح أبي داود (345)

✍️ Zulameen Sarento Puti

07/04/2022

It's FRIDAY.
1st Jummuah for this Month of Ramadhan.

Today will be full of good news and blessings. In sha Allah. May Allah accept your secrets prayers and make you happy. 💞☝️

25/01/2022
10/12/2021

ANG PAGLIGO SA ARAW NG JUMMU'AH- BYERNES
✍️Sheikh Amer Ibn ali Pundogar

📌💡
◾ Ang paliligo sa araw ng Jumuah ay tangi lamang sa mga dadalo ng Salatol Jumuah, babae man o lalake, maging ang mga bata, at mga naglalayag. Iyan ay nabanggit ni Nawawiy at naisalaysay ni Baihaqiy.

◾ Hinggil naman sa kung ito ba ay obligado o hindi, ay ang pananaw ng Jumhur (karamihan) sa mga Ulama ay hindi obligado, subalit ito ay Sunnah Muakkadah.

◾ Mag-uumpisa ang oras ng paliligo sa araw ng Jumuah sa Fajr, at hindi maikukunsidera bago ang Fajr, batay rin iyan sa Jumhur.

◾ Ang mainam na oras nito ay kapag pupunta na sa masjid upang mag-salah ng Jumuah.

◾ Maaaring pag-isahin ang ligo para sa Janabah at ligo para sa Salatol Jumuah. Iyan ay napagkasunduan ng apat na Madh-hab, bagkus ito ay Ijma' (napagkaisahan) ayon kay Ibn Abdil Bar at Ibn Qudamah.

Halimbawa: Sinuman ang magising sa araw ng Jumuah na siya ay nasa Hadath na malaki (Junub), o kaya ay natulog matapos ang Fajr at siya ay nagising na junub, ay maaaring isang ligo lang ang isagawa, na ang niyyah (intensyon) ay ang dalawa, ang ligo para sa pagtanggal ng Janabah, at ligo para sa pagdalo ng Salatol Jumuah.

◾ Hindi na uulitin ang ligo para sa Salatol Jumuah kung matapos itong isagawa ay nalagay sa Hadath, malaki man o maliit na Hadath. Iyan nabanggit ni Ibn Qudamah at Nawawiy.

Halimbawa: Naligo ng maaga para sa Salatol Jumuah, at nalagay sa Hadath na malaki, ay hindi na uulitin ang ligo para sa Salatol Jumuah, subalit kailangang maligo upang matanggal ang Hadath na malaki.

والله أعلم.

 📌 Ang Allah ay nagwika sa Qur'an tungkol sa Jumu'ah, Kanyang sinabi:يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا نُودِيَ لِ...
11/11/2021

📌


Ang Allah ay nagwika sa Qur'an tungkol sa Jumu'ah, Kanyang sinabi:

يَٰٓأَيُّهَا ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ إِذَا نُودِيَ لِلصَّلَوٰةِ مِن يَوۡمِ ٱلۡجُمُعَةِ فَٱسۡعَوۡاْ إِلَىٰ ذِكۡرِ ٱللَّهِ وَذَرُواْ ٱلۡبَيۡعَۚ ذَٰلِكُمۡ خَيۡرٌ لَّكُمۡ إِن كُنتُمۡ تَعۡلَمُونَ

"O kayong mga naniwala, kapag [ang Adhan ay] tinawag na para sa pagdarasal sa araw ng Jumu’ah [Biyernes], inyong simulan ang pag-alaala sa Allah at [pansamantalang] lisanin ang pamilihan [o palitan ng kalakalan]. Iyan ay higit na mabuti para sa inyo, kung ito ay inyo lamang nababatid!"

Surah Al-Jumu'ah | Qur'ān Chapter 62 : 9

Ayon sa mga Ulama: Ang gantimpala na makakamit sa bawat hakbang ng paglalakad patungo sa Masjid sa Araw ng Jumu’ah na may gantimpala ng isang taong pag-aayuno at Tahajjud ay makakamit mo sa pamamagitan ng pagsagawa ng limang ito batay sa Hadith Sahih ni Aws bin Aws ath-Thaqafi (رضي الله عنه) na nauna ng pinost:

1. Na ikaw ay maligo.
2. Pumunta ka ng maaga sa Masjid.
3. Maglalakad ka patungo sa Masjid (hindi ka sasakay) Maliban sa sobrang layo. at hindi kayang maglakad patungo sa masjid.
4. Uupo ka na malapit sa Imam o khatib na nagbibigay ng khutbah (sermon).
5. Makinig nang maigi sa khutbah, at hindi pag-aabala sa anomang bagay.

Note: Maaari din ang babae na magsa-salah sa Masjid ng Jumu’ah, basta't pinayagan siya ng kanyang asawa o di kaya'y wali, walang fitnah at hindi nagpapabango at nagsusuot nang tamang Hijab, para makapakinig ng mga Aral mula sa Khutba. at mas mainam naman kung ito ay magsasalah sa Bahay (Dhuhur lamang)

Wallahu A'lam.

Address

Brgy Palat Porac
Porac
2008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Fatima - FMG Mosque Porac Pampanga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Fatima - FMG Mosque Porac Pampanga:

Share