National Shrine of San Antonio de Padua, Poblacion, Pila, Laguna

National Shrine of San Antonio de Padua, Poblacion, Pila, Laguna This is the ๐Ž๐๐‹๐˜ ๐š๐ง๐ ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐ˆ๐€๐‹ ๐…๐€๐‚๐„๐๐Ž๐Ž๐Š ๐๐€๐†๐„ ๐€๐‚๐‚๐Ž๐”๐๐“ of the National Shrine and Parish of
San Antonio de Padua. Always Open

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐€๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง, ๐จ๐›๐ข๐ฌ๐ฉ๐จ ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐’๐ข๐ฆ๐›๐š๐ก๐š๐งSi San Agustin ay isinilang noong ika-13 ng Nobyem...
28/08/2026

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐€๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง, ๐จ๐›๐ข๐ฌ๐ฉ๐จ ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐’๐ข๐ฆ๐›๐š๐ก๐š๐ง

Si San Agustin ay isinilang noong ika-13 ng Nobyembre, 354, sa Tagaste (ngayon ay Souk-Ah-ras, Algeria) sa hilagang Africa. Ang kanyang mga magulang ay sina Patricio at Santa Monica. Ang kanyang ama ay pagano at opisyal na Romano samantalang si Monica ay isang masugid na Kristiyano, sinikap niyang hubugin sa pamumuhay na Kristiyano ang kanyang anak. Noong taong 370, nag-aral siya sa Cartago ng retorico sa pagnanais na maging isang manananggol sa batas at iniukol ang sarili sa pananaliksik sa mga kaalaman ukol sa mundong ito at unti-unting tinalikuran ang pananampalatayang Kristiyano. Siya ay nakisama sa isang babae sa loob ng 15 taon at silaโ€™y nagkaanal, si Adeodato. Nagkaroon siya ng hilig sa pilosopiya at noong 373, siya ay sumapi sa Manikeismo, isang heretikong sekta.

Matapos magturo sa Tagaste at Cartago, nagtungo siya sa Roma noong 383 at nagbukas ng paaralan ng retorico, subalit nang sumunod na taon ay lumipat siya sa Milan. Doon hinikayat siya ng kanyang ina na making sa mga paliwanag ng Obispo ng Milan, si San Ambrosio. Sa pamamagitan ng pakikinig sa mahusay na Obispo, naantig ang kanyang puso at nagbagong-loob, at nagpabinyag sa naturang Obispo noong gabi ng Muling Pagkabuhay, taong 387, sa gulang na 33. Tinugon ng Diyos ang mga panalangin at pagpapakasakit ng kanyang ina. Nang sila ay pabalik na sa Africa namatay si Sta. Monica sa Italya subalit natupad ang kanyang minimithi na makita niya bago siya mamatay si San Agustin na isang matapat na Katoliko.

Pagdating sa Africa, itinatag niya ang isang monasteryo sa kanilang lunsod. Noong taong 391, sa paghimok ng mga taga-Hippo (ngayon ay Annaba, Algeria) siya ay inordenang pari at makaraan ang 5 taonhinirang siyang obispo. Siya ang nagging pangunahing pinuno ng Simbahan sa Africa sa kanyang kapanahunan.
Nagwakas ang kanyang paglilingkod bilang matapat na Obispo ng Hippo nang siya ay bawian ng buhay noong Agosto 28, 430, sa gulang na 76.

Sa panahon ng kanyang pagiging obispo, marami siyang inakdang mga aklat at sulatin hinggil sa pagpapaliwanag at pagtatanggol ng pananampalataya, sapagkat noon ay laganap ang ibaโ€™t-ibang maling sekta na nagpapagulo sa pananalig at umaakit ng maraming Katoliko. Nariyan ang Manikeismo, Donatismo, Pelagianismo. Dahil dito siya ay itinanghal ng Simbahan bilang isa sa mga dakilang Ama at Pantas ng Simbahan.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป:
San Agustin, pinili ka nang Amang Lumikha upang maging G**o ng pag-ibig, ilaw ng mga mangangaral at mag-aaral, Pantas ng Simbahan, haligi ng Santa Iglesia, tagapagtanggol ng pananampalatayang Kristiyano at kalasag laban sa mga kaaway.

Hayaan mong matularan ko ang iyong halimbawa ng pagbabalik-loob sa Diyos upang ako rin ay makatamasa ng matuwid na landas tungo sa kaginhawahang walang katapusan upang ang puso ko ay pamahayan ng Banal na Santatlo.

Ipanalangin mo ako, patron kong San Agustin, upang ang aking bisyo at mga maling aral na pinaniniwalaan ay aking maituwid sa tulong at awa ni Hesu-Kristo. Tulad ng iyong nasumpungan sa sulat ni San Pablo sa Bagong Tipan, nawa ay โ€œmaiwasan kong malugmok sa lusak ng kamunduhan at kalaswaan; at maisuot ko ang damit ng aking Panginoong Hesu-Kristo.โ€

Tulungan mo ako, San Agustin, upang manaig sa akin ang karunungan at katalinuhan na biyaya sa akin ng Diyos. Nawa ang mga biyayang ito ay maghatid sa aking buhay nang kabanalan. Papagliwanagan mo ako na umasa sa biyaya ng Espiritu Santo at hindi sa sarili kong kakayahan lamang.

San Agustin, ipanalangin mo ako sa Banal na Santatlong Diyos sa aking kahilinganโ€ฆ (Sandaling tumahimik at isipin ang lahat ng mga kahilingan)

Idinadalangin ko rin ang lahat ng mga mag-aaral, lalung-lalo na ang lahat ng mga kumukuha ng pagsusulit, na sa tulong mo San Agustin mapagpatagumpayan nila ang mga pagsubok na kanilang kinakaharap sa mga katanungang kanilang dapat sagutin. Na ang karunungan at katalinuhan na iyo ring tinaglay ay magsilbi nilang instrumento upang sila ay maliwanagan sa anumang kakaharapin nilang pagsusulit o pagsubok sa buhay.

Nawaโ€™y maisabuhay ko ang halimbawa mo, o aking patrong San Agustin, upang ang aking napapagal na puso ay makasumpong ng kapayapaan at magalak sa pag-ibig ng iisang Diyos. Amen.

San Agustin, haligi ng lakas ng mga mag-aaral, ipanalangin mo kami.
San Agustin, ilaw ng mga g**o, ipanalangin mo kami.
San Agustin, tagapamagitan ng mga kumukuha ng pagsusulit, ipanalangin mo kami.
San Agustin, sisidlan ng Banal na Karunungan, ipanalangin mo kami.
San Agustin, taga-aliw ng mga nababagabag, ipanalangin mo kami.

Antonius Media | Social Communications Commission
โ€Ž
โ€Ž

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐€๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง, ๐จ๐›๐ข๐ฌ๐ฉ๐จ ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐’๐ข๐ฆ๐›๐š๐ก๐š๐งUNANG PAGBASA1 Corinto 1, 17-25Pagbasa mula sa una...
28/08/2026

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ–, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐€๐ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ข๐ง, ๐จ๐›๐ข๐ฌ๐ฉ๐จ ๐š๐ญ ๐ฉ๐š๐ง๐ญ๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐’๐ข๐ฆ๐›๐š๐ก๐š๐ง

UNANG PAGBASA
1 Corinto 1, 17-25

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid, sapagkat sinugo ako ni Kristo, hindi upang magbinyag kundi upang mangaral ng Mabuting Balita. Ipinangaral ko nga ito, ngunit hindi sa pamamagitan ng pananalitang batay sa karunungan ng sanlibutan upang sa gayoโ€™y hindi mawalan ng kabuluhan ang kamatayan ni Kristo sa krus.

Sa mga napapahamak, ang aral tungkol sa pagkamatay ni Kristo sa krus ay kahangalan; ngunit sa atin na mga inililigtas, itoโ€™y kapangyarihan ng Diyos. Sapagkat nasusulat, โ€œSisirain ko ang karunungan ng marurunong, at pawawalang-kabuluhan ang katalinuhan ng matatalino.โ€ Ano ang kabuluhan ngayon ng marurunong, ng mga eskriba, ng mahuhusay na dibatista sa daigdig na ito? Ipinakilala ng Diyos na ang karunungan ng sanlibutang ito ay kamangmangan.

Sapagkat ayon sa karunungan ng Diyos, hindi niya itinulot na siyaโ€™y makilala ng tao sa pamamagitan ng karunungan ng sanlibutang ito. Sa halip, minarapat niyang ang mga nananalig sa kanyaโ€™y iligtas sa pamamagitan ng Mabuting Balita na aming ipinangangaral ngunit ipinalalagay naman ng sanlibutan na isang kahangalan. Ang mga Judioโ€™y humihingi ng kababalaghan bilang katunayan. Karunungan naman ang hinahanap ng mga Griego. Ngunit ang ipinangangaral namiโ€™y si Kristong ipinako sa krus โ€“ isang katitisuran sa mga Judio at kahangalan para sa mga Hentil. Subalit sa mga tinawag ng Diyos, maging Judio at Griego, si Kristo ang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Sapagkat ang inaakala nilang kahangalan ng Diyos ay karunungang higit kaysa lahat ng karunungan ng tao, at ang inaakala namang kahinaan ng Diyos ay lakas na higit sa lahat ng kalakasan ng tao.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 32, 1-2. 4-5. 10ab-11

Awaโ€™t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaaโ€™y lubos.

Lahat ng matuwid dapat na magsaya
dahil sa ginawa ng Diyos sa kanila;
Kayong masunuriโ€™y magpuri sa kanya!
Ang Panginoong Diyos ay pasalamatan,
tugtugin ang alpaโ€™t awit ay saliwan.

Awaโ€™t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaaโ€™y lubos.

Panginooโ€™y tapat sa kanyang salita,
at maaasahan ang kanyang ginawa.
Minamahal niya ang gawang matapat,
ang pag-ibig niya sa mundoโ€™y laganap.

Awaโ€™t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaaโ€™y lubos.

Ang binabalangkas niyong mga bansa,
kanyang nababagoโ€™t winawalang-bisa.
Ngunit ang mga panukala ng Diyos,
ay mamamalagiโ€™t walang pagkatapos.

Awaโ€™t pag-ibig ng Diyos
sa sangkalupaaโ€™y lubos.

ALELUYA
Lucas 21, 36

Aleluya! Aleluya!
Manalanging walang humpay
samantalang hinihintay
si Hesus na P**ng mahal.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 25, 1-13

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: โ€œDito maitutulad ang pagpasok sa kaharian ng Diyos: may sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isaโ€™y may dalang ilawan. Ang lima sa kanilaโ€™y hangal at ang limaโ€™y matalino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Subalit ang matatalinoโ€™y nagdala ng langis bukod pa sa nasa kanilang ilawan. Nabalam ng dating ang lalaking ikakasal, kayaโ€™t inantok silang lahat at nakatulog.

Ngunit nang hatinggabi naโ€™y may sumigaw: โ€˜Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!โ€™ Agad nagbangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, โ€˜Bigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan, e!โ€™ โ€˜Baka hindi magkasiya ito sa ating lahat,โ€™ tugon ng matatalino. โ€˜Mabuti paโ€™y pumunta muna kayo sa nagtitinda at bumili ng para sa inyo.โ€™ Kayaโ€™t lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto.

Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga. โ€˜Panginoon, papasukin po ninyo kami!โ€™ sigaw nila. Ngunit tumugon siya, โ€˜Sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo nakikilala.โ€™ Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Antonius Media | Social Communications Commission
โ€Ž
โ€Ž

27/08/2026
27/08/2026

Thursday
August 27, 2026

Matthew 24: 42-57
Stay Awake Then For You Do Not Know On What Day Your Lord Will Come

Let us pray:

Lord Jesus, we ask for the grace to stay awake, faithful and ready for Your return. Forgive us for the times we are complacent and unconcerned. Grant us a vigilant heart so we may not be caught unaware. Make us faithful and prudent servant always ready to serve. May You find us busy with good works never failing our mission when You come.

Amen!

โ€œ Staying watchful for the return of Christ is not about living in fear but about active loving preparation avoiding indifference and a sleepy heart.โ€
- Pope Francis

A lovely Thursday everyone!โค๏ธ

27/08/2026

LIVE | BANAL NA MISA
Ika-27 ng Agosto, 2026 | 5:00 n.h
Paggunita kay Santa Monica

๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐—ง๐˜‚๐—ฏ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—น:
https://www.youtube.com/channel/UCupCxbuQtuQhRVtqRnoqzHw
๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ:
https://www.facebook.com/NationalShrineOfSanAntonioDePaduaPila
๐—œ๐—ป๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ: https://www.instagram.com/nationalshrinesanantonio/?next=%2F
๐“๐ข๐ค๐“๐จ๐ค:
https://www.tiktok.com/



๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐จ๐ง๐ข๐œ๐šUNANG PAGBASA1 Corinto 1, 1-9Ang simula ng unang sulat ni Apostol San Pablo sa ...
27/08/2026

๐€๐ ๐จ๐ฌ๐ญ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ•, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง๐ญ๐š ๐Œ๐จ๐ง๐ข๐œ๐š

UNANG PAGBASA
1 Corinto 1, 1-9

Ang simula ng unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mula kay Pablo na tinawag ng Diyos upang maging apostol ni Kristo Hesus, at mula sa ating kapatid na Sostenes โ€“

Sa simbahang nasa Corinto โ€“ sa mga hinirang ng Diyos upang maging kanya sa pamamagitan ng pakikipag-isa kay Kristo Hesus kasama ng mga hinirang sa lahat ng dako, na tumatawag sa pangalan ng Panginoong Hesukristo, ang Panginoon nating lahat:

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesukristo.

Lagi akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa mga pagpapala niya sa inyo sa pamamagitan ni Kristo Hesus. Sapagkat sa inyong pakikipag-isa sa kanya, kayoโ€™y umunlad sa lahat ng paraan, maging sa pananalita at kaalaman. Ang katotohanang ipinangaral namin tungkol kay Kristo ay malinaw na nakikita sa inyo anupat hindi kayo nagkulang sa anumang kaloob na espirituwal, habang hinihintay ninyong mahayag ang ating Panginoong Hesukristo. Kayoโ€™y aalalayan niya hanggang sa wakas upang matagpuan kayong walang kapintasan sa Araw ng ating Panginoong Hesukristo. Tapat ang Diyos na tumawag sa inyo upang kayoโ€™y makipag-isa sa kanyang Anak na si Hesukristong ating Panginoon.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 144, 2-3. 4-5. 6-7

Pupurihin ko ang ngalan
ng P**n magpakailanman.

Pupurihin koโ€™t pasasalamatan ang Diyos araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
Dakila ang P**n, at karapat-dapat na siyaโ€™y purihin;
ang kadakilaan niya ay mahirap nating unawain.

Pupurihin ko ang ngalan
ng P**n magpakailanman.

Sa alinmang lahi, ang iyong ginawa ay papupurihan,
ihahayag nila ang mga gawa mong makapangyarihan.
Ang karangalan mo at pagkadakilaโ€™y ipamamalita,
at isasaysay ko ang mga gawa mo na kahanga-hanga.

Pupurihin ko ang ngalan
ng P**n magpakailanman.

Ang mga gawa mong makapangyarihaโ€™y ipamamalita;
sa lahat ng taoโ€™y aking sasabihing ikaw ay dakila.
Ihahayag nila ang lahat ng iyong mga kabutihan,
aawitin nila ang kabutihan moโ€™t iyong kabaitan.

Pupurihin ko ang ngalan
ng P**n magpakailanman.

ALELUYA
Mateo 24, 42a. 44

Aleluya! Aleluya!
Lagi tayong magtanod
sapagkat di natin talos
ang pagbabalik ni Hesus.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 24, 42-51

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, โ€œKaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam kung anong araw paririto ang inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: kung alam lamang ng puno ng sambahayan kung anong oras ng gabi darating ang magnanakaw, siyaโ€™y magbabantay at hindi niya pababayaang pasukin ang kanyang bahay. Kaya maging handa kayong lagi, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na di ninyo inaasahan.

โ€œAng tapat at matalinong alipin ang siyang pinapamahala ng kanyang panginoon sa ibang mga alapin, upang bigyan sila ng kanilang pagkain sa karampatang panahon. Mapalad ang aliping iyon, kapag dinatnan siyang gumagawa ng gayun sa pagbabalik ng kanyang panginoon! Sinasabi ko sa inyo: pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng kanyang ari-arian. Ngunit kung masama ang aliping iyon, sasabihin niya sa sarili, โ€˜Matatagalan pa bago magbalik ang aking panginoon,โ€™ at sisimulang bugbugin ang kanyang mga kapwa alipin, at makipagkainan at makipag-inuman sa mga lasenggo. Babalik ang panginoon ng aliping iyon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong higpit na parurusahan siya ng Panginoon, at isasama sa mga mapagpaimbabaw. Dooโ€™y tatangis siya at magngangalit ang kanyang ngipin.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Antonius Media | Social Communications Commission
โ€Ž
โ€Ž

27/08/2026

LIVE | Lauds (Morning Prayer)
Memorial of Saint Monica

๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐—ง๐˜‚๐—ฏ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—น:
https://www.youtube.com/channel/UCupCxbuQtuQhRVtqRnoqzHw
๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ:
https://www.facebook.com/NationalShrineOfSanAntonioDePaduaPila
๐—œ๐—ป๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ: https://www.instagram.com/nationalshrinesanantonio/?next=%2F
๐“๐ข๐ค๐“๐จ๐ค:
https://www.tiktok.com/



26/08/2026

LIVE | Vespers (Evening Prayer)
Wednesday in the 21st week of Ordinary Time

๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐—ง๐˜‚๐—ฏ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—น:
https://www.youtube.com/channel/UCupCxbuQtuQhRVtqRnoqzHw
๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ:
https://www.facebook.com/NationalShrineOfSanAntonioDePaduaPila
๐—œ๐—ป๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ: https://www.instagram.com/nationalshrinesanantonio/?next=%2F
๐“๐ข๐ค๐“๐จ๐ค:
https://www.tiktok.com/



26/08/2026

LIVE | BANAL NA MISA
Ika-26 ng Agosto, 2026 | 5:00 n.h
Miyerkules ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon

๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐—ง๐˜‚๐—ฏ๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ป๐—ฒ๐—น:
https://www.youtube.com/channel/UCupCxbuQtuQhRVtqRnoqzHw
๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ฒ๐—ฏ๐—ผ๐—ผ๐—ธ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—ฒ:
https://www.facebook.com/NationalShrineOfSanAntonioDePaduaPila
๐—œ๐—ป๐˜€๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐—บ: https://www.instagram.com/nationalshrinesanantonio/?next=%2F
๐“๐ข๐ค๐“๐จ๐ค:
https://www.tiktok.com/



Address

Burzagom St. Brgy. Bulilan Sur, Poblacion,
Pila
4010

Opening Hours

Tuesday 6am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 5pm
Sunday 6am - 5pm

Telephone

+63495595078

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when National Shrine of San Antonio de Padua, Poblacion, Pila, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to National Shrine of San Antonio de Padua, Poblacion, Pila, Laguna:

Shortcuts

Share