IFI - Misyon ng San Diego de Alcala

IFI - Misyon ng San Diego de Alcala Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from IFI - Misyon ng San Diego de Alcala, Church, J. P Rizal Street, Quisao, Pililla.

17/05/2026
PASASALAMAT!Viva San Diego! Pasasalamat sa Cathedral of the Holy Child - IFI Mandaluyong
13/11/2025

PASASALAMAT!

Viva San Diego! Pasasalamat sa Cathedral of the Holy Child - IFI Mandaluyong

Ang Katedral ng Banal na Sanggol ay buong galak na bumabati ng Maligayang Kapistahan sa ating kapatid sa IFI - Misyon ng San Diego de Alcala

Nawa, lagi tayong patnubayan ni San San Diego de Alcala. Lagi nawa tayong ipadasal ni San Diego at ipanalangin niya nawa tayo sa Mahal na Señor Sto. Niño de Mandaluyong

Viva San Diego de Alcala!
Viva Señor Sto. Niño de Mandaluyong!

PISTA NA NI SAN DIEGO DE ALCALA!Malugod naming ipinapakilala ang Hermana sa taong ito Gng. Amelia T. Tolentino at ng kan...
11/11/2025

PISTA NA NI SAN DIEGO DE ALCALA!

Malugod naming ipinapakilala ang Hermana sa taong ito Gng. Amelia T. Tolentino at ng kaniyang pamilya para sa pagdiriwang ng Kapistahan ng ating Minamahal na Patron, San Diego de Alcala samahan natin sila sa ating Pagdiriwang sa Araw ng Kapistahan Nobyembre 12, 2025 kasama ang Ama ng Lokal na Diyosesis ng Rizal at Pampanga, Ang Kaniyang Kabunyian. Godofredo J. David D.D.

Halina’t makiisa sa natatanging araw ng pagdiriwang

PISTA NA NI SAN DIEGO!Narito ang talatakdaan ng gawain para sa paparating na Kapistahan ni San Diego de Alcala, samahan ...
11/11/2025

PISTA NA NI SAN DIEGO!

Narito ang talatakdaan ng gawain para sa paparating na Kapistahan ni San Diego de Alcala, samahan natin ang ating patron sa pagdiriwang ng Banal na Misa at sa kanyang Paglabas para sa Caracol

VIVA SAN DIEGO




PAGNINILAY SA SALITA NG DIYOS | Rizal Cluster Bible StudyIsang araw ng pagtitipon upang magnilay, magbahaginan, at lumal...
10/10/2025

PAGNINILAY SA SALITA NG DIYOS | Rizal Cluster Bible Study

Isang araw ng pagtitipon upang magnilay, magbahaginan, at lumalim sa ating pananampalataya sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. Sa pagkakaisa ng Rizal Cluster, tayo ay nagkakaisa bilang isang sambayanang Kristiyano na ginagabayan ng pag-ibig at biyaya ng Panginoon.

Sa diwa ng aming mga patron, aming isinasabuhay ang kanilang mga halimbawa ng pananampalataya at paglilingkod:
San Geronimo – huwaran ng karunungan at malalim na pag-aaral ng Salita ng Diyos.
Ina ng Laging Saklolo – sandigan ng lahat ng lumalapit sa panalangin at pag-asa.
Santa Maria Magdalena – sagisag ng tunay na pagbabalik-loob at tapat na pagmamahal kay Kristo.
San Andres Apostol – halimbawa ng katapatan at tapang sa pagtugon sa tawag ng Panginoon.
San Diego de Alcala – huwaran ng kababaang-loob at mapagkawanggawang paglilingkod.

Gaganapin sa Saint Jerome’s Multi-purpose Hall and Memorial Chapels
Parokya ng San Geronimo

Para sa mga updates, impormasyon at mga gawain, mangyaring tumutok po lamang sa Parish Official page ng IFI - Parokya ng San Geronimo.



Buwan ng mga Sakristan ⛪Isang pagbati at pasasalamat sa ating Ministry of Altar Servers mula sa ating Parokya kasama mga...
17/08/2025

Buwan ng mga Sakristan ⛪

Isang pagbati at pasasalamat sa ating Ministry of Altar Servers mula sa ating Parokya kasama mga Ministry of Altar Servers ng Misyon ng San Diego De Alcala (Quisao) sa kanilang aktibong pagdalo sa Sacristan Fellowship! 🙌

Ang inyong presensya ay patunay ng matibay na pananampalataya at pagkakaisa bilang mga tagapaglingkod sa dambana.
Nawa’y magpatuloy ang apoy ng inyong bokasyon at ang kagalakan sa paglilingkod.

Mabuhay ang mga Sakristan!

Credits to 📸 IFI Diocese of Rizal and Pampanga


1st Paslit Festival!Masdan ang ilang larawan mula sa Maringal na Prusisyon na isinagawa bilang bahagi ng kauna-unahang P...
29/01/2025

1st Paslit Festival!

Masdan ang ilang larawan mula sa Maringal na Prusisyon na isinagawa bilang bahagi ng kauna-unahang Paslit Festival noong Enero 26, 2025, sa Misyon ng San Diego de Alcala. Isang makahulugang paglalakbay ng pananampalataya at pagkakaisa sa isang natatanging pagdiriwang.\






1st Paslit Festival: Pagpapakumbaba Gaya ng BataNarito ang ilang kuhang larawan ng Banal na Misa para sa kauna-unahang P...
29/01/2025

1st Paslit Festival: Pagpapakumbaba Gaya ng Bata

Narito ang ilang kuhang larawan ng Banal na Misa para sa kauna-unahang Paslit Festival na ginanap noong Enero 26, 2025, sa Misyon ng San Diego de Alcala. Isang makasaysayang pagdiriwang ng pananampalataya at kababaang-loob, batay sa aral ng Panginoon:

“Ang sino mang nagpapakumbaba na gaya ng isang bata ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.” (Mateo 18:4)






PASLIT FESTIVAL 2025Sa darating na Enero 26, 2025, ating ipagdiwang ang kapistahan ng Mahal na Sto. Niño. Ang lahat ay I...
24/01/2025

PASLIT FESTIVAL 2025

Sa darating na Enero 26, 2025, ating ipagdiwang ang kapistahan ng Mahal na Sto. Niño.

Ang lahat ay Inaanyayahan na makiisa sa Paslit Festival na gaganapin sa Misyon ng San Diego de Alcala. Magsisimula ang ating pagdiriwang sa isang Banal na Misa sa ganap na 9:00 ng umaga, at pagkatapos ay susundan ng isang Maringal na Prusisyon sa ganap na 10:00 ng umaga.

Tanggapin natin ang biyaya ng Sto. Niño sa ating buhay at magkaisa sa pagbabalik-loob sa Kanya. Sama-sama tayong magpasalamat at magdiwang!




Ang IFI - Misyon ng San Diego de Alcala ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga taong nagbigay ng kanilang suporta...
03/11/2024

Ang IFI - Misyon ng San Diego de Alcala ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga taong nagbigay ng kanilang suporta upang magawa ang Replika ng ating mahal na Patron, San Diego de Alcala. Lalo na ang aming taos-pusong pasasalamat sa mga hindi nagdalawang-isip na tumulong sa misyon at sa mga pangunahing sponsor na nagbigay ng suporta upang maisakatuparan ang proyektong ito ng simbahan.

Ang Replika na ito ay pinasinayahan sa tulong ng mga deboto, bilang alay sa dakilang Kapistahan ng Mahal na San Diego de Alcala, at nagsisilbing simbolo ng matatag na pananampalataya at debosyon.

Muli, taos-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng IFI - Misyon ng San Diego de Alcala sa bawat isa na nasa likod ng matagumpay na proyektong ito, bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na Kapistahan ng ating Mahal na Patron, San Diego de Alcala.





Photo Credits: Filipinista Pililla Rizal

Ang Iglesia Filipina Independiente Misyon ng San Diego de Alcala, Barangay Quisao, Pililla, Rizal ay taos-pusong nagpapa...
03/08/2024

Ang Iglesia Filipina Independiente Misyon ng San Diego de Alcala, Barangay Quisao, Pililla, Rizal ay taos-pusong nagpapasalamat kina Bb. Jauin Beau Anievas, Bb. Kim Vidanes, Gng. Leticia Anievas, at G. Gavino Vidanes sa inyong kagandahang-loob at walang sawang suporta. Sa inyong kabutihang puso, nagkaroon tayo ng bagong karosa na magagamit ng ating mahal na Patron, si San Diego de Alcala.

Ang inyong donasyon ay isang malaking tulong sa ating simbahan. Nawa’y pagpalain kayo ng Poong Maykapal at magbalik ang biyaya sa inyong mga buhay nang masagana at matiwasay.

Address

J. P Rizal Street, Quisao
Pililla
1910

Opening Hours

8am - 11:30am

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IFI - Misyon ng San Diego de Alcala posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category