28/09/2019
ANG TALINGHANGA NG “SABAW”
By Bishop Emi Domingo
Anumang sermon gaano man kaganda ang balangkas at ang pagkakatalumpati nito kung hindi naka sentro sa tinapos na gawa ni Cristo ay katulad lang ng “sabaw” na walang laman – hindi nakakabusog-lusog.
Ang “laman” ay ang mensahe ng krus (1 Cor. 1:18), ang tinapos na gawa ni Cristo. Ito ang tunay na mensahe ng lahat ng sermon – ito man ay hango sa anumang parte ng Kasulatan, Luma o Bagong Tipan. Ang lahat ng nakasulat sa Lumang Tipan ay anino (Hebrews 10:1), na ang katuparan naman ay si Cristo (Colossians 2:16-17).
Wala kang masyadong magagawa sa “sabaw” kundi higupin ito habang mainit. Pero, ang “laman” puwedeng iadobo, iprito, ihawin, ilaga, gataan, isigang, kilawin, at marami pang iba na hindi nasasakripisyo ang kabusugan at kalusugan. Hindi tulad ng “sabaw,” walang masyadong sustansya bukod sa panandaliang kaaliwang dulot ng napaso mong dila dahil sa dala nitong init. Ang magandang sermon ay may dulot na kaaliwan habang ito’y maiinit mong pinakikinggan, pero kapag umuwi ka na at ito’y lumamig na, walang epektong pangmatagalan, gutom ka parin, at salat sa kalusugang espirituwal.
Iwasan ang “sabaw” na walang laman. Hanapin ang “laman” – ang mensahe ng tinapos na gawa ni Cristo. Masarap na at nakakabusog-lusog pa sa espiritu.
The Apostle Paul writes, “And my speech and my preaching were not with persuasive words of human wisdom, but in demonstration of the Spirit and of power” (1 Cor. 2:4). Translation, ang sermon ko ay hindi sabaw, kundi may laman na kapangyarihan ng Espiritu. In verse 2, Paul was referring to “Christ and Him crucified.” In chapter 1, verse 18, Paul was referring to “the message of the cross.” Ito ang “laman,” ang mensahe ng kaniyang sermon – si Cristo at Kaniyang tinapos na gawa sa krus, ito ang kapangyarihan ng Espiritu – at hindi mainit na “sabaw” ng galing at husay lang sa pagtatalumpati.
Kindly SHARE this grace-filled and life-changing article.