Camareros de Pitogo

Directions Contact the place of worship

Camareros de Pitogo Parokya ng Pagbabalik-loob ni San Pablo
Pitogo, Quezon

Kapistahan ng Banal na Magkakapatid ng BetaniaSanta Marta, Santa Maria at San Lazaro Hulyo 29Santa Marta, turuan mo kami...
29/07/2026

Kapistahan ng Banal na Magkakapatid ng Betania
Santa Marta, Santa Maria at San Lazaro
Hulyo 29

Santa Marta, turuan mo kaming maglingkod sa mga nangangailangan at makita si Hesus sa kanila.

Santa Maria, tulungan mo kaming magnilay-nilay sa salita ni Hesus at ialay ang pinakamabuti para sa Kanya tulad ng pabango na iyong ginamit sa pagpapahid ng Kanyang mga paa.

San Lazaro, samahan mo kaming hintayin ang muling pagkabuhay ng aming mga kapatid kay Kristo. Amen.

Mga Banal na Magkakapatid ng Betania,
ipanalangin nyo kami.



Kapistahan ni Santa Maria MagdalenaHulyo 22Si Santa Maria Magdalena ay isa sa mga matapat na tagasunod ni Hesus. Siya ay...
21/07/2026

Kapistahan ni Santa Maria Magdalena
Hulyo 22

Si Santa Maria Magdalena ay isa sa mga matapat na tagasunod ni Hesus. Siya ay binanggit sa Ebanghelyo bilang babaeng pinagaling ni Hesus mula sa pitong demonyo (Lucas 8:2). Mula noon, siya ay naging tapat na alagad at sumama kay Hesus sa maraming pagkakataon, lalo na sa panahon ng Kanyang pangangaral. Isa rin siya sa mga babaeng naroon sa ilalim ng Krus noong ipako si Hesus, at siya ang unang saksi ng Kanyang muling pagkabuhay - isang karangalang ibinigay sa isang babae sa panahong ang kababaihan ay madalas hindi pinapansin sa lipunan.

Mahalaga ang kanyang papel bilang "Apostol sa mga
Apostol" sapagkat siya ang unang nagbalita sa mga alagad tungkol sa pagkabuhay na muli ni Kristo (Juan 20:18). Sa tradisyon ng Simbahan, kinikilala siya bilang huwaran ng pagbabalik-loob at tapat na paglilingkod.

Mahalagang Paglilinaw: Sa kabila ng matagal na pananaw sa ilang bahagi ng kasaysayan ng Simbahan, si Santa Maria Magdalena ay hindi ang babaeng makasalanan na binanggit sa Lucas 7:36-50, at hindi rin siya si Maria ng Betania, kapatid nina Marta at Lazaro. Ang mga ito ay tatlong magkaibang babae ayon sa mas makabagong pag-aaral ng mga iskolar ng Bibliya at opisyal na kinikilala ng Simbahan ngayon.

Panalangin kay Santa Maria Magdalena

Santa Maria Magdalena, matapat na alagad ni Kristo, ikaw na tumugon sa Kanyang tawag ng pagbabalik-loob at paglilingkod nang buong puso, kami ay lumalapit sa iyo na may paggalang at tiwala.

Ikaw na pinagaling mula sa kadiliman at naging saksi ng liwanag ng muling pagkabuhay, ipanalangin mo kami na tulad mo'y makahanap ng tunay na pagbabago sa aming mga buhay. Turuan mo kaming manatiling matatag sa gitna ng pagsubok, maging tapat sa Panginoon, at patuloy na magmahal kahit sa panahon ng kalungkutan at kawalan.

Ipanalangin mo kami na magkaroon ng tapang na kilalanin si Hesus sa bawat araw - sa Kanyang mga salita, sa Kanyang Sakramento, at sa mga taong nangangailangan ng pagmamahal.

Santa Maria Magdalena, huwaran ng pananalig at pag-ibig, tulungan mo kaming hanapin si Kristo sa lahat ng bagay, at maging saksi rin ng Kanyang pagkabuhay sa aming mga buhay. Amen.

Ang imaheng nasa larawan ay ang Antigong Santa Maria Magdalena ng Pitogo.

Santa Maria Magdalena, ipanalangin mo kami.

📸: Super35



Ang Banal na Magkakapatid mula sa BetaniaSanta Maria, Santa Marta at San LazaroBagamat magkakaiba ng ugali at pagkakakil...
20/07/2026

Ang Banal na Magkakapatid mula sa Betania
Santa Maria, Santa Marta at San Lazaro

Bagamat magkakaiba ng ugali at pagkakakilanlan,
Panahon at buhay nila'y sa Panginoon inilaan.

Tampok ang mga imahen nina Santa Maria, Santa Marta at San Lazaro ng Betania na ipinuprusisyon tuwing Mahal na Araw sa Bayan ng Pitogo.



Kapistahan ng Mahal na Birheng Maria ng Bundok ng CarmeloHulyo 16Santa Maria, Mahal na Birhen ng bundok ng Carmelo, nagp...
15/07/2026

Kapistahan ng Mahal na Birheng Maria ng Bundok ng Carmelo
Hulyo 16

Santa Maria, Mahal na Birhen ng bundok ng Carmelo, nagpakita ka kay San Simon Stock sa Cambridge, upang gabayan kami sa aming paglalakbay sa lupa at bigyan ng pag-asa sa aming buhay lalo na sa oras ng paghihirap at tiisin.

Inihahandog namin sa iyo ang aming sarili, puso at damdamin. Pagpalain mo at gabayan ang aming mahal sa buhay, pamilya at bayan. Tanggapin mo po ang aming ligaya at lungkot, tagumpay at kabiguan, kahirapan at kasaganahan, sakit at kalusugan. Dalhin mo po ito sa iyong anak na si Hesus upang ito ay maging bukal para sa amin ng grasya at kabanalan.

Isinasamo namin, katamis-tamisang Ina, na lagi mo kaming samahan. Huwag mo po kaming iiwan at pababayaan lalo na sa panahon ng pagsubok at kapighatian. Akayin mo kami sa lahat ng oras at lugar. Sa sandali ng aming kamatayan dalhin mo kami sa iyong Anak na si Hesus na aming Panginoon upang makamit ang buhay na walang hanggan.

MAHAL NA BIRHENG MARIA NG BUNDOK NG CARMELO, ipanalangin mo kami!



Kapistahan ni Santa VeronicaHulyo 12Si Santa Veronica ay isang banal na babae na ayon sa sinaunang tradisyon ng Simbahan...
11/07/2026

Kapistahan ni Santa Veronica
Hulyo 12

Si Santa Veronica ay isang banal na babae na ayon sa sinaunang tradisyon ng Simbahan, ay nagpakita ng habag kay Hesus habang pasan Niya ang krus patungong Kalbaryo. Lumapit siya upang punasan ang mukha ni Hesus gamit ang isang belo. Bilang tanda ng pagpapala, mahimalang naiwan sa tela ang larawan ng banal na mukha ni Kristo.

Bagama’t hindi binanggit ang pangalang Veronica sa mga Ebanghelyo, matagal na siyang pinararangalan sa tradisyon ng Simbahang Katolika at kaugnay ng Ikaanim na Estasyon ng Krus: “Pinunasan ni Veronica ang Mukha ni Hesus.”

Si Santa Veronica ay kinikilalang huwaran ng habag, katapangan, at pagmamahal sa Panginoon, sapagkat hindi siya natakot tumulong kay Kristo sa gitna ng Kanyang paghihirap.

Panalangin kay Santa Veronica

O maluwalhating Santa Veronica,
ikaw na buong tapang at habag na lumapit kay Hesus upang punasan ang Kanyang Banal na Mukha sa gitna ng Kanyang paghihirap, tulungan mo kaming tularan ang iyong pagmamahal at malasakit sa kapwa.

Ipanalangin mo kami upang magkaroon ng pusong handang maglingkod, magpatawad, at umibig sa Panginoon sa bawat sandali ng aming buhay. Nawa’y makita namin ang mukha ni Kristo sa bawat taong nangangailangan ng aming paglingap.

Hilingin mo rin sa Panginoon na pagpalain ang aming mga pamilya, ingatan kami sa lahat ng panganib, at akayin kami sa landas ng kabanalan hanggang sa makapiling namin Siya sa Kanyang walang hanggang kaharian. Amen.

📸: Super35



ARAW NG MGA CAMAREROKasabay ng Tradisyunal na Kapistahan ni Santa VeronicaSa likod ng bawat sagradong imahen ay may isan...
11/07/2026

ARAW NG MGA CAMARERO
Kasabay ng Tradisyunal na Kapistahan ni Santa Veronica

Sa likod ng bawat sagradong imahen ay may isang Camarero na tahimik at buong pusong naglilingkod upang mapanatili ang kabanalan, dignidad, at kaayusan ng mga banal na larawan ng ating Panginoong Hesukristo, Mahal na Birheng Maria, at mga Santo at Santa.

Sa araw na ito, sama-sama nating kilalanin at pasalamatan ang kanilang hindi matatawarang dedikasyon, malasakit, at tapat na paglilingkod sa Simbahan. Ang pagdiriwang ng Araw ng mga Camarero tuwing ika-12 ng Hulyo ay isang munting pagkilala sa kanilang mahalagang papel bilang mga katiwala at tagapag-ingat ng ating pamana ng pananampalataya.

Ang pagiging Camarero ay higit pa sa pag-aalaga ng isang banal na imahen. Ito ay isang natatanging bokasyon ng paglilingkod na pinagyayaman ng sining, kultura, tradisyon, at mga aral ng Simbahan—mga biyayang naglalapit sa bawat mananampalataya sa misteryo ng kaligtasan at sa mas malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos.

Kasabay nito ay ating ginugunita ang Tradisyunal na Kapistahan ni Santa Veronica, na kinikilalang kauna-unahang tagapag-ingat ng banal na larawan ng Panginoon matapos niyang punasan ang Kanyang mukha sa daan patungong Kalbaryo. Ang kanyang halimbawa ay nananatiling huwaran ng habag, katapatan, at mapagpakumbabang paglilingkod.

Isang mapagpala at makahulugang pagdiriwang ng Araw ng mga Camarero!**
Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng Panginoon at pagkalooban ng lakas, biyaya, at masidhing pagmamahal sa inyong banal na paglilingkod sa Simbahan.



Isang Mapagpalang Kaarawan, Padre Paul!Maligayang Kaarawan sa aming katuwang at gabay sa pananampalataya, Padre Paul Agr...
29/06/2026

Isang Mapagpalang Kaarawan, Padre Paul!

Maligayang Kaarawan sa aming katuwang at gabay sa pananampalataya, Padre Paul Agra!

Sa araw na ito, ang buong pamayanan—lalo na ang samahan ng mga Camareros ng Pitogo—ay nagkakaisa sa pagpapasalamat sa Diyos sa regalo ng inyong buhay at bokasyon.

Lubos po ang aming pasasalamat sa inyong walang-sawang suporta, pag-unawa, at gabay sa aming mga Camareros. Salamat sa pagpapahalaga ninyo sa aming tungkulin na pangalagaan ang mga banal na imahe, at sa pag-akay sa amin upang mas mapalalim pa ang aming debosyon at paglilingkod sa Simbahan. Ang inyong presensya ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa amin na maglingkod nang may katapatan at pagmamahal.

"Ang mabuting pastol ay nag-aakay sa kawan patungo sa tamang landas."

Ang aming panalangin para sa inyo, malusog na pangangatawan at lakas ng isip at espiritu. Higit pang mga pagpapala at biyaya sa inyong ministeryo dito sa Pitogo at kagalakan sa puso habang patuloy ninyong ginagampanan ang inyong banal na tungkulin.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain at ingatan ng Mahal na Birhen at ng Poong Maykapal. Pagpalain po kayo, Padre Paul!

Muli, Maligayang Kaarawan po mula sa iyong mga Camareros ng Pitogo.

Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San PabloHunyo 29Pagkapako sa Krus na kinamtan ni Pedro at tiniis na hirap...
29/06/2026

Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo
Hunyo 29

Pagkapako sa Krus na kinamtan ni Pedro at tiniis na hirap noong pugutan si Pablo ang naging puhunan ng kanilang pagiging dakilang apostol ng Panginoon. Ang mga tinaguriang "Haligi ng Simbahang Katolika" na siyang matibay na sandigan ng pananampalataya nating mga taga-sunod ng Panginoon.

Ngayong araw ay ginugunita natin ito, bilang pasasalamat sa kanilang pagiging huwaran, dakila at matibay na pundasyon ng Simbahan.

Ito din ay araw ng ating Pasasalamat sa Panginoon bilang isang parokya na pumipintakasi kay San Pablo Apostol. Nawa ang araw na ito ay magpuspos ng biyaya na nag-uumapaw sa atin upang maipagpatuloy natin ang pagiging isang huwaran at mapanagutang Simbahan.

Panalangin:

O maluwalhating San Pedro at San Pablo, mga dakilang Apostol ng Panginoon, ipanalangin ninyo kami sa Diyos.

San Pedro, tulungan mo kaming maging matatag sa aming pananampalataya at tapat sa Simbahan ni Kristo.

San Pablo, turuan mo kaming maging masigasig sa pagpapahayag ng Mabuting Balita at sa paglilingkod sa aming kapwa.

Nawa'y matularan namin ang inyong pagmamahal sa Panginoon, katapangan sa gitna ng mga pagsubok at katapatan hanggang sa wakas.
Sa inyong pamamagitan, pagkalooban nawa kami ng biyaya upang mamuhay bilang tunay na mga disipulo ni Hesukristo at maging mga saksi ng Kanyang pag-ibig sa mundo. Amen!

San Pedro at San Pablo, mga Apostol, ipanalangin ninyo kami.



Kapistahan ni Santa Maria, Ina ni San MarcosHunyo 29Si Maria, Ina ni San Marcos ay isa sa mga unang Kristiyanong babae n...
28/06/2026

Kapistahan ni Santa Maria, Ina ni San Marcos
Hunyo 29

Si Maria, Ina ni San Marcos ay isa sa mga unang Kristiyanong babae na binanggit sa Bagong Tipan. Siya ay nanirahan sa Jerusalem at ang kanyang tahanan ay naging mahalagang tagpuan ng mga unang mananampalataya para sa pananalangin at pagtitipon.

Ayon sa Gea ng mga Apostol (12:12), matapos makahimalang makalaya si Pedro mula sa bilangguan, nagtungo siya sa bahay ni Maria kung saan nagdarasal ang maraming Kristiyano. Si Maria ang ina ni San Marcos, na kinikilalang may-akda ng Ebanghelyo ayon kay Marcos. Ayon sa sinaunang tradisyong Kristiyano, pinaniniwalaang ang kanyang tahanan rin ang kinalalagyan ng Itaas na Silid o Cenacle, kung saan idinaos ni Hesus ang Huling Hapunan kasama ang Kanyang mga alagad at kung saan nagtipon din ang mga apostol matapos ang Kanyang muling pagkabuhay.

Bagama't hindi ito tahasang binabanggit sa Bibliya, ang tradisyong ito ay malawak na tinatanggap sa loob ng maraming siglo at nagpapakita ng mahalagang papel ni Maria at ng kanyang tahanan sa buhay ng unang Simbahan.

Panalangin:

Ama naming mapagmahal, salamat po sa halimbawa ni Maria, ina ni San Marcos, na buong pusong naglingkod sa lyo at nagbukas ng kanyang tahanan upang maging lugar ng panalangin, pagkakaisa, at paglago ng pananampalataya. Sa kanyang pamamagitan, nawa'y maging bukás din ang aming mga puso at tahanan sa lyong presensya at sa paglilingkod sa aming kapwa.
Bigyan Mo kami ng matatag na pananampalataya, mapagkumbabang puso, at lakas upang manatiling tapat sa lyo sa gitna ng mga pagsubok. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristong aming Panginoon. Amen.

Santa Maria, Ina ni San Marcos, ipanalangin kami.



Address

Brgy. Nag-cruz
Pitogo
4308

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Camareros de Pitogo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Camareros de Pitogo:

Shortcuts

Share