18/05/2026
๐ญ๐ณ๐ถ๐น๐ฌ๐บ ๐ซ๐ฌ ๐ด๐จ๐น๐ฐ๐จ 2026 ; ๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐ ๐
๐ ๐ด๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐.
Matagumpay na idinaos ang Flores de Maria 2026 sa JESUS the Nazarene Chapel de Rueda. Ang pagdiriwang ay nagsimula sa pag rorosario, na sinundan ng BANAL NA MISA na pinamunuan ni P. Renato B. Brion, Jr. (Kura Paroko). Pagkatapos ng Banal na Misa ginanap ang pag-aalay ng Mahalimuyak na Bulaklak ng mga maninimba at sagala para sa Virgen Delas Flores de Rueda, pagkatapos nito ay ginanap ang pagsasalinan ng Hermanidad para sa taong 2027. Sinalin nina Gng. Dada Santos at G. Wen Mendoza ang Hermanidad kina G. at Gng. Roel at Janice Sarmiento Hermano Mayor para sa taong 2027.
Pagkatapos nito ay ginanap ang Maringal ng Prusisyon at Sagalahan bilang pagpaparangal sa Virgen Delas Flores de Rueda sa palibot ng ating barangay.
Maraming Salamat po sa Hermano para sa taong ito, Gng. Dada Santos at G. Wen Mendoza. Sa mga naglingkod sa Dambana at sa ating bisita, Black Nazarene Choir, Ministry of Altar Servers ng Parokya ni San Miguel Arkanghel, Social Communications ng Parokya ni San Miguel Arkanghel, Mother buttlers, mga katekista, Sangguniang Barangay / Tanod, Mga mananayaw/kababaihan ng Rueda at sa mga umabay at nagpaunlak bilang mga Sagala sa taong ito, Maraming Salamat po sa inyong lahat!
VIVA VIRGEN DELAS FLORES DE RUEDA!