25/07/2025
Good afternoon po sa lahat,Dahil sa pagdeklara kahapon, July 24, 2025 ng Rizal Provincial Government alinsunod sa Sangguniang Panlalawigan Resolution No. 408, Series of 2025 na nasa ilalim ng State of Calamity ang buong Lalawigan ng Rizal kasama ang Pililla, at sa direktiba rin ng Municipality of Pililla sa pangunguna ni Mayor John V. Masinsin, ang nakatakdang PYFJ Concert noong July 27, 2025 ay ililipat. Gaganapin muli ito sa parehong oras, 5:00 PM, sa Pililla Imatong Covered Court sa darating na August 3, 2025.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa at kooperasyon.
Ingat po tayong lahat!
Bunsod ng malawakang epekto ng Bagyong Crising at Habagat, at base na rin sa rekomendasyon ng Rizal Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, opisyal nang idineklara at pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ng Rizal ang pagsailalim ng buong lalawigan sa State of Calamity sa bisa ng SP Resolution No. 408, s. 2025.
Sa ilalim ng State of Calamity, mas mapabibilis at mas mapapalawak ang ating relief operations upang matiyak na ating maihahatid ang agarang tulong at suporta sa ating mga kababayan.
Sa sama-sama nating pagkilos, babangon tayo nang buo at mas matatag.
SP Resolution No. 408, s. 2025
https://bit.ly/SPResolutionNo408s2025