Jesus the Gospel intn'l plaridel parulan chapter

Jesus the Gospel intn'l plaridel parulan chapter full Gospel church

Awit 143:8Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunita yaong pag-ibig mo na lubhang dakila.Ang ak...
16/11/2021

Awit 143:8
Ako ay umasa, sa iyo nagtiwala, sa pagsapit ng umaga ay ipagugunita yaong pag-ibig mo na lubhang dakila.
Ang aking dalangin na sa iyo'y hibik patnubayan ako sa daang matuwid.

13/11/2021

Tayo po ay manalangin!
Panginoon aming Diyos! Makapangyarihan sa lahat, salamat po sa mga pagsubok na Iyong pinahintulutan sa aming buhay, tulungan Mo po kami na maging matatag at higit na magtiwala sa Iyo Ama sa kabila ng mga pangyayaring ito sa aming buhay.
Kataas Taasang Diyos kami po ay buong pusong lumalapit at nagpapakumbabang humihingi ng tawad sa lahat ng aming mga pagkakasala, ito man ay lihim o lantad, sadya o hindi namin sadya patawarin Mo po kami at pinagsisisihan po namin ang lahat ng aming mga kasalanan, pinapatawad din po namin ang mga nagkasala sa amin.
Aming Diyos dalangin po namin, ang kalakasan ng aming katawan at higit sa lahat ang aming espirtuwal na buhay na dapat higit naming bigyang halaga ang higit na magnasa sa paggawa ng mga bagay na nakalulugod sa Iyo. Tunay ang buhay namin ay nasa Iyong mga kamay, at tunay din na maikli lang ang buhay dito sa mundong ito, tulungan Mo po kami na habang kami ay nabubuhay pa mamuhay kami ng mababang loob at wag naming isipin na higit kami sa iba, pagkalooban Mo po kami ng pusong tunay na may malasakit at nagmamahal sa kapwa.

Lucas 6:31-33
Gawin mo sa iyong kapwa ang nais mong gawin nila sa iyo. Kung ang mamahalin ninyo ay iyon lang mga nagmamahal sa inyo, ano ang mapapala ninyo? Kahit ang mga makasalanan ay nagmamahal sa nagmamahal sa kanila.Ano ang mapapala ninyo kung gagawa kayo ng mabuti doon lamang sa gumagawa sa inyo ng mabuti? Ganoon din ang ginagawa ng mga makasalanan.

Tulungan Mo po kami Ama na huwag maging pakitang tao lang ang mga ginagawa namin, bagkus gawin namin ang lahat ng aming mga gagawin ng buong puso.
Salamat po aming Diyos, nananampakataya kami Aming Diyos na tinugon Mo po ang aming mga panalangin.
Pagkalooban mo po kami ng masarap na pagtulog sa gabing ito, at sa araw ng bukas kasabay ng pagmulat ng aming mga mata, Ikaw agad ang aming maalala, mapurihan at mapasalamatan.
Buong pag iingat po naming ibinabalik ang aming pinakamayamang papuri, pagsamba at pasasalamat. Ito po ang aming samo't dalangin sa tanging Pangalan ng Iyong Anak na si Hesus na aming Nagiisang Panginoon at Tagapagligtas Amen at Amen.

Mateo 5:8-10
“Pinagpala ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. “Pinagpala ang mga gumagawa ng paraan para sa kapayapaan, sapagkat sila'y ituturing na mga anak ng Diyos. “Pinagpala ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat kabilang sila sa kaharian ng langit.
Magandang gabi po at Masarap na pagtulog sa bawat isa :)

07/11/2021

Tayo po ay manalangin!

Kataas Kataas Taasang Diyos! Hari ng mga hari! Panginoon ng mga panginoon, ang aming pinajamayamang papuri at pagsamba tanging sa Iyo lamang namin inaalay! Salamat po, aming DIYOS NA MAAWAIN, sa lakas na kaloob Mo sa amin sa buong araw at hanggang sa gabing ito, patuloy Mo po kaming pagkalooban ng kalakasan ng pisikal upang patuloy na magamit sa paghahayag ng mga banal Mong Salita sa mga taong nasa kalabuan. Ipag-adya Mo po kami sa pakikipag-alitan, kasakunaan at pagkakasala.

Patawarin po Ninyo kami sa aming mga kasalanan, at pinatatawad din po namin ang sinomang sa amin ay nagkasala. Tulungan Mo po kami, aming Diyos na layuan at iwan ang mga gawaing hindi kalugod-lugod sa Iyong paningin. Dalangin po namin habang kami ay nabubuhay pa sa mundong ito maghari sa aming puso ang kababaang loob at tunay na pag-ibig at malasakit sa aming kapwa , tulungan mo po kami na ang mga Salita Mo ay makita sa aming pamumuhay upang sa pamamagitan ng aming buhay ay lagi kang mabigyan ng karangalan at kaluwalhatian,
at ang buhay naming nalalabi pa ay magamit namin sa paglilingkod una sa Iyo aming Diyos at pangalawa sa aming kapwa tao.

Ama sa pisan ng Banal mong Espiritu pagkalooban Mo po kami sa bawat ng oras ng maliwanag na isip upang madaig namin ang tukso, Kawaan Mo po Ama ang mga taong wala pang tunay na ugnayan sa Iyo,pagkalooban mo po sila ng pagkakataon na magsipagsisi, gamitin Mo po kami na mga lingkod mo sa mga taong ito na makikilala Ka nila at magkaroon sila ng tunay na relasyon sa Iyo Panginoong Hesus.

Salamat po aming Diyos, na lagi sa aming nagpoproteksiyon sa lahat ng gawa ng masasama.

Pagkalooban Mo po kami sa gabing ito ng masarap na pagtulog upang maipahinga nak8n ang aming pagal na katawan at sa muling pagmulat ng aming mga mata Ikaw ang una naming pasalamatan at papurihan sa aming buhay.
maghari po lamang sa amin ang mabuting kaisipan at damdamin ng sa tuwina ay lagi kaming karapat-dapat sa Iyong mga pagpapala.
Maingat at buong puso po naming ibinabalik ang aming pinakamayamang papuri, pagsamba at pasasalamat, ito po ang aming samo't dalangin sa tanging Pangalan ng Iyong Anak na si Hesus na aming Nagiisang Panginoon at Tagapagligtas Amen at Amen.

Mga Awit 51:10-12 RTPV05
Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong harapa'y huwag akong alisin; iyong banal na Espiritu'y paghariin. Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat.

05/11/2021

JtG pritil midweek service

Preacher joricko kim camacho

05/11/2021

JtG pritil midweek service😇😇😇 thank You Lord Jesus Christ

04/11/2021

Let us pray!
Heavenly Father, Miracle worker! Our promise keeper, Father God we humbly apologize for all the sins we have committed, wether intentionally or not, and we also forgive those who do sin to us. Thank you Lord for forgiving our sins.thank you for holding us together today. We needed you, and you were there for us,
Thank you for every bit of love, mercy, and grace that was shown to us though we did not deserve it. Thank you for your faithfulness even in our suffering. Grant us a good night's sleep tonight, God, so that we can awake refreshed and ready to begin another day loving you.Help us to obey you and love you more and more until our last breath.
To you alone be the glory. In Jesus Mighty Mighty Name we pray Amen.

I lie down and sleep; I wake again, because the Lord sustains me.
Psalm 3:5

The LORD is my shepherd, I lack nothing. He makes me lie down in green pastures, he leads me beside quiet waters, he refreshes my soul. He guides me along the right paths for his name’s sake.
Psalm 23:1-3

Have a peaceful sleep tonight :)

02/11/2021

1 Thessalonians 5:18 encourages us to "Give thanks in all circumstances; for this is God’s will for you in Christ Jesus." This doesn't mean that we are to give thanks FOR everything but IN everything.

Let us pray!
Heavenly Father! Thank you for your great love and blessing over our lives. Thank you that your favor has no end, but it lasts for our entire lifetime. Forgive us for sometimes forgetting that you are intimately acquainted with all of our ways, that you know what concerns us, and you cover us as with a shield.

We ask that we would walk in your blessing and goodness today. That your face would shine on us. That you would open the right doors for our lives and for our loved ones, that you would close the wrong doors and protect us from those we need to walk away from.

Establish the work of our hands and bring to fulfillment all that you have given us to do in these days. We pray that you would make our way purposeful and our footsteps firm out of your goodness and love. Give us a heart of wisdom to hear your voice, and make us strong by your huge favor and grace. In Jesus' Name, Amen.

01/11/2021

Tayo po ay manalangin!
Aming Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang aming pinakamataas na papuri'y tanging sa Iyo lamang namin inaalay. Ama sa pisan ng Banal Mong Espiritu, kami po ay nagpapakumbabang humihingi ng kapatawaran sa lahat ng aming mga kasalanang sinasadya o hindi, lihim o lantad, patawarin Mo po kami Panginoon, gaya ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin.

Sapagkat patatawarin ko ang kanilang mga kasalanan, at kalilimutan ko na ang kanilang mga kasamaan.”
Hebreo 8:12

Ama, tulungan Mo po ang mga nabibigatan sa kanilang mga pasanin, pagkalooban Mo po sila ng kapayapaan ng puso at isipan, pagkalooban mo po sila ng pananampalatayang di natitinag, at pagkalooban Mo po sila ng pusong nagaalab ang pagmamahal sa iyo, pusong laging sabik sa iyong mga Salita, at tulungan sa lahat ng kanilang kahinaan.

Panginoon nagpapasalamat po kami sa mga buong araw at maghapon na kami ay nakatagpos sa lahat ng mga pagsubok, maging sa aming mga pangangailangan, salamat din Ama sa patuloy na kalakasan ng aming pisikal na katawan, muli pagkalooban Mo po kami ng masarap na pagtulog, at sa muling pagmulat ng aming mga mata sabay ng pagsikat ng bagong araw, Ikaw agad ang aming pasalamatan at papurihan, at muli naming haharapin ang bagong umagang puno ng pag-asa at may ngiti sa aming labi na Ikaw aming Diyos na Makapangyarihan sa lahat ay patuloy naming makakasama sa bagong lakbayin sa buhay na hatid ng panibagong bukas.
Wala kaming papupurihan at sasambahin kungdi ikaw lamang Ama, at buong puso kaming nanampalataya na lahat ng aming panalangin sa gabing ito ay inyong tinugon.
Salamat po Ama ito po ang aming samo at dalangin sa Tanging Pangalan ng Iyong Anak na si Hesus na aming Nagiisang Panginoon at Tagapagligtas Amen at Amen.

Awit 19:14 TLAB
Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin, Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking manunubos.

31/10/2021
31/10/2021





Jesus the Gospel parulan chapter Sunday service
31/10/2021

Jesus the Gospel parulan chapter Sunday service



Address

Plaridel
3004

Telephone

+639185513816

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jesus the Gospel intn'l plaridel parulan chapter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share