Shrine Promoters of San Antonio de Padua

Shrine Promoters of San Antonio de Padua Official page of the Shrine Ministry of the National Shrine and Parish of San Antonio de Padua - the First Antonine Parish in the Philippines and Asia

๐๐Ž๐๐„๐๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐€๐๐“๐Ž๐๐ˆ๐Ž ๐ƒ๐„ ๐๐€๐ƒ๐”๐€+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฌ๐ขDiyos ko at aking lahat,...
31/08/2026

๐๐Ž๐๐„๐๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐€๐๐“๐Ž๐๐ˆ๐Ž ๐ƒ๐„ ๐๐€๐ƒ๐”๐€

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข
Diyos ko at aking lahat, sa Iyo ako sumasampalataya at nananalig na kailanmaโ€™y hindi ako mapapahamak; iniibig kita higit sa lahat ng bagay at pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan. Mamatay na muna bago magkasala muli, alisan Mo ako ng buhay bago mahiwalay sa Iyo; at bigyan ako ngayon ng lubos na pagsisisi sa aking mga sala, mga luha upang hugasan ang aking mga dungis; ibuhos Mo sa akin ang Iyong pag-ibig at ang pananatili sa paglilingkod sa Iyo; mamatay sa akin ang lahat ng bisyo at mabuhay ang tanang kabanalan at tularan ko ang aking maluwalhating tagapag-ampon na si San Antonio de Padua at dahil sa kanyang pamamagitan tulungan Mo ang lahat kong pangangailangan sa katawan at kaluluwa at lalong lalo na ang hinihingi ko ngayon kung lalong ikaluluwalhati ng Diyos at ikagagaling ng kaluluwa ko. Alang-alang kay Kristong Panginoon namin. Siya nawa.

๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ ๐ฌ๐š ๐€๐ง๐ฎ๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ ๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง
O maluwalhating San Antonio, lirio ng kalinisan, hiyas at luwalhati ng mga Kristiyano, querubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig sa Diyos. Ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos sa iyo ng Panginoon. Yamang pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain at kapangyarihan, ipinamamanhik namin sa iyo ng buong tiwala at pagpapakumbaba na tulungan mo kami. Tingnan mo ang aming mga hirap at sakit at ang aming takot na baka hindi mailigtas ang kaluluwa namin. Ipinagmamakaamo namin sa iyo, dahil sa pagsintang naranasan mo noong ang matamis na batang Hesus ay lumagay sa iyong mga bisig, na sabihin mo sa Kaniya ang aming mga kailangan. Isa lamang buntong hininga ng iyong dibdib na hiniligan ni Hesus ay sapat na upang makalunas sa aming kailangan at makapuno ng lugod sa amin. Alalahanin mo kung gaano kalaki ang iyong ligaya noong niyayakap mo Siya sa iyong dibdib, idinidikit sa Kanya ang iyong pisngi, nakikinig sa Kaniyang mga bulong. Isipin mo ang lahat ng ito at pakinggan kami, alang alang sa iyong di masaysay na pag-ibig. Kung ikaw lamang ay makikita namin, aming didiligin ng mga luha ang iyong mga paa, ipagtatapat sa iyo ang aming mga damdamin, mga alinlangan ukol sa aming ikaliligtas. Ngunit hindi ka namin maaaring makita kung kaya't binabati ka namin, O maluwalhating katoto ng Panginoon. Kami ay nangangayupapang itinataas ang aming mga pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo. At naghihintay na sa pamamagitan mo ay ipagkaloob sa amin ng Panginoong namahinga sa iyong mga bisig ang aming mga kahilingan. (Banggitin ang inyong kahilingan) O anghel ng pag-ibig, ibigay mo ang ninanasa namin at aming ilalathala ang kaluwalhatian mo at ipagbubunyi si Hesus na totoong nagmahal sa iyo. Siya nawa.

๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ขรฑ๐จ ๐‡๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฌ ๐ง๐š ๐ง๐š๐ฌ๐š ๐๐ข๐ฌ๐ข๐  ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ
O matamis na Niรฑo Hesus, tanging pag-asa ng namimighating kaluluwa; naninikluhod kami ng buong pagpapakumbaba sa Iyong mga paanan at alang-alang sa walang hanggang pag-ibig at biyaya na ipinagkaloob Mo sa Iyong lingkod na ni San Antonio noong siyaโ€™y Iyong dalawin, yakapin, punin ng tuwa at ligaya. Isinasamo namin sa Iyo na pumarini Ka sa amin at Iyong patikman sa mga kaluluwang sa Iyoโ€™y umaasa ang tamis ng Iyong pagdalaw.

๐Œ๐ ๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ง๐ก๐ข๐ค ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ
1. Pari: San Antonio ng Padua, aming pintakasi at manananggol
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
2. Pari: San Antonio ng Padua, makapangyarihan sa wika at sa gawa

3. Pari: San Antonio ng Padua, laging mapagbigay sa mga tumatawag sa iyo

4. Pari: San Antonio ng Padua, luwalhati ng Santa Iglesia at karangalan ng Orden ni San Francisco

5. Pari: San Antonio ng Padua, na totoong iniibig na pinarangalan ng Niรฑo Hesus

๐Œ๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐“๐š๐ฒ๐จ
Magdulot nawa ng tuwa, O Diyos, sa Iyong Iglesia, ang pag-aampon ng Iyong Confesor at Doktor na si San Antonio, upang lagi ng lumakas dahil sa mga tulong sa kaluluwa at maging dapat magkamit ng ligayang walang katapusan. Alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon. Siya nawa.

๐’๐€๐ ๐€๐๐“๐Ž๐๐ˆ๐Ž ๐ƒ๐„ ๐๐€๐ƒ๐”๐€,
๐ˆ๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐Œ๐Ž ๐Š๐€๐Œ๐ˆ!

24/08/2026
Maligayang ika-831 na Kaarawan, Mahal naming Poong San Antonio!
15/08/2026

Maligayang ika-831 na Kaarawan, Mahal naming Poong San Antonio!

"๐“—๐“ฒ๐“ท๐“ญ๐“ฒ ๐“ด๐“ช๐”‚๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“ผ๐“พ๐“ด๐“ช๐“ฝ๐“ฒ๐“ท ๐“ท๐“ฐ ๐”‚๐“ช๐“ถ๐“ช๐“ท ๐“ธ ๐“ญ๐“ช๐“ท๐“ฐ๐“ช๐“ต ๐“ช๐“ท๐“ฐ ๐“ฑ๐“ช๐“ต๐“ช๐“ฐ๐“ช ๐“ท๐“ฐ ๐“น๐“พ๐“ผ๐“ธ๐“ท๐“ฐ ๐“ซ๐“พ๐“ด๐“ช๐“ผ ๐“ผ๐“ช ๐““๐“ฒ๐”‚๐“ธ๐“ผ."

Ngayon ay ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ni San Antonio ng Padua, kilala bilang Patron ng mga nawawalang bagay at isa sa mga dakilang mangangaral ng Simbahang Katolika.

Si San Antonio ng Padua ay ipinanganak noong taong 1195 sa Lisbon, Portugal, labintatlong taon pagkatapos ipanganak si San Francisco ng Assisi. Ang kanyang mga magulang ay sina Martin at Maria Bulhom. Siya ay bininyagan sa pangalang Fernando Martins de Bulhom at siya ay lumaki sa marangya at maringal na pamilya.

Maraming mga tao ang lumalapit kay San Antonio bilang tagahanap ng nawawalang bagay. Ayon sa kuwento, ang kanyang paboritong aklat na naglalaman ng mga personal na tala at komento ay ninakaw ng isang baguhan. Makatutulong ang laman ng aklat para sa orden ng Pransiskano. Nanalangin si San Antonio at hindi nagtagal, ibinalik ng baguhan sa orden ang aklat.

Si San Antonio ay ang tumawag sa mga tao pabalik sa pananampalataya. Nagkamit siya ng pamagat na โ€œMartilyo ng mga Ereheโ€. Sa kanyang kanonisasyon noong 1231, binanggit siya ni Papa Gregorio IX bilang โ€œRepositoryo ng Banal na Kasulatanโ€. Noong 1946, idineklara si San Antonio bilang Pantas ng Simbahan.

Bagamaโ€™t nabuhay lamang si San Antonio sa loob ng tatlumpuโ€™t anim na taon, ginamit siya ng Diyos sa makapangyarihang paraan. Ang isang makabuluhan at kalidad na buhay ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos. Natanggap ni San Antonio ang isang buhay na puno ng grasya at biyaya dahil sa kanyang buong pusong pag-aalay sa Diyos. Kadalasan, hinahangad natin ang isang buhay na mahaba kaysa sa buhay na banal. Gayunpaman, maraming dakilang santo, kabilang na si San Antonio ang nabuhay lamang ng maikli. Tandaan natin na nais ng Diyos na gugulin natin ang ating buhay para sa paglago sa kabanalan at pagsunod sa Kanya. Ang paggawa nito ang siyang nagbibigay sa atin ng isang kalidad at mas higit pa sa isang mahabang buhay.

Sa pag-ibig ni San Antonio sa Salita ng Diyos at sa kanyang pagsisikap na maunawaan ito, lalo natin siyang tularan. Habang binabanggit ang panalangin sa kanyang kapistahan, nais ng Simbahan na matuto tayo sa kanya. Maging banal, mapagpakumbaba, at walang ibang ginagawa kundi ang kalooban ng Diyos para sa ikabubuti ng lahat.

Ipinagdiriwang ng ating mga kapatid sa Brgy. Kalumpang ang Kapistahan ni San Antonio ng Padua. Viva! Maligayang Kapistahan po ni Tata Tonio!

๐—ฃ๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป:
O San Antonio, pinili ka ng Diyos na ipabatid sa daigdig ang iyong kabanalan upang maakit ang marami sa paggawa ng kabutihan.

Hilingin mo kay Jesus na hawak mo sa iyong bisig ang mahigpit ko ngayong pangangailangan. (Tumigil sandali at banggitin ang kahilingan)

Samahan mo ako sa aking panalangin sapagkat ang dasal ng isang banal na kagaya mo ay dinirinig ng Diyos!

Pagkalooban nawa ako ng Panginoon ng tanda ng Kaniyang pagmamahal, pagkalinga at paggabay.

Sa tulong mo, nawa'y ipagkaloob Niya sa akin ang kaganapan sa buhay at pag-ibig na walang hanggan. Amen.

San Antonio de Padua, protektahan at ipanalangin mo po kami!

Antonius Media | Social Communications Commission
โ€Ž
โ€Ž

Maraming salamat, Archdiocesan Shrine and Parish of San Antonio de Padua sa Bolbok, Lipa City, Batangas at sa minamahal ...
08/08/2026

Maraming salamat, Archdiocesan Shrine and Parish of San Antonio de Padua sa Bolbok, Lipa City, Batangas at sa minamahal na Kapatiran ni San Antonio! Padayon sa paglilingkod!

Nawaโ€™y magpatuloy tayong tumahak sa mga yapak ni San Antonio de Padua โ€” sa kababaang-loob, pag-ibig, at pananampalataya โ€” tungo sa ating Panginoong Diyos.

Magkikita tayong muli, mahal namin kayo!

23/07/2026
22/07/2026

๐๐”๐Š๐€๐’ ๐๐€ | ๐ˆ๐Š๐€๐–๐€๐‹๐Ž๐๐† ๐€๐‘๐€๐– ๐๐† ๐๐Ž๐๐„๐๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐๐“๐ˆ๐€๐†๐Ž ๐€๐๐Ž๐’๐“๐Ž๐‹

Bukas, ๐‡๐ฎ๐ฅ๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ‘, sama-sama nating ipagpapatuloy ang ating siyam na araw na paghahanda para sa Kapistahan ni Santiago Apostol.

Sa ikawalong araw ng nobena, malugod nating tatanggapin ang Pandambanang Imahen at mga panauhin mula sa ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐’๐ก๐ซ๐ข๐ง๐ž ๐š๐ง๐ ๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐จ๐Ÿ ๐’๐š๐ง ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ ๐๐ž ๐๐š๐๐ฎ๐š sa Pila, Laguna. Bilang kauna-unahang pambansang dambana sa Pilipinas na nakatalaga kay San Antonio de Padua, ito ay patuloy na dinarayo ng mga debotong humihingi ng kanyang panalangin at pamamagitan.

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa panalangin at Banal na Misa, at sama-samang ihanda ang ating mga puso para sa nalalapit na Dakilang Kapistahan ng ating mahal na patron.

๐๐จ๐›๐ž๐ง๐š: ๐Ÿ’:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ง๐  ๐ก๐š๐ฉ๐จ๐ง
๐๐š๐ง๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐Œ๐ข๐ฌ๐š: ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐ง๐  ๐ก๐š๐ฉ๐จ๐ง

๐Ÿ“ Archdiocesan Shrine and Parish of St. James the Greater
Ibaan, Batangas

๐’๐š๐ง ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ ๐๐ž ๐๐š๐๐ฎ๐š, ipanalangin Mo kami.

๐•๐ข๐ฏ๐š ๐’๐š๐ง๐ญ๐ข๐š๐ ๐จ! โค๏ธ

13/07/2026

๐๐Ž๐๐„๐๐€ ๐Š๐€๐˜ ๐’๐€๐ ๐€๐๐“๐Ž๐๐ˆ๐Ž ๐ƒ๐„ ๐๐€๐ƒ๐”๐€

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

๐๐š๐ ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข
Diyos ko at aking lahat, sa Iyo ako sumasampalataya at nananalig na kailanmaโ€™y hindi ako mapapahamak; iniibig kita higit sa lahat ng bagay at pinagsisisihan ko ang aking mga kasalanan. Mamatay na muna bago magkasala muli, alisan Mo ako ng buhay bago mahiwalay sa Iyo; at bigyan ako ngayon ng lubos na pagsisisi sa aking mga sala, mga luha upang hugasan ang aking mga dungis; ibuhos Mo sa akin ang Iyong pag-ibig at ang pananatili sa paglilingkod sa Iyo; mamatay sa akin ang lahat ng bisyo at mabuhay ang tanang kabanalan at tularan ko ang aking maluwalhating tagapag-ampon na si San Antonio de Padua at dahil sa kanyang pamamagitan tulungan Mo ang lahat kong pangangailangan sa katawan at kaluluwa at lalong lalo na ang hinihingi ko ngayon kung lalong ikaluluwalhati ng Diyos at ikagagaling ng kaluluwa ko. Alang-alang kay Kristong Panginoon namin. Siya nawa.

๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ ๐ฌ๐š ๐€๐ง๐ฎ๐ฆ๐š๐ง๐  ๐๐š๐ง๐ ๐š๐ง๐ ๐š๐ข๐ฅ๐š๐ง๐ ๐š๐ง
O maluwalhating San Antonio, lirio ng kalinisan, hiyas at luwalhati ng mga Kristiyano, querubin ng karunungan at serafin ng pag-ibig sa Diyos. Ikinatutuwa namin ang mga biyaya na ibinuhos sa iyo ng Panginoon. Yamang pinuspos ka ng pag-ibig, pagkamaawain at kapangyarihan, ipinamamanhik namin sa iyo ng buong tiwala at pagpapakumbaba na tulungan mo kami. Tingnan mo ang aming mga hirap at sakit at ang aming takot na baka hindi mailigtas ang kaluluwa namin. Ipinagmamakaamo namin sa iyo, dahil sa pagsintang naranasan mo noong ang matamis na batang Hesus ay lumagay sa iyong mga bisig, na sabihin mo sa Kaniya ang aming mga kailangan. Isa lamang buntong hininga ng iyong dibdib na hiniligan ni Hesus ay sapat na upang makalunas sa aming kailangan at makapuno ng lugod sa amin. Alalahanin mo kung gaano kalaki ang iyong ligaya noong niyayakap mo Siya sa iyong dibdib, idinidikit sa Kanya ang iyong pisngi, nakikinig sa Kaniyang mga bulong. Isipin mo ang lahat ng ito at pakinggan kami, alang alang sa iyong di masaysay na pag-ibig. Kung ikaw lamang ay makikita namin, aming didiligin ng mga luha ang iyong mga paa, ipagtatapat sa iyo ang aming mga damdamin, mga alinlangan ukol sa aming ikaliligtas. Ngunit hindi ka namin maaaring makita kung kaya't binabati ka namin, O maluwalhating katoto ng Panginoon. Kami ay nangangayupapang itinataas ang aming mga pusong nagdadalamhati sa langit at sa iyo. At naghihintay na sa pamamagitan mo ay ipagkaloob sa amin ng Panginoong namahinga sa iyong mga bisig ang aming mga kahilingan. (Banggitin ang inyong kahilingan) O anghel ng pag-ibig, ibigay mo ang ninanasa namin at aming ilalathala ang kaluwalhatian mo at ipagbubunyi si Hesus na totoong nagmahal sa iyo. Siya nawa.

๐๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ขรฑ๐จ ๐‡๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฌ ๐ง๐š ๐ง๐š๐ฌ๐š ๐๐ข๐ฌ๐ข๐  ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ
O matamis na Niรฑo Hesus, tanging pag-asa ng namimighating kaluluwa; naninikluhod kami ng buong pagpapakumbaba sa Iyong mga paanan at alang-alang sa walang hanggang pag-ibig at biyaya na ipinagkaloob Mo sa Iyong lingkod na ni San Antonio noong siyaโ€™y Iyong dalawin, yakapin, punin ng tuwa at ligaya. Isinasamo namin sa Iyo na pumarini Ka sa amin at Iyong patikman sa mga kaluluwang sa Iyoโ€™y umaasa ang tamis ng Iyong pagdalaw.

๐Œ๐ ๐š ๐๐š๐ฆ๐š๐ง๐ก๐ข๐ค ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐€๐ง๐ญ๐จ๐ง๐ข๐จ
1. Pari: San Antonio ng Padua, aming pintakasi at manananggol
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
2. Pari: San Antonio ng Padua, makapangyarihan sa wika at sa gawa
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
3. Pari: San Antonio ng Padua, laging mapagbigay sa mga tumatawag sa iyo
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
4. Pari: San Antonio ng Padua, luwalhati ng Santa Iglesia at karangalan ng Orden ni San Francisco
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.
5. Pari: San Antonio ng Padua, na totoong iniibig na pinarangalan ng Niรฑo Hesus
Bayan: Ipagkaloob mo ang hinihingi namin sa iyo.

๐Œ๐š๐ง๐š๐ฅ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง ๐“๐š๐ฒ๐จ

Magdulot nawa ng tuwa, O Diyos, sa Iyong Iglesia, ang pag-aampon ng Iyong Confesor at Doktor na si San Antonio, upang lagi ng lumakas dahil sa mga tulong sa kaluluwa at maging dapat magkamit ng ligayang walang katapusan. Alang-alang kay Hesukristong aming Panginoon. Siya nawa.

๐’๐€๐ ๐€๐๐“๐Ž๐๐ˆ๐Ž ๐ƒ๐„ ๐๐€๐ƒ๐”๐€,
๐ˆ๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐Œ๐Ž ๐Š๐€๐Œ๐ˆ!

+ Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen

Address

Burzagom St. Brgy. Bulilan Sur, Poblacion,
Pila
4010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Shrine Promoters of San Antonio de Padua posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share