30/04/2026
[PAANYAYA!] I Unang Biyernes sa Buwan ng Mayo Pag dedebosyon sa Mahal na Señor (Matanda)
7:00 N.U. I Banal na Misa
3:00 N.H. I Nobena sa tahanan ni Gng. Fely Talavera sa brgy. Bagumbayan
Panalangin sa Mahal na Señor
Panginoon naming Hesukristo Mahal na Señor. Diyos na Totoo at Taong totoo, tinubos mo kami ng Iyong buhay sa aming mga kasalanan. Namatay ka po sa krus para sa kaligtasan naming lahat at ng buong mundo. Sa iyong muling pagkabuhay dala mo sa amin ay liwanag, tulad ng unang nakita ni Santa Maria Magdalena. Dakila ka at walang hanggan ang iyong Pag-ibig sa bawat isa sa amin.
Panginoong Hesus, Mahal na Señor kahit kami ay hindi karapat-dapat, nagpapasalamat kami sa iyong pag-ibig, kahit kami ay makasalanan, patuloy mo kaming inuunawa't pinagpapala. Kaya naman po bilang isang pamilya, lumalapit kami sa iyong habag, kaawaan mo po kami sa aming pang araw-araw na buhay. Bilang isang Simbahang katoliko dito sa Bayan ng Pililla. Gawin mo po kaming tunay na Kristiyano, na handa ring maglingkod at mag-alay ng buhay sa Krus. Bilang iyong tagasunod at alagad, gawin mo po kaming tapat at banal.
Mahal na Señor, Panginoong Hesukristo, Salamat po sa iyong Pag-ibig!