IFI - Parokya ng Santa Maria Magdalena Pililla, Rizal

IFI - Parokya ng Santa Maria Magdalena Pililla, Rizal Official Page of IFI Parokya ng Santa Maria Magdalena, Pililla, Rizal

๐˜ผ๐™ซ๐™š ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™–! ๐™‹๐™–๐™œ๐™ฅ๐™ช๐™ฅ๐™ช๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™– ๐™‚๐™–๐™ฃ๐™™๐™– ๐™ข๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐˜ฟ๐™–๐™ก๐™–! โœจ๐ŸŒธ๐™ƒ๐™–๐™ก๐™ž๐™ข๐™ช๐™ฎ๐™–๐™  ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™™๐™ž๐™ง๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ, ๐™‰๐™–๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™ฃ๐™–!Kayo po ay malugod naming inaanyayahan n...
29/04/2026

๐˜ผ๐™ซ๐™š ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™–! ๐™‹๐™–๐™œ๐™ฅ๐™ช๐™ฅ๐™ช๐™œ๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™– ๐™‚๐™–๐™ฃ๐™™๐™– ๐™ข๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐˜ฟ๐™–๐™ก๐™–! โœจ๐ŸŒธ
๐™ƒ๐™–๐™ก๐™ž๐™ข๐™ช๐™ฎ๐™–๐™  ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™™๐™ž๐™ง๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ, ๐™‰๐™–๐™ง๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™ฃ๐™–!

Kayo po ay malugod naming inaanyayahan na makiisa sa Pagbubukas ng Santacruzan at Flores de Mayo 2026 sa darating na Mayo 1, 2026.

3:00 N.H. - Pagtitipon-tipon sa harap ng simbahan
3:30 N.H. - Pagsundo sa imahen ng Mahal na Birheng De las Flores (Tahanan ni Hermana Dayanara Nacion)
6:00 N.H. โ€“ Pagluluklok sa Mahal na Birhen at sa Banal na Krus, at pag-aalay ng mga bulaklak

Sa pagsisimula ng banal na pagdiriwang, sama-sama nating ialay ang mga bulaklak, panalangin, at taos-pusong debosyon sa Mahal na Birheng Maria. ๐Ÿ’๐Ÿ™

Halinaโ€™t makibahagi sa isang buwan ng pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig para kay Maria. ๐ŸŒน

โ€”
Hermano at Hermana 2026
G. CEDRIC CANDELARIA GARBILAO
BB. STEPHANIE MIJ TIBAY PENDON

G. RAYLAN QUIERRE PATAPAT
BB. DAYANARA PENDON NACION

REV. FR. CARLITO D. JIMENEZ
Kura Paroko




Maraming Salamat po sa mga napakagandang larawan mula sa Selebrasyon ng ika-100 taong anibersaryo ng Mahal na Birhen ng ...
26/04/2026

Maraming Salamat po sa mga napakagandang larawan mula sa Selebrasyon ng ika-100 taong anibersaryo ng Mahal na Birhen ng Turumba.

26/04/2026

Sa pagtatapos ng dakilang pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng Birhen ng Turumba, baon natin ang isang siglong pananampalataya, pagkakaisa, at pag-ibig. Isang makasaysayang selebrasyon na mananatiling buhay sa ating mga puso at alaala.

Lubos na pasasalamat sa Click And Hover sa pagkuha at pagbibigay buhay sa sandaling ito.

Sa makasaysayang pagdiriwang ng ika-100 taon ng Mahal na Birhen ng Turumba nitong ika-25 ng Abril 2026, nasaksihan ang m...
26/04/2026

Sa makasaysayang pagdiriwang ng ika-100 taon ng Mahal na Birhen ng Turumba nitong ika-25 ng Abril 2026, nasaksihan ang masidhing pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahal ng bawat deboto. Ang bawat sandali ay naging patunay ng buhay na tradisyon at debosyon na patuloy na nagbibigay-liwanag sa bayan ng Pililla at sa buong Diyosesis ng Rizal at Pampanga.

Mula sa maringal na mga ritwal hanggang sa taos-pusong pakikiisa ng sambayanan, tunay na naging makabuluhan ang pagdiriwang na itoโ€”hindi lamang para sa Iglesia Filipina Independiente sa Pililla, kundi para sa lahat ng deboto ng Mahal na Birhen ng Turumba at sa buong bayan.

Lubos na pasasalamat sa Click And Hover sa pagkuha at pagbibigay-buhay sa mahahalagang sandaling ito.

26/04/2026

Sa makasaysayang pagdiriwang ng ika-100 taon ng Mahal na Birhen ng Turumba nitong ika-25 ng Abril 2026, nasaksihan ang masidhing pananampalataya, pagkakaisa, at pagmamahal ng bawat deboto. Ang bawat sandali ay naging patunay ng buhay na tradisyon at debosyon na patuloy na nagbibigay-liwanag sa bayan ng Pililla at sa buong Diyosesis ng Rizal at Pampanga.

Mula sa maringal na mga ritwal hanggang sa taos-pusong pakikiisa ng sambayanan, tunay na naging makabuluhan ang pagdiriwang na itoโ€”hindi lamang para sa Iglesia Filipina Independiente sa Pililla, kundi para sa lahat ng deboto ng Mahal na Birhen ng Turumba at sa buong bayan.

Lubos na pasasalamat sa Click And Hover sa pagkuha at pagbibigay-buhay sa mahahalagang sandaling ito.

โœจ Prusisyon ng Paggunita sa Pagkamatay ng Ating Panginoong Hesukristo โœจSa taimtim na pagdiriwang ng Mahal na Araw, tayo ...
20/04/2026

โœจ Prusisyon ng Paggunita sa Pagkamatay ng Ating Panginoong Hesukristo โœจ

Sa taimtim na pagdiriwang ng Mahal na Araw, tayo ay nagtitipon upang makiisa sa Prusisyon ng Paggunita sa Pagkamatay ng ating Panginoong Hesukristo isang banal na paglalakbay ng pananampalataya at pagninilay sa Kanyang huling sandali sa krus.

Sa katahimikan at panalangin, ating inaalala ang Kanyang sakripisyo at ang walang kapantay na pag ibig na inialay Niya para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Sa bawat hakbang, dala natin ang pagsisisi, pasasalamat, at pag asa sa pangakong muling pagkabuhay.

Nawaโ€™y ang banal na gawaing ito ay magpatibay sa ating pananampalataya at magbukas ng ating puso sa tunay na diwa ng pag ibig, sakripisyo, at kaligtasan. ๐Ÿ™

VACATION CHURCH SCHOOL AND SUNDAY SCHOOL TEACHERS RE-ECHONaisagawa ngayong araw (Abril 19, 2026) ng ating mga delegates ...
19/04/2026

VACATION CHURCH SCHOOL AND SUNDAY SCHOOL TEACHERS RE-ECHO

Naisagawa ngayong araw (Abril 19, 2026) ng ating mga delegates ang re-echo sa isinigawang Diocesan Catechistsโ€™ Training bilang paghahanda sa nalalapit na Parish Vacation Church School 2026.


MASDANBilang bahagi ng Banal na Misa, ating binigyan ng parangal at/o Sertipiko ng Pasasalamat bilang pasasalamat sa pag...
19/04/2026

MASDAN

Bilang bahagi ng Banal na Misa, ating binigyan ng parangal at/o Sertipiko ng Pasasalamat bilang pasasalamat sa pagkakaloob ng ating bagong Pledge Board , Ang Simbahan ay Lubos na Nagpasasalamat kay Gng. Editha Martinez Chua.

Pagpalain at gabayan sa walang sawang pagsuporta sa mga gawain ng ating simbahan.

Sa pagdiriwang ng Isang Siglong Debosyon at Pasasalamat,inaanyayahan po namin kayong makiisa sa Ika-100 Taong Anibersary...
17/04/2026

Sa pagdiriwang ng Isang Siglong Debosyon at Pasasalamat,
inaanyayahan po namin kayong makiisa sa Ika-100 Taong Anibersaryo ng Mahal na Birhen ng Turumba,
patuloy na pinagmumulan ng pananampalataya, pag-asa, at pagkakaisa ng sambayanan.

Halina at sama-sama nating ipagdiwang ang biyaya ng isang daang taong gabay at pagmamahal ng Ina ng Diyos.

Viva, Mahal na Birhen ng Turumba! SA BIRHEN!
| IFI โ€“ Parokya ng Santa Maria Magdalena โ€ข Pililla, Rizal |

โœจ Prusisyon sa Paggunita sa Paghihirap ni Kristo โœจSa banal na panahon ng Mahal na Araw, tayo ay nagtitipon upang makiisa...
16/04/2026

โœจ Prusisyon sa Paggunita sa Paghihirap ni Kristo โœจ

Sa banal na panahon ng Mahal na Araw, tayo ay nagtitipon upang makiisa sa Prusisyon sa Paggunita sa Paghihirap ni Kristo isang taimtim na paglalakbay ng pananampalataya at pagninilay sa Kanyang dinanas na hirap at sakripisyo para sa kaligtasan ng sanlibutan.

Sa bawat hakbang ng prusisyon, dala natin ang ating panalangin, pagsisisi, at pasasalamat sa Kanyang dakilang pag ibig na walang kapantay. Ito ay paanyaya upang higit nating maunawaan ang lalim ng Kanyang paghahandog ng sarili para sa atin.

Nawaโ€™y ang banal na gawaing ito ay magpatibay sa ating pananampalataya at magbukas ng ating puso sa tunay na diwa ng sakripisyo, pag asa, at muling pagkabuhay.

โœจ Pagbabasbas ng Apoy at Panibagong Tubig โœจSa banal na gabi ng Sabado de Gloria, ating nasasaksihan ang Pagbabasbas ng A...
05/04/2026

โœจ Pagbabasbas ng Apoy at Panibagong Tubig โœจ

Sa banal na gabi ng Sabado de Gloria, ating nasasaksihan ang Pagbabasbas ng Apoy at Panibagong Tubig bilang tanda ng liwanag at bagong buhay na hatid ng muling pagkabuhay ni Kristo. Ang apoy ay sumisimbolo sa liwanag na gumagabay sa atin sa gitna ng kadiliman, habang ang tubig ay paalala ng paglilinis at panibagong simula ng ating pananampalataya.

Sa pagdiriwang na ito, tayo ay inaanyayahang iwan ang dilim ng kasalanan at yakapin ang liwanag ng pag asa at pagbabagong dala ni Kristo.

Nawaโ€™y ang banal na gawaing ito ay magpanibago ng ating puso at patuloy na magliyab ang ating pananampalataya sa Kanyang walang hanggang pag ibig.

Address

001 M. BAUTISTA Street WAWA, PILILLA, RIZAL
Pililla
1910

Opening Hours

Tuesday 6am - 9pm
Wednesday 6am - 9pm
Thursday 6am - 9pm
Friday 6am - 9pm
Saturday 6am - 9pm
Sunday 6am - 9pm

Telephone

+639171050750

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IFI - Parokya ng Santa Maria Magdalena Pililla, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share