29/07/2024
๐ณ๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐. ๐
Sa loob ng limang taon, tayo ay biniyayaan ng isang dakilang pastol na si Father Henry, na walang sawang naglingkod at nagmahal sa ating parokya. Sa bawat misa, homiliya, at mga programa, lagi siyang nandiyan upang ipahayag ang salita ng Diyos at gabayan kami sa tamang landas.
Maraming salamat, Father, sa inyong sakripisyo, dedikasyon, at malasakit sa bawat isa sa amin. Ang inyong mga aral ay naging gabay at inspirasyon, lalo na sa mga panahong kami ay naguguluhan at nangangailangan ng liwanag. Hindi namin malilimutan ang inyong mga ngiti, pag-unawa, at malasakit na nagbigay sa amin ng lakas ng loob at pag-asa.
Sa inyong patuloy na paglilingkod, nawa'y pagpalain pa kayo ng Diyos ng kalakasan, kalusugan, at kasiyahan. Patuloy kaming magdarasal para sa inyong tagumpay at kaligtasan. Mabuhay po kayo, Father Henry, at maraming salamat muli sa lahat ng inyong ginawa para sa ating parokya.
Kaming lahat sa Holy Family Parish ay mahal na mahal ka. Pakatandaan na ika man ay ngayo'y lilisan, ang bawat alala, aral at eksperyensiyang ikaw ay aming kasama ay hinding hindi namin malilimutan sapagkat ito'y nakaukit na sa aming mga puso't isipan.
๐พ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐.
Orihinal na kanta para kay Fr.Henry: https://youtu.be/ojoPGW3jdwg
From: HFP, PPC and PFC