02/06/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐ฏ๐จ ๐ฎ๐จ๐ข ๐๐ข๐ณ๐ฐ๐ฌ๐บ๐ข ๐ฎ๐ถ๐ญ๐ข ๐ด๐ข ๐๐ข๐บ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐๐ช๐ญ๐ช๐ญ๐ญ๐ข
๐ฒ ๐๐จ๐ก๐ฌ๐ข ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Tuwing sasapit ang unang martes ng buwan ng mayo hanggang ikalawang martes ng buwan ng hulyo ay isinasagawa ang taunang "Ahunan sa Antipolo" ng iba't ibang pamayanan mula sa Diyosesis ng Antipolo at ng mga karatigbayan upang manalangin, magpasalamat at bigyang parangal ang Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay, Virgen de Antipolo.
Ngayong taon bilang bahagi ng makulay na pagdiriwang ng ika-400 taong pagdating sa Pilipinas at ika-100 taong koronasyong kanonikal ng Mahal na Birhen ng Antipolo, sa unang pagkakataon ay magsasama-sama ang Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Santa Maria Magdalena, Parokya ni San Diego de Alcala, at Parokya ni San Gabriel Arkanghel mula sa Bayan ng Pililla para sa "Ahunan sa Antipolo 2026".
Ang Ahunan ay magaganap sa ika-6 ng Hunyo, sa ganap na ika-6 ng umaga ay ang inaasahang oras ng pag-alis mula sa Pililla ng mga mananapalataya at magtitipon-tipon sa Rizal Provincial Capitol para sa prusisyon patungo sa katedral. Ang Banal na Misa ay sa ganap na ika-9 ng umaga.
Halina mga Ka-Dambana! Magsama-sama tayo para sa isang makahulugan, mataimtim at puno ng pasasalamat na Ahunan sa Antipolo 2026. Dalhin natin ang ating mga panalangin sa Mahal na Birhen at umasa sa kanyang pamamagitan upang mapalapit sa kanyang Anak na Hesus, Ang ating Panginoon.
โ