Christ's Commission Methodist Church - AIMP

Christ's Commission Methodist Church - AIMP Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Christ's Commission Methodist Church - AIMP, Religious organisation, Sta. Rosa Village, Sta. Rosa, Pilar.

26/11/2021
04/04/2021

Para po sa mga hindi nakadalo sa ating pagsamba kaninang alas-5 ng umaga. Narito po ang recording. Pindutin lamang po natin ang link upang mapanuod. Maraming Salamat po.
https://www.youtube.com/watch?v=lr1dyPcthOA

16/11/2020

Mapagpalang araw po mga minamahal na kapatid sa Bataan Central District. Sa darating po na linggo, Nov 22, sa oras ng 6:00 ng gabi, ang ating pong distrito ay magdaos ng Thanksgiving Rally na may temang "Pagpapasalamat sa gitna ng Pandemya" Kung kayat inaanyayahan ko po ang bawat miyembro na makiisa at makibahagi. At atin din pong yayain o ishare ang link sa ating mga kaibigan, kapitbahay, at kakilala.

Eto po ang gagamitin na page para sa Live Streaming:
Bataan Central District AIM-Pilipinas.

Salamat po.

MENSAHE NG BUHAYNovember 15, 2020Batayang Talata: Mateo 25:14-30Paksa: "Know You Purpose"Panimula:Tila nakakabigla ang m...
15/11/2020

MENSAHE NG BUHAY
November 15, 2020
Batayang Talata: Mateo 25:14-30
Paksa: "Know You Purpose"

Panimula:
Tila nakakabigla ang mga pangyayaring nagaganap sa ating bansa. Ang mabilis na pagdami ng positibo sa covid 19, ang sunod-sunod na bagyo, ang sunog, ang lindol sa iba't-ibang lugar, ang aksidente sa kalsada at marami pang iba. Ang tanong ng karamihan, "Nasaan ang Diyos?" Marahil meron tayong dahilan para malungkot, mapagod at lumuha ngunit hindi ito sapat na dahilan upang tayo ay sumuko. "Habang may buhay may pag-asa." Lahat ng nangyayari sa atin ngayon ay may purpose. Sa pamamagitan ng koneksyon natin sa Panginoon, hayaan nating alamin at matutunan ang purpose ng ating buhay.

Ayon sa storya, ang isang maglalakbay/panginoon ay pinagkatiwalaan ang kanyang mga alipin ng salapi AYON SA KANYA-KANYANG KAKAYAHAN.

1. KNOW YOUR STRENGTH- (vv. 15 a)
-Alam ng Panginoon kung ano ang mga bagay na kaya nating gawin. Sa pamamagitan ng pananatili natin sa piling ng Panginoon hayaan nating siyasatin Niya ang ating puso kung ano ang mga bagay na mahusay tayo at malakas tayo.

2. USE YOUR STRENGTH- (vv. 15-17)
-"Hindi tayo bibigyan ng Panginoon ng mga pagsubok na hindi natin kayang malampasan" Ang Panginoon ang nagbigay at naniniwala Siya sa kakayahan natin, kaya gamitin natin ito ng naaayon sa kabutihan at kapurihan ng Panginoon.

3. EMPOWER YOUR STRENGTH- (vv.29)
-Pagyamanin, palagpalaguin, hasain natin ang ating kakayahan. Kung makaranas man tayo ng kapaguran, lapit lamang tayo sa Panginoon at irerefill niya ang lakas na nawala saatin. Lalo niyang pagyayamanin ang mga bagay na mayroon tayo kung ito ay ginagamit natin para sa kabutihan at kapurihan Niya.

Pangwakas:
-Bawat isa saatin ay may kanya-kanyang kakayahan. Iba-iba man tayo, iisa naman ang layunin ng Panginoon.
-Gamitin natin ang ating mga kakayahan hindi lamang para saating sarili kundi maging sa ating kapwa.
-Lahat tayo ay may purpose sa Panginoon.
-Ano man ang ipagkaloob saatin ng Panginoon, malaki man ito o maliit, pagyamanin natin at gamitin natin sa kapurihan ng Panginoon..
-Manatiling nakakonekta sa Panginoon. Manatiling nananalangin. Manatiling nag-aalab ang pananampalataya.

Ptr. Wilhelmina C. Datu-CCMC

October 04, 2020Mensahe ng BuhayBatayang Talata: Matthew 21:33-46Paksa: "Pleasant Tenant"■ Isang mapagpalang bagong buwa...
04/10/2020

October 04, 2020
Mensahe ng Buhay
Batayang Talata: Matthew 21:33-46
Paksa: "Pleasant Tenant"

■ Isang mapagpalang bagong buwan po sa ating lahat! Ito ay patunay na sa kabila ng pandemyang nararanasan natin sa loob ng mahigit pitong buwan na ang nakakalipas ay nananatiling tapat, mabuti sa ating buhay ang Panginoon.
■ Ang ating talata ngayon linggo ay tungkol sa masamang katiwala sa ubasan ng Panginoon at ang kapangyarihang mayroon ang may ari ng ubasan.
■ We are the tenants of his vineyard. Tenants that God requires to be responsible and pleasant.

■ Paano natin maipapakita ang pagiging mabuting katiwala natin sa gitna ng covid-19?

1.)Be faithful
- Manatili tayong tapat sa mga pangako simumpaan natin bilang katiwala.
- "Katiwala"- ibig sabihin pinagkakatiwalaan tayo ng may-ari ng lupa sa kaniyang private property.
- Walk your profession. Ang teacher ay nagtuturo, ang doctor ay nanggagamot at ang bumbero ay nag aapula ng sunog. Ibig sabihin bilang katiwala dapat makita sa salita at lalong higit sa gawa natin ang pagiging mabuting katiwala.
2.)Be grateful
- Napakahalaga na bilang isang katiwala ng Panginoon ay marunong tayong magpasalamat at makaappreciate hanggang sa maliit na bagay.
- Kung magkagayon ay matututo din tayong maging kuntento sa mga bagay na mayroon tayo at maalala nating kung hindi dahil sa Panginoon ay wala tayo ng mga bagay na mayroon tayo ngayon.
- Kung anong meron ka, palaguin mo, pagyamanin mo at gamitin mo para sa ikapupuri ng Panginoon.
- Tandaan natin ang mga bagay na ito ay pahiram lamang saatin ng Panginoon kaya pag hindi natin ito ginamit sa mabuti ay maaari itong bawiin saatin ng Panginoon.
3.)Be harmless
- Ang karapatang manakit ng tao ay wala sa mga kamay natin. Wala sa turo ng Panginoon ang karahasan.
-Isinakripisyo ng Ama ang kanyang Anak upang walang ni isa man saatin ang masaktan.
-Bilang katiwala, responsibilidad din natin na pangalagaan ang kapwa natin katiwala sa ubasan ng Panginoon.

■ Paano tayo mananatiling mabuting katiwala sa panahon ng covid 19?
- Maging tapat tayo sa lahat ng panahon, maging mapagpasalamat at makuntento sa mga pagpapalang mayroon tayo at manatili tayong may pag-ibig at pagmamalasakit sa kapwa natin.
-Ito ang panahon ng pagtutulungan, pagpapalakasan at panahon upang manatili sa piling ng Panginoon.
- Hindi nakakalimutan ng Ama ang kaniyang mga anak kung kaya't manatili lang tayong gumagawa sa ubasan ng Panginoon.
-Sa Diyos ang pinaka mataas na papuri!

-Ptr. Wilhelmina C. Datu
-CCMC

September 27, 2020"Mensahe ng Buhay"Batayang talata: Matthew 21:23-32Paksa: "Quick Responder"■ Mapagpalang araw po mga k...
27/09/2020

September 27, 2020
"Mensahe ng Buhay"
Batayang talata: Matthew 21:23-32
Paksa: "Quick Responder"

■ Mapagpalang araw po mga kapatid!
■ Napakabilis ng panahon at papasok na ang buwan ng Oktubre pero hindi padin natatapos ang pandemya.
■ Ang pagiging kristiyano natin ay hindi natapos noong nagkaroon ng pandemya bagkus nagpapatuloy ito.
■ Kumusta po tayo bilang kristiyano? Ano ang naituro o natutunan natin sa buong quarantine natin?
-Lumalago ba tayo spiritually?
-May nadadagdag ba sa karunungan natin at kaalaman sa sa bibliya?
-Mas tumitibay ba ang ating pananampalataya?
-How about yung pagsunod natin? Mas naging masunurin ba tayo o "wait" padin ang tugon natin?
- Kapag tumugon tayo, paano natin ginagawa ang utos saatin?

□ When God commanded us to do something we need to do it:
1.) Whole Heartedly- [vv. 23-27]
- Ang pagsunod natin sa Panginoon dapat walang pag-aalinlangan, walang maraming tanong, walang pagdududa, dapat buong puso.
- Don't let your confusions na mag decide kung susunod ka o hindi.
2.) Quickly- [vv. 28-30]
- Kung tunay na pinapahalagahan natin ang relasyon natin sa Panginoon, hindi natin nanaisin na paghintayin siya. Lagi dapat tayong excited na unahin ang misyong ipinag-uutos ng Panginoon saatin.
- Kapag tumugon tayo ng "opo susunod po ako", dapat "now na."
3.) Submissively- [ vv. 25a, 31b-32]
- Ang kapangyarihan ni Juan Bautista upang mag bautismo ay nagmumula sa Diyos.
- Ang kapangyarihan ni Jesus upang mangaral ay mula sa Diyos.
- Maging masunurin tayo ng may kababaang loob.
- Allow yourself to be controlled by God who gave you authority to obey.

■ Ang pandemic na ito ay nagbigay ng mahalagang lesson saatin bilang mananampalataya at taga-sunod.
■ Makita nawa natin ang kahalagahan ng pagsunod ng buong puso, ng maagap at ng may kababaang loob.
■ Ang ating mga medical frontliners, quick ang response dahil buhay ang magiging kapalit kung mag petiks-petiks sila.
■ Christians are frontliners to, our duty is to response quickly sa misyon natin sa Panginoon.
■ Kung tayo ay nangakong susunod ngunit wala namang pagkilos ay wala tayong pinagkaiba sa mga seserdoteng nakikinig ng salita ng Diyos, pumapasok sa templo pero iba naman ang pinaglilingkuran.
■ We have power na mula sa Diyos gamitin natin yun ng may kabuluhan, paglagong nakikita sa gawa at pagbabagong nakikita sa buhay.
Godbless everyone and Keep safe!

-Ptr. Wilhelmina Datu
CCMC

September 20, 2020MENSAHE NG BUHAYBatayang Talata: Matthew 20:1-16Paksa: "Loving-Kindness"■ Magandang araw mga kapatid!■...
20/09/2020

September 20, 2020
MENSAHE NG BUHAY
Batayang Talata: Matthew 20:1-16
Paksa: "Loving-Kindness"

■ Magandang araw mga kapatid!
■ Ang ating batayang talaga ngayon ay nagbibigay ng inspirasyon at humahamon saatin na bilang mananampalataya dapat nating piliin anag maging mabuti sa ating kapwa.
■ Pagdating sa usapang 'pagtulong', innate ito saating mga pilipino at dito tayo kilala.
■ Ang pagbibigay ay isa sa mga paraan upang maipakita natin ang ating kabutihan sa ating kapwa.
■ Lalo na ngayon sa panahon ng pandemic, we are trying our best na mag-extend ng help kahit sa maliit na paraan.
■ Kapag may nanghingi ng tinapay saatin at binigyan natin, ang tawag doon ay 'kindness'
■ Pero kapag may nanghihingi saatin ng tinapay at sinamahan natin ng palaman, that is 'loving-kindness'
■ Ang Loving-kindness ay pagbibigay ng higit pa sa hinihingi, ng bukal sa puso katulad ng pagbibigay ng upa ng may ari ng ubasan sa mga tinawag nyang manggagawa.
■ Habang tayo ay nagbibigay at nagpapakita ng kabutihan saating kapwa, may ginagawa nang pagkilos ang Panginoon sa buhay natin at mayroon tayong natututunan.

When we give, we:

1.) Grow- as a Christian. Lumalago ang pananampalataya at lumalawak ang kaalaman bilang isang kristyano.

2.) Invest- in God's kingdom. Namumuhunan tayo hindi sa mga bagay o kayamanan na magagamit natin dito sa lupa kundi ng kabutihan na aanihin natin sa kaharian ng Diyos.

3.) Value- God and His commandments. Pinapahalagahan natin ang Panginoon at ang kanyang mga kautusan saa atin na bilang kanyang mga iniibig dapat din tayong umibig at magkaloob ng kabutihan.

4.) Earn- points in God's eye. Huwag tayong maghintay ng kapalit mula sa taong tinulungan natin. Tumulong tayo ng bukal sa ating puso pagkat nakikita ng Panginoon kahit na maliit na kabutihan na ginawa natin.

■ Piliin natin ang maging mapagbigay, mabuti at mapagmahal hindi para itaas ang ating mga sarili at makakuha ng papuri sa mga tao.
■ We give to grow, we give to invest, we give to value, and we give to earn.
■ We give to honor God, we give for God's glory!
■ Sa panahon ng pandemic spread natin ang loving-kindness.
■ When we give try na nating ibigay ang best natin. Maliit man yan o malaki basta galing sa puso alam na yon ng Diyos.

-Ptr. Wilhelmina C. Datu
-CCMC

September 13, 2020MENSAHE NG BUHAYBatayang Talata: Mateo 18:21-35Paksa: "Forgiveness"■ Pagpapatawad ang isa sa mga mahir...
13/09/2020

September 13, 2020
MENSAHE NG BUHAY
Batayang Talata: Mateo 18:21-35
Paksa: "Forgiveness"

■ Pagpapatawad ang isa sa mga mahirap gawin at ibigay lalo na sa taong labis tayong nasaktan.
■ Ang hindi pagpapatawad ay ang nagiging malaking pader upang ang mga tao ay mawalan ng pag-ibig at pagmamalasakit sa isa't-isa.
■ Paano nga ba tayo makakapagpatawad kung labis tayong nasaktan?
■ Ang talata natin ngayon sa Mateo 18:21-35 ay nagbibigay kamulatan at katutuhan tungkol sa PAGPAPATAWAD.

Kapag tayo ay nagbigay at nagdeclare ng pagpapatawad sa tao dapat:
1.) Forget
□ Fully dapat ang pagbibigay ng pagpapatawad. Wala ng natitirang sama ng loob dahil ang kaunti na ito ang gagamitin ng kaaway upang muli kang makagawa ng kasalanan at galit sa iyong kapwa.
□ Kalimutan na at huwag ng balikan pa, itapon na kahit ang kaunting inis.
□ Huwag ng timbangin kung gaano kalaki o kabigat ang pagkakasala.
2.) Everyone
□ Dapat na ipagkaloob natin ang ating pagpapatawad sa lahat at hindi sa iilan lamang. Pagkat ang pagpapatawad at pagsasakripisyong ginawa ni Jesus ay para sa lahat (entire) at hindi sa iilan lamang.
□ Deserve ng lahat ang makatanggap ng kapatawaran at ikaw na nagpatawad ay makakaramdam ng kagaanan ng kalooban pagkat wala ka ng iniisip at galit sa puso.
3.) Thrive
□ Tunay at ganap ang ating pagpapatawad kung tayo ay lumalago sa ating buhay at nagiging ganap ang ating pagka-Kristyano sa isip, sa salita at sa gawa.
□ Ibihagi din sa iba ang pagpapatawad na ginawa upang lumago din sila.

■ Napakasarap mamuhay ng walang galit kundi pag-ibig lang. Pag-ibig na nagiging bitamina natin upang labanan ang sakit, hirap at lungkot.
■ Ang pagbabago ng taong pinatawad natin ay wala na sa ating kamay kundi nasa ating Panginoon.
■ Ang pagpapatawad ay para sa lahat ng tao.
■ Ang pagpapatawad ay maaaring maging simula upang ang dalawang tao, mag-pamilya, mag-kaibigan, mag-katrabaho, mag-kachurch at mag-kapitbahay ay magkaroon ng pagkakataong magmahalan at magkaroon ng pagmamalasakit sa isa't-isa.
■ Sa ganitong pagkakataon ay naisakatuparan natin ang utos ng Panginoon na mahalin natin ang ating kapwa.
■ [vv. 34-35] "At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran niya ang kanyang utang. Gayon din ang gagawin sainyo ng aking Amang nasa langit kung hindi ninyo patatawarin ang inyong kapatid"

-Ptr. WILHELMINA C. DATU
CCMC

September 06, 2020"MENSAHE NG BUHAY"Batayang Talata: Mateo 18: 15-20Paksa: "The Cure"■ Magandang Umaga po mga kapatid!■ ...
05/09/2020

September 06, 2020
"MENSAHE NG BUHAY"
Batayang Talata: Mateo 18: 15-20
Paksa: "The Cure"

■ Magandang Umaga po mga kapatid!
■ Mag kakalahating taon na simula ng maquarantine ang buong Pilipinas dahil sa covid-19. Sa ating panonood at pakikinig sa balita, bawat araw padami ng padami ang naiuulat na kaso ng covid-19. Bawat araw may namamatay, bawat araw may nakakarecover. Mayroong biglaan at mayroon ding unti-unting pinahihirapan at pinapatay ng sakit na covid.
■ Ngunit pansinin din naman natin, dahil sa pandemic bumuhos ang tulong mula sa iba't-ibang taong hinihipo ng Panginoon upang kasangkapanin niya.
■ Minsan dinedelay ng Lord ang pagtugon sa ating mga panalangin for a reason. Maaaring inihahanda niya tayo para sa the best na plano nya.

What we need to do habang inihahanda tayo ng Panginoon:

1.) Retrieve [vv. 15-17]
- Being a member of the Church community, we are responsible to retrieve the soul of our brother and sister. We need to help them and guide them.
- Wag nating iwasan ang mga kapatid nating nagkasala bagkus ay responsibilidad natin na sila ay puntahan at siguraduhing ang kaligtasan ng kanilang kaluluwa.

2.) Comply [vv. 18]
- Abide by the law na ibinigay ng Panginoon dito sa lupa na siya din nating magiging panuntunan sa langit.
- When we abide, pinapakita at pinapahalagahan lamang natin ang relationship natin sa ating Panginoon.

3.) Unity [vv19]
- Tinipon tayo ng Panginoon para sa iisang layunin. Napakahalaga na bilang member of the church community ay magkaroon tayo ng iisang hangarin at panalangin kasama ang mga kapatiran natin pagkat sa ganitong paraan ay lalo nating pinalalakas at pinagtitibay ang ating panalangin. Lalong nagiging possible sa Panginoon.

4.) Emmanuel "God is with us" [vv.20]
- Nasaan ang Panginoon? Ito ang tanong ng karamihan na tila ba iniisip na pinabayaan nya na tayo.
- Jesus is in the middle of our situation. Kasama natin siyang nakikipaglaban sa sakit, sa gutom, sa lungkot, sa takot, sa hirap at sa lahat ng pinagdadaanan natin.
- Lakihan natin ang pananampalataya natin nang sa gayon ay madama natin that Jesus is with us.
- Higit tayo sa dalawa o tatlo kaya tiyak akong ang Diyos ay nasa atin.
- Ano mang idalangin natin ay tiyak na turugunin ng Panginoon.

💡 Kapag pinagbalibaligtad natin ang first letter ng apat na puntos natin (R-etrieve, C-omply, U-nity, E-mmanuel) ay mabubuo natin ang salitang "CURE ."
- CURE- (Comply, Unity, Retrieve, Emmanuel) iyan ang lunas na kailangan natin for us to heal. Now is the time para gawin natin at sumunod tayo sa ipinag-uutos ng ating Panginoon, upang magkaisa sa paggawa at pananalangin, upang iligtas ang ating kapatid, at upang malaman na kasama natin ang Panginoon sa laban natin na ito.
-KEEP ON PRAYING. God's timing is perfect. Let him prepare you.

Pastor. Wilhelmina C. Datu- CCMC

August 30, 2020"MENSAHE NG BUHAY"Batayang Talata: Mateo 16:21-28Paksa: "Terms and Conditions"■ Magandang Araw mga kapati...
30/08/2020

August 30, 2020
"MENSAHE NG BUHAY"
Batayang Talata: Mateo 16:21-28
Paksa: "Terms and Conditions"

■ Magandang Araw mga kapatid. Purihin ang Panginoon pagkat ang ating pagbubulay-bulayan ay tungkol sa "Unang Pagpapahayag ni Jesus Tungkol sa Kanyang Kamatayan" sa aklat ng Mateo 16:21-28.
■ Marami saatin kapag narinig ang salitang kamatayan o maging topic sa isang usapan ay umiiwas ito at natatakot. Ngunit ang katotohanan, lahat tayo ay mamamatay kaya kailangan tayong maging handa at bukas sa pisibilidad.
■ Ang 'Terms and Conditions' ay isang legal na kasunduan sa pagitan ng service provider at ng gustong gumamit sa kanilang service.
■ Sa ating talata ngayon, binangit ni Jesus sa kanyang mga alagad na kung sinuman ang ibig sumunod sakanya ay mayroon siyang terms and conditions.

● When you decide to follow Jesus you must come;
1.) With spirit ready [vv. 23]
📖 "...Ang iniisip mo'y hindi sa Diyos kundi sa tao."
- Dahil sa pandemic natuto tayong magpahalaga ng mga bagay-bagay dito sa mundo na kailangan natin upang makasurvive sa gitna ng pandemic.
- Ngunit ang pinaka-importante sa lahat, dapat nating higit na isecure ang ating spiritual life dahit ito ang eternal. Dahil sa covid marami ang namamatay ng biglaan at walang exempted dito. Kaya dapat tayong laging maging handa spirutually dahil kapag tayo ay namatay wala na tayong pagkakataon upang maglingkod.
2.) Selflessly [vv.24]
📖 "...limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin."
- Kapag tayo ay naglilingkod sa Panginoon dapat nating kalimutan ang ating mga sariling pasanin.
- Imposibleng magtagumpay tayo kung dalawa ang ating pinaglilingkuran.
- Least prioritize yourself, Jesus first and all things will follow.
3.) Whole Heartedly [vv. 25]
📖 "Ang naghahangad na maglitas ang kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay siyang magkakamit nito."
- Kapag tayo ay naglingkod sa Panginoon dapat buong puso nating ginagawa ito para sakanya at hindi para sa ating sarili.
- Napakasarap isipin na kung darating na ang ating oras ay alam nating makakasama tayo ni Jesus sa kaharian ng kanyang Ama dahil buong puso ang ibinigay natin sa ating paglilingkod.
4.) Humbly [vv. 26]
📖 "Ano nga ang mapapala ng isang tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang katumbas naman nito'y ang kanyang buhay? Ano ang maibabayad ng tao para mabalik sakanya ang kanyang buhay?"
- Kahit gaano kayaman ang isang tao, kung dumating na ang kanyang oras ay hindi niya kayang i-extend ang kanyang buhay gamit ang kanyang kayamanan at ari-arian.
- Piliin na natin ang mamatay ng may kababang-loob pagkat si Jesus ang siyang magtatas saatin.

■ Gamitin natin ang ating buhay, oras, kayamanan at kakayahan sa tamang paraan.
■ Basahin, pag-aralan at isabuhay natin ang mga terms and conditions na nakalatag saatin upang sa ating pagharap sa Panginoon ay handa tayo at karapat-dapat.
■ Patuloy tayong manalangin at magtiwala sa kapangyarihan ng ating Panginoong Jesu-Kristo.

-Pastor Wilhelmina C. Datu- CCMC

August 23, 2020"MENSAHE NG BUHAY"Batayang Talata: Mateo 16:13-20Paksa: Who Do You Say That I Am? (Sino Ako?)■ As a belie...
22/08/2020

August 23, 2020
"MENSAHE NG BUHAY"
Batayang Talata: Mateo 16:13-20
Paksa: Who Do You Say That I Am? (Sino Ako?)

■ As a believer, alam ko pong mayroon tayong individual and unique na pagkaka-kilala kay Jesus.
■ Ang tanong gaano kalalim ang pagkakakilala natin kay sakanya?
■ Bilang isang iglesya, mayroon ba tayong iisang
description kung sino si Jesus na ating pinaniniwalaan at sinasamba?
■ Sa tulong po ng ating lectionary, sama-sama po nating i-refresh at muling palalimin ang ating pagkaka-kilala kay Jesus.

🔎 Guide Question: Sino Ako/Jesus? [vv.15]

🗣 Ayon sa mga tao, ang Anak ng tao/Jesus ay si:
-John the Baptist
-Elijah
-Jeremiah
-One of the Prophets
■ Ang apat na ito ay may malaking bahaging
ginampanan, may tanyag sa lahat ng mga propeta at mensahero ni Yahweh, pero hindi sila ang tinutukoy at inaasahang sagot ni Jesus. Kaya tinanong niya ang kanyang mga alagad at agad naman tumugon si Pedro.

🗣 Ayon kay Simon Pedro:
📖 "Kayo po ang Cristo, Ang Anak ng Diyos na Buhay." [vv.16]

■ Marahil ang sagot ni Simon Pedro ay simple para sa kapwa niya disciples. Ngunit ang kapansin-pansin at kahanga-hanga sa ginawa ni Pedro ay ang pagsagot niya ng tuwiran sa harap ni Jesus, ng mga diciples, believers at ng mga tao na karamihan ay mga taga-Cesarea Filipos, non-believers na tumutuligsa sakanila at kay Jesus.
■ Namangha si Jesus sa direktahang pagsagot ni Simon Pedro sa tanong na "Sino ako?"
📖 "Sinabi sakanya ni Jesus, "Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagka't ang katotohanang ito'y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Amang nasa langit." [vv.17]
📖 "At sinasabi ko naman sa iyo, ikaw ay Pedro at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at hindi makapananaig sakanya kahit at kapangyarihan ng kamatayan." [vv. 18]

● Ayon sa Sagot ni Pedro at sa inaasahan din namang sagot ni Jesus, Siya ay ang:
1.) CHRIST - Annointed, Messiah, piniling magdala ng mabuting balita, magpakain, magpagaling, at magbibigay ng kaligtasan sa sanlibutan.
2.) SON OF GOD- Kung ano ang sa Ama ay maaaring ibigay sa anak. He has freedom and power over all.
3.) LIVING ONE- Nagmamay-ari ng kaniyang buhay at ng ating buhay. Kahit ang kamatayan ay hindi makapananaig sa kanyang buhay.

Conclusion:
■ Ang tatlong ito ay pare-parehong nagpapaliwanag that Jesus is the only one who gives SALVATION to us.
■ Bilang isang iglesya, napakahalaga na mayroon tayong iisang pagkakakilala kay Jesus na ating ipinapangaral.
■ Being close to Jesus will not give us salvation at all. We need to have personal experience and personal understanding to Him.
■ Church is made up of men and women who believe one thing. That Jesus of Nazareth is the Son of the Living God who gives is salvation.

🙏 Sa Diyos ang papuri! Mabiyayang araw sa inyong lahat!

-Ptr. Wilhelmina C. Datu
⛪Christ's Commission Methodist Church.

Address

Sta. Rosa Village, Sta. Rosa
Pilar
2101

Telephone

09098473905

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Christ's Commission Methodist Church - AIMP posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share