27/11/2021
Sometimes naririnig natin sa ating mga kaibigang Born Again Believers ang mga katagang "ONLY JESUS SAVES," and I"m pretty sure na naranasan niyo rin ito.
Ang Simbahang Katolika ay hindi against sa nasabing belief dahil tayo man din na mga Katoliko ay naniniwala na si Cristo lamang ang nag-iisang TAGAPAGLIGTAS. Subalit kung mayroon man tinututulan ang Simbahan tungkol sa paniniwala ng mga Born Again, iyon ay ang FAITH ALONE.
Ang FAITH ALONE DOCTRINE ng Born Again ay kinuha lamang sa doktrina ni Martin Luther na madiing tinututulan ng Simbahan simula pa noon dahil ito ay laban mismo sa aklat ni Apostol Santiago (St. James),
"Patay ang katawang walang espiritu; gayundin naman,PATAY ANG PANANAMPALATAYANG WALANG KASAMANG GAWA."-Santiago 2:26
Base sa doktrina ng Born Again Believers ang paggawa ng mga GAWANG MABUTI ay hindi makakapagligtas sa atin, kundi ang pananampalataya lamang.
Samantala, ang tinitindigan naman ng Simbahang Katolika ay kabaliktaran sa kanila sapagkat itinuturo ng Simbahan na bahagi ng PAGKAKAMIT NG KALIGTASAN ang PAGGAWA NG KABUTIHAN.
Ang paggawa ng Kabutihan ay BUNGA ng ating PANANAMPALATAYA kay Kristo bilang isang Kristiyano at kaisa ng Espiritu Santo,
"Subalit ang BUNGA NG ESPIRITU ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, KABUTIHAN, katapatan."-Galacia 5:22
Ang paggawa ng mabuti sa kapwa ay pagpapakita ng ating pagmamahal, pagmamahal na nagmumula sa Diyos dahil isa ito sa kanyang mga utos,
"Ito naman ang pangalawang utos, ‘IBIGIN MO ANG IYONG KAPWA gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’ Wala nang ibang utos na hihigit pa sa mga ito.”-Marcos 12:31
"Minamahal, huwag mong tularan ang masamang halimbawang ito. Ang tularan mo ay ang mabuti, sapagkat ANG GUMAGAWA NG MABUTI AY ANAK NG DIYOS; ang gumagawa ng masama ay hindi pa nakakakilala sa Diyos."-3 Juan 1:11
Sapagkat si Kristo ang PUNO at tayo ang kanyang MGA BUNGA, at ang MABUTING PUNO ay hindi NAGBUBUNGA NG MASAMA,
“Sinasabi ninyong mabuti ang punongkahoy kung mabuti ang kanyang bunga at masama ang punongkahoy kung masama ang kanyang bunga, SAPAGKAT SA BUNGA NAKIKILALA ANG PUNO."-Mateo 12:33
Bagamat ang PAGGAWA NG KABUTIHAN ay itinuring na "BUNGA" lamang ng PANANAMPALATAYA, bahagi pa rin ito ng ating KALIGTASAN,
"Sila'y muling mabubuhay; LAHAT NG GUMAWA NG KABUTIHAN AY MAGKAKAROON NG BUHAY NA WALANG HANGGAN, at lahat ng gumawa ng kasamaan ay paparusahan.”-Juan 5:29