Ministry of Altar Servers

Ministry of Altar Servers Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Ministry of Altar Servers, Poblacion.

22/02/2023
08/01/2023
07/09/2022

PANALANGIN SA KAARAWAN NG MAHAL NA BIRHENG MARIA
O Diyos Amang mapagmahal, kay sarap isipin at namnamin ang pagdiriwang ng pagsilang ng Mahal na Birheng Maria, na Ina ni Hesus at Ina din naming lahat.

Dumating si Hesus na Anak Mo sa pamamagitan
ng mga mabubuting tao ayon sa plano at kalooban Mo. Dahil dito, hinatian Mo kami O Diyos ng karangalan katulad ni Maria na maging tagapaghatid ni Hesus sa mundo.

Huwag nawa naming malimutan ang pagkakataong ito kaya't aming hiling sa aming masintahing Ina na kami ay palaging ipanalangin, at ilapit kami kay Hesus na ating Panginoon
upang Siya ring maibahagi sa kapwa natin.
Amen.

Maligayang Kaarawan Mahal na Ina!

27/08/2022

PANALANGIN SA BIRHEN NG ANTIPOLO
Masintahin at milagrosang Ina, sumasamo at dumudulog kami sa iyo. Tulungan mo kaming magpasalamat sa Panginoon sa lahat ng mga grasya at pagpapalang ipinagkaloob Niya sa amin.
Sa tulong at awa mo, lingapin mo po ang mga naglalakbay, lalo na ang mangingibang bansa, upang maluwalhating makarating sa kanilang paroroonan.
Kami rin pong lahat ay iyong gabayan at akayin sa aming paglalakbay sa buhay. Sa aming pagtahak sa buhay na puno ng pag-aalinlangan at pangamba, pagkalooban po ninyo kami ng lakas at tapang na tahakin ang landas ng iyong Mahal na Anak na si Hesus.
Mahal na Birhen ng Antipolo, lumalapit po kami sa iyo. Dulutan mo ng mapayapang kalinga ang aming tahanan. Tulungan mo po kami na maitaguyod ng maayos at matuwid ang aming pamilya.
Sa aming paglalayag sa buhay, palakasin at patatagin mo ang bawat isa sa amin na makabuo ng isang pamayanan at bansang pinaghaharian ng iyong Mahal na Anak.
Nawa'y sa tulong at biyaya mo Mahal naming Ina, ang buong mundo ay kupkupin ng iyong Mahal na Anak at ilagay Niya kami sa ilalim ng Kanyang pagkakandili at huwag kaming iwanan sa paglalakbay sa buhay, lalung-lalo na sa oras ng sakuna at kagipitan.
Sa pamamagitan mo Inang Mahal, pagpalain at tangkilikin mo po ang aming buhay paglilingkod sa iyong Anak na si Hesus at sa Simbahan upang mabuhay kami sa kapayapaan at katotohanan at marating namin ang kaluwalhatian ng buhay na walang hanggan.
Amen.
Mahal na Ina ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, ang
mapaghimalang Birhen ng Antipolo,
ipanalangin mo kami.

05/06/2022

Hunyo 05,2022 | Linggo ng Pentekostes (Ang Pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostol)

Homiliya ni Reb. Pd. Melvin A. Ordanez.

01/05/2022

Parish Advisory | May 01
Re: Flores de Mayo 2022

Narito po ang iskedyul ng Banal na Misa, pagdarasal ng Santo Rosaryo, at pag-aalay ng Bulaklak sa Mahal na Birhen ngayong Buwan ng Mayo.

18/03/2022

PARISH ADVISORY | March 18

Mga ka-parokya, bukas, ika-19 ng Marso ay ipagdiriwang natin ang Dakilang Kapistahan ni San Jose, kabiyak ng puso ng Mahal na Birhen. Kaugnay nito, naririto po ang mga gawain sa ating parokya

Marso 19
Banal na Misa Alay kay San Jose (Livestream 6 AM)
Banal na Misa (Anticipated Sunday Mass 6 PM)
Prusisyon ng Imahe ni San Jose (7PM)

18/03/2022

PANALANGIN para kay Nuestro Padre Jesus Nazareno
Katamis-tamisang naming mahal na Poong Jesus Nazareno Diyos at Manunubos ko, na naglalakbay sa Kalbaryong pasan-pasan Mo ang Krus na pagpapakuan sa Iyo.

Akong abang makasalanan, na naging dahilan ng Iyong di masayod na hirap ay nagpupuri sa Iyo at nagpapasalamat, na bilang maamong Kordero ay buong hinahong tinanggap Mo sa ibabaw ng Iyong balikat ang kahoy ng Iyong kamatayan upang doon mawakasan ang aking mga kasalanan at ng sandaigdigan.

Patawarin mo ako, O Butihing Jesus; inaamin ko ang aking mga sala at ako’y nananalig na dahil sa kabutihan Mong walang kahulilip ay hugasan Mo ng Iyong Dugo. Iniibig Kita ng higit sa lahat ng bagay, ipinangangako na ako’y magiging matapat hanggang sa oras ng aking kamatayan. Patnubayan Mo ako, Diyos ko, ng Iyong biyaya at ihatid Mo ako sa landas ng Iyong mga Utos diyan sa Iyong Langit na Kaharian. Sya Nawa.

17/03/2022

PARISH ADVISORY | March 17
RE: Pamparokyang Daan ng Krus at Kumpisalan

Address

Poblacion

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ministry of Altar Servers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share