Pamayanan ng Saging

Directions

Pamayanan ng Saging Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Pamayanan ng Saging, Religious organisation, Pinamalayan.

Maliit man ang mga hakbang, bawat aral ay isang hakbang palapit kay Hesus😇⛪
27/09/2026

Maliit man ang mga hakbang, bawat aral ay isang hakbang palapit kay Hesus😇⛪



14/09/2026

Kaisa ni Jesus. Kabilang sa Pamilya ng Diyos. 😇⛪

Ang mga bata ay hindi lamang nakinig at natuto, kundi nakibahagi rin sa iba’t ibang activities, at interactive na gawain...
14/09/2026

Ang mga bata ay hindi lamang nakinig at natuto, kundi nakibahagi rin sa iba’t ibang activities, at interactive na gawain na nagbigay sa kanila ng pagkakataong mas makilala si Jesus at mas maunawaan ang kanyang mga aral. Masayang makita ang kanilang mga ngiti, sigla, pakikilahok, at pagiging bukas sa pagkatuto.

Natutunan nila na bilang mga anak ng Diyos, bahagi tayo ng isang pamilya, ang Pamilya ng Diyos. At tulad ng pagtutulungan sa isang pamilya, tinuturuan din tayo ni Jesus na magtulungan bilang magkakapatid sa Pamilya ng Diyos.

Sa bawat gawain at simpleng pagbabahagi, may mga munting pusong unti-unting natututo na mahalin ang Diyos at ang kapwa. Nawa’y manatili silang bukas ang puso sa mga aral ni Jesus at maging mga batang may pusong mapagmahal, mabait, at handang gumawa ng kabutihan😇✨



17/08/2026

Makilala si Jesus. Maranasan ang Kanyang pag-ibig. At magmahal tulad Niya.😇✨



Marcos 10:14 " HAYAAN N'YONG LUMAPIT SA AKIN ANG MGA BATA. HUWAG N'YO SILANG PIGILAN, DAHIL ANG MGA KATULAD NILA AY KABI...
02/08/2026

Marcos 10:14
" HAYAAN N'YONG LUMAPIT SA AKIN ANG MGA BATA. HUWAG N'YO SILANG PIGILAN, DAHIL ANG MGA KATULAD NILA AY KABILANG SA KAHARIAN NG DIYOS"

Hindi pa man nagsisimula ang regular na lessons, napuno na agad ng saya, tawanan, at pagmamahalan ang aming unang Linggo for Sunday class.

Isang simpleng sharing at isang munting activity kung saan kinulayan ng mga bata ang pusong may nakasulat na "JESUS Loves Me!" Isa-isa nilang ibinahagi kung kailan at paano nila nararamdaman na mahal sila ng Diyos. Nakakatuwang marinig ang kanilang mga inosente ngunit punong-puno ng pananampalatayang mga sagot.

Tunay na ang bawat bata ay mahalaga sa paningin ng Panginoon. Nawa'y sa bawat Sunday Class ay mas lalo pa nilang makilala, mahalin, at sundin si Jesus. Dahil sa bawat batang dumarating, may pusong handang matuto, magmahal, at lumapit kay Jesus. Kami naman, bilang mga lingkod, ay nananalangin na maging tapat na gabay sa kanilang paglalakbay sa pananampalataya.



Sa kabila ng maulang panahon, hindi napigilan ng biyaya ng Panginoon ang matagumpay na pagdiriwang ng Flores de Mayo Gra...
31/05/2025

Sa kabila ng maulang panahon, hindi napigilan ng biyaya ng Panginoon ang matagumpay na pagdiriwang ng Flores de Mayo Grand Santacruzan 2025🌺🧡. Tunay ngang kapag ang puso ay bukas sa pananampalataya, walang unos ang makakahadlang sa pananalig at pagkakaisa ng pamayanan. Salamat, Mahal na Birheng Maria, sa patuloy mong paggabay. 🌸⛪💖


TAPUSAN 2025🌺💛
30/05/2025

TAPUSAN 2025🌺💛

Ang diwa ng Pasko ay walang hanggan; pag-ibig ay buhay, walang katapusan.🎄✨Habang ang mga ilaw ng Pasko ay nagsimulang m...
27/12/2024

Ang diwa ng Pasko ay walang hanggan; pag-ibig ay buhay, walang katapusan.🎄✨

Habang ang mga ilaw ng Pasko ay nagsimulang maglaho, ang liwanag ng tunay na diwa nito ay patuloy na naglalakbay, hindi sa takdang oras o araw, kundi sa bawat pusong bukas at handang magbigay. Ang pangangaroling na naganap sa kabila ng pagtatapos ng Pasko ay nagsilbing patunay na ang diwa ng pagbibigayan at pagmamahal ay hindi nasusukat sa panahon. Kahit tapos na ang selebrasyon, ang mga ngiti ng mga tumulong, ang bawat baryang isinuksok sa aming kaha, at ang mga salitang "Salamat" na mula sa inyong mga labi, ay nagsisilbing mas maliwanag na tanda ng Pasko. Ipinapakita niyo sa amin na ang tunay na Pasko ay hindi sa mga dekorasyon o handaan, kundi sa pagmamahalan at malasakit na patuloy na ipinapamalas. Salamat sa inyo, sa mga pusong patuloy na nag-aalab, sa mga kamay na bukas, at sa mga damdaming hindi nasusukat ng kalendaryo. Hanggang sa susunod na taon, ang diwa ng Pasko ay buhay na buhay, sapagkat ito'y nakatanim sa ating mga puso❤️💚

TAPUSAN 2024Ang tapusang Pasko ay punong-puno ng saya at halakhak. Lahat ay nagtipon, nagsalo-salo sa mga kwento, kantah...
24/12/2024

TAPUSAN 2024

Ang tapusang Pasko ay punong-puno ng saya at halakhak. Lahat ay nagtipon, nagsalo-salo sa mga kwento, kantahan, at mga simpleng handa na puno ng pagmamahal. Ang bawat ngiti at pagyakap ay nagsilbing paalala na kahit sa mga hamon ng buhay, ang tunay na kahulugan ng Pasko ay nasa pagkakaisa at malasakit sa isa’t isa. Sa gabing iyon, ang bawat isa ay nagpasalamat sa mga biyaya, at nagpatuloy na may pag-asa at pananampalataya sa bagong taon. 💗 ✨

Maligayang Pasko, mula sa Pamayanan ng Saging!!

Maligayang pagdating sa pinagpalang Pamayanan ng Saging, Fr. Arnold Magboo!!💚
17/08/2024

Maligayang pagdating sa pinagpalang Pamayanan ng Saging, Fr. Arnold Magboo!!💚

Address

Pinamalayan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pamayanan ng Saging posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share