27/01/2026
📅 January 25, 2026
"Noong mga araw na yaon ay may isang saserdote na nagngangalang Zacharias, sa lipi ni Abias; at ang kaniyang asawa ay mula sa mga anak ni Aaron, at ang kaniyang pangalan ay Elizabeth.” - Luke 1:5
PAGTITIWALA SA PANGINOON
Minsan, nararamdaman natin ang ating kakulangan at nawawalan ng pag-asa. Katulad ni Zechariah, na nahirapang maniwala nang marinig niya ang balita na magkakaroon sila ng anak. Ngunit ipinapakita nito na ang Diyos ay higit sa lahat. Sa buhay nina Zechariah at Elizabeth, pinaalala sa atin na ang kapangyarihan ng Diyos ay mas malakas kaysa sa ating kahinaan. Hindi hadlang ang kakulangan natin para maglingkod sa Kanya, dahil Siya mismo ang nagbibigay ng lakas.
Ang Panginoon ay hindi tumatawag base sa ating kakayahan, Siya ang nagbibigay-kakayahan sa lahat ng Kanyang tinatawag. Kaya tayo ay magpatuloy ng may galak sa ating mga puso at mas maging malalim sa pag-aaral ng Kanyang Salita.
Eduardo Domingo
PATRICIA ROMERO
Josiah Nolasco
Castillo
Remigio Atienza Nolasco
Chrisczer Surio