Parish Commission on Youth of Holy Angels Parish

Parish Commission on Youth of Holy Angels Parish Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Parish Commission on Youth of Holy Angels Parish, Religious organisation, San Jose, Plaridel.

๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐…๐„๐‹๐‹๐Ž๐–๐’๐‡๐ˆ๐ | ๐๐”๐‹๐ˆ๐‡๐€๐ ๐๐”๐Š๐ˆ๐ƒSa ika-9 ng Agosto, Linggo, 1:00 PM, muling magbubukas ang Kapilya ng San Isidro Labrado...
06/08/2026

๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐…๐„๐‹๐‹๐Ž๐–๐’๐‡๐ˆ๐ | ๐๐”๐‹๐ˆ๐‡๐€๐ ๐๐”๐Š๐ˆ๐ƒ

Sa ika-9 ng Agosto, Linggo, 1:00 PM, muling magbubukas ang Kapilya ng San Isidro Labrador para salubungin ang mga kabataan ng Bukid.

Ito ay hindi lamang pagtitipon, kundi pagbubungkal ng puso at isip. Dito natin lilinangin ang ating pananampalataya at talino sa paglilingkod, upang gaya ng ilawan sa dilim, maging tanglaw din tayo sa ating pamilya at simbahan.

Sa gitna ng pagod sa pag-aaral, at buhay, nawaโ€™y dito tayo makatagpo ng pahinga at panibagong lakas. Nawaโ€™y sa bawat dasal, pagbabahagi, at pagtutulungan ay maalala nating lahat: ang kabataan ay hindi naghihintay lang ng bukas, tayo mismo ang gumagawa ng bukas sa pamamagitan ng ating paglilingkod ngayon.




๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐…๐„๐‹๐‹๐Ž๐–๐’๐‡๐ˆ๐ | ๐’๐๐‚๐˜ ๐‚๐„๐๐“๐‘๐Ž  Agosto 2 | Linggo | 1:00 - 3:00 PM | Bisita ng Muling Pagkabuhay - CentroMuling magbubuk...
30/07/2026

๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐…๐„๐‹๐‹๐Ž๐–๐’๐‡๐ˆ๐ | ๐’๐๐‚๐˜ ๐‚๐„๐๐“๐‘๐Ž

Agosto 2 | Linggo | 1:00 - 3:00 PM | Bisita ng Muling Pagkabuhay - Centro

Muling magbubukas ang pintuan ng pagkakapatiran sa Bulihan Centro. Isang pagtitipong hindi lamang puno ng tawanan at kwentuhan, kundi isang banal na paglalakbay ng mga pusong nauuhaw sa Salita at paglilingkod. Kasama natin ang patron ng mga kabataan, bilang tanglaw at gabay, upang ipaalala sa atin na sa bawat hakbang ng kabataan, may Diyos na sumasama at umaakay.

Kung ikaw ay mula sa Bulihan Centro, halinaโ€™t makiisa! Huwag hayaang manatili sa gilid ang iyong sigasig. Ang gawaing ito ay hindi lamang para sa iilan, kundi para sa ating lahat โ€” mga binhing nais patubuin ng pananampalataya, ng pagkakaisa, at ng pag-ibig sa kapwa. Sa isang hapon na ito, hayaan nating maging ugat tayo ng pag-asa sa ating pamayanan.

Tara na!




๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐…๐„๐‹๐‹๐Ž๐–๐’๐‡๐ˆ๐ | ๐’๐๐‚๐˜ ๐๐ˆ๐๐“๐Ž๐†SAKSIHAN | Sa lilim ng pagdalaw ni San Pedro Calungsod sa bisita ni San Nicholas De Tolent...
27/07/2026

๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐…๐„๐‹๐‹๐Ž๐–๐’๐‡๐ˆ๐ | ๐’๐๐‚๐˜ ๐๐ˆ๐๐“๐Ž๐†

SAKSIHAN | Sa lilim ng pagdalaw ni San Pedro Calungsod sa bisita ni San Nicholas De Tolentino, nagtipon ang mga kabataan ng Bintog upang sariwain ang tunay na diwa ng paglilingkod at pagkakaisa. Hindi lamang ito naging isang pagtitipon, kundi isang banal na ugnayan โ€” kung saan ang bawat salita, dasal, at tawanan ay naging alay sa Diyos. Sa gitna ng ating kabataan, pinatunayan natin na ang pananampalataya ay hindi basta salita, kundi isang buhay na patotoo ng pagmamahalan at pagtutulungan.

Buong puso kaming nagpapasalamat sa SPPC Bintog sa inyong walang pagod na pagsuporta at pagyakap sa mga adhikain ng kabataan, maging ang pagtanggap sa amin sa intong sinisintang kapilya. Sa kasalukuyang pamunuan ng SPCY at SPCY Coordinator ng buklod ng kabataan ng Bintog, maraming salamat sa inyong pagtanggap, paggabay, at sa panahong buong kabukasang inialay ninyo para sa tagumpay ng gawaing ito. At sa mga kabataang laan ng oras at lakas โ€” kayo ang patunay na ang Simbahan ay patuloy na nabubuhay sa inyong sigasig. Nawaโ€™y manatiling nagniningas ang alab ng ating paglilingkod, at sa pamamagitan ni San Pedro Calungsod, patron ng kabataan, ay patuloy tayong gabayan tungo sa kabanalan.




๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐…๐„๐‹๐‹๐Ž๐–๐‡๐ˆ๐ - ๐’๐๐‚๐˜ ๐๐ข๐ง๐ญ๐จ๐ Sa pagitan ng mga pader ng ating kapilya, sumisibol ang pag-asang hindi kailanman naglalaho...
19/07/2026

๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐…๐„๐‹๐‹๐Ž๐–๐‡๐ˆ๐ - ๐’๐๐‚๐˜ ๐๐ข๐ง๐ญ๐จ๐ 

Sa pagitan ng mga pader ng ating kapilya, sumisibol ang pag-asang hindi kailanman naglalaho.

Ang kabataan ay hindi lamang kinabukasan ng simbahanโ€”tayo ang kasalukuyan nitong tibok.

Kayaโ€™t iwaksi natin ang pag-aalinlangan at lumapit tayo sa isaโ€™t isa, upang sa pamamagitan ng salita, awit, at pagmamalasakit, ay maging matatag tayo bilang isang pamilya kay Kristo.

Iniimbitahan ka namin kung ikaw ay mula sa Brgy. Bintog upang maki-isa sa isang maluwalhating pag-asa sa ๐˜๐Ž๐”๐“๐‡ ๐…๐„๐‹๐‹๐Ž๐–๐‡๐ˆ๐ ng ๐’๐๐‚๐˜ ๐๐ข๐ง๐ญ๐จ๐ !

Halika, at hayaang ang ating mga puso ay pag-alabin muli ng pananampalataya. Sapagkat sa pagkakaisa, mas nagiging malinaw ang tawag ng Diyos sa atin.

Kailan: Hulyo 26, 2026 | Linggo | 1:00 P.M
Saan: Bisita ni San Nicholas de Tolentino - Bintog, Plaridel, Bulacan



๐—ฃ๐—–๐—ฌ ๐—”๐˜€๐˜€๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—น๐˜†-๐—•๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด | ๐—๐˜‚๐—น๐˜† ๐Ÿญ๐Ÿฎ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—”๐—ฆ | Nag-ibayo ang ningas ng pananampalataya! Nitong Linggo, tinipon...
13/07/2026

๐—ฃ๐—–๐—ฌ ๐—”๐˜€๐˜€๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—น๐˜†-๐—•๐—ผ๐—ป๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ด | ๐—๐˜‚๐—น๐˜† ๐Ÿญ๐Ÿฎ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—”๐—ฆ | Nag-ibayo ang ningas ng pananampalataya! Nitong Linggo, tinipon ng Pag-ibig ang halos animnapung kabataan โ€” mga binhi mula sa ibaโ€™t ibang SPCY at samahan โ€” sa isang hapong naging dambana ng pagkakaisa. Sa gitna ng tawanan at taos-pusong pagbabahagi, muling isinilang ang diwa ng paglilingkod: na tayo, sa kabila ng pagkakaiba, ay iisang katawan kay Kristo.

Hindi lamang ito pagtitipon ng mga kabataan, kundi pag-uugnay ng mga pusong nag-aalab. Nawaโ€™y ang init na ito ang magsilbing tanglaw sa ating paglalakbay bilang mga buhay na saksi.

Maraming salamat, mga kabataang naki-isa sa araw na ito!

โ€œKayo ang ilaw ng sanlibutan.โ€ - Mateo 5:14



๐™‡๐™„๐˜ฝ๐˜ผ๐˜ฟ ๐™‰๐˜ผ, ๐™จ๐™–๐™œ๐™…๐™๐˜ผ๐™‰ ๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™– ๐™‘๐™”๐˜ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ! ๐ŸŒŠโ›ต๏ธโ€Ž๐Ÿ“| ๐๐š๐ง๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ๐ž๐ฌ๐ข๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐š ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ซ๐จ๐ค๐ฒ๐š ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐š๐ง ๐๐š๐ฎ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ๐š - ๐‚๐š๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ข๐ญ, ๐๐ฎ๐ฅ๐š๐œ๐š๐งโ€Žโ€Ž๐—•๐—”...
13/06/2026

๐™‡๐™„๐˜ฝ๐˜ผ๐˜ฟ ๐™‰๐˜ผ, ๐™จ๐™–๐™œ๐™…๐™๐˜ผ๐™‰ ๐™ฃ๐™– ๐™จ๐™– ๐™‘๐™”๐˜ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ! ๐ŸŒŠโ›ต๏ธ

โ€Ž๐Ÿ“| ๐๐š๐ง๐๐ข๐ฒ๐จ๐ฌ๐ž๐ฌ๐ข๐ฌ ๐ง๐š ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐š ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ซ๐จ๐ค๐ฒ๐š ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง ๐‰๐ฎ๐š๐ง ๐๐š๐ฎ๐ญ๐ข๐ฌ๐ญ๐š - ๐‚๐š๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐ข๐ญ, ๐๐ฎ๐ฅ๐š๐œ๐š๐ง
โ€Ž
โ€Ž๐—•๐—”๐—Ÿ๐—œ๐—ง๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—”๐—ฆ๐—ฃ๐—”๐—ฆ โ€ข|โ€ข Hunyo, 12, Biyerners โ€” Mataas na lumipad ang buklod kabataan ng mga Banal na Anghel patungo sa Pandiyosesis na dambana at Parokya ni San Juan Bautista upang maki-isa, makilahok, at maki-sagJUAN.
โ€Ž
โ€ŽNitong araw na ito ay naganap ang ika-13 taon na Vicarial Youth Day na pinangunahan at pinaghandaan ng kabataan ni Apo Juan, mula sa bayan ng Calumpit.
โ€Ž
โ€ŽSa pamamagitan ng mga kompetisiyon, at mga aktibidad. Lumahok at naki-hataw ang kabataan ng mga Banal na Anghel, bagamat hindi nagwagi at nagkamit ng mga sertipiko sa kompetisiyon, ngunit bandang huli, na-iuwi ng kabataan ang isang maliwanag na tagumpayโ€”krus ng kabataan at imahe ni Santiago Apostol.
โ€Ž
โ€ŽTanda na ang kabataan ng mga Banal na Anghel, mula sa Bayan ng Plaridel, Bayan ni Santiago. Ang susunod magiging na Vicarial Youth Day 2027 host.
โ€Ž
โ€ŽSa gabay at awa ng Ama, ang kabataan ang naging instrumento ng pananampalataya, at sa tanglaw ni Kristo, tayo ay nagiging isang mabuting tao.
โ€Ž
โ€Žโ€œ๐—ฆ๐—ถ ๐—ž๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฟ๐—ผ ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป, ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐˜€๐—ถ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป, ๐—ฎ๐˜ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜†๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ด๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ปโ€
โ€Ž
โ€ŽKaya, tayoโ€™y magkita-kitang muli sa VYD 2027! Ka-pagaspas!
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž
โ€Ž

๐€๐๐† ๐๐€๐’๐€๐’๐€๐Š๐ƒ๐€๐‹ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”"๐‘ด๐’–๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’‰๐’‚๐’•๐’๐’ ๐’•๐’–๐’๐’ˆ๐’ ๐’”๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’•๐’‚๐’”๐’‚๐’."Sa hukuman ng mundo, Siya ang nasasakdalโ€”ngunit sa puso ng bawat ...
28/03/2026

๐€๐๐† ๐๐€๐’๐€๐’๐€๐Š๐ƒ๐€๐‹ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

"๐‘ด๐’–๐’๐’‚ ๐’”๐’‚ ๐’‰๐’‚๐’•๐’๐’ ๐’•๐’–๐’๐’ˆ๐’ ๐’”๐’‚ ๐’Œ๐’‚๐’๐’Š๐’ˆ๐’•๐’‚๐’”๐’‚๐’."
Sa hukuman ng mundo, Siya ang nasasakdalโ€”ngunit sa puso ng bawat sugatan, Siya ang umaakay.
Isang makapangyarihang pagninilay sa sakit, galit, at pag-ibig na hindi sumusuko.

IKA-31 NG MARSO, 2026 โ€” MARTES SANTO | 6:30 N.G.

Inihahandog ng mga kabataan ng ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ธ๐˜†๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ฎ ๐—”๐—ป๐—ด๐—ต๐—ฒ๐—น. Sa orihinal na likha ni ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฏ. ๐—ฃ. ๐—”๐—น๐˜ƒ๐—ถ๐—ป ๐— . ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ฎ, sa paggabay ng Kura-Paroko, ๐—ฅ๐—ฒ๐—ฏ. ๐—ฃ. ๐—”๐—น๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ๐˜๐—ผ ๐— . ๐——๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐—–๐—ฟ๐˜‚๐˜‡, at sa direksyon ni ๐— ๐—ถ๐—ฐ๐—ผ ๐— . ๐—˜๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜‡๐—ฎ, ang dulang makapaghahatid ng biyaya ng kaligtasan sa pamamagitan ng pagpapakasakit at pagkamatay ni Kristo sa krus para sa ating kasalanan.

Halina at saksihan, magtika, at pagnilayan ang mga hatol at paratang na hindi Niya nilabanan. Bagkus ay pinag-alayan ng buhay ang mga makasalanan.

โ€˜๐€๐ง๐  ๐๐š๐ฌ๐š๐ฌ๐š๐ค๐๐š๐ฅโ€™โ€”hindi lang kwento ng paghatol, kundi ng awa at pag-asa.โ€



Address

San Jose
Plaridel

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Parish Commission on Youth of Holy Angels Parish posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share