Bisita nina San Francisco at Sta. Clara - Banga 2nd, Plaridel, Bulacan

Bisita nina San Francisco at Sta. Clara - Banga 2nd, Plaridel, Bulacan The Official Page of St. Francis and St. Clare of Assisi Chapel

โ€œIyong sinuong ang lahat ng kahirapan,upang ikaw ay makatupad sa mahal na kalooban.Pag-ibig sa dukha ay iyong ipinakita,...
15/08/2026

โ€œIyong sinuong ang lahat ng kahirapan,
upang ikaw ay makatupad sa mahal na kalooban.
Pag-ibig sa dukha ay iyong ipinakita,
pag-ibig sa madla, iyong ipinadama.โ€
- Dalit kay San Francisco ng Assisi.

Limampung Araw na lamang at ating ipagdiriwang ang Dakilang Kapistahan ni San Francisco ng Assisi. Sama-sama natin siyang parangalan sa espesyal na taon alay sa kanya.

VIVA SAN FRANCISCO NG ASSISI!
MABUHAY ANG ORDEN PRANSISKANO!



Maraming Salamat Parokya ni Santiago Apostol- Plaridel, Bulacan.Viva Santa Clara ng Assisi!
11/08/2026

Maraming Salamat Parokya ni Santiago Apostol- Plaridel, Bulacan.

Viva Santa Clara ng Assisi!

๐Œ๐€๐‹๐ˆ๐†๐€๐˜๐€๐๐† ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐ ๐๐ˆ ๐’๐€๐๐“๐€ ๐‚๐‹๐€๐‘๐€ ๐๐† ๐€๐’๐’๐ˆ๐’๐ˆ!
Patrona ng Sitio Cabiawan, Banga 2nd, Plaridel, Bulacan
Agosto 11, 2026

Si Santa Clara ng Assisi, na ipinanganak bilang Chiara Scifi noong Hulyo 16, 1194 sa Assisi, Italy, ay nagmula sa isang kilalang pamilyang Italyano. Mula pa sa kanyang kabataan, ipinakita na niya ang malalim na pananampalataya at debosyon sa Diyos. Ayon sa tradisyon, ipinahayag sa panalangin ng kanyang ina na si Ortolana na ang kanyang anak ay magiging liwanag para sa mundo, kayaโ€™t tinawag siyang Clara, na nangangahulugang maliwanag o maningning.

Sa edad na 15, nais na siyang ipakasal ng kanyang mga magulang, ngunit tumanggi si Clara dahil nais niyang ialay ang kanyang buhay sa Diyos. Nang marinig niya ang pangangaral ni San Francisco ng Assisi, natuklasan niya ang bokasyong nais niyang tahakinโ€”isang buhay ng pananampalataya, kasimplehan, panalangin at ganap na pagsunod kay Hesus.

Sa edad na 18, iniwan niya ang kanilang tahanan upang sundin ang kanyang bokasyon. Sa gabay ni San Francisco, dinala siya sa isang kumbento ng mga Benedictine. Makalipas ang dalawang linggo, sumunod sa kanya ang kanyang kapatid na si Santa Agnes, na hindi nagpaawat sa kabila ng pagtutol ng kanilang ama.

Sa tulong ni San Francisco, itinatag ni Santa Clara ang komunidad na naging Second Order ng mga Franciscano, na kilala ngayon bilang Poor Clares. Sa kanyang pamumuno, namuhay sila nang payak, na may matinding pagpapahalaga sa panalangin, sakripisyo, pagmamahal sa Diyos at paglilingkod sa kapwa. Kalaunan, maging ang kanilang ina na si Ortolana ay sumapi rin sa buhay relihiyoso.

Ang buhay ni Santa Clara ay isang paalala na ang tunay na kayamanan at kagalakan ay hindi matatagpuan sa karangyaan, kundi sa pusong buong-buong nakatalaga sa Diyos. Nawaโ€™y ang kanyang halimbawa ng katapatan, kababaang-loob at matibay na pananampalataya ay patuloy na maging liwanag at inspirasyon sa ating pamayanan.

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐ฉ๐ข๐ฌ๐ญ๐š๐ก๐š๐ง, ๐’๐ข๐ญ๐ข๐จ ๐‚๐š๐›๐ข๐š๐ฐ๐š๐ง!

Santa Clara ng Assisi, huwaran ng pananampalataya at payak na pamumuhay, ipanalangin mo kami!

๐Œ๐ ๐š ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง:
โ€ข KatoLago โ€“ Kapistahan ni Santa Clara ng Assisi
โ€ข Our Parish Priest โ€“ Saints of August: Santa Clara, Dalaga
โ€ข Postposmo โ€“ Talambuhay ni Santa Clara ng Assisi at ang Kanyang Kasaysayan

Researcher: Jake Harvey De Jesus
Pubmat Editor: Jeric Mata


____________________________
๐๐‹๐„๐€๐’๐„ ๐‹๐ˆ๐Š๐„, ๐…๐Ž๐‹๐‹๐Ž๐– ๐š๐ง๐ ๐’๐‡๐€๐‘๐„ our Social Media Platforms!
Para sa mga kaganapan at mga anunsyo mula sa ating Parokya.

๐…๐š๐œ๐ž๐›๐จ๐จ๐ค ๐๐š๐ ๐ž: https://www.facebook.com/ParokyaNiSantiagoPlaridel
๐ˆ๐ง๐ฌ๐ญ๐š๐ ๐ซ๐š๐ฆ: https://www.instagram.com/parokyanisantiagoapostol
๐“๐ข๐ค๐ญ๐จ๐ค: https://www.tiktok.com/
๐˜๐จ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐›๐ž: www.youtube.com/

Halina't Ipalaganap ang Salita ng Diyos sa pamamagitan ng Social Media.

Maraming Salamat Sacred Heart of Jesus Chapel - Apolonio Samson.VIVA SANTA CLARA NG ASSISI!
11/08/2026

Maraming Salamat Sacred Heart of Jesus Chapel - Apolonio Samson.

VIVA SANTA CLARA NG ASSISI!

๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿญ | ๐—ž๐—ฎ๐—ฝ๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ต๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ฎ ๐—–๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—”๐˜€๐—ถ๐˜€

Kilalang patrona sa Obando, Katipunan, Bulacan at sa ibang dako ng mundo, ang kapistahan ni Santa Clara de Assisi ay ipinagdiriwang ngayong Agosto 11. Si Santa Clara de Assisi isa sa naunang tagasunod ni San Francisco. Si Santa Clara din ang nagtatag ng "Orden de Damas Pobres" o "Order of Poor Ladies." Siya ay isinilang noong Hulyo 16, 1194, kina Favorino Sciffi at Ortolana. Bilang isang dalaga, inialay niya ang kanyang panahon sa pananalangin.

Sa edad na 18 anyos, nang marinig niya si San Francisco na magturo sa isang simbahan sa San Giorgio. Noong Domingo de Ramos sa taong 1212, iniwan ni Santa Clara ang kanyang pamilya at pumunta sa Kapilya ng Porciuncula upang makipagkita kay San Francisco. Habang naroon, ginupit ang kanyang buhok at binigyan ng simpleng abito at belo kapalit ng magarang bestida. Pumasok siya sa isang kumbento ng mga Benedictinang madre sa San Paulo, sa utos ni San Francisco. Tinangka ng kanyang ama na ibalik si Clara sa kanyang tahanan, tumanggi siya at sinabing si Hesus lamang ang kanyang kabiyak. Upang makamit ang pag-iisang kanyang nais, ipinadala siya ni San Francisco sa Sant' Angelo sa Panzo. Sumama din ang kanyang kapatid na si Catarina, at kinuha ang pangalang "Agnes." Nagsama sila sa loob ng monasteryo hanggang sa nakapagtayo ng hiwalay na tanunuluyan sa tabi ng simbahan ng San Damiano.

Noong 1216, naging pryora si Santa Clara sa San Damiano. Sa panaon ng kanyang manunungkulan, dinepensahan niya ang kanyang orden mula sa pagtatangka ng mga obispong gawing katulad sila ng mga Benedictino. Matapos ang kamatayan ni San Francisco, patuloy na dinepensahan ni Santa Clara ang kanyang orden mula sa bawat papa na nagnanais na baguhin ang kanilang pagsunod sa "sumpa ng kahirapan." Noong 1224, isang hukbo ang sumalaky sa Assisi. Kahit na mahina na ang kanyang katawan, kinuha ni Santa Clara ang Santisimo Sacramento at ipinakita ito sa mga hukbo. Nanalangin nang mataimtim ang mga madre at sa isang kisapmata ay biglang natakot ang mga sundalo at silay lumisan mula sa Assisi.

Noong Agosto 11, 1253, namatay si Santa Clara sa edad na 59 anyos. Lumipas ang dalawang taon, idineklara ni Papa Alejandro IV si Clara bilang Santa. Kilala ang santa bilang patrona ng telebisyon, maaliwalas na panahon, gayundin ng mga nais magkasupling.

Litratong kuha mula sa Bisita nina San Francisco at Sta. Clara - Banga 2nd, Plaridel, Bulacan.

Kasalukuyan ang Dapit sa Imahen ni Santa Clara ng Assisi. Ito ay nagsimula sa bahay ng hermana, Sis. Kristine Malubay at...
11/08/2026

Kasalukuyan ang Dapit sa Imahen ni Santa Clara ng Assisi. Ito ay nagsimula sa bahay ng hermana, Sis. Kristine Malubay at dadalhin sa ating bisita na susundan ng misa konselebrasyon.

VIVA SANATA CLARA NG ASSISI!



๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐‚๐ฅ๐š๐ซ๐š ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ช๐˜ด๐˜ค๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ดAng maringal na damit pamista ni Santa Clara ng Assisi ...
10/08/2026

๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐‚๐ฅ๐š๐ซ๐š ๐˜ข๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜ช ๐˜š๐˜ข๐˜ฏ ๐˜๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ช๐˜ด๐˜ค๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฅ ๐˜ด๐˜ข ๐˜‹๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ๐˜ด

Ang maringal na damit pamista ni Santa Clara ng Assisi ay inihandog ng Pamilya Malubay, bilang bahagi ng pagiging hermanidad ngayong taon.

Ang Bisita nina San Francisco at Santa Clara ng Assisi sa pangunguna ni Sis. Regina Dayao (SPPC Chairman) ay lubos na nagpapasalamat sa Pamilya Malubay sa pangunguna ni Sis. Kristine Malubay. Sa inihandog na damit pamista ng ating minamahal na serapikong madre ng mga Pransiskano.

Lubos din ang pasasalamat namin kay Bro. Raphael Daquiz at mga kasama sa paggawa sa maringal na damit ni Santa Clara ng Assisi.


๐ˆ๐ค๐š๐ฌ๐ข๐ฒ๐š๐ฆ ๐ง๐š ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐จ๐›๐ž๐ง๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐‚๐ฅ๐š๐ซ๐š ๐ง๐  ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ขโœ  Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.Ik...
10/08/2026

๐ˆ๐ค๐š๐ฌ๐ข๐ฒ๐š๐ฆ ๐ง๐š ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐จ๐›๐ž๐ง๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐‚๐ฅ๐š๐ซ๐š ๐ง๐  ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข
โœ  Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Ikawalong Araw ng Nobenaryo, Manalangin tayo.

โœ  Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

O minamahal naming Santa Clara na gumaganap ng iyong tungkulin ng kabanalan sa pamamagitan ng iyong buhay ng pag-ibig na puspos ng panalangin at pagtitiwala, tulungan mo kaming magampanan ang kalooban ng Diyos na itinadhana para sa amin upang balang-araw ay makasama ka na namin sa kaharian ng langit.

Ikaw na inaaliw, bago ka pumanaw ng isang pangitain ng panginoon At ng kanyang banal na Ina, Ipanalangin mong makamit namin ang biyaya na pumanaw sa banal na pagkakandili ng Diyos at makapasok sa kaliwanagan at kaligayahan ng buhay na iyo ngayong tinatamasa. Kaawaan mo kaming mga makikibaka at kaming mga lumuluha na nawaโ€™y makamit namin sa Panginoon ang katuparan ng mga biyayang aming hinihiling.
( Sabihin ng tahimik ang mga kahilingan )
Matapos ang buhay na ito, nawaโ€™y makauwi kami sa maligayang tahanan ng Ama sa langit, na nabubuhay at naghahari magpasa-walang-hanggan.

Amen.

Santa Clara, Huwaran ng mga Naglilingkod sa Diyos,
Ipanalangin mo kami!

โœ  Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.



๐ˆ๐ค๐š๐ฐ๐š๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐จ๐›๐ž๐ง๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐‚๐ฅ๐š๐ซ๐š ๐ง๐  ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ขโœ  Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.Ikaw...
09/08/2026

๐ˆ๐ค๐š๐ฐ๐š๐ฅ๐จ๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐จ๐›๐ž๐ง๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐‚๐ฅ๐š๐ซ๐š ๐ง๐  ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข
โœ  Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Ikawalong Araw ng Nobenaryo, Manalangin tayo.

โœ  Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

O Mahal na Santa Clara, ikaw na nagpamalas ng kagitingan at lakas ng loob sa harap ng mga mababangis na Saraceno sa pamamagitan ng iyong malaking tiwala sa Banal na Sakramento bilang tangi mong kalasag, papagalabin mo sa amin ang matimyas na pagmamahal sa Panginoong Hesus at tulungan mo kaming magtaguyod ng isang maka-Kristiyanong buhay.

Ikaw na nagligtas sa iyong bayan ng Asisi mula sa kapahamakan at pagkalupig. Pangalagaan mo ang aming bayan at diyosesis. Ipamagitan mo sa Panginoon ang aming minamahal na bansa at ang mga nagdaranas ng hirap sa daigdig, gayon din naman aming mga natatanging kahilingan.
( Sabihin ng tahimik ang mga kahilingan )
Isang tinig mula sa Banal na Sa kramento Ang nagbigay ng pangako bilang gantimpala sa iyong pagtitiwala: โ€œIKAW AY LAGI KONG IPAGSASANGGALANGโ€.

Kami nawaโ€™y ingatan mo mula sa iyong mataas na kinaroroonan sa kalangitan.

Amen.

Santa Clara, Mapagmahal sa Banal na Eukaristiya.
Ipanalangin mo kami!

โœ  Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.



Santa Clara, abang Lingkod ni San Francisco na Naglilingkod sa Diyos.Narito ang talaan ng gawain para sa darating na kap...
09/08/2026

Santa Clara, abang Lingkod ni San Francisco na Naglilingkod sa Diyos.

Narito ang talaan ng gawain para sa darating na kapistahan ng dakilang patrona. Sa ika-11 ng Agosto, Martes. Sama-sama tayong magpuri at magpasalamat sa Panginoon sa kanyang walang hanggang biyaya at ipagdiwang ang marubdob na debosyon ng ating patrona, Santa Clara ng Assisi.

ยกVIVA SANTA CLARA NG ASSISI!



๐ˆ๐ค๐š๐ฉ๐ข๐ญ๐จ๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐จ๐›๐ž๐ง๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐‚๐ฅ๐š๐ซ๐š ๐ง๐  ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ขโœ  Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.Ikap...
08/08/2026

๐ˆ๐ค๐š๐ฉ๐ข๐ญ๐จ๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐จ๐›๐ž๐ง๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ฌ๐š ๐Š๐š๐ซ๐š๐ง๐ ๐š๐ฅ๐š๐ง ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐‚๐ฅ๐š๐ซ๐š ๐ง๐  ๐€๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข
โœ  Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.

Ikapitong Araw ng Nobenaryo, Manalangin tayo.

โœ  Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

O Santa Clara, sa iyong katapatan bilang anak ng Simbahan, kaibigan at kapalagayang-loob ng mga Papa, ipanalangin mo ang Santa Iglesya, magiliw mong tunghayan mula sa langit ang ating Banal na Papa Francisco. Liwanagan mo kami upang maalis sa aming kaluluwa ang lahat ng balakid sa pag-unlad ng Simbahan dito sa lupa. Nawa'y aming maibahagi ang iyong dakilang pagmamahal sa Simbahan ng Diyos at palaganapin ang kaniyang pamumuhay. Ikaw na pinagkalooban ng Panginoon upang kakitaan ng mga himala maging sa harapan ng Santo Papa, ipagkamit mo kami ng mga biyayang aming hinihiling sa Panginoon.
(Sabihin ang mga kahilingan)
Dalhin mo nawa ang aming mga kahilingan naming ito sa harapan ng Kataas-taasang Diyos sa langit.

Amen.

Santa Clara, Munting Bulaklak ni San Francisco,
Ipanalangin mo kami!

โœ  Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.



Address

Banga 2nd
Plaridel
3004

Telephone

+639237297637

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bisita nina San Francisco at Sta. Clara - Banga 2nd, Plaridel, Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share