08/05/2026
💐 Mother’s Day Celebration Invitation 💐
PAGPUPUGAY PARA SA MGA DAKILANG ILAW NG TAHANAN
Sa puso ng bawat tahanan ay may isang ilaw na hindi kailanman napaparam—ang ating mga ina. Sa kanilang walang sawang pag-aaruga, sakripisyo, at pagmamahal, tunay nating nasilayan ang kabutihan ng Diyos.
Ngayong darating na linggo, nais naming ipagdiwang at parangalan ang mga ilaw ng ating tahanan. Inaanyayahan po namin kayo na makibahagi sa aming Mother’s Day Celebration sa aming simbahan—isang espesyal na pagtitipon ng pagpupuri, pagpapasalamat, at pagbibigay-pugay sa lahat ng ina. Maari din po kayong mag-aya ng mga iba pang kananayan.
🗓️ Petsa: May 10, Linggo
🕘 Oras: 9:00 ng umaga
📍 Lugar: TABERNACLE OF JOY, Katabbogan, Pinukpuk, Kalinga
Magkakaroon ng:
✨ Taos-pusong Pagsamba
✨ Salita ng Pagpapalakas
✨ Espesyal na Pagkilala at Munting Handog para sa mga Ina
Halina’t sama-sama nating ipadama ang pagmamahal at pasasalamat sa ating mga ina—dahil sila ay biyayang hindi matutumbasan.
💖 We love to share this moment with you! 💖