29/08/2016
May isang Lolo about 70 taong gulang, pumasok sa office humihingi ng bigas.. "pwede po ba ako makahingi ng bigas?" "pasensya po tatay wala po dito bigas." sb ng isang worker doon..habang nagsasalita si Tatay napakalumanay at halos di na marinig ang boses. Nakatayo lang at naghihintay kung may maaabot ba. tanging tungkod lang ang naging alalay niya. Walang available na bigas, at wala rin nagbigay. Kaya sinubukan ko siyang lapitan at kausapin. "Dito po kayo tatay" At nalaman ko na di pa siya kumakain simula umaga at kitang kita sa kanya na hinang hina at hirap . "Tay bakit dito niyo po naisipan na pumunta?.. "kasi alam ko dito lang nagbibigay ng bigas" "Sino po ang kasama niyo sa buhay?" "wala na po ako kasama magisa na lang ako" "eh asan po yung mga anak niyo po?" tanong ko sa kanya, "wala na po yung mga anak ko di ko na alam kc yung tatlo namatay na".. lumabas kami sa office at ibinigay ko yung tinapay na natira ko, ngunit tinangihan niya, halatang nahihiya siya Kaya sinamahan ko siya sa tindahan. "eh panu po kayo kumakain? Wala po ba kayong mga asawa?".. "humihingi po ako ng pagkain sa mga kapitbahay ko minsan talaga hindi na ako kumakain, yung asawa ko naman matagal ng namatay." "ganun po ba? Tay pasensiya na po kayo kung ito lang po nakayanan kong maibigay sa inyo" bumili ako ng isang kilong bigas at iniabot ko sa kanya.. "Maraming salamat po iho!".. "cge po walang anuman po Tatay..eh panu po kayo uuwi niyan eh db po malayo pa ang uuwian niyo?" "kaya ko na po maglakad" kaya binigyan ko siya ng pamasahe. Nakikita ko sa mukha at mga mata niya ang lungkot, magisang hinaharap ang araw araw na pagsubok sa buhay.. Naalala ko tuloy yung lolo ko.. Minsan na rin kasi akong nagtanim ng sama ng loob sa kanya dahil madalas naiisip ko Baka wala naman talaga siyang pakialam saakin..pero mas nakakalungkot pala isipin..lahat ng tao tatanda at hindi mo alam kung hanggang kelan may makakasama ka, kc baka bukas sa makalawa. Magisa ka narin katulad ni Tatay. Naisip ko Panu kung umabot na rin ako sa edad niya wala nang kasama. Cycle lang nga din talaga ang buhay.. Nangyayari sa ibang panahon, at sa ibang tao rin.. Mapapalad tayo at nabiyayaan tayo ng Panginoon nabiyayaan ng mapagarugang magulang, nabiyayaan ng mabubuting anak. Huwag kalilimutan ang pamilya.. sabi nga nila, "ang kahulugan ng pamilya, ay walang sinuman ang maiiwan o makakalimot sa bawat isa." Habang tinitingnan ko si Tatay papalayo, maraming tumatakbo sa isip ko, anu kaya kung naaalala pa ba siya ng mga anak niya, papanu pagubos na yung kunting bigas na naibigay ko sa kanya? Hindi ko na naitanong sa kanya kung anu pangalan niya.. Basta alam ko lang kahit papanu gusto kung makatulong, hindi dahil yun ang trabaho ko, kundi gusto kung tumulong bilang tao malaki man yun o maliit, at bilang isang myembro ng pamilya, ang importante ay yung malasakit sa kapwa at sa bayan. Sana habang nandidito pa siya ay gabayan siya ng Panginoon..