Diocesan Shrine and Parish of Saint Mary Magdalene, Pililla, Rizal

Diocesan Shrine and Parish of Saint Mary Magdalene, Pililla, Rizal Opisyal na Pahina ng Pandiyosesis na Dambana ng Santa Maria Magdalena - Diyosesis ng Antipolo
• 1583 | Pililla, Rizal • Mary Magdalene, Pililla, Rizal
(2)

Official page of the Diocesan Shrine and Parish of St.

𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐑𝐎𝐒𝐀 𝐃𝐄 𝐋𝐈𝐌𝐀 𝘐𝘬𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘵𝘳𝘰𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘗𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘴𝟮𝟯 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲O maluwalhating Sta. Rosa, masamyong bulakl...
22/08/2026

𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐀 𝐑𝐎𝐒𝐀 𝐃𝐄 𝐋𝐈𝐌𝐀
𝘐𝘬𝘢𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘗𝘢𝘵𝘳𝘰𝘯𝘢 𝘯𝘨 𝘗𝘪𝘭𝘪𝘱𝘪𝘯𝘢𝘴

𝟮𝟯 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲

O maluwalhating Sta. Rosa, masamyong bulaklak ng Panginoon, na sa pamamagitan ng iyong mga kabanalan sa gitna ng mga tinik at tawag nitong mundo, ay hinalina mo ang mga tao na pag sisihan nila ang kanilang mga kasalanan, mag pakababa at maging masunurin sa mga utos ng iyong mahal na esposo, at mag tiis ng lahat ng bagabag alang-alang sa pag-ibig ng Diyos at kaligtasan ng mga kaluluwa. Makapangyarihan at maawaing Patrona ng Pilipinas, takbuhan ka ng aming mga pangangailangan at lunas ka ng aming mga karamdaman, isinasamo namin sa pamamagitan ng iyong mga biyaya at matayog na kabanalang kaloob sa iyo ng mahal ng sanggol na si Hesus na kami ay iyong paginhawahin at aliwin sa karalitaan at paghihikahos ng aming kaluluwa at katawan.

Tanggapin mo kami sa ilalim ng iyong pag-aaruga, at kami ay tulungan sa pagtatamo ng kalinisan ng puso, pag sang-ayon sa kalooban ng Diyos pag titiis ng hirap at sakit, at pananatili sa kabanalan. Masikap naming tupdin ang mga utos ng Diyos at ng Inang Santa Iglesia, pagdedebosyon ng Santo Rosaryo at malimit na pagtanggap sa kamahal-mahalang sakramento ng Altar. Marapatin mo ding ipagkaloob ang mga hinihiling namin sa kamahal-mahalang puso ng iyong minamahal na esposo at kalinis-linisang puso ni Maria, alinsunod sa kalooban ng Diyos.
Siya Nawa.

Santa Rosa de Lima,
Ipanalangin mo kami!

22/08/2026

[UPDATES] 𝐌𝐀𝐆𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐓𝐄𝐎: 𝘛𝘩𝘦 𝘚𝘩𝘳𝘪𝘯𝘦𝘴 𝘗𝘳𝘰𝘤𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘪𝘯 𝘤𝘦𝘭𝘦𝘣𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘍𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘈𝘯𝘯𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘢𝘳𝘺 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘚𝘰𝘭𝘦𝘮𝘯 𝘋𝘦𝘤𝘭𝘢𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘢𝘴 𝘕𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘚𝘩𝘳𝘪𝘯𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘗𝘢𝘳𝘪𝘴𝘩 𝘰𝘧 𝘖𝘶𝘳 𝘓𝘢𝘥𝘺 𝘰𝘧 𝘈𝘳𝘢𝘯𝘻𝘢𝘻𝘶.

Ang paglalakbay ng mahal na patrona, Santa Maria Magdalena, sa mga lansangan ng bayan ng San Mateo bilang pakikiisa sa maringal na prusisyon kaugnay ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng pagkakatalaga sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Aranzazu bilang Pambansang Dambana.

𝘼𝙫𝙚, 𝘼𝙫𝙚, 𝙑𝙞𝙫𝙖 𝙡𝙖 𝙑𝙞𝙧𝙜𝙚𝙣!
𝙑𝙞𝙫𝙖 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙖 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙖 𝙈𝙖𝙜𝙙𝙖𝙡𝙚𝙣𝙖!
𝙑𝙞𝙫𝙖 𝙄𝙣𝙖 𝙖𝙩 𝙋𝙖𝙩𝙧𝙤𝙣𝙖 𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙡𝙡𝙖!

22/08/2026

[UPDATES] 𝐌𝐀𝐆𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐓𝐄𝐎: 𝘛𝘩𝘦 𝘚𝘩𝘳𝘪𝘯𝘦𝘴 𝘗𝘳𝘰𝘤𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘪𝘯 𝘤𝘦𝘭𝘦𝘣𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘍𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘈𝘯𝘯𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘢𝘳𝘺 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘚𝘰𝘭𝘦𝘮𝘯 𝘋𝘦𝘤𝘭𝘢𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘢𝘴 𝘕𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘚𝘩𝘳𝘪𝘯𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘗𝘢𝘳𝘪𝘴𝘩 𝘰𝘧 𝘖𝘶𝘳 𝘓𝘢𝘥𝘺 𝘰𝘧 𝘈𝘳𝘢𝘯𝘻𝘢𝘻𝘶.

Ang pagpapakilala sa Ina at Patrona ng Pililla, Santa Maria Magdalena, ang hudyat ng pagsisimula ng maringal na prusisyon ng mga patron ng mga dambana sa Diyosesis ng Antipolo, kaugnay ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng pagkakatalaga sa Parokya ng Mahal na Birhen ng Aranzazu bilang isang Pambansang Dambana.

𝘼𝙫𝙚, 𝘼𝙫𝙚, 𝙑𝙞𝙫𝙖 𝙡𝙖 𝙑𝙞𝙧𝙜𝙚𝙣!
𝙑𝙞𝙫𝙖 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙖 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙖 𝙈𝙖𝙜𝙙𝙖𝙡𝙚𝙣𝙖!
𝙑𝙞𝙫𝙖 𝙄𝙣𝙖 𝙖𝙩 𝙋𝙖𝙩𝙧𝙤𝙣𝙖 𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙡𝙡𝙖!

[UPDATES] 𝐌𝐀𝐆𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐓𝐄𝐎: 𝘛𝘩𝘦 𝘚𝘩𝘳𝘪𝘯𝘦𝘴 𝘗𝘳𝘰𝘤𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘪𝘯 𝘤𝘦𝘭𝘦𝘣𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘍𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘈𝘯𝘯𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘢𝘳𝘺 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘚𝘰𝘭𝘦𝘮𝘯 𝘋𝘦𝘤𝘭𝘢𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰...
22/08/2026

[UPDATES] 𝐌𝐀𝐆𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖 𝐒𝐀 𝐒𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐓𝐄𝐎: 𝘛𝘩𝘦 𝘚𝘩𝘳𝘪𝘯𝘦𝘴 𝘗𝘳𝘰𝘤𝘦𝘴𝘴𝘪𝘰𝘯 𝘪𝘯 𝘤𝘦𝘭𝘦𝘣𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘍𝘪𝘳𝘴𝘵 𝘈𝘯𝘯𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘢𝘳𝘺 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘚𝘰𝘭𝘦𝘮𝘯 𝘋𝘦𝘤𝘭𝘢𝘳𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘢𝘴 𝘕𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯𝘢𝘭 𝘚𝘩𝘳𝘪𝘯𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘗𝘢𝘳𝘪𝘴𝘩 𝘰𝘧 𝘖𝘶𝘳 𝘓𝘢𝘥𝘺 𝘰𝘧 𝘈𝘳𝘢𝘯𝘻𝘢𝘻𝘶.

Mga Ka-Dambana, nakahanda na ang karosa ng ating Mahal na Patrona, Santa Maria Magdalena. Sama-sama natin siyang agapayan sa kanyang pakikilahok sa Prusisyon ng mga Patron ng mga Dambana sa Diyosesis ng Antipolo, bilang bahagi ng pagdiriwang ng unang anibersaryo ng pagkakatatalaga sa Mahal na Birhen ng Aranzazu bilang Pambansang Dambana.

Taos-puso ang ating pasasalamat sa Shrine Council, na nagkaloob ng mga palamuti para sa karosa, at sa Ministry of Altar Servers - Diocesan Shrine & Parish of St. Mary Magdalene, na nangasiwa at nag-ayos ng mga ito.

𝘼𝙫𝙚, 𝘼𝙫𝙚, 𝙑𝙞𝙫𝙖 𝙡𝙖 𝙑𝙞𝙧𝙜𝙚𝙣!
𝙑𝙞𝙫𝙖 𝙎𝙖𝙣𝙩𝙖 𝙈𝙖𝙧𝙞𝙖 𝙈𝙖𝙜𝙙𝙖𝙡𝙚𝙣𝙖!
𝙑𝙞𝙫𝙖 𝙄𝙣𝙖 𝙖𝙩 𝙋𝙖𝙩𝙧𝙤𝙣𝙖 𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙡𝙡𝙖!

[Update] Pilgrimage to the Road of Love - August 22, 2026✅1. St. Faustina Kowalska Parish✅2. San Diego De Alcala✅3. Dioc...
22/08/2026

[Update] Pilgrimage to the Road of Love - August 22, 2026

✅1. St. Faustina Kowalska Parish
✅2. San Diego De Alcala
✅3. Diocesan Shrine and Parish of St. Mary Magdalene
✅4. St Jude Thaddeus and Diocesan Shrine of the Holy Face of Jesus of Manoppello
5. Diocean Shrine and Parish of St Joseph.
6. St. Rose of Lima Parish
7. International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage

[Update] Pilgrimage to the Road of Love - August 22, 2026✅1. St. Faustina Kowalska Parish✅2. San Diego De Alcala✅3. Dioc...
22/08/2026

[Update] Pilgrimage to the Road of Love - August 22, 2026

✅1. St. Faustina Kowalska Parish
✅2. San Diego De Alcala
✅3. Diocesan Shrine and Parish of St. Mary Magdalene
4. St Jude Thaddeus and Diocesan Shrine of the Holy Face of Jesus of Manoppello
5. Diocean Shrine and Parish of St Joseph.
6. St. Rose of Lima Parish
7. International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage

[Update] Pilgrimage to the Road of Love - August 22, 2026✅1. St. Faustina Kowalska Parish✅2. San Diego De Alcala3. Dioce...
22/08/2026

[Update] Pilgrimage to the Road of Love - August 22, 2026

✅1. St. Faustina Kowalska Parish
✅2. San Diego De Alcala
3. Diocesan Shrine and Parish of St. Mary Magdalene
4. St Jude Thaddeus and Diocesan Shrine of the Holy Face of Jesus of Manoppello
5. Diocean Shrine and Parish of St Joseph.
6. St. Rose of Lima Parish
7. International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage

[Update] Pilgrimage to the Road of Love - August 22, 2026✅1. St. Faustina Kowalska Parish2. San Diego De Alcala3. Dioces...
22/08/2026

[Update] Pilgrimage to the Road of Love - August 22, 2026

✅1. St. Faustina Kowalska Parish
2. San Diego De Alcala
3. Diocesan Shrine and Parish of St. Mary Magdalene
4. St Jude Thaddeus and Diocesan Shrine of the Holy Face of Jesus of Manoppello
5. Diocean Shrine and Parish of St Joseph.
6. St. Rose of Lima Parish
7. International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage

𝐏𝐀𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀-𝐑𝐄𝐘𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀𝟮𝟮 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲𝘔𝘈𝘉𝘜𝘛𝘐𝘕𝘎 𝘉𝘈𝘓𝘐𝘛𝘈Lucas 1, 26-38Ang Mabuting Balita ng Pang...
21/08/2026

𝐏𝐀𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐀-𝐑𝐄𝐘𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀

𝟮𝟮 𝗔𝗴𝗼𝘀𝘁𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲

𝘔𝘈𝘉𝘜𝘛𝘐𝘕𝘎 𝘉𝘈𝘓𝘐𝘛𝘈
Lucas 1, 26-38

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Nang ikaanim na buwan na ng pagdadalantao ni Elisabet, ang anghel Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, Galilea, sa isang dalaga na ang pangala’y Maria. Siya’y nakatakdang ikasal kay Jose, isang lalaki buhat sa lipi ni Haring David. Paglapit ng anghel sa kinaroroonan ng dalaga, binati niya ito. “Matuwa ka! Ikaw ay kalugod-lugod sa Diyos,” wika niya. “Sumasaiyo ang Panginoon.” Nagulumihanan si Maria sa gayong pangungusap, at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan niyon. Kaya’t sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat kinalulugdan ka ng Diyos. Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang lalaki, at siya’y tatawagin mong Hesus. Magiging dakila siya, at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang amang si David. Maghahari siya sa angkan ni Jacob magpakailanman, at ang kanyang paghahari ay walang hanggan.”

“Paanong mangyayari ito, gayong ako’y dalaga?” tanong ni Maria. Sumagot ang anghel, “Bababa sa iyo ang Espiritu Santo, at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya’t banal ang ipanganganak mo at tatawaging Anak ng Diyos. Natatandaan mo ang iyong kamag-anak na si Elisabet? Alam ng lahat na siya’y baog, ngunit naglihi siya sa kabila ng kanyang katandaan. At ngayo’y ikaanim na buwan na ng kanyang pagdadalantao – sapagkat walang hindi mapangyayari ang Diyos.”

Sumagot si Maria, “Ako’y alipin ng Panginoon. Mangyari sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Address

Imatong
Pililla
1910

Opening Hours

Wednesday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Thursday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Friday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Saturday 8am - 12pm
2pm - 5pm
Sunday 8am - 12pm

Telephone

+63282436117

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Diocesan Shrine and Parish of Saint Mary Magdalene, Pililla, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Diocesan Shrine and Parish of Saint Mary Magdalene, Pililla, Rizal:

Shortcuts

Share