PALAT UMC - UMYAF

Directions Contact the place of worship

PALAT UMC - UMYAF U-UNITED
M-METHODIST
Y-YOUNG
A-ADULT
F-FELLOWSHIP

A TRIBUTE TO OUR TEACHER-SERVANTS OF GOD!  HAPPY TEACHERS DAY 🫰🏻Today, the UMYAF family honors all our teacher-members w...
05/10/2026

A TRIBUTE TO OUR TEACHER-SERVANTS OF GOD! HAPPY TEACHERS DAY 🫰🏻

Today, the UMYAF family honors all our teacher-members who tirelessly give their best—not just inside the school gates, but also in our fellowship and church ministry. Thank you for being living examples of passion, discipline, and faith to all.

Being an educator is a noble calling, but choosing to serve God amidst a busy teaching schedule is a true testimony of faith. May the Lord continue to grant you strength, wisdom, and joy in every lesson taught and every life touched. 💙

God bless your dedicated hearts! 🙌✨

"Whatever you do, work at it with all your heart, as working for the Lord, not for human masters." — Colossians 3:23

Ang mga talata mula sa Exodus 20:1-4, 7-9, at 12-20 ay bahagi ng pagbibigay ng Sampung Utos at ng paghahayag ng Diyos ng...
04/10/2026

Ang mga talata mula sa Exodus 20:1-4, 7-9, at 12-20 ay bahagi ng pagbibigay ng Sampung Utos at ng paghahayag ng Diyos ng Kanyang kadakilaan sa Bundok ng Sinai.

Ang mga utos na ito ay hindi lamang patakaran, kundi gabay kung paano mahalin ang Diyos (unang bahagi) at mahalin ang kapwa (pangalawang bahagi) nang may banal na paggalang sa Maykapal.

Sunday School - 1st Sunday of October 2026Sunday School Teacher : Bryan MarceloBible Verse: Exodus 20:1-4, 7-9, 12-20Exo...
04/10/2026

Sunday School - 1st Sunday of October 2026
Sunday School Teacher : Bryan Marcelo
Bible Verse: Exodus 20:1-4, 7-9, 12-20

Exodo 20:1 Ang lahat ng ito'y sinabi ng Diyos:
Exodo 20:2 “Ako si Yahweh, ang iyong Diyos na naglabas sa iyo sa Egipto at nagpalaya sa iyo mula sa pagkaalipin.
Exodo 20:3 “Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.
Exodo 20:4 “Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin.
Exodo 20:7 “Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos. Tiyak na paparusahan ko ang sinumang gumamit nito nang walang kabuluhan.
Exodo 20:8 “Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga.
Exodo 20:9 Anim na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin.
Exodo 20:12 “Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
Exodo 20:13 “Huwag kang papatay.
Exodo 20:14 “Huwag kang mangangalunya.
Exodo 20:15 “Huwag kang magnanakaw.
Exodo 20:16 “Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa.
Exodo 20:17 “Huwag mong pagnanasaang maangkin ang sambahayan ng iyong kapwa: ang kanyang asawa, mga alilang lalaki o babae, mga baka, a**o o ang anumang pag-aari niya.”
Exodo 20:18 Nanginig sa takot ang mga Israelita nang marinig nila ang dagundong ng kulog at tunog ng trumpeta, at makita ang kidlat at ang usok sa bundok. Nanatili silang nakatayo sa malayo.
Exodo 20:19 Nang lumapit sa kanila si Moises, sinabi nila, “Ikaw ang magsalita sa amin at makikinig kami; huwag na ang Diyos at baka kami mamatay.”
Exodo 20:20 Sinabi sa kanila ni Moises, “Huwag kayong matakot, sapagkat sinusubok lang kayo ng Diyos. Nais lang niyang magkaroon kayo ng takot sa kanya sapagkat ayaw niya kayong magkasala.”

Exodo 20:7 “Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos. Tiyak na paparusahan ko ang sinumang gumamit nito nang walang kabuluhan.
Exodo 20:8 “Lagi mong tandaan at ilaan para sa akin ang Araw ng Pamamahinga.
Exodo 20:9 Anim na araw kang magtatrabaho, at tapusin mo ang dapat gawin.

Exodo 20:12 “Igalang mo ang iyong ama at ina. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal sa lupaing ibinibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos.
Exodo 20:13 “Huwag kang papatay.
Exodo 20:14 “Huwag kang mangangalunya.
Exodo 20:15 “Huwag kang magnanakaw.
Exodo 20:16 “Huwag kang sasaksi nang walang katotohanan laban sa iyong kapwa.
Exodo 20:17 “Huwag mong pagnanasaang maangkin ang sambahayan ng iyong kapwa: ang kanyang asawa, mga alilang lalaki o babae, mga baka, a**o o ang anumang pag-aari niya.”
Exodo 20:18 Nanginig sa takot ang mga Israelita nang marinig nila ang dagundong ng kulog at tunog ng trumpeta, at makita ang kidlat at ang usok sa bundok. Nanatili silang nakatayo sa malayo.
Exodo 20:19 Nang lumapit sa kanila si Moises, sinabi nila, “Ikaw ang magsalita sa amin at makikinig kami; huwag na ang Diyos at baka kami mamatay.”
Exodo 20:20 Sinabi sa kanila ni Moises, “Huwag kayong matakot, sapagkat sinusubok lang kayo ng Diyos. Nais lang niyang magkaroon kayo ng takot sa kanya sapagkat ayaw niya kayong magkasala.”

HAPPENING NOW: The WPD BOL conducts the LEAD Seminar with a theme: “Love, Serve, Lead” at Palat United Methodist Church,...
03/10/2026

HAPPENING NOW: The WPD BOL conducts the LEAD Seminar with a theme: “Love, Serve, Lead” at Palat United Methodist Church, Palat, Porac today.

With their speakers,
Rev. Jestril B. Alvarado
Rev. Jeffrey P. Lumanlan
Rev. Samuel M. De Leon
Rev. Ronald S. Manalansan

Let us pray for our Laity 🙏🏻

30/09/2026

“Panginoon, inilalapit namin sa Iyo ang aming mga kahilingan. Alam Mo ang aming mga nais, aming mga kinatatakutan, aming mga katanungan, at aming mga hamon at problema. Minsan ay sinasagot Mo kami ng oo, minsan ay hindi, minsan ay hinihiling Mo sa aming maghintay, at minsan naman ay sumasagot Ka sa mga paraang hindi namin inaasahan.

Tulungan Mo kaming alalahanin na ang Iyong katahimiaakan ay hindi nangangahulugang nakalimutan Mo kami. Ang Iyong ‘hindi’ ay hindi nangangahulugang hindi Mo kami iniibig. Ang aming paghihintay’ ay hindi nangangahulugang wala Kang ginagawa.

Turuan Mo kaming magtiwala sa Iyo, hindi lamang sa sagot na nais namin, kundi sa sagot na alam Mong pinakamabuti para sa amin.

Bigyan Mo kami ng pananampalataya yayakap sa katotohanang ‘Hindi ang aming kalooban, kundi ang Iyong kalooban ang mangyari.’

Tulungan Mo kaming patuloy na manalangin, patuloy na maniwala, patuloy na maghintay, at patuloy na magtiwala sa Iyo.

Sa Pangalan ni Jesus, Amen.”




Prayer Meeting - September 30, 2026Speaker: Rev. Samuel de LeonBible Verse: Proverbs 3:5Minsan mahirap maintindihan ang ...
30/09/2026

Prayer Meeting - September 30, 2026
Speaker: Rev. Samuel de Leon

Bible Verse: Proverbs 3:5
Minsan mahirap maintindihan ang Kanyang mga sagot sa ating mga dasal—lalo na kung 'No' o 'Wait'. Pero dahil sa Kawikaan 3:5, pinaalalahanan tayo na ang bawat tugon ay galing sa Kanyang perpektong pagmamahal at karunungan. Mahalaga na maging bukas ang ating puso sa Kanyang direksyon, kahit iba ito sa ating inaasahan.

(Proverbs 3:5). Na-remind tayo kung paano mag-react sa mga answers ni God sa prayers natin:

1. Yes, ang sagot ng Diyos? ✅
Magpasalamat!

2. No, ang Kanyang sagot? ❌
Magtiwala sa Kanyang karunungan.

3. Wait ang Kanyang utos? ⏳
Manatiling tapat sa paghihintay.
Ang paghihintay ay hindi nasayang na panahon; ito ay oras upang subukin, turuan ng pasensya, at palalimin ang ating pananampalataya.

4. Hindi natin inaasahan ang sagot? 🤔
Maging bukas sa direksyon ng Diyos.
Nakikita Niya ang hindi natin nakikita.

5. Iba ang Kanyang plano? 🗺️
Patuloy na manalangin.

Salamat sa mahalagang mensahe ni Pastor Sam na patuloy tayong magtiwala sa Panginoon. 🙏🏻

27/09/2026

Your Grace is Enough 🙌🏻

SAMBA 4 THEME: LOVE BOLDLY: BUILDING A CHRIST-CENTERED FAMILYSPEAKER: REV. DS JESTRIL B. ALVARADOSEPTEMBER 27th, 2026As ...
27/09/2026

SAMBA 4
THEME: LOVE BOLDLY: BUILDING A CHRIST-CENTERED FAMILY
SPEAKER: REV. DS JESTRIL B. ALVARADO
SEPTEMBER 27th, 2026

As for me and my house, we will serve the LORD.’ — Joshua 24:15. Such a timely reminder today at Samba 4 to love boldly, honor God, and keep Christ at the very center of our families.


PERSONAL REFLECTION:Do I trust God even when I don't yet see His provision?Ano ang pinakamalaking worry ko ngayon na kai...
27/09/2026

PERSONAL REFLECTION:
Do I trust God even when I don't yet see His provision?
Ano ang pinakamalaking worry ko ngayon na kailangan kong ipagkatiwala sa Diyos?
May pagkakataon ba na mas nakikita ko ang aking kakulangan kaysa sa katapatan ng Diyos?
Am I learning from my wilderness experiences?
Ano ang itinuturo sa akin ng Diyos tungkol sa trust, obedience, and gratitude?
Pro• 3: 4-5

PRACTICAL APPLICATION
"RECOGNIZE, REMEMBER, RESPOND"

RECOGNIZE God's Provision
Every day, identify at least three (3) things that God has provided. It could be food,
family, friends, opportunities, strength, or simply another day of life.

REMEMBER God's Faithfulness
Keep a "God Provided" list. Isulat ang mga pagkakataong nag-provide ang Diyos sa iyong buhay. Kapag may dumating na bagong challenge, pagsubok, problema o anumang hamon sa buhay remember what God has done before.

RESPOND with Gratitude
Palitan ang complaint ng pagpapasalamat. Instead of: "Lord, bakit wala ako nito?" Try:
"Lord, thank You for what You have already provided." Kapag may bagay kang gustong ireklamo, sa galip na magreklamo, manalangin ka. Tapos, share what you have learn. Christian Education becomes powerful when what we learn is passed on to others.

CLOSING THOUGHT:
The wilderness became a classroom of faith. The Israelites learned that God was not only the God who delivered them from Egypt. He was also the God who sustained them in the wilderness. And that is one of the most important purposes of Christian Education: To teach people not only to know God, but to trust God, obey God, recognize His grace, and live as faithful disciples.
The manna teaches us that God provides what we need, and through His provision, He teaches us to trust Him. Ang probisyon po ng Diyos ay hindi lamang para tayo ay mabuhay; ginagamit din po Niya ito upang tayo ay matuto, lumago, at maging handang maglingkod.

FINAL CHALLENGE:
This week, don't ask only: "What do I need from God?" Also ask: "What is God already providing, and what is He teaching me through it?" Because sometimes, the blessing is not only the provision itself - the blessing is the lesson God is teaching us through His provision. Minsan po ang pagpapala ay hindi mismo ang provision- ang Tunay na pagpapala ay ang aral na itinuturo sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga kaloob.

Sunday School September 27, 2026Sunday School Teacher: Ma’am Jane Mercado Maninang SiguaBible Verse Exodus 16:2-15LEARNI...
27/09/2026

Sunday School September 27, 2026
Sunday School Teacher: Ma’am Jane Mercado Maninang Sigua
Bible Verse Exodus 16:2-15
LEARNING TO TRUST GOD'S PROVISION

Bible Text: Exodus 16:2-15 September 20, 2026
By: Rev. Leslie Casupanan Dela Cruz
Theme: Christian education: "Learning from God's Provision in the Wilderness"
Key Verse: Exodus 16:4
" Pauulanan ko kayo ng tinapay mula sa langit..."

Key Thought:
Ang Christian Education ay hindi lang po tungkol sa pagkuha ng kaalaman tungkol sa
Diyos, ito ay tungkol sa pag-aaral na magtiwala sa Kanya, kilalanin ang Kanyang biyaya, sundin ang Kanyang Salita, maging mapagpasalamat, at isabuhay ang ating pananampalataya sa atın pong pang-araw-araw na buhay.

INTRODUCTION
After the Israelites were delivered from Egypt, they entered the Wilderness. Ngunit sa halip na excitement lamang, nakaranas po sila ng gutom, takot, uncertainty, and frustration.
Dahil po sila ay gutom, nagsimula silang magreklamo laban kina Moises at Aaron. But God did not abandon them. Instead, God provided manna from heaven- pagkaing mula sa langit.
This passage teaches us an important lesson about Christian Education: sometimes God teaches us through the experiences of life. The wilderness became a classroom of faith. Dito po tinuruan ng Diyos ang mga Israelita na magtiwala sa Kanya; kilalanin ang Kanyang probisyon; sumunod sa Kanyang mga tuntunin; maging mapagpasalamat; at matutong umasa sa Kanya araw-araw.

Christian Education is about formation, not information alone. Hindi lamang po natin kailangang malaman na ang Diyos ay Provider. Moreso, we need to learn to trust the Provider.
Pagtiwalaan po natin ang Diyos ng lubusan at walang pag-aalinlangan na Siyang nagkakaloob ng biyaya at pagpapala araw-araw.

MAIN LESSONS:
I. CHRISTIAN EDUCATION TEACHES US TO TRUST GOD
Ang unang lesson po ng "wilderness" ay trust. Nakita napo ng mga Israelita ang kapangyarihan ng Diyos sa Egypt, pero kailangan pa rin po nilang matutong magtiwala sa Kanya sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.

Christian Education should help us answer: "Do I trust God not only when He delivers me, but also when I am waiting for His provision?" Trusting Him even in times of uncertainty,

Faith grows when we learn to trust God daily. Walk by faith ast by sight.

II. GOD'S PROVISION IS AN EXPRESSION OF GRACE
Sa totoo lang po, hindi deserving ang mga Israelite sa lahat ng provision na kanilang natanggap. Yet God continued to provide for them. Ito po ay dahil sa Kanyang kagandahang loob.
Grace is receiving God's goodness even when we cannot earn it. Ang manna po ay
paalala na ang Diyos ay tapat kahit ang tao ay mahina and complaining (mareklamo).
"Grace is the free, unmerited favor of God." — John Wesley

Christian Education teaches us to recognize grace. Kapag natututunan po nating makita ang biyaya ng Diyos, nagbabago ang ating attitude: From complaining to gratitude, From fear to trust, From entitlement to thanksgiving.

III. CHRISTIAN EDUCATION TEACHES OBEDIENCE
Ang manna ay may instructions. Hindi lamang po sapat na malaman ng mga Israelita na nagbibigay ang Diyos. They also had to follow His instructions. God wanted them to learn whether they would follow His instructions.

Christian Education is incomplete without obedience. We can know many Bible verses and still fail to practice them. The goal of Christian Education is not simply: "What did you learn?" but also: "How will you live what you learned?" Isapamuhay ang natutunan. Walk the talk.

IV. LEARN TO SEE GOD'S PROVISION EVERY DAY
The manna was given as a daily provision. Pagpapala po araw-araw. This teaches us
daily dependence on God.

Jesus later taught His disciples to pray in Matthew 6:11- "Give us today our daily bread." We are reminded that every day we depend on God. Christian Education helps us develop a grateful heart that recognizes God's blessings even in ordinary things everyday.

V. GOD'S PROVISION IS NOT ONLY FOR US
God provided food for an entire community, yes po sa buong komunidad. This teaches us that God's blessings can become a blessing to others. "Blessed to be a blessing." If God has given us: knowledge then share it; resources - use them to serve; talents - offer them to God; experience - teach others; faith-encourage someone who is struggling. Share our blessing po! Maging daluyan po tayo ng biyaya ng Diyos.

Address

Porac
2008

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PALAT UMC - UMYAF posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to PALAT UMC - UMYAF:

Shortcuts

Share