22/08/2023
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
O maluwalhating Sta. Rosa, masamyong bulaklak ng Panginoon, na sa pamamagitan ng iyong mga kabanalan sa gitna ng mga tinik at tawag nitong mundo, ay hinalina mo ang mga tao na pag sisihan nila ang kanilang mga kasalanan, mag pakababa at maging masunurin sa mga utos ng iyong mahal na esposo, at mag tiis ng lahat ng bagabag alang-alang sa pag-ibig ng Diyos at kaligtasan ng mga kaluluwa. Makapangyarihan at maawaing Patrona ng Pilipinas, takbuhan ka ng aming mga pangangailangan at lunas ka ng aming mga karamdaman, isinasamo namin sa pamamagitan ng iyong mga biyaya at matayog na kabanalang kaloob sa iyo ng mahal ng sanggol na si Hesus na kami ay iyong paginhawahin at aliwin sa karalitaan at paghihikahos ng aming kaluluwa at katawan.
Tanggapin mo kami sa ilalim ng iyong pag-aaruga, at kami ay tulungan sa pagtatamo ng kalinisan ng puso, pag sang-ayon sa kalooban ng Diyos pag titiis ng hirap at sakit, at pananatili sa kabanalan. Masikap naming tupdin ang mga utos ng Diyos at ng Inang Santa Iglesia, pagdedebosyon ng Santo Rosaryo at malimit na pagtanggap sa kamahal-mahalang sakramento ng Altar. Marapatin mo ding ipagkaloob ang mga hinihiling namin sa kamahal-mahalang puso ng iyong minamahal na esposo at kalinis-linisang puso ni Maria, alinsunod sa kalooban ng Diyos.
Siya Nawa.
Santa Rosa de Lima,
Ipanalangin mo kami!