St Joseph the Worker Parish Church Pililla, Rizal

Directions Contact the place of worship

St Joseph the Worker Parish Church Pililla, Rizal St. Joseph the Worker Parish Church Pililla Rizal in communion with the Anglican Church in the Philippines (Traditional)

"Alin sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng Ama?"Sa Ebanghelyo ngayon, ipinapaalala sa atin ni Jesus na hindi sapat ang s...
27/09/2026

"Alin sa dalawa ang sumunod sa kalooban ng Ama?"

Sa Ebanghelyo ngayon, ipinapaalala sa atin ni Jesus na hindi sapat ang salita lamang; mahalaga ang pagsunod na ipinapakita sa gawa. Maaaring may mga pagkakataong nagkamali tayo o unang tumanggi, ngunit maaari pa rin tayong magbago ng puso at piling gawin ang tama.

13/09/2026
"Hindi lamang makapitong beses, kundi pitumpung ulit na pito."Sa Ebanghelyo ngayon, itinuturo sa atin ni Jesus ang kahal...
13/09/2026

"Hindi lamang makapitong beses, kundi pitumpung ulit na pito."

Sa Ebanghelyo ngayon, itinuturo sa atin ni Jesus ang kahalagahan ng pagpapatawad. Tulad ng walang hanggang pagpapatawad na ipinagkaloob ng Diyos sa atin, tinatawag din tayong matutong magpatawad sa mga nagkasala sa atin.

"Kung nais ng sinuman na sumunod sa Akin, talikuran niya ang kanyang, sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa Ak...
30/08/2026

"Kung nais ng sinuman na sumunod sa Akin, talikuran niya ang kanyang, sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa Akin."

Sa Ebanghelyo ngayon, ipinapaalala sa atin ni Jesus na ang pagsunod sa Kanya ay hindi nangangahulugang walang pagsubok. May mga pagkakataong kailangan nating magparaya, magsakripisyo, magpatawad, at pasanin ang sariling krus alang-alang sa ating pananampalataya.

Sa Ebanghelyo ngayon, tinanong ni Jesus ang Kanyang mga alagad, "Ngunit ayon sa inyo, sino ako?" Sa tanong na ito, inaan...
23/08/2026

Sa Ebanghelyo ngayon, tinanong ni Jesus ang Kanyang mga alagad, "Ngunit ayon sa inyo, sino ako?" Sa tanong na ito, inaanyayahan Niya tayong hindi lamang kilalanin Siya sa pamamagitan ng sinasabi ng iba, kundi kilalanin Siya mula sa ating sariling pananampalataya.

Sa ating pagdiriwang ng ika-11 Anibersaryo ng ating Simbahan, ipinapaalala sa atin ng Ebanghelyo ngayon ang kahalagahan ...
16/08/2026

Sa ating pagdiriwang ng ika-11 Anibersaryo ng ating Simbahan, ipinapaalala sa atin ng Ebanghelyo ngayon ang kahalagahan ng isang pananampalatayang matatag at hindi sumusuko.

11 Taon ng Biyaya at Katapatan ng Panginoon! 🙏❤️
Maligayang Ika-11 Anibersaryo!

"Malaki ang iyong pananampalataya, mangyari sa iyo ang ang iyong hinihiling." - Mateo 15:28

Sa gitna ng malakas na hangin at alon, lumakad si Jesus sa ibabaw ng tubig at sinabi sa mga alagad, "Lakasan ninyo ang i...
09/08/2026

Sa gitna ng malakas na hangin at alon, lumakad si Jesus sa ibabaw ng tubig at sinabi sa mga alagad, "Lakasan ninyo ang iyong loob. Ako ito, huwag kayong matakot".

Tulad ni Pedro, may mga pagkakataong matatag ang ating pananampalataya, ngunit kapag tumingin tayo sa mga problema at pangamba sa ating paligid, tayo rin ay natatakot at nagsisimulang lumubog.

Ngunit ipinapaalala sa ating ng Panginoon na huwag tayong matakot. Nariyan Siya sa gitna ng ating unos.

Handa ka ba na isuko ang lahat para sumunod sa ating Panginoon?Sa Linggo na ito, ipinapaalala ni Jesus na ang Kaharian n...
26/07/2026

Handa ka ba na isuko ang lahat para sumunod sa ating Panginoon?

Sa Linggo na ito, ipinapaalala ni Jesus na ang Kaharian ng Langit ang pinakamahalagang kayamanan na maaari nating matagpuan. Tulad ng taong nakatagpo ng nakatagong kayamanan at ng mangangalakal na nakakita ng isang napakahalagang perlas, handa silang isuko ang lahat upang makamit ang tunay na yaman.

Inaanyayahan din tayo ng Panginoon na maging matalinong alagad—mga taong hindi lamang nakikinig sa Kanyang Salita, kundi isinasabuhay at ibinabahagi ito sa iba.

Unahin natin na maghari ang Panginoon sa ating buhay.

Ngayong ika-16 na Linggo sa Pangkaraniwang Panahon, itinuturo sa atin ni Jesus na sa mundong ito, magkasabay na lumalago...
19/07/2026

Ngayong ika-16 na Linggo sa Pangkaraniwang Panahon, itinuturo sa atin ni Jesus na sa mundong ito, magkasabay na lumalago ang mabuti at masama. Ngunit ang Diyos ang tanging nakaaalam ng laman ng bawat puso at sa tamang panahon ay ihihiwalay ang mabuti sa masama.

Kaya tayo ay hinihikayat ng Panginoon na manatiling tapat sa paggawa ng kabutihan, maging matiyaga sa gitna ng mga pagsubok, huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na palalimin ang ating relasyon sa Kanya.

“Ang Talinghaga ng Manghahasik”Ang Salita ng Diyos ay patuloy na inihahasik sa ating mga puso. Ngunit anong uri ng lupa ...
12/07/2026

“Ang Talinghaga ng Manghahasik”

Ang Salita ng Diyos ay patuloy na inihahasik sa ating mga puso. Ngunit anong uri ng lupa ang ating puso?

Sa ika-15 Linggo ng Pangkaraniwang Panahon ,nawa’y maging matabang lupa tayo—bukas sa pakikinig, handang tumanggap, at tapat na isabuhay ang Kanyang Salita. Alisin natin ang mga alinlangan, pag-aalala, at mga bagay na humahadlang sa ating paglago sa pananampalataya.

“Ang nakikinig sa Salita at nakauunawa nito ay siyang namumunga.” - Mateo 13:23

Address

Pililla

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St Joseph the Worker Parish Church Pililla, Rizal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to St Joseph the Worker Parish Church Pililla, Rizal:

Shortcuts

Share