Banga Barrio Fiesta 2026

Banga Barrio Fiesta 2026 Layon din nitong mapaigting ang Debosyon kay San Antonio at Mapalapit tayo sa Diyos.

Ang Banga Barrio Fiesta 2026 Page ay ginawa upang mag-update ng mga Kaganapan at Gawain para sa nalalapit na Kapistahan ni San Antonio de Padua sa Banga, Plaridel.

PASKO SA BANGA, KISLAP NG PAG-ASA!Magkita-kita po tayo sa Disyembre 13, 2025 (Sabado) para ipagdiwang ang MaKislap na Pa...
06/12/2025

PASKO SA BANGA, KISLAP NG PAG-ASA!

Magkita-kita po tayo sa Disyembre 13, 2025 (Sabado) para ipagdiwang ang MaKislap na Pasko na Puno ng Pag-asa sa Bisita ni San Antonio de Padua, Banga, Plaridel, Bulacan!

31/07/2023

MAHALAGANG PABATID:

Bukas, ika-1 ng Agosto, 2023, sa ganap na ika-7:30 ng umaga, ang ating Unang Martes ng buwan na Banal na Misa para sa karangalan ni San Antonio de Padua. Ang lahat po ay inaanyahang makilahok sa ating pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya kaalinsabay ng ating debosyon sa ating Patron, San Antonio de Padua.

What is “St. Anthony’s bread”?This tasty tradition arose from a prayer answered in 1888.Louise Bouffier yawned as she fi...
15/06/2023

What is “St. Anthony’s bread”?
This tasty tradition arose from a prayer answered in 1888.

Louise Bouffier yawned as she fished about in her pocket for her key. The sun had not yet risen on Toulon, France, where she ran her bakery. She stifled another yawn as she produced the key and stuck it in the lock.

That’s when her morning went wrong. Try as she might, she could not turn that lock. Bread and baking had to wait as she ran for a locksmith to open her stubborn door.

The locksmith came. He could not unlock the door either.

“I’ll have to break the door down, Madame,” he said with a shake of his head, and went off for his break-in tools.

A broken door meant costly repairs. Louise lifted hands and eyes to heaven. “St. Anthony of Padua,” she prayed. “Help me open this door! If you do, I’ll give some of my bread to the poor.”

When the locksmith returned, he tested the door once more and it opened easily.

True to her word, Louise gave bread to the poor. Eventually, her friends took up the custom of giving away bread in thanksgiving for St. Anthony’s intercession. The custom spread quickly, morphing into a feast day tradition of gifting family and friends with blessed St. Anthony’s bread on the saintly monk’s feast.

Here’s a little prayer for blessing the bread:

Heavenly Father, we praise you and give you glory for the gift of bread, fruit of the earth, work of human hands and source of our daily nourishment. Bless this bread in honor of St Anthony. Teach us to share all your gifts with the poor, the forsaken and the hungry. All praise be to you through Jesus Christ, our Saviour, in the unity of the Holy Spirit, one God, for ever and ever. Amen.

Grabbed from https://www.catholiccompany.com/

MALIGAYANG KAPISTAHAN SAN ANTONIO DE PADUA!!!Maligayang Kapistahan Banga 1st at 2nd!Sa araw ng kanyang kapistahan, inaab...
12/06/2023

MALIGAYANG KAPISTAHAN SAN ANTONIO DE PADUA!!!
Maligayang Kapistahan Banga 1st at 2nd!

Sa araw ng kanyang kapistahan, inaabangan ng mga tao ang pamamahagi ng tinapay ni San Antonio de Padua pagkatapos ng bawat Misa. Ang tradisyon ng pamumudmod ng tinapay ay nagsimula noong 1276 AD nang isang bata ang muntik nang malunod at nakaligtas habang itinatayo ang Basilica of St. Anthony de Padua. Nangako ang ina ng bata na mamimigay ng harina sa mga taon sa timbang na kapareho ng sa kanyang anak, na kanyang tinupad nang mabuhay ang kanyang anak.

PANALANGIN KAY SAN ANTONIO DE PADUA
O San Antonio de Padua, banayad at makapangayarihan sa pagtulong, ang iyong pag-ibig sa Diyos at sa kanyang mga nilalang ay dahilan upang ikaw ay maging karapat-dapat na italagang tagatulong sa madlang nangangailangan. Kahit noong ikaw ay nabubuhay pa, ikaw ay pinagkalooban na ng kapangayarihan na magkaroon ng mapaghimalang kapangyarihan. Ang pagpapala ay naghihintay sa iyong salita na handa mong ipagkaloob sa mga nagsusumamo. Sa ganitong pag- asa, ako aynananalangin na iyong ipagkaloob sa akin ang biyayang ito (sambitin ang kahilingan). Ang kasagutan sa aking
kahilingan ay maaring mangailangan ng himala, ngunit ikaw ay banal na mapaghimala.
O Mapagmahal na San antonio, may pusong umuunawa sa mga nangangailangan, ibulong mo po ang aking kahilingan sa Banal na sanggol na si Hesus na iyong inibig at pinaglingkuran sa buo mong buhay, at ito po ay tatanawin kong malaking utang na loob sa iyo at ako'y nangangakong magiging masunurin sa kalooban ng diyos at mamumuhay na bilang isang mabuting kristiyano. AMEN.

PAGSISIYAM KAY SAN ANTONIO DE PADUAIKA-SIYAM NA ARAWPANIMULAAng tanda ng Krus. Sa aming mga kaaway iadya mo kami, Pangin...
11/06/2023

PAGSISIYAM KAY SAN ANTONIO DE PADUA
IKA-SIYAM NA ARAW

PANIMULA
Ang tanda ng Krus. Sa aming mga kaaway iadya mo kami, Panginoong Diyos. Sa ngalan ng Ama, ng Anak At ng Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI
Panginoon kong Jesukristo, Diyos at tao namang totoo, gumawa’t sumakop sa akin. Ikaw nga po ang Diyos ko at iniibig kong lalo sa lahat. Pinagsisisihan kong matibay na matibay sa tanang loob ko ang pag-kakasala ko sa Iyo. Umaasa po ako sa dakilang awa Mo na ako’y Iyo pong patatawarin at papagkakamting luwalhati. Siya Nawa.

SAGUTAN KAY SAN ANTONIO DE PADUA
Kung hanap mo’y himala’y masdan, nawawaksi kamataya’t kamalian, lumalayo ang demonyo’t kahirapan, gumagaling ang sakit leprahin man.
*Nahuhupa ang bagsik ng dagat natutubos ang nabibihag, kayamana’t lakas na untag matanda’t bata’y nagwakas.
Umiilag ang panganib, ang mahirap ay nakatatawid, kayong kinalinga’y magsiawit sa mga Paduano ay magsulit.

Papuri sa Ama, papuri sa anak at papuri sa Espiritu Santo

Idalangin mo po kami kay Kristo, maluwalhating SAN ANTONIO DE PADUA
*Nang maging dapat na tutoo ang pangako Niya’y matamo. Siya Nawa.

IKA-SIYAM NA ARAW

ANG PANALANGIN SA ARAW NA ITO’Y ANG PAGKALOOBAN NG MANINGAS NA PUSO NG PAGSINTA SA DIYOS

Dito’y ang paggunam-gunamin ay ang katas-taasang karapatan na ipinamuti ng Panginoong Diyos sa ika-siyam na katas-taasang Coro ng mga espiritu sa langit na ang pangala’y Serafines, na malapit sa lahat sa Panginoong Diyos kaya makikinabang na lalo sa lahat noong walang katapusang ningas ng pag-ibig na walang hanggan, sapagkat sa katunayan ang Diyos ay Siya rin ang awa’t pag-ibig. At sapagkat ang maluwalhating Serafin na si San Antonio ay di lamang malapit na malapit sa Trono ng Diyos ayon sa mga nakita ni Isaias, nagsisilbi pang lalo, kahit mababa sa ibang katas-taasang Trono na kapitang malaki at mairog. Anong kainitan, aling bulkan ang di makinabang sa dibdib ng mahal na Panginoong Diyos, ito nga at walang kapanga-panganib ang mahigpit niyang karapatan, sapagkat ang kababaan ang lalong mataas sa lahat ng Virtudes, dahil dito, nagkaroon siya ng madlang kapangyarihan sa di masabing biyaya at awa ng Panginoong Diyos, na ipinag-aaliw at itinutulong sa nagsisipamintakasi sa kaniya, at dito’y saksi ang halos di-mabilang na kaniyang sinaklolohan, at lalong-lalo na ang mga taga Padua na kaniyang pinagpakitaan ng bukod na kalooban. At itong siyudad ng Padua malaki at labis sa lahat ng mga siyudades dito sa mundo ng panininta’t paggalang, pagdedebosyon at pagsampalataya kay San Antonio. Pinita’t hinirang nilang pintakasi, ipinagpatayo siya ng maraming simbahan at isang marikit na kapilyan, mayaman at kaaya-aya, na nag-iisa sa mga kalugud-lugod sa Europa at doo’y inilagay nila ang Santo niyang katawan. Ang mahal na Santo’y nagpapakita sa kanila ng malaking kagiliwan at kapasalamatan. Marami na ang kababalaghan na ipinakita sa kanila ng Santo, lalo na noog minsan na dili’t sukat waring sa kaisipan, noong ipinagtanggol ang Padua doon sa kutang inilagay ni Heneral Federicong emperador na nagnasang igiba ang Padua. Nagpupuri po kami’t nagpapasalamat Panginoon naming Diyos sa di masayod mong kaawaan na ginawa kay San Antonio. Dinggin at panunghayan yaring aming panalangin.

PANALANGIN SA DIYOS SA IKA-SIYAM NA ARAW
Diyos at Panginoon ng mga Serafines, pinayaman Mo ang Puso ng Masintahing San Antonio ng pag-ibig Mong maningas. Kahambing ng Serafines, yumayakap sa Iyong harapan ang makikipisang walang ulat, kaya madalas mong hiranging pamahayan ang kanyang dibdib para nang isang langit ang katawan dahil dito sa kasapatang Malaki ng Iyong masaganang awa alang-alang nga po ditto sa hinihiling naming sa Iyo, kamtan ng aming kaluluwa ang ningas ng maluwalhati Mong pag-ibig na ka’y mapalagi nang panininta sa Iyo ditto sa buhay na ito at mapisan sa kasamahan ng mga Coro ng mga Angeles at ang maluwalhating San Antonio, katiwala Mong alipin, at nang sa gayo’y parati nang makapagpuri’t magdangal ng Iyong kaawaan at maipagsulit ko na ikaw ay mapagkupkop sa Iyong mga Santos at nang siyang Iyong maging kapurihan at kaluwalhatian, ipagkaloob Mo po sa amin ang bukod na saklolo na hinihingi naming ditto sa nobenang ito. Siya Nawa.

(Magdasal ng isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria at isang Papuri)

ORASYON KAY SAN ANTONIO
Aba maligaya’t kaganda-gandahang San Antonio, luwalhati ka ng España, ilaw ng Italia, at ng alinmang bansa. Apostol sa pangangaral at sa pagsinta sa Gloria ng Diyos. Martir sa pagnanasa, Birheng wagas, basong hirang ng kalinisan, salamin ng tunay na kababaa’t karunungan, ayon sa iyong kaaya-ayang pagtuturo’t marikit na kabanalan. Kaaliwan ka ng mga Coro ng mga Angeles, Kutak a sa eheres at mga espiritung malulupit. Ikaw nga ang takbuhan, kaaliwan ng nagsisipamintakasi sa iyo, kasi mong una’y ang katamis-tamisang si Jesus, kinipkip mo’t kinalong sa dibdib mong wagas sa kalinisan. Biniyayaan ka ng ningas ng awa ng Diyos, pinita ka lalong mataas ng kanyang dangal at kagalingan naman ng mga tao. Ibinabati ko sa iyo, mahal na Santo ang walang hanggang pagpupuri doon sa piling mga karapatan na iniwagas ng Diyos sa kaluluwa mong kalinis-linisan at ikinatutuwa ko ngayon, at ako’y nagluluwalhati sa bayan ng kalangitan kasama ng siyam na Coro ng mga Angheles. Aba mapagmilagrong Antonio sa kapangyarihan niyong Santong sanggol, binigyan mo ng kabuhayan sa lupa’t langit ang maraming patay nang pagkakita ng mga bulag, nang pagkarinig ng mga bingi, nang pagkalakad ng mga pilay, nang pagkapangusap ng mga p**i, nang paggaling ng mga may sakit. Ilingon mo sa amin ang kagandahan ng iyong mukha nang pumanaw sa aming puso ang mga kasamaang nagbibigay ng kamatayan sa kaluluwa namin at maulinig namin ang saklolo ng Diyos sa aming puso, at kami’y lumakad ng buong ningas ng puso sa pag-aalinsunod sa Diyos at sampalatayanan namin ang santo niyang ngalan. Hingin mo rito sa marangal na sanggol na siyang araw ng katwiran, pawiin niya sa mundo ang karimlan ng mga erejes, kamalia’t kasalanan na nagpapaulap at nagpapadilim dito. Tingnan mo naman at ipatnugot ng kahusayang talos ng Santa Iglesya, na magkaisang lubos sa awang dakila, mabuhay tayo’t mapanuto ng pagsunod sa utos ng Diyos. At ikaw na luwalhati ng Espana panunghan mo ng matang maalindog itong aming bayan at igawad sa amin ng katamistamisang Jesus ang mahabang buhay, kaginhawahan at katuwiran sa purgatoryo, o kaya ang lalong kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aming kaluluwa, pakamtam sa amin ang hinihingi namin sa nobenang ito ng kaniyang kataasan at kungdi karampatan, ituro sa yaring puso na di magnasa ng ibang bagay, kungdi ang lalo mong maibigan. Siya Nawa.

Panginoon ko, kaawaan Mo ako, sambahin nawa’t purihin ang Santisimo Sakramento sa altar, at ang kalinis-linisang paglilihi ni Ginoong Sta. Maria ang bukod ang bukod na iningatan at pinagpalang di nahawahan ng kasalanang orihinal. Amen.

PAGSISIYAM KAY SAN ANTONIO DE PADUAIKAWALONG ARAWPANIMULAAng tanda ng Krus. Sa aming mga kaaway iadya mo kami, Panginoon...
10/06/2023

PAGSISIYAM KAY SAN ANTONIO DE PADUA
IKAWALONG ARAW

PANIMULA
Ang tanda ng Krus. Sa aming mga kaaway iadya mo kami, Panginoong Diyos. Sa ngalan ng Ama, ng Anak At ng Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI
Panginoon kong Jesukristo, Diyos at tao namang totoo, gumawa’t sumakop sa akin. Ikaw nga po ang Diyos ko at iniibig kong lalo sa lahat. Pinagsisisihan kong matibay na matibay sa tanang loob ko ang pag-kakasala ko sa Iyo. Umaasa po ako sa dakilang awa Mo na ako’y Iyo pong patatawarin at papagkakamting luwalhati. Siya Nawa.

SAGUTAN KAY SAN ANTONIO DE PADUA
Kung hanap mo’y himala’y masdan, nawawaksi kamataya’t kamalian, lumalayo ang demonyo’t kahirapan, gumagaling ang sakit leprahin man.
*Nahuhupa ang bagsik ng dagat natutubos ang nabibihag, kayamana’t lakas na untag matanda’t bata’y nagwakas.
Umiilag ang panganib, ang mahirap ay nakatatawid, kayong kinalinga’y magsiawit sa mga Paduano ay magsulit.
*Nahuhupa ang bagsik ng dagat natutubos ang nabibihag, kayamana’t lakas na untag matanda’t bata’y nagwakas.
Papuri sa Ama, papuri sa anak at papuri sa Espiritu Santo
*Nahuhupa ang bagsik ng dagat natutubos ang nabibihag, kayamana’t lakas na untag matanda’t bata’y nagwakas.
Idalangin mo po kami kay Kristo, maluwalhating SAN ANTONIO DE PADUA
*Nang maging dapat na tutoo ang pangako Niya’y matamo. Siya Nawa.

IKAWALONG ARAW

ANG PANALANGIN SA ARAW NA ITO’Y MAABULUYAN SA ATING KASALATAN

Dito sa araw na ito ang ating gugunam-gunamin ay ang karapatang ipinamuti ng Panginoong Diyos sa ikawalong Coro ng mga espiritu sa langit, pangala’y Querubines, ang kahuluga’y kataasan ng karunungan sapagkat labis sa kalahatan, nagsisipamintuho ng pagkilalang karangalan ng Diyos at kagalingan. Higit at bukod kay San Antonio na nagkamit nitong katas-taasang karapatan, gayon nga sa akala lamang ng kaniyang mga Misteryos, at mga sagradong sulat na ang Papa Gregorio IX. Tinawag siyang Arka ng Testamento sa kaalaman niyang ito, dumadaloy yaong kagalangan na kaniyang isinasamba’t ipinagpupuri sa Diyos na para Niyang nakikita ng mga matang buhay at mapilit siya na makita ng iba ang Diyos na sambahi’t purihin at maipahayag na ganito sa mga tao. Inibig niya na ang kaniyang dila’y mapalaging sariwa magpahanggang ngayon at walang kabulok-bulok. Ipinagkaloob naman sa kaniya, na bagay doon sa katas-taasan ng kaniyang kaalaman sa Diyos magbuhat nang pakilala ng tao sa kaniyang kalagayan at kasalatan na madala sinaklolohan, tulad ng nagpakita doon sa isang dalagang banal na dumating sa isang kahirapang dakila, dumulog ito sa kaniyang pintakasi San Antonio at napaawa, isang sulat na munti ang inabot sa galing sa kaniyang mahal na larawan at ipinadala sa isang merkader na mayaman at pinabayaran ang timbang noong sedula sa ganoong daang piso, kasing halaga noong isang maliit na papel nagtimbang ng tatlong lampara na ipinagkaloob sa mahal na Santo, nanggilalas na totoo itong merkader at nawalan ng diwa ngunit naaliw siya’t lalong naging masintahin na para naman niyaong donsellang mahirap na inaabuluyan ng nagkupkop sa kanya na mahabagi’t mapag-ampon. Purihin natin ang katas-taasang Diyos dahil sa mga kahabagang kaniyang pinaraan sa pamamagitan ng maluwalhating Santo, at kalingain ng Iyong dangal yaring aming panalangin.

PANALANGIN SA DIYOS SA IKA-WALONG ARAW
Diyos at Panginoon ng mga Querubines, pinamutihan Mo ang kaluluwang mapalad na San Antonio, ng banal na katas-taasan at karunungan, nang Ika’y mapaggunan-gunam at maituro sa iba ang karunungang ito ng mga Santos na Malaki ang kasaysayan. Ika’y sinasamba naming ng buong kabababaan ng loob at malaking kagalangan, at ikinukumpisal naming sa Iyo, na Ikaw an gaming Diyos at Panginoon, walang hanggang kabutihan at kapangyarihan. Idinadalangin naming sa Iyo, alang –alang sa kagalingan niya na liwanagan Mo ang aming kaluluwa nang ihalo Mo sa kalangitan, nang Ika’y aming makilala’t ibigin at makasunod sa Iyong kasantu-santusang kalooban, at sa mga kapanganiban sa buhay na ito’y doon sa katapusan at doon sa kasalata’t kabigat-bigatang sandal ng kamatayan, kaniyang salunuan at Ikaw Diyos ko, harapin Mo po ako ng Iyong tulong alang-alang sa pagsinta Mo sa kaniya. At kung siya mong lalong kapurihan at kaluwalhatian ay ipagkaloob Mo sa amin ang bukod na biyaya na hinihingi naming sa nobenang ito. Siya Nawa.

(Magdasal ng isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria at isang Papuri)

ORASYON KAY SAN ANTONIO
Aba maligaya’t kaganda-gandahang San Antonio, luwalhati ka ng España, ilaw ng Italia, at ng alinmang bansa. Apostol sa pangangaral at sa pagsinta sa Gloria ng Diyos. Martir sa pagnanasa, Birheng wagas, basong hirang ng kalinisan, salamin ng tunay na kababaa’t karunungan, ayon sa iyong kaaya-ayang pagtuturo’t marikit na kabanalan. Kaaliwan ka ng mga Coro ng mga Angeles, Kutak a sa eheres at mga espiritung malulupit. Ikaw nga ang takbuhan, kaaliwan ng nagsisipamintakasi sa iyo, kasi mong una’y ang katamis-tamisang si Jesus, kinipkip mo’t kinalong sa dibdib mong wagas sa kalinisan. Biniyayaan ka ng ningas ng awa ng Diyos, pinita ka lalong mataas ng kanyang dangal at kagalingan naman ng mga tao. Ibinabati ko sa iyo, mahal na Santo ang walang hanggang pagpupuri doon sa piling mga karapatan na iniwagas ng Diyos sa kaluluwa mong kalinis-linisan at ikinatutuwa ko ngayon, at ako’y nagluluwalhati sa bayan ng kalangitan kasama ng siyam na Coro ng mga Angheles. Aba mapagmilagrong Antonio sa kapangyarihan niyong Santong sanggol, binigyan mo ng kabuhayan sa lupa’t langit ang maraming patay nang pagkakita ng mga bulag, nang pagkarinig ng mga bingi, nang pagkalakad ng mga pilay, nang pagkapangusap ng mga p**i, nang paggaling ng mga may sakit. Ilingon mo sa amin ang kagandahan ng iyong mukha nang pumanaw sa aming puso ang mga kasamaang nagbibigay ng kamatayan sa kaluluwa namin at maulinig namin ang saklolo ng Diyos sa aming puso, at kami’y lumakad ng buong ningas ng puso sa pag-aalinsunod sa Diyos at sampalatayanan namin ang santo niyang ngalan. Hingin mo rito sa marangal na sanggol na siyang araw ng katwiran, pawiin niya sa mundo ang karimlan ng mga erejes, kamalia’t kasalanan na nagpapaulap at nagpapadilim dito. Tingnan mo naman at ipatnugot ng kahusayang talos ng Santa Iglesya, na magkaisang lubos sa awang dakila, mabuhay tayo’t mapanuto ng pagsunod sa utos ng Diyos. At ikaw na luwalhati ng Espana panunghan mo ng matang maalindog itong aming bayan at igawad sa amin ng katamistamisang Jesus ang mahabang buhay, kaginhawahan at katuwiran sa purgatoryo, o kaya ang lalong kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aming kaluluwa, pakamtam sa amin ang hinihingi namin sa nobenang ito ng kaniyang kataasan at kungdi karampatan, ituro sa yaring puso na di magnasa ng ibang bagay, kungdi ang lalo mong maibigan. Siya Nawa.

Panginoon ko, kaawaan Mo ako, sambahin nawa’t purihin ang Santisimo Sakramento sa altar, at ang kalinis-linisang paglilihi ni Ginoong Sta. Maria ang bukod ang bukod na iningatan at pinagpalang di nahawahan ng kasalanang orihinal. Amen.

PAGSISIYAM KAY SAN ANTONIO DE PADUAIKAPITONG ARAWPANIMULAAng tanda ng Krus. Sa aming mga kaaway iadya mo kami, Panginoon...
09/06/2023

PAGSISIYAM KAY SAN ANTONIO DE PADUA
IKAPITONG ARAW

PANIMULA
Ang tanda ng Krus. Sa aming mga kaaway iadya mo kami, Panginoong Diyos. Sa ngalan ng Ama, ng Anak At ng Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI
Panginoon kong Jesukristo, Diyos at tao namang totoo, gumawa’t sumakop sa akin. Ikaw nga po ang Diyos ko at iniibig kong lalo sa lahat. Pinagsisisihan kong matibay na matibay sa tanang loob ko ang pag-kakasala ko sa Iyo. Umaasa po ako sa dakilang awa Mo na ako’y Iyo pong patatawarin at papagkakamting luwalhati. Siya Nawa.

SAGUTAN KAY SAN ANTONIO DE PADUA
Kung hanap mo’y himala’y masdan, nawawaksi kamataya’t kamalian, lumalayo ang demonyo’t kahirapan, gumagaling ang sakit leprahin man.
*Nahuhupa ang bagsik ng dagat natutubos ang nabibihag, kayamana’t lakas na untag matanda’t bata’y nagwakas.
Umiilag ang panganib, ang mahirap ay nakatatawid, kayong kinalinga’y magsiawit sa mga Paduano ay magsulit.
*Nahuhupa ang bagsik ng dagat natutubos ang nabibihag, kayamana’t lakas na untag matanda’t bata’y nagwakas.
Papuri sa Ama, papuri sa anak at papuri sa Espiritu Santo
*Nahuhupa ang bagsik ng dagat natutubos ang nabibihag, kayamana’t lakas na untag matanda’t bata’y nagwakas.
Idalangin mo po kami kay Kristo, maluwalhating SAN ANTONIO DE PADUA
*Nang maging dapat na tutoo ang pangako Niya’y matamo. Siya Nawa.

IKAPITONG ARAW

ANG PANALANGIN SA ARAW NA ITO’Y MAPAWI’T MAPARAM ANG MADLANG PANGANIB

Dito sa araw na ito ang pagnilay-nilayan mo ang kahanga-hangang karapatan naipinamuti ng Panginoong Diyos sa ikapitong Coro ng mga espiritu sa langit na ang ngala’y Tronos, sapagkat sa kanila nagpahingalay, para Niyang marangal na luklukan at sa kanila iginagalang ang Diyos at mapaggunam-gunam ng buong kababaan at paglilingkod, ang karapatan nito na pakita rin naman sa maluwalhating San Antonio ng kaaya-ayang karapatan. Kaya’t ang Diyos, nag-asal isang batang munti na sakdal ng ganda na nakapanayam sa Kaniya nang buong kawilihan at tinanggap naman ng masintahing Santo, siya ng isang dakilang kababaan at niyakap niya nang buong kagalang-galang parang trono ng grasya na dinudulugan ng nagsisipamintakasi at sa kaniya’y nagpapakinabang ng biyayang napabilang sa maluwalhati Niyang pagsaklolo’t pamamagitan ng marangal nating Santo. Ikapahanga natin ang walang hanggang kaawaan ng walang kahulilip na Diyos na nagkaloob ng bukod na biyaya dito sa Kaniyang alipin, at tayo’y nanalig nang malaki at nanatili sapagkat ang katamis-tamisang Jesus nagpapakita kay San Antonio ng tunay na pag-irog mag-aadya sa atin at magwawagi ayon sa kaniyang pamamagitan sa madlang panganib sa kaluluwa’t katawan, na magbibigay lumbay sa buhay na ito, at nagpapatalastas sa karamihang nangyayari na niyaong nasabi sa dalawang nangyari na at lakas ng milagro na nagmula sa Ilalia, at napa sa Lisboa nang sumandaling panahon, at ipinagtanggol sa kamatayan ang Kaniyang ama sa isang kasalupikaan, na sa kaniya’y paratang at sa iba’t-iba pang kapanganiban ay nagpapahalata naman araw-araw at napagkikita ang kamiyang pagkupkop. Magpasalamat tayo sa Diyos at dasalin nating kasunod ang:

PANALANGIN SA DIYOS SA IKAPITONG ARAW
Diyos at Panginoon ng mga Tronos, hinirang Mong madalas na madalas ang mapanintang dibdib at mga bisig ng mapanalig na si San Antonio, ginawa Mong Trono ng mga biyaya Mo. At Iyong aliwan na kikinabang sa kahalimuyakan ng maligayang kabanalan at pinapurihan ukol sa di mabilang na kapanganiban ng kaluluwa’t katawan. Nagpapasalamat po kami nang walang hanggan dahil sa laki ng Iyong kaamuan at kaawaan, at ipinag-aamo-amo naming sa Iyo, alang-alang sa pag-ibig Mo sa Iyong katiwalang alipin, ipagkaloob Mo ang gayong kalinisan ng kaluluwa’t katawan, na tatanggapin Ka naming sa kasantu-santusang Sakramento sa Altar at gayundin sa kalasag na ito, mailagan ko ang lahat na kapanganibang dumarating ditto sa bayang kahapis-hapis. At kung siyang lalo Mong ikaluluwalhati at ikararangal, tunghan at ipagkaloob ang bukod na saklolo na hinihingi naming ditto sa nobenang ito. Siya Nawa.

(Magdasal ng isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria at isang Papuri)

ORASYON KAY SAN ANTONIO
Aba maligaya’t kaganda-gandahang San Antonio, luwalhati ka ng España, ilaw ng Italia, at ng alinmang bansa. Apostol sa pangangaral at sa pagsinta sa Gloria ng Diyos. Martir sa pagnanasa, Birheng wagas, basong hirang ng kalinisan, salamin ng tunay na kababaa’t karunungan, ayon sa iyong kaaya-ayang pagtuturo’t marikit na kabanalan. Kaaliwan ka ng mga Coro ng mga Angeles, Kutak a sa eheres at mga espiritung malulupit. Ikaw nga ang takbuhan, kaaliwan ng nagsisipamintakasi sa iyo, kasi mong una’y ang katamis-tamisang si Jesus, kinipkip mo’t kinalong sa dibdib mong wagas sa kalinisan. Biniyayaan ka ng ningas ng awa ng Diyos, pinita ka lalong mataas ng kanyang dangal at kagalingan naman ng mga tao. Ibinabati ko sa iyo, mahal na Santo ang walang hanggang pagpupuri doon sa piling mga karapatan na iniwagas ng Diyos sa kaluluwa mong kalinis-linisan at ikinatutuwa ko ngayon, at ako’y nagluluwalhati sa bayan ng kalangitan kasama ng siyam na Coro ng mga Angheles. Aba mapagmilagrong Antonio sa kapangyarihan niyong Santong sanggol, binigyan mo ng kabuhayan sa lupa’t langit ang maraming patay nang pagkakita ng mga bulag, nang pagkarinig ng mga bingi, nang pagkalakad ng mga pilay, nang pagkapangusap ng mga p**i, nang paggaling ng mga may sakit. Ilingon mo sa amin ang kagandahan ng iyong mukha nang pumanaw sa aming puso ang mga kasamaang nagbibigay ng kamatayan sa kaluluwa namin at maulinig namin ang saklolo ng Diyos sa aming puso, at kami’y lumakad ng buong ningas ng puso sa pag-aalinsunod sa Diyos at sampalatayanan namin ang santo niyang ngalan. Hingin mo rito sa marangal na sanggol na siyang araw ng katwiran, pawiin niya sa mundo ang karimlan ng mga erejes, kamalia’t kasalanan na nagpapaulap at nagpapadilim dito. Tingnan mo naman at ipatnugot ng kahusayang talos ng Santa Iglesya, na magkaisang lubos sa awang dakila, mabuhay tayo’t mapanuto ng pagsunod sa utos ng Diyos. At ikaw na luwalhati ng Espana panunghan mo ng matang maalindog itong aming bayan at igawad sa amin ng katamistamisang Jesus ang mahabang buhay, kaginhawahan at katuwiran sa purgatoryo, o kaya ang lalong kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aming kaluluwa, pakamtam sa amin ang hinihingi namin sa nobenang ito ng kaniyang kataasan at kungdi karampatan, ituro sa yaring puso na di magnasa ng ibang bagay, kungdi ang lalo mong maibigan. Siya Nawa.

Panginoon ko, kaawaan Mo ako, sambahin nawa’t purihin ang Santisimo Sakramento sa altar, at ang kalinis-linisang paglilihi ni Ginoong Sta. Maria ang bukod ang bukod na iningatan at pinagpalang di nahawahan ng kasalanang orihinal. Amen.

PAGSISIYAM KAY SAN ANTONIO DE PADUAIKA-ANIM NA ARAWPANIMULAAng tanda ng Krus. Sa aming mga kaaway iadya mo kami, Pangino...
09/06/2023

PAGSISIYAM KAY SAN ANTONIO DE PADUA
IKA-ANIM NA ARAW

PANIMULA
Ang tanda ng Krus. Sa aming mga kaaway iadya mo kami, Panginoong Diyos. Sa ngalan ng Ama, ng Anak At ng Espiritu Santo. Amen.

PAGSISISI
Panginoon kong Jesukristo, Diyos at tao namang totoo, gumawa’t sumakop sa akin. Ikaw nga po ang Diyos ko at iniibig kong lalo sa lahat. Pinagsisisihan kong matibay na matibay sa tanang loob ko ang pag-kakasala ko sa Iyo. Umaasa po ako sa dakilang awa Mo na ako’y Iyo pong patatawarin at papagkakamting luwalhati. Siya Nawa.

SAGUTAN KAY SAN ANTONIO DE PADUA
Kung hanap mo’y himala’y masdan, nawawaksi kamataya’t kamalian, lumalayo ang demonyo’t kahirapan, gumagaling ang sakit leprahin man.
*Nahuhupa ang bagsik ng dagat natutubos ang nabibihag, kayamana’t lakas na untag matanda’t bata’y nagwakas.
Umiilag ang panganib, ang mahirap ay nakatatawid, kayong kinalinga’y magsiawit sa mga Paduano ay magsulit.
*Nahuhupa ang bagsik ng dagat natutubos ang nabibihag, kayamana’t lakas na untag matanda’t bata’y nagwakas.
Papuri sa Ama, papuri sa anak at papuri sa Espiritu Santo
*Nahuhupa ang bagsik ng dagat natutubos ang nabibihag, kayamana’t lakas na untag matanda’t bata’y nagwakas.
Idalangin mo po kami kay Kristo, maluwalhating SAN ANTONIO DE PADUA
*Nang maging dapat na tutoo ang pangako Niya’y matamo. Siya Nawa.

IKA-ANIM NA ARAW

ANG PANALANGIN SA ARAW NA ITO’Y MAKABAWI NG LAKAS AT NANG ANUMANG KASIRAAN NG KATAWAN. SA MATANDA’T BATA’Y MAISAULI ANG MGA ARING NAWAWALA

Dito sa araw na ito’y ang gunam-gunamin mo’y ang karapatang ipinamuti ng Panginoong Diyos sa mga espiritung taga langit, na ang pangala’y Dominisiones na nagsipagpuno nang buong karangalan sa ibang mababa ayon sa palagay na naturalesa at nagbibigay ng grasya at kanilang nasusukuban ang mga katiwaliang espritu at may katawan at sila nama’y nasasakupan. Ang karapatang ito’y ipinagkaloob din naman kay San Antonio, nang matalastas ni San Franciscong ama natin ang biyayang ito, ayon sa kaniyang maluwalhati’t malalim na kaalaman, hinirang niyang maging maestro sa Sagrada Teolohiya sa mga relihiyoso nang siya’y makapagpuno’t magturo ng artes ileteraryos at doon sa kaniyang mga pinagpupunuan ang kaniyang lagay, isang buhay na larawan ng santong ama natin, bato-balani ng puso ng kaniyang mga disipulos na nagpapasunod at nangunguna nang di masabing kakayahan sa lalong marilag na pag-alinsunod doon sa relihiyon, na nag-aalab na palagi ang kaniyang puso at pag-ibig. Nagpupuno siya di nga lamang sa loob ng lahat kundi pati sa kanilang mga kayamanang nawawala’y nasasauli sa mga may-ari. Pinagaling niya ang labingsiyam na salanta, limang lumpo, ang anim na bulag ay nakakita at nakarinig ang maraming bingi, at nakapangusap ang maraming p**i. Isang lalaking naputulan ng hita ang naisauli niya, at tanda ng Santa Krus. At doon pa man sa mumunting halaga at sa bagay na kaliit-liitan, napagkita ang kapangyarihang ito. Minsan naman, nawalan ng isang karayom. Ginawa niyang paraan ay ipinatali doon sa isang pisi sa kanyang pinto, at ang hibla ng karayom ay minsang pumitik sa kaniyang mata’t tuloy naman niyang namalas ang biyayang pagkakalinga. Nagpupuri po kami, Panginoon naming Diyos at nagpapasalamat dahil dito sa mga kahanga-hangang kababalaghan na ginawa Mo at itinulot sa maluwalhating San Antonio, kalingain din at dinggin yaring aming panalangin.

PANALANGIN SA DIYOS SA IKA-ANIM NA ARAW
Diyos at Panginoon ng mga Dominaciones, na sa kapangyarihan Mo’y namimintuho ang lahat Mong nilalang sa buong sangsinukob nang kalangita’t kalupaan. Iyong itinaas at pinamutihan ang Iyong katotong aliping si San Antonio ng di mahakang karunungan na nagging ilaw na makapangyarihan ng maraming mga prinsipes at mga pinuno. Sila’y pinangaralan sa landas ng pinamimintuho Mo sa Iyong Kalooban, at pinagkalooban Mo siya ng biyayang tangi doon sa nawawalang anumang bagay. Kami’t nagpapasalamat sa Iyo nang walang hanggan, sa karamihan ng Iyong pagkalinga dito sa maluwalhating San Antonio, ipinag-aamo-amo po naming sa Iyo na pagkalooban an gaming kaluluwa ng ilaw ng kalangitan at tibay ng loob na makapagpigil at makapagbawal ng mga hilig at hibo na di dapat niyaring katawan at masunod ang buo Mong santong utos at huwag kong mawalay ang hiyas na mahal na grasya, at kung sa kasamaan ko’y aking maiwalay makamtan ko rin agad at kung siyang lalo Mong kaluwalhatian, pakamtan sa akin ang bukod na biyaya na hinihingi naming sa nobenang ito.
Siya Nawa.

(Magdasal ng isang Ama Namin, isang Aba Ginoong Maria at isang Papuri)

ORASYON KAY SAN ANTONIO
Aba maligaya’t kaganda-gandahang San Antonio, luwalhati ka ng España, ilaw ng Italia, at ng alinmang bansa. Apostol sa pangangaral at sa pagsinta sa Gloria ng Diyos. Martir sa pagnanasa, Birheng wagas, basong hirang ng kalinisan, salamin ng tunay na kababaa’t karunungan, ayon sa iyong kaaya-ayang pagtuturo’t marikit na kabanalan. Kaaliwan ka ng mga Coro ng mga Angeles, Kutak a sa eheres at mga espiritung malulupit. Ikaw nga ang takbuhan, kaaliwan ng nagsisipamintakasi sa iyo, kasi mong una’y ang katamis-tamisang si Jesus, kinipkip mo’t kinalong sa dibdib mong wagas sa kalinisan. Biniyayaan ka ng ningas ng awa ng Diyos, pinita ka lalong mataas ng kanyang dangal at kagalingan naman ng mga tao. Ibinabati ko sa iyo, mahal na Santo ang walang hanggang pagpupuri doon sa piling mga karapatan na iniwagas ng Diyos sa kaluluwa mong kalinis-linisan at ikinatutuwa ko ngayon, at ako’y nagluluwalhati sa bayan ng kalangitan kasama ng siyam na Coro ng mga Angheles. Aba mapagmilagrong Antonio sa kapangyarihan niyong Santong sanggol, binigyan mo ng kabuhayan sa lupa’t langit ang maraming patay nang pagkakita ng mga bulag, nang pagkarinig ng mga bingi, nang pagkalakad ng mga pilay, nang pagkapangusap ng mga p**i, nang paggaling ng mga may sakit. Ilingon mo sa amin ang kagandahan ng iyong mukha nang pumanaw sa aming puso ang mga kasamaang nagbibigay ng kamatayan sa kaluluwa namin at maulinig namin ang saklolo ng Diyos sa aming puso, at kami’y lumakad ng buong ningas ng puso sa pag-aalinsunod sa Diyos at sampalatayanan namin ang santo niyang ngalan. Hingin mo rito sa marangal na sanggol na siyang araw ng katwiran, pawiin niya sa mundo ang karimlan ng mga erejes, kamalia’t kasalanan na nagpapaulap at nagpapadilim dito. Tingnan mo naman at ipatnugot ng kahusayang talos ng Santa Iglesya, na magkaisang lubos sa awang dakila, mabuhay tayo’t mapanuto ng pagsunod sa utos ng Diyos. At ikaw na luwalhati ng Espana panunghan mo ng matang maalindog itong aming bayan at igawad sa amin ng katamistamisang Jesus ang mahabang buhay, kaginhawahan at katuwiran sa purgatoryo, o kaya ang lalong kaluwalhatian ng Diyos at kagalingan ng aming kaluluwa, pakamtam sa amin ang hinihingi namin sa nobenang ito ng kaniyang kataasan at kungdi karampatan, ituro sa yaring puso na di magnasa ng ibang bagay, kungdi ang lalo mong maibigan. Siya Nawa.

Panginoon ko, kaawaan Mo ako, sambahin nawa’t purihin ang Santisimo Sakramento sa altar, at ang kalinis-linisang paglilihi ni Ginoong Sta. Maria ang bukod ang bukod na iningatan at pinagpalang di nahawahan ng kasalanang orihinal. Amen.

Address

Plaridel

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Banga Barrio Fiesta 2026 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category