12/08/2026
Agosto 12, 2026
Buwanang Pamimintuho kay San Diego de Alcala, Patron at Pintakasi ng Brgy. Quisao, Pililla, Rizal.
π·πππππππππ πππ πΊππ π«ππππ π
π π¨πππππ
O, Maluwalhating Pintakasi, San Diego de Alcala, kung ang mga biyayang ninanasa ko at idinadalangin, ay karapat-dapat sa kadakilaan ng Diyos at sa iyong paggunita, ay isinasamo kong hilingin mo sa Diyos na ipagkaloob sa akin ang biyayang ito
(Banggitin ang kahilingan)
Kung hindi man karapat-dapat ay saluhan mo ako sa pagdalangin sa Diyos na Kanyang ipagkaloob yaong nararapat sa aking kabutihan at sa ika-uunlad ng kaluluwa ko't kalooban. Amen.
(Mag-alay ng tatlong Ama Namin, tatlong Aba Ginoong Maria, at tatlong Luwalhati para sa mga biyayang ipinakaloob ng Diyos kay San Diego noong ito'y nabubuhay pa.)
San Diego de Alcala, makalangit na tagapagtanggol ng pamayanan ng Quisao, ipanalangin mo kami.