SPCY Parulan - Bisita ni San Clemente

SPCY Parulan - Bisita ni San Clemente Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SPCY Parulan - Bisita ni San Clemente, Religious organisation, Plaridel.

02/06/2026

BEC, ANO TARA?
Be One of Us, Be a St. Clement BEC Youth Member

Baka ito na ang sign para sa'yo. Baka ito na ang daan upang makapaglingkod ka sa Diyos at sa Kanyang Simbahan. Huwag kang matakot sumubok, dahil baka ito na ang pagkakataong matagal nang inihahanda ng Panginoon para sa'yo.

ANO NGA BA ANG BEC?

This is it, this is the sign you've been waiting for!
Wanting to serve God, but too nervous to try? Tara, mag BEC ka na!

Ang BEC o Basic Ecclesial Community, na kilala rin bilang Maliit na Simbahang Sambayanan, ay isang komunidad ng mga mananampalataya na sama-samang nagtitipon upang manalangin, magnilay sa Salita ng Diyos, at isabuhay ang pananampalatayang Kristiyano sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Layunin ng BEC na palalimin ang ating relasyon sa Diyos at patatagin ang pagkakaisa ng bawat isa bilang bahagi ng Simbahan. Dito, natututo tayong magbahaginan ng pananampalataya, maglingkod sa kapwa, at maging aktibong kasapi ng ating pamayanan.

Ang BEC ay maaari ring maging lugar kung saan makakatagpo ka ng mga taong handang makinig, umalalay, at samahan ka sa iyong paglalakbay ng pananampalataya.

Marami sa mga kabataang lingkod ng Bisita ni San Clemente ay nagsimula muna sa St. Clement BEC Youth. Baka ang BEC na rin ang maging daan upang mas mapalapit ka sa Diyos at makapaglingkod sa Kanyang Simbahan.

Halina at maging bahagi ng Maliit na Simbahang Sambayanan!
Sama-sama nating palalimin ang ating pananampalataya at tugunin ang tawag ng Diyos.

"Sapagkat saanman may dalawa o tatlong nagkakatipon sa pangalan ko, naroon akong kasama nila." β€” Mateo 18:20


ISANG PASASALAMAT SA PAGTATAPOS NG BUWAN NG BULAKLAK AT DEBOSYON 🌸✨Sa pagtiklop ng huling pahina ng buwan ng Mayo, baon ...
31/05/2026

ISANG PASASALAMAT SA PAGTATAPOS NG BUWAN NG BULAKLAK AT DEBOSYON 🌸✨

Sa pagtiklop ng huling pahina ng buwan ng Mayo, baon natin ang mga pusong umaapaw sa kagalakan at pasasalamat. Ang buwang ito ay hindi lamang naging panahon ng pag-aalay ng mga nandaragilang bulaklak, kundi isang buhay na patunay ng ating nagkakaisang pananampalataya at pagmamahal sa ating Mahal na Ina.

Buong-pusong nagpapasalamat ang Hermanidad ng Flores na sina Bro. Symond Guillen at Sis. Denise Dela PeΓ±a at ang buong samahan ng Saint Clement Youth Organization sa bawat isa na naging bahagi ng tagumpay ng ating mga gawain ngayong taon, sa mga pamilyang walang-sawang nag-alay at sumuporta, sa lahat ng nagpaabot ng kanilang tulong mapa-pinansiyal man, pagkain, tubig na maiinom, o sa mga materyal na nagamit para mapaganda ang Flores ngayong taon at higit sa lahat, sa bawat kabataang nag-alay ng kanilang oras, talento, at panalangin. Kayo ang naging ganda at bango ng debosyong ito.

Matapos man ang buwan ng Mayo, nawa’y manatiling sariwa sa ating mga puso ang mga aral at kapayapaang iniwan sa atin ng Mahal na Birhen.

Hanggang sa susunod na Flores de Mayo! Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat!

VIVA LA VIRGEN! 🌹



β€œSa Iyong Kagandahan, Nasasalamin ang Aming Pananampalataya...” 🌹Matagumpay na naisakatuparan ng Hermanidad ng Flores De...
29/05/2026

β€œSa Iyong Kagandahan, Nasasalamin ang Aming Pananampalataya...” 🌹

Matagumpay na naisakatuparan ng Hermanidad ng Flores De Maria 2026 na sina Bro. Symond Guillen at Sis. Denise Dela PeΓ±a katuwang si Gng. Jolyen Mensorado de Roxas at sa tulong na rin ni Bro. Emil Santos Bejoc ang pagpapa-encarna sa mahalagang imahe ng Mahal na Birhen ng Kabataan ng Parulan.

Ang bawat bagong kulay at ganda ng kanyang imahe ay simbolo ng ating buhay na pananampalataya.

Lahat ng papuri ay sa Diyos at sa Mahal na Birhen! VIVA LA VIRGEN! πŸŒΈπŸ‘‘



23/05/2026

πŸ€πŸŒΈπŸ™

17/05/2026
Ilan sa mga kuhang larawan mula sa nagdaang Flores de Maria 2026 sa Barangay Parulanβ€”mga ngiti, dasal, at sandaling puno...
17/05/2026

Ilan sa mga kuhang larawan mula sa nagdaang Flores de Maria 2026 sa Barangay Parulanβ€”mga ngiti, dasal, at sandaling puno ng pananampalataya at pagkakaisa na nagbigay-buhay sa makulay na pagdiriwang na ito.

Maaari rin ninyong bisitahin ang FB page ng Bisita ni San Clemente - Parulan, Plaridel, Bulacan para sa iba pang mga kuhang larawan mula sa naganap na Flores ngayong taon.

VIVA LA VIRGEN! πŸ™



πƒπ€ππˆπ“ 𝐒𝐀 πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„ππ† πŒπ€π‘πˆπ€ πŸ™πŸŒΈ
17/05/2026

πƒπ€ππˆπ“ 𝐒𝐀 πŒπ€π‡π€π‹ 𝐍𝐀 ππˆπ‘π‡π„ππ† πŒπ€π‘πˆπ€ πŸ™πŸŒΈ

Address

Plaridel

Telephone

+639083463235

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SPCY Parulan - Bisita ni San Clemente posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share