PREX- St. James Plaridel

PREX- St. James Plaridel The Official page of Parish Renewal Experience (PREX)
of Saint James the Apostle Parish, Poblacion, Plaridel, Bulacan (Diocese of Malolos)

Mayo 27, 2026 I Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang PanahonSa Ebanghelyo ayon kay San Marcos, isinasalaysay na haba...
26/05/2026

Mayo 27, 2026 I Miyerkules ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon

Sa Ebanghelyo ayon kay San Marcos, isinasalaysay na habang papunta si Hesus sa Jerusalem upang harapin ang Kanyang paghihirap, abala naman ang ilang alagad sa paghangad ng mataas na pwesto at pagkilala. Gusto nilang mapatunayan na sila ang pinakamalapit at pinakamahalaga kay Hesus. At ito ang isang masakit na katotohanan: maraming tao ang gustong maging β€œimportant,” pero kakaunti ang handang magsakripisyo para sa iba. Ngunit itinuro ni Hesus na ang tunay na kadakilaan ay hindi nakukuha sa posisyon, papuri, o pagtingin ng tao kundi sa kababaang-loob at paglilingkod.

Kadalasan, napapagod tayo kakapatunay ng sarili natin. Gusto nating mapansin, ma-appreciate, at tanggapin ng lahat. Gusto nating maging β€œimportante” tayo sa lahat. Pero ito ang katotohanan: hindi lahat ng tao ay makakakita ng halaga mo. At okay lang iyon. Dahil ang tunay na halaga ng tao ay hindi naman nakadepende sa opinion ng iba kundi sa pagmamahal ng Diyos.

Hindi ipinilit ni Hesus ang Kanyang kadakilaan kahit kaya Niya. Sa halip, pinili Niyang maglingkod at ialay ang sarili para sa marami. Pagpapatunay lamang nito na hindi mo kailangang sumigaw o gumawa ng kakaiba para lang maging mahalaga, makilala at maging espesyal ka. Minsan, ang pinakatahimik na sakripisyo ang pinakamalakas sa puso ng Diyos.

Kaya kung minsan pakiramdam mo ay hindi ka napapansin, tandaan mo ito: hindi mo kailangang patunayan ang halaga mo sa lahat, dahil matagal ka nang mahalaga sa mata ng Diyos.

π”π§πšπ§π  ππšπ π›πšπ¬πš: 1 Pedro 1, 18-25
π’πšπ₯𝐦𝐨: Salmo 147, 12-13. 14-15. 19-20
π„π›πšπ§π π‘πžπ₯𝐲𝐨: Marcos 10, 32-45



Mayo 26, 2026 I Martes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang PanahonSa mabuting balita ngayong araw, sinabi ni Pedro kay Hesus: ...
25/05/2026

Mayo 26, 2026 I Martes ng Ika-8 Linggo sa Karaniwang Panahon

Sa mabuting balita ngayong araw, sinabi ni Pedro kay Hesus: β€œIniwan na namin ang lahat at sumunod sa Iyo.” At sinagot sila ni Hesus na walang sinumang nagsakripisyo alang-alang sa Diyos ang mawawalan ng gantimpala. Minsan kasi, akala natin kapag sumunod tayo sa tama, tayo ang dehado. Kapag nagpatawad tayo, parang tayo ang natalo. Kapag umiwas tayo sa kasalanan, parang tayo ang nawalan ng saya. Kapag pinili natin ang Diyos kaysa pansariling gusto, pakiramdam natin may nawala sa atin. Pero ang totoo, hindi marunong mangutang ang Diyos. Ang bawat luha, pagod, pagtitiis, at pagsunod na iniaalay mo sa Kanya ay may nakahandang biyayang higit pa sa inaasahan mo.

Hindi man agad makita ngayon ang bunga ng iyong sakripisyo, tandaan mo: may mga pagpapalang hindi kayang sukatin ng pera, popularidad, o pansamantalang kasiyahan. May kapayapaan ang pusong tapat sa Diyos. May saya ang buhay na marunong magtiwala. At may walang hanggang gantimpala para sa taong hindi bumibitaw sa pananampalataya kahit mahirap.

Kaya kung may iniwan ka para sa Diyos, ito man ay bisyo, maling relasyon, pride, galit, o sariling kagustuhan, huwag kang manghinayang. Hindi ka nawalan. Nilalapit ka lang ng Diyos sa mas mabuting plano Niya para sa buhay mo.

π”π§πšπ§π  ππšπ π›πšπ¬πš: 1 Pedro 1, 10-16
π’πšπ₯𝐦𝐨: Salmo 97, 1. 2-3ab. 3kd-4
π„π›πšπ§π π‘πžπ₯𝐲𝐨: Marcos 10, 28-31



Mayo 25, 2026 I Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng SambayananSa Ebanghelyo ngayon, tatlong beses tinanong ni He...
25/05/2026

Mayo 25, 2026 I Paggunita sa Mahal na Birheng Maria, Ina ng Sambayanan

Sa Ebanghelyo ngayon, tatlong beses tinanong ni Hesus si Pedro kung mahal niya Siya. Hindi ito simpleng pagtatanong lamang; ito ay paggagamot sa sugatang puso ni Pedro na minsang tatlong beses ding nagkaila sa Panginoon. Sa bawat β€œOo, Panginoon, mahal Kita,” unti-unting ibinabangon ni Kristo ang kanyang pagkatao at muling ipinagkakatiwala sa kanya ang misyon: β€œPakanin mo ang Aking mga tupa.” Ipinapakita rito na ang Diyos ay hindi nakatingin sa ating kahinaan kundi sa ating kakayahang magmahal muli matapos ang pagkakamali. Ang pagkabuhay ni Kristo ay paalala na walang kasalanan, sugat, o kabiguan ang kayang pumigil sa biyaya ng panibagong simula.

Sa paggunita natin kay Santa Rita ng Cascia, lalo nating nauunawaan na ang kabanalan ay hindi isang buhay na walang hirap, kundi buhay na marunong magtiwala sa Diyos sa gitna ng sakit at pagsubok. Si Santa Rita ay nakaranas ng pagdurusa sa pamilya, pagkawala, at matinding pagsasakripisyo, ngunit hindi siya pinaghari ng galit o panghihina. Sa halip, pinili niyang magmahal, magpatawad, at manatiling tapat sa Panginoon. Tulad ni Pedro, hindi naging hadlang ang kanyang sugat upang maging instrumento ng biyaya.

Marahil marami ring pagkakataon sa ating buhay na pakiramdam natin ay hindi tayo karapat-dapat mahalin o gamitin ng Diyos dahil sa ating mga pagkukulang. Ngunit ang Pagkabuhay ni Kristo ay malinaw na mensahe: ang Diyos ay dalubhasa sa pagbibigay ng panibagong pag-asa. Hindi Niya hinahanap ang perpektong tao; hinahanap Niya ang pusong handang magsabi ng, β€œPanginoon, mahal Kita,” kahit nanginginig, sugatan, o pagod na.

Kaya ngayong araw, huwag tayong matakot magsimulang muli. Ang tunay na kabanalan ay hindi nasa hindi pagkakasala, kundi nasa hindi pagsasawang bumalik, magmahal, at maglingkod sa Diyos. Sapagkat ang taong tunay na umiibig kay Kristo ay kayang magpatawad, magtiis, at magpatuloy dahil alam niyang ang pag-ibig ng Diyos ay laging mas malaki kaysa kanyang kahinaan.

π”π§πšπ§π  ππšπ π›πšπ¬πš: Genesis 3, 9-15. 20 o kaya Mga Gawa 1, 12-14
π’πšπ₯𝐦𝐨: Salmo 87, 1-2. 3. at 5, 6-7. o kaya Judith 13:18bkde. 19
π„π›πšπ§π π‘πžπ₯𝐲𝐨: Juan 19, 25-34



Mayo 22, 2026 I Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling PagkabuhaySa Ebanghelyo ngayon, tatlong beses tinanong n...
21/05/2026

Mayo 22, 2026 I Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Sa Ebanghelyo ngayon, tatlong beses tinanong ni Hesus si Pedro kung mahal niya Siya. Hindi ito simpleng pagtatanong lamang; ito ay paggagamot sa sugatang puso ni Pedro na minsang tatlong beses ding nagkaila sa Panginoon. Sa bawat β€œOo, Panginoon, mahal Kita,” unti-unting ibinabangon ni Kristo ang kanyang pagkatao at muling ipinagkakatiwala sa kanya ang misyon: β€œPakanin mo ang Aking mga tupa.” Ipinapakita rito na ang Diyos ay hindi nakatingin sa ating kahinaan kundi sa ating kakayahang magmahal muli matapos ang pagkakamali. Ang pagkabuhay ni Kristo ay paalala na walang kasalanan, sugat, o kabiguan ang kayang pumigil sa biyaya ng panibagong simula.

Sa paggunita natin kay Santa Rita ng Cascia, lalo nating nauunawaan na ang kabanalan ay hindi isang buhay na walang hirap, kundi buhay na marunong magtiwala sa Diyos sa gitna ng sakit at pagsubok. Si Santa Rita ay nakaranas ng pagdurusa sa pamilya, pagkawala, at matinding pagsasakripisyo, ngunit hindi siya pinaghari ng galit o panghihina. Sa halip, pinili niyang magmahal, magpatawad, at manatiling tapat sa Panginoon. Tulad ni Pedro, hindi naging hadlang ang kanyang sugat upang maging instrumento ng biyaya.

Marahil marami ring pagkakataon sa ating buhay na pakiramdam natin ay hindi tayo karapat-dapat mahalin o gamitin ng Diyos dahil sa ating mga pagkukulang. Ngunit ang Pagkabuhay ni Kristo ay malinaw na mensahe: ang Diyos ay dalubhasa sa pagbibigay ng panibagong pag-asa. Hindi Niya hinahanap ang perpektong tao; hinahanap Niya ang pusong handang magsabi ng, β€œPanginoon, mahal Kita,” kahit nanginginig, sugatan, o pagod na.

Kaya ngayong araw, huwag tayong matakot magsimulang muli. Ang tunay na kabanalan ay hindi nasa hindi pagkakasala, kundi nasa hindi pagsasawang bumalik, magmahal, at maglingkod sa Diyos. Sapagkat ang taong tunay na umiibig kay Kristo ay kayang magpatawad, magtiis, at magpatuloy dahil alam niyang ang pag-ibig ng Diyos ay laging mas malaki kaysa kanyang kahinaan.

π”π§πšπ§π  ππšπ π›πšπ¬πš: Mga Gawa 25, 13b-21
π’πšπ₯𝐦𝐨: Salmo 102, 1-2. 11-12. 19-20ab
π„π›πšπ§π π‘πžπ₯𝐲𝐨: Juan 21, 15-19



Mayo 21, 2026 I Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling PagkabuhaySa Ebanghelyo, taimtim na nanalangin si Hesus h...
21/05/2026

Mayo 21, 2026 I Huwebes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Sa Ebanghelyo, taimtim na nanalangin si Hesus hindi lamang para sa Kanyang mga alagad kundi para rin sa lahat ng maniniwala sa Kanya sa paglipas ng panahon. Ang pinakadiin ng Kanyang panalangin ay pagkakaisa: β€œupang silang lahat ay maging isa.” Napakagandang isipin na bago Siya magdusa at mamatay, ang nasa puso ni Kristo ay hindi galit, hindi paghihiganti, kundi pagmamahalan at pagkakabuklod ng Kanyang bayan. Ito ang tunay na tanda ng muling pagkabuhay: ang pusong marunong magmahal kahit mahirap, magpatawad kahit masakit, at yumakap kahit maraming pagkakaiba.

Sa panahon ngayon, madaling masira ang pagkakaisa dahil sa pride, inggit, tampuhan, at makasariling hangarin. Ngunit ipinapaalala ng Panginoon na ang taong tunay na nabubuhay kay Kristo ay marunong magdala ng kapayapaan. Hindi sapat na tayo’y palasimba lamang; ang tunay na Kristiyano ay nagiging tulay ng pagmamahalan sa pamilya, simbahan, at komunidad. Kapag pinili nating magmahal kaysa manghusga, umunawa kaysa lumaban, at magpatawad kaysa magkimkim ng galit, doon nahahayag ang liwanag ng muling nabuhay na Kristo.

Ang pagkakaisa ay hindi nangangahulugang pare-pareho tayo ng ugali o opinyon. Ang ibig sabihin nito ay pinipili nating manatiling magkakapatid sa kabila ng pagkakaiba. Tulad ng Ama at Anak na iisa sa pag-ibig, tayo rin ay tinatawag na maging isa sa pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal. At sa bawat pusong marunong magmahal nang tapat, doon muling nabubuhay si Kristo sa mundo.

π”π§πšπ§π  ππšπ π›πšπ¬πš: Mga Gawa 22, 30; 23, 6-11
π’πšπ₯𝐦𝐨: Salmo 15, 1-2a at 5. 7-8. 9-10. 11
π„π›πšπ§π π‘πžπ₯𝐲𝐨: Juan 17, 20-26



Mayo 20, 2026 I Martes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling PagkabuhaySa Mabuting Balita ngayon, nanalangin si Hesus p...
20/05/2026

Mayo 20, 2026 I Martes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Sa Mabuting Balita ngayon, nanalangin si Hesus para sa Kaniyang mga alagad: β€œHindi sila taga-sanlibutan, kung paanong ako ay hindi taga-sanlibutan.” Hindi ibig sabihin nito na aalisin Niya tayo sa mundo, kundi mamumuhay tayo rito nang may paninindigan.

Marami sa atin ang tahimik na napapagod, hindi dahil sa trabaho o problema kundi dahil araw-araw nating kinokompromiso ang konsensya para lang tanggapin ng iba. Nakikisabay kahit mali, tumatawa kahit masakit. Oo nga at wala tayong ginagawang masama, ngunit hindi rin naman tayo gumagawa ng mabuti dahil nananahimik tayo kahit alam nating may kasalanan at maling nangyayari. Unti-unting nanlalamig ang puso dahil mas pinili nating maging β€œokay sa tao” kaysa maging tapat sa Diyos.

Ang tunay na pagsunod kay Kristo ay hindi lang makikita sa ating pagsisimba o pagdarasal. Ito ay ang tapang na mamuhay nang totoo, malinis, at may konsensya kahit hindi uso, kahit nag-iisa ka. Sapagkat sa dulo ng lahat, hindi ang palakpak ng mundo ang magliligtas sa atin kundi ang pusong nanatiling tapat sa Diyos kahit mahirap.

π”π§πšπ§π  ππšπ π›πšπ¬πš: Mga Gawa 20, 28-38
π’πšπ₯𝐦𝐨: Salmo 67, 29-30. 33-35a. 35b.-36k
π„π›πšπ§π π‘πžπ₯𝐲𝐨: Juan 17, 11b-19



Mayo 19, 2026 I Martes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling PagkabuhaySa Ebanghelyo ngayong araw, bago magdusa si Hesu...
18/05/2026

Mayo 19, 2026 I Martes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Sa Ebanghelyo ngayong araw, bago magdusa si Hesus, hindi sarili Niya ang iniisip kundi ang mga taong iniwan Niya. Ipinanalangin Niya ang mga alagad upang manatili silang tapat kahit dumaan sa hirap, tukso, at pagod. Ganyan din tayo ngayon, madalas pagod na sa buhay, nasasaktan, at minsan nawawalan ng gana lumaban. Pero ang masakit na katotohanan: marami sa atin ang malakas magdasal kapag may problema, pero kapag maayos na ang buhay, nakakalimot na sa Diyos. Gusto natin ng biyaya pero ayaw natin ng pagbabago. Gusto natin ng kapayapaan pero patuloy tayong kumakapit sa kasalanan, pride, at maling gawain.

Pinapaalala ni Hesus na ang tunay na buhay ay hindi nasusukat sa pera, kasikatan, o dami ng nakaka-appreciate sa atin. Ang tunay na buhay ay ang makilala at manatili sa Diyos kahit walang palakpak, kahit walang nakakakita, kahit mahirap. Dahil sa dulo, hindi ang dami ng naipundar natin ang tatanungin ng Diyos kundi kung paano tayo nagmahal, nagpatawad, at nanatiling tapat habang nabubuhay sa mundong puno ng tukso at pagkukunwari.

π”π§πšπ§π  ππšπ π›πšπ¬πš: Mga Gawa 20, 17-27
π’πšπ₯𝐦𝐨: Salmo 67, 10-11. 20-21
π„π›πšπ§π π‘πžπ₯𝐲𝐨: Juan 17, 1-11a



Mayo 18, 2026 I Lunes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling PagkabuhaySa Ebanghelyo ngayon, sinabi ni Hesus sa Kaniyang...
17/05/2026

Mayo 18, 2026 I Lunes sa Ikapitong Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay

Sa Ebanghelyo ngayon, sinabi ni Hesus sa Kaniyang mga alagad na darating ang oras na magkakanya-kanya sila at iiwan Siyang mag-isa. Masakit iyon, dahil ang mga taong nangakong hindi Siya iiwan, sila pa mismo ang unang natakot. Pero ganito rin tayo minsan. Ang lakas nating magsabi ng β€œLord, Ikaw ang bahala,” pero kapag dumating ang kahihiyan, problema, pagkatalo, sakit, o kahirapan, bigla tayong nawawala sa piling Niya. Kapag okay ang buhay, palasimba tayo; pero kapag may krus na, gusto nating tumakas.

Pero hindi tayo sinukuan ni Hesus. Kahit alam Niyang iiwan Siya ng tao, pinili pa rin Niyang magmahal. Kaya sinabi Niya: β€œLakasan ninyo ang inyong loob; dinaig ko na ang sanlibutan.” Hindi Niya ipinangakong magiging madali ang buhay. Ang ipinangako Niya: hindi tayo lalaban nang nag-iisa.

Minsan ang totoong kalaban natin ay hindi ang mundo kundi ang sarili nating takot, pride, at paglayo sa Diyos. At baka kaya tayo walang kapayapaan ay dahil gusto nating hawakan ang lahat, pero ayaw nating magtiwala nang buo kay Kristo. Ang muling pagkabuhay ni Hesus ay paalala na may liwanag pagkatapos ng dilim, may awa pagkatapos ng pagkakasala, at may pag-asa kahit pakiramdam mo talunan ka na.

π”π§πšπ§π  ππšπ π›πšπ¬πš: Mga Gawa 19, 1-8
π’πšπ₯𝐦𝐨: Salmo 67, 2-3. 4-5ak. 6-7ab
π„π›πšπ§π π‘πžπ₯𝐲𝐨: Juan 16, 29-33



Mayo 15, 2026 I Biyernes sa Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay at Paggunita kay San Isidro, magsasakaSa Eba...
14/05/2026

Mayo 15, 2026 I Biyernes sa Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay at Paggunita kay San Isidro, magsasaka

Sa Ebanghelyo ngayon, sinabi ni Hesus na ang lungkot ng mga alagad ay mapapalitan ng galak na hindi maaagaw ninuman. Ganito ang naging buhay ng santo na ating ginugunita ngayon na si San Isidro Labrado, isang simpleng magsasaka na araw-araw nagpapagod sa lupa habang nagtitiwala sa Diyos. Hindi agad umaani ang magsasaka; kailangan munang mabaon sa putik ang binhi bago ito mabuhay at mamunga. Ganiyan din ang Pagkabuhay ni Kristo: walang muling pagkabuhay kung walang pag-aalay, walang liwanag kung walang pinagdaanang dilim.

Sa panahon ngayon, marami sa atin na gusto agad ng β€œbiyaya,” pero ayaw dumaan sa paghihintay, sakripisyo, at pananampalataya. Kapag hirap na, reklamo agad. Kapag nasaktan, sumusuko agad. Kapag walang nakikitang bunga, tumitigil agad. Pero ang totoo, baka kaya tila β€œpatay” ang pag-asa natin ay dahil matagal na rin nating inililibing ang Diyos sa konsensya at puso natin. Si San Isidro, kahit mahirap at pagod, hindi iniwan ang panalangin at kabutihan. Kaya ang tanong: kung ang isang simpleng magsasaka ay nagawang manatiling banal sa gitna ng hirap, bakit tayo, na sagana sa biyaya, ay madaling lumayo sa Diyos?

Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tungkol kay Kristo na nabuhay muli, ito rin ay paanyaya na buhayin nating muli ang pananampalatayang matagal nang natutulog sa puso natin.

π”π§πšπ§π  ππšπ π›πšπ¬πš: Mga Gawa 18, 9-18
π’πšπ₯𝐦𝐨: Salmo 46, 2-3. 4-5. 6-7
π„π›πšπ§π π‘πžπ₯𝐲𝐨: Juan 16, 20-23a



Mayo 14, 2026 I Huwebes sa Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling PagkabuhayKapistahan ni Apostol San MatiasSa Mabuting Ba...
13/05/2026

Mayo 14, 2026 I Huwebes sa Ikaanim na Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay
Kapistahan ni Apostol San Matias

Sa Mabuting Balita, ipinapaalala ni Hesukristo na ang sukatan ng tunay na pag-ibig ay ang kakayahang ialay ang sarili para sa mga kaibigan. Ito rin ang naging buhay ni San Matias na tinawag upang pumalit kay Judas at maging tapat na saksi ng muling pagkabuhay ni Kristo. Sa Panahon ng Pagkabuhay, tulad ni San Matias, inaanyayahan tayong huwag manatili sa pag-ibig na mababaw o pansarili lamang. Ang Kristiyanong pag-ibig ay aktibo, marunong magpatawad, umunawa, maglingkod, magsakripisyo, at manatiling tapat kahit mahirap. Kapag tayo’y namumuhay sa pag-ibig ni Kristo, nagiging tunay tayong kaibigan ng Panginoon at buhay na saksi ng Kanyang muling pagkabuhay.

π”π§πšπ§π  ππšπ π›πšπ¬πš: Mga Gawa 1, 15-17. 20-26
π’πšπ₯𝐦𝐨: Salmo 112, 1-2. 3-4. 5-6. 7-8
π„π›πšπ§π π‘πžπ₯𝐲𝐨: Juan 15, 9-17



Address

St. James The Apostle Parish. Poblacion
Plaridel
3004

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PREX- St. James Plaridel posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share