04/03/2026
--------Bakit mahalaga ang panalangin?-------
‎
‎Kailangan natin aminin na hindi tayo nakakapag-pray. Bukod sa Prayer Meeting, di po tayo nakakapag-pray araw-araw.
‎
‎"5 mins muna tapos magprapray na ako."
‎"Dami ko pang ginagawa sa schedule."
‎
‎O paminsan, nalilimutan na lang natin.
‎
‎Pero....
‎
‎📌 Prayer is a way to communicate our needs to God.
‎
‎FILIPOS 4:6
‎[6] "Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios."
‎
‎Alam na ng Panginoon ang ating pananalangin, totoo yan, pero tutuparin ba Niya ito kapag di natin hinihingi sa Kaniya?
‎
‎God is a God of Clarity, and God doesn't see clarity in assumed prayer requests.
‎
‎Plus, we have direct access to God. Isang tanong lang sasagot at sasagot ang Panginoon., pero hindi Niya yan sasagutin kapag hindi tayo umaalay ng kahit 2 minuto para sa panalangin.
‎
‎
‎📌 Prayer Is A Way To Create A More Intimate Relationship With God.
‎
‎MATEO 6:6 ABTAG
‎[6] "Datapuwa't ikaw, pagka ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at kung mailapat mo na ang iyong pinto, ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakikita sa lihim ay gagantihin ka."
‎
‎God longs intimacy, not staged-love.
‎Nais Niya ang silent prayers, hindi mga scripted prayers.
‎
--------------------------------------------
🚩 ‎MGA DAPAT IWASAN KAPAG NA NANALANGIN SA PANGINOON 🚩
‎
(‎React the post 🥰, if you relate to all 3. )
‎
‎🚩 Routine Kills Purpose
‎
‎MATEO 6:7
‎[7] "At sa pananalangin ninyo ay huwag ninyong gamitin ang walang kabuluhang paulitulit, na gaya ng ginagawa ng mga Gentil: sapagka't iniisip nilang dahil sa kanilang maraming kasasalita ay didinggin sila."
‎
‎Nais ba ng kausap mo, lalong lalo na si Lord, na paulit-ulit lang ang sinasabi mo?
‎(bonus kapag nagmamadali pa at gutom ka na)
‎
‎Ano ba dahilan mo kapag nag prapray ka?
‎Be more clear of what you want to pray for.
‎
‎Iwasan natin na gawing routine ang prayer para lang matapos na.‎
‎
‎🚩 Labourous, Not Enjoyable.
‎
‎I MGA TAGA CORINTO 10:31
‎[31] "Kaya kung kayo'y nagsisikain man, o nagsisiinom man o anoman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Dios."
‎
‎Check yourself, nais mo bang kausapin si Lord?
‎
‎🚩 A Pre-Occupied Mind Replaces The Real Priority.
‎
‎SANTIAGO 1:8
‎[8] "Ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad."
‎
‎Okay, real talk, madami naman tayo iniisip sa araw-araw. Pero ano ba talaga ang REAL PRIORITY sa buhay? at sa buhay sa langit?
----------------------------
‎
‎Huwag natin kalimutan si Prayer. Parang ‎kagaya ng pagpunta sa Sunday, soul-winning, pagkanta, pagtugtog, pagtuturo, at iba pang mga ministry and commitments natin sa Panginoon. PRAYER IS BOTH A COMMITMENT AND A MINISTRY.