Señor Jesús Sentenciado

Señor Jesús Sentenciado Ang Imahen ay matutunghayan sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Santa Maria Magdalena, Pililla, Rizal

SAN MATIAS APOSTOLMayo 14Si San Matias Apostol ay isa sa Labindalawang Apostol na pinili upang pumalit kay Judas Iscario...
14/05/2026

SAN MATIAS APOSTOL
Mayo 14

Si San Matias Apostol ay isa sa Labindalawang Apostol na pinili upang pumalit kay Judas Iscariote matapos nitong ipagkanulo si Hesus. Ayon sa aklat ng Mga Gawa ng mga Apostol, si Matias ay kabilang na noon sa mga alagad na kasama ni Hesus mula pa sa pagbibinyag ni San Juan Bautista hanggang sa muling pagkabuhay ni Kristo.

Pinili siya sa pamamagitan ng palabunutan matapos manalangin ang mga apostol upang malaman kung sino ang kalooban ng Diyos na maging kapalit ni Judas. Kilala si San Matias sa kanyang tapat na paglilingkod at pangangaral ng Ebanghelyo matapos ang pag-akyat ni Hesus sa langit.

Ayon sa tradisyon ng Simbahan, nangaral siya sa iba’t ibang lugar tulad ng Judea at Ethiopia, at kalaunan ay naging martir para sa pananampalataya. Ang kanyang kapistahan sa Simbahang Katolika ay ipinagdiriwang tuwing Mayo 14.

——

Panalangin kay San Matias Apostol

O maluwalhating San Matias,
ikaw na pinili ng Diyos upang maging tapat na apostol ni Kristo,
turuan mo kaming manatiling matatag sa pananampalataya
at masunurin sa kalooban ng Panginoon.

Ipanalangin mo kami upang maging tapat sa aming tungkulin,
mapagpakumbaba sa paglilingkod,
at matapang sa pagpapahayag ng Mabuting Balita.

Sa aming mga pagsubok at pangangailangan,
maging aming gabay at tagapamagitan sa Diyos.
Nawa’y matularan namin ang iyong katapatan at kabanalan
hanggang sa makamtan namin ang buhay na walang hanggan.

Amen.

San Matias, ipanalangin mo po kami!

ANG BANAL NA SANTACRUZKrus na MahalKrus na MapaladDakilang armasBandera ni HesusSumakop sa lahat
14/05/2026

ANG BANAL NA SANTACRUZ

Krus na Mahal
Krus na Mapalad
Dakilang armas
Bandera ni Hesus
Sumakop sa lahat

14/05/2026

ANG BANAL NA SANTACRUZ

Ang pagsisimula ng siyam na araw ng pag-iikot ng Banal na Krus, paghahanda sa nalalapit na Santacruzan 🚩

Krus na Mahal
Krus na Mapalad
Dakilang armas
Bandera ni Hesus
Sumakop sa lahat

14/05/2026

MAGDALAW SA AMADEO
The Visitation of the Pilgrim Image of Santa Maria Magdalena de Pililla to Amadeo, Cavite
May 1, 2026

Viva Santa Maria Magdalena! 💛♥️


MAGDALAW SA AMADEOThe Visitation of the Pilgrim Image of Santa Maria Magdalena de Pililla to Amadeo, Cavite May 1, 2026V...
14/05/2026

MAGDALAW SA AMADEO
The Visitation of the Pilgrim Image of Santa Maria Magdalena de Pililla to Amadeo, Cavite
May 1, 2026

Viva Santa Maria Magdalena! 💛♥️


12/05/2026

Kapistahan ng Banal Na Krus
Tandang Kutyo, Tanay, Rizal
May 11, 2026

PANALANGIN SA KRUS NA BANALMakapangyarihang Diyos na nagtitiis ng kamatayan sa krus dahil sa aking mga kasalanan, sumaam...
11/05/2026

PANALANGIN SA KRUS NA BANAL
Makapangyarihang Diyos na nagtitiis ng kamatayan sa krus dahil sa aking mga kasalanan, sumaamin ka nawa.
Banal na krus ni Jesukristo, maawa ka sa amin.
Banal na krus ni Jesukristo, Ikaw ang aking pag-asa.
Banal na krus ni Jesukristo, ilayo mo sa akin ang lahat ng nakahihiwang sandata.
Banal na krus ni Jesukristo, ilayo mo sa akin ang lahat ng kasamaan.
Banal na krus ni Jesukristo, ipahintulot mong marating ko ang daan patungo sa kaligtasan.
Banal na krus ni Jesukristo, ilayo mo sa akin ang lahat ng pagtatangkang pagpatay.
Banal na krus ni Jesukristo, iadya mo ako sa lahat ng uri ng kapahamakan.
Sambahin ko nawa ang banal na krus ni Jesukristo magpasawalang hanggan.
Jesus ng Nazareth na ipinako sa krus, maawa ka sa akin.
Paliparin mo ng walang hanggan ang mga masasama at makapipinsalang espiritu.
Amen.

Panginoong Jesus na nakapako sa Krus,
Kaawaan Mo po Kami at ang buong sansinukob. Amen

11/05/2026

Address

Pililla

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Señor Jesús Sentenciado posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share