18/08/2026
Taos-pusong nagpapasalamat ang Western Bulacan District kay Apostle Jonathan S. Ferriol at sa DPRC - Disaster Preparedness and Response Committee sa pangunguna ni Presbyter Jim Bigalbal sa kanilang agarang pagtugon at walang sawang pagmamahal at malasakit.
Sa pamamagitan ng mga relief goods, 240 pamilya ng ating mga kapatid ang nabigyan hindi lamang ng pagkain at pangunahing pangangailangan, kundi maging ng pag-asa, lakas, at kagalakan sa gitna ng pagsubok.
Dalangin namin ang patuloy na pagpapala, pag-iingat, at kalakasan ng Panginoon sa inyong buhay at paglilingkod. Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagmamahal at malasakit!