Confraternity of Saint James the Great

Confraternity of Saint James the Great The Official page of Confraternity of Saint James the Great — Plaridel, Bulacan.
¡Viva, Santiago Apostol de Quingua!

Like and follow this Official page to promote the Devotion to Saint James the Great!

Salamat SANTIAGO, sa buwang ito ng HULYO!Ito ang huling araw ng buwan ng Hulyo, ang buwan ng Kapistahan ni Santiago Apos...
30/07/2026

Salamat SANTIAGO, sa buwang ito ng HULYO!

Ito ang huling araw ng buwan ng Hulyo, ang buwan ng Kapistahan ni Santiago Apostol.

PANALANGIN

Amang Makapangyarihan,
sa pamamagitan ng pagkamartir ni Apostol Santiago,
pinagpala mo ang gawain ng unang simbahan.
Nawa ang kanyang pakay sa pananampalataya
ay magbigay sa amin ng lakas ng loob
at ang kanyang mga dalangin
ay magdala sa amin ng lakas.
Hinihiling namin ito
sa pamamagitan ni Hesukrito
na iyong Anak na nabubuhay at naghahari
kasama Mo at ng Espiritu Santo,
iisang Diyos magpasawalang hanggan.
Amen.

Santiago Apostol, ipanalangin mo kami.

PANALANGIN SA GABIDakilang Kapistahan ni Santiago ApostolHulyo 25, 2026Panginoon,samahan kami ngayong gabing magdamag.Sa...
25/07/2026

PANALANGIN SA GABI
Dakilang Kapistahan ni Santiago Apostol
Hulyo 25, 2026

Panginoon,
samahan kami ngayong gabing magdamag.
Sa pagdating ng araw,
makabangon nawa kami sa pagkahimlay,
upang magalak sa pagkabuhay ng iyong Kristo,
na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan.
Amen.

Gawaran nawa tayo ng Makapangyarihang Diyos
ng gabing panatag at mapayapang pagkahimlay.
— Amen.

Santiago Apostol,
Ipanalangin mo kami!

DAKILANG KAPISTAHAN NI SANTIAGO APOSTOLHulyo 25, 2026Si Santiago, na tinatawag ding Santiago, anak ni Zebedeo, o Santiag...
25/07/2026

DAKILANG KAPISTAHAN NI SANTIAGO APOSTOL
Hulyo 25, 2026

Si Santiago, na tinatawag ding Santiago, anak ni Zebedeo, o Santiagong Nakatatanda, ay isa sa Labindalawang Apostol, na nakikilala bilang nasa pinakaloob na bilog ni Jesus at ang nag-iisang apostol na ang pagiging martir ay naitala sa Bagong Tipan (Mga Gawa 12: 2).

Si Santiago at ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki, si San Juan na Apostol, ay itinalaga sa Boanerges (mula sa Greek boanerges), o "Mga Anak ng Kulog" (Marcos 3:17), marahil dahil sa kanilang katangian na nagniningas na kasigasigan (Marcos 9:38 at Lucas 9:54). Kasama ang mga Banal na sina Pedro at Andres, sina Santiago at Juan ay ang unang apat na disipulo na tinawag ni Jesus (Marcos 1:16–19) at nabanggit sa tanong ("Sabihin sa amin, kailan ito [ang pagkawasak ng Templo], at ano ang tanda na ang lahat ng mga bagay na ito ay malapit nang magawa?”) sparks eschatological (patungkol sa end-time) na diskurso ni Jesus sa Marcos 13.

Bilang isang miyembro ng mga orihinal na apostol, nasaksihan ni Santiago ang pagbangon ng anak na babae ni Jairus mula sa patay (Marcos 5:37 at Lucas 8:51), ang Pagbabagong-Anyo (Marcos 9:2), at ang paghihirap ni Jesus sa Hardin ng Gethsemane (Marcos 14:33 at Mateo 26:37). Pinakiusapan nina Santiago at Juan si Jesus na pahintulutan silang umupo, isa sa kanyang kanan at isa sa kanyang kaliwa, sa kanyang kaluwalhatian sa hinaharap (Marcos 10:35–40), isang pabor na sinabi ni Jesus na hindi niya pagbibigyan. Si Santiago ay pinugutan sa utos ni Haring Herodes Agrippa I ng Judea; ayon sa tradisyon ng Espanya, ang kanyang bangkay ay dinala sa Santiago de Compostela, kung saan ang kanyang dambana ay umaakit sa mga Kristiyanong peregrino mula sa buong mundo.

Santiago Apostol, ipanalangin mo kami!

MALIGAYANG KAPISTAHAN NI SANTIAGO APOSTOL DE QUINGUA!Ang Magiting at Mapaghimalang Pintakasi ng Bayan ng Plaridel, Bulac...
25/07/2026

MALIGAYANG KAPISTAHAN NI SANTIAGO APOSTOL DE QUINGUA!
Ang Magiting at Mapaghimalang Pintakasi ng Bayan ng Plaridel, Bulacan

Hulyo 25, 2026 | Liturhikal na Kapistahan

Ipanalangin mo ang iyong Bayan ng Plaridel, Mahal na Patrong Santiago Apostol. Ipag-adya mo kami sa lahat ng kapahamakan at tulungan mo kami sa aming mga pangangailangan.

Nakikiisa ang buong Cofradia de Santiago Apostol de Quingua sa dakilang araw na ito!

VIVA SANTIAGO APOSTOL DE QUINGUA!

Photo | Renzy Diolata Photography

PANALANGIN SA UMAGADakilang Kapistahan ni Santiago ApostolHulyo 25, 2026Ama naming makapangyarihan,itinalaga mo ang unan...
24/07/2026

PANALANGIN SA UMAGA
Dakilang Kapistahan ni Santiago Apostol
Hulyo 25, 2026

Ama naming makapangyarihan,
itinalaga mo ang unang pag-aani ng iyong mga Apostol
sa pagdanak ng dugo ni Santiago.
Ipagkaloob mong tumibay ang iyong Sambayanan
sa kanyang pagpapahayag ng pananampalataya
at lubusang pagkakamit ng pagdalangin niyang puspusan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Pagpalain nawa tayo ng Panginoon,
iligtas tayo mula sa lahat ng kasamaan
at akayin tayo sa buhay na walang hanggan.
— Amen.

Santiago Apostol,
Ipanalangin mo kami!

24/07/2026

Iluhog natin sa ating Mahal na Pintakasi ang ating mga panalangin, pasasalamat, at kahilingan. Nawa, ang mga panalangin ni Santiago Apostol ay maging sandata natin sa mga hamon ng buhay.

PANALANGIN KAY SANTIAGO APOSTOL:

Mahal na Patron naming Santiago Apostol,
Mula sa pagiging mangingisda tinawag ka ng Panginoon
Upang mamalakaya ng sangkatauhan
na bubuo ng Kristiyanong Sambayanan.
Tulungan mo kami upang madinig
Ang tawag ni Kristo sa aming buhay.

Naging saksi ka sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay ni Hesus.
Makita nawa namin sa aming paligid ang masaganang
Pagpapala ng Panginoon.

Sa iyong buhay, tinanggap mo ang kalis ng paghihirap.
Tulungan mo kami na maging matatag
Sa gitna ng mga pagsubok
At ng hamon ng buhay.

Tulungan mo kami sa aming mga pangangailangan,
(Banggitin ang sariling kahilingan)
Pagalingin mo ang aming karamdaman
Patatagin mo kami sa gitna ng aming kahinaan.

Dinala mo ang Mabuting Balita sa ibang bayan:
Makatulong nawa kami sa pagpapalaganap ng Simbahan

Sa aming paglalakbay, ikaw nawa ay aming maging gabay
Upang ang lahat ng tukso at kapahamakan na dulot ng kasalanan ay aming mapagtagumpayan,
Nang sa gayon kami ay makarating sa makalangit na tahanan.

Makasunod nawa kami kay Kristo,
Tulad ng pagsunod mo ng buong katapatan
Hanggang sa huling sandali ng aming buhay.

Santiago Apostol,
Ipanalangin Mo kami!

VISPERAS MAYORES NA! Sama-sama nating ipagdiwang ang Liturhikal na Kapistahan ng ating Marilag na Apostol at Martir buka...
24/07/2026

VISPERAS MAYORES NA!

Sama-sama nating ipagdiwang ang Liturhikal na Kapistahan ng ating Marilag na Apostol at Martir bukas, ika-25 ng Hulyo, 2026.

Narito ang mga oras ng mga Banal na Misa sa ating parokya:
https://www.facebook.com/share/p/19Djtc824i/

Isang linggo bago ang Dakilang Kapistahan ng ating Marilag na Apostol at Martir, Santiago!
18/07/2026

Isang linggo bago ang Dakilang Kapistahan ng ating Marilag na Apostol at Martir, Santiago!

Address

St. James The Apostle Parish Church
Plaridel
3004

Opening Hours

Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 7am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Confraternity of Saint James the Great posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share