23/04/2025
𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐏𝐀𝐘𝐀𝐏𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐋𝐔𝐋𝐔𝐖𝐀 𝐍𝐈 𝐏𝐀𝐏𝐀 𝐅𝐑𝐀𝐍𝐂𝐈𝐒𝐂𝐎
---
Panginoong Diyos, sa Iyong hindi masukat na biyaya, minarapat mong mapabilang ang iyong lingkod na si Francisco sa hanay ng iyong mga dakilang saserdote. Isinasamo naming siya, na naging kinatawan dito sa lupa ng Iyong nag-iisang Bugtong na Anak, ay mapasapiling Mo nawa sa kalangitan kasama ng iba pang mga banal na pinuno ng Simbahan. Sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan. Amen
Kapayapaan kailanman ang igawad ng Maykapal
sa yumaong si Papa Francisco,
siya nawa ay silayan ng Ilaw na Walang Hanggan
at mapanatag nawa siya sa kapayapaan. Amen.