27/07/2022
Source From: Sabbath School Lesson
Wednesday July 27, 2022
Hindi namin ibig na kayo'y di makaalam, mga kapatid, ng tungkol sa mga kapighatian namin na nangyari sa Asia, na kami ay totoong nabigatan, ng higit sa aming kaya, ano pa't kami ay nawalan na ng pagasa sa buhay:
Oo, kami'y nagkaroon sa aming sarili ng hatol sa kamatayan, upang huwag kaming magkatiwala sa amin ding sarili, kundi sa Dios na bumubuhay na maguli ng mga patay:
2 Corinthians 1:8-9 KJV.
Maging sila apostol Pablo ay hindi nakalusot sa mabibigat na suliranin ng buhay maipangaral lamang ang walanghanggang evangelio ni Cristo. Napakaraming pagdurusa at kahirapan ang kanilang natamo (2 Corinthians 11:23-29), lahat ng panganib ay kaniyang naranasan sa bawat niyang paglalakbay: ang siya ay hagupitin ng pamalo, batohin, ipagtabuhayan, hiyain, at patayin ay hindi naging iba sa Kaniya, subalit may sinisigaw siyang pag-asa sa kabila ng mga ito. Ang kaaliwan niya sa Diyos sa pag-asang hindi nasisira ang lalong nagpapasaya sa kaniya at nagsasabi sa kaniya na magpatuloy. Kaya nga, kahit na mamatay man siya ay hindi niya ito alintana sapagkat alam niya na maybuhay siya kay Cristo (2 Corinthians 1:3-11) , alam niya na mayroong nananalangin sa kaniyang mga kapatiran sa pananampalataya na nagiging kaaliwan din niya ang mga ito kapag siya ay naghihirap. In 2 Corinthians 1:4, Paul states that the reason for receiving God’s compassion and comfort is “so that we can comfort those in any trouble with the comfort we ourselves receive from God” (NIV). Sa bawat ating kahinaan ang Diyos ang ating kalakasan (see Heb. 4:15). Paul’s ability to remain firm is supported by three things he mentions in 2 Corinthians 1:10, 11. First, God’s proven track record: “He has delivered us from such a deadly peril, and he will deliver us” (2 Cor. 1:10, NIV). Second, Paul’s determination to fix his concentration on God Himself: “On him we have set our hope that he will continue to deliver us” (2 Cor. 1:10, NIV). Third, the saints’ continual intercession: “as you help us by your prayers” (2 Cor. 1:11, NIV).
Kaya nga huwag tayong magulumihanan sa bawat kahirapan na ating nararanasan, bagkos, ipagkatiwala natin sa Diyos ang lahat nang maypasasalamat, sapagkat sigurado na tayo ay kaniyang makakasama sa langit. Doon ay wala ng lungkot, wala ng makakapanakit sa atin, wala ng problema sapagkat ang lumang mga bagay ay nawala na; ang lahat ay napalitan na ng bago, ang bagong pag-asa na nakay Jesu Cristo. Alam ko darating sa atin ang mabibigat at mga masalimuot na karanasan, manging kadiliman sa ating daraanan; subalit dahilan sa pag-asa sa pananampalataya natin kay Jesus, maging sa kadilaman man ng ating paglalakbay ay tila umaga sa ating paningin–sapagkat tiyak natin na mayroong naghihintay sa atin ang pag-asang hindi kayang agawin maging ang kaaway na sumisira sa atin.
-Youth Lesson Discussion-