National Shrine of San Antonio de Padua, Pila, Laguna, Philippines

National Shrine of San Antonio de Padua, Pila, Laguna, Philippines The Official page of the National Shrine and Parish of San Antonio de Padua, Pila, Laguna; Asia's first church dedicated to Saint Anthony of Padua.
(2)

29/05/2026
28/05/2026

BANAL NA MISA | KAPISTAHAN NG PANGINOONG HESUKRISTO, WALANG HANGGANG AT DAKILANG PARI

28TH LND SUMMER CAMP: FRANCESCO: HUMBLE HEARTS, FAITHFUL HANDS - SERVING LIKE ST. FRANCIS (Jn 13:14-15)

12/11/2023
10/10/2023

PANALANGIN NG PAGHIHINTAY PARA SA BAGONG OBISPO (Revised)

Makapangyarihang Ama, ikaw ang Pastol na umaakay sa tanan. Sa pamamagitan ng iyong Anak na si Hesus, itinatag niya ang Simbahan sa ilalim ng pamamahala ng mga Apostol at ng kanilang mga kahalili upang akayin ang iyong bayan sa iyong pagliligtas. Nagpapasalamat kami sa pagkakaloob mo sa amin ng mga matatapat na pastol na namumuno at nangangalaga sa amin. Ang kanilang paglilingkod sa amin ay katiyakan na kaming iyong kawan ay patuloy mong nililingap at itinatangi. Ngayong kami ay naghihintay sa iyong pagkakaloob ng isang bagong lingkod-pastol, itulot mong kami ay laging mamuhay sa katapatan sa iyong mga aral at patuloy na umasa sa iyong kabutihan at pagmamahal. Sa paghahanda namin ng aming mga sarili sa pagdating ng kaloob mong punong taga-akay at tagapanguna, ay papanibaguhin mo ang puso ng aming mga kaparian at kaming iyong kawan, upang sa pagdating ng iyong hinirang na punong pari, kami ay makiisa sa kanyang hangarin na patuloy na maitatag ang iyong paghahari dito sa lupa. Ang lahat ng ito ay aming hinihiling sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan. Amen.

Nuestra Señora de los Dolores de Turumba, ipanalangin mo kami.
San Pablo Unang Ermitanyo, ipanalangin mo kami.
San Pedro Bautista, ipanalangin mo kami.

Praedicator Communications | 2023

10/10/2023
10/10/2023

Palalimin ang ating debosyon at palawakin ang pagka-unawa sa mga pagdiriwang na may kaugnayan sa Mahal na Birheng Maria.

Sa ikalawang araw ng pagbisita ng Mahal na Patrona magkakaroon tayo ng mga pananalangin, pagdiriwang ng Banal na Misa at mga panayam na pangungunahan nina Rdo. P. Christian Edward Abao na may paksang "The Importance of Canonical Coronation of the Blessed Virgin Mary" at ni Rdo. P. Amadeo Alveyra Jr. na may paksang "The Dogma of the Assumption of the Blessed Virgin Mary."

Magsama-sama po tayo upang lalong lumalim at mag-alab ang ating debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Viva la Gloriosa Asuncion!

Praedicator Communications | 2023



23/04/2023

SHRINE ANNIVERSARY : The Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines greets the National Shrine of San Antonio de Padua in Pila, Laguna under the Diocese of San Pablo for their 4th year anniversary of being a National Shrine.

May your church be a community of believers united through faith and devotion.


13/04/2023

Mga Dambana: mukha ng makabagong ebanghelisasyon

Ang pagdiriwang ng ika-apat na taong pagtatalaga sa ating parokya bilang Pambansang Dambana ni San Antonio de Padua. Ang nasabing pagdiriwang ay dadaluhan ng iba’t ibang mga layko at deboto mula sa Diyosesis ng San Pablo, at magbibigay ng panayam si Bro. Kendrick Ivan Panganiban, Lay-Secretary and Research Chair at ACSP - Association of Catholic Shrines and Pilgrimages of the Philippines.

Ang nasabing programa ay magwawakas sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa pangunguna ng ating Lub.Kgg. Buenaventura M. Famadico ang Obispo ng Diyosesis ng San Pablo.

Praedicator Communications | 2023

Address

82 Burzagom Street, Brgy. Bulilan Sur
Pila
4010

Telephone

+63495595078

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when National Shrine of San Antonio de Padua, Pila, Laguna, Philippines posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to National Shrine of San Antonio de Padua, Pila, Laguna, Philippines:

Share