San Jose Parish - Linga, Pila, Laguna

San Jose Parish - Linga, Pila, Laguna Pebrero 27, 1994, ang Kapilya ng Nuestra Senora dela Paz y Buen Viaje ay pormal na itinatag bilang Parokya ni San Jose ng Lub. Kgg. Pedro N. Bantigue. Ravelas.

Binubuo ng 5 Brgy. sa Pila, Laguna, Labuin, Pook, Pinagbayanan, Aplaya at Linga, ang sede ng Parokya. ANG KASAYSAYAN NG PAROKYA NI SAN JOSE
Linga, Pila, Laguna, Diyosesis ng San Pablo

Ang Simbahang Pamparokya ni San Jose ay ang dating kapilya ng barangay Linga, sa pangalan ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay. Ito ay dating bahagi ng Parokya ni San Antonio de Padua, Pila,

Laguna, na ngayon ay Pambansang Dambana. Dahil sa mabilis na paglago ng populasyon, kasipagan sa mga gawaing ispiritwal at mithiin ng halos nakararaming layko ng Linga ay iminungkahi ng inang parokya na ito ay buuin at itatag na isang bagong parokya. Magmula noon ay naging puspusan ang ginawang pagsasaliksik at pag-aaral ng Diyosesis ng San Pablo sa pangunguna ni Kgg. Obispo Pedro N. Bantigue, D.D., Rdo. Padre Florencio Villanueva, ang kura-paroko ng panahong iyon at ang katuwang na pari, Rdo. Padre Diwani Cacao. Naging katulungin din ang ilang masigasig na layko tulad nina Josefina K. Alagad, Sergia P. Cruz at Teodorico R. Noong Pebrero 27, 1994, ang kapilya ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay ay pormal na itinatag bilang Parokya ni San Jose, Kabiyak na puso ni Maria, ni Kgg. Bantigue, D.D. Ito ay binubuo ng limang barangay: Aplaya, Labuin, Pinagbayanan, Pook at Linga, ang sentro ng parokya. Ang kapistahan ni San Jose ay ipinagdiriwang tuwing ika- 19 ng Marso. Kasabay nito ay ang pagluklok kay Rdo. Padre Mario P. Rivera bilang unang kura-paroko ng Parokya ni San Jose. Sa pasimula pa lamang ng pamumuno ni Rdo. Padre Mario ay minithi na niya ang pagpapagawa ng malaking simbahan bilang paghahanda sa mabilis na paglago at paglaki ng parokya. Unang naging hakbang niya ay ang magkaroon ng lote na pagtitirikan ng simbahan. Ang lote na may sukat na 2,508 metro kuwadrado, kung saan nakatayo ang simbahan ng Parokya ni San Jose ngayon ay ipinagkaloob ng angkang ALAGAD na sina Alfonso, Melitona, Demetrio at Carmen. Si Benilda Alagad Mendoza Vda. de Mayuga, ang pinakamatanda sa dalawang natirang tagapagmana ang nagpasya sa negosasyon ng kasunduan ng donasyon sa presensya ni Padre Mario at ilan sa mga kaanak ng Alagad noong Mayo, 1994. Sinimulan ang pagpapagawa ng bagong simbahan noong Setyembre 02,1994, dalawang buwan pagkatapos ng paglagak ng panulukang bato. Ipinagpatuloy ang pagbuo ng simbahan ni Rdo. Padre Philip B. Atienza, ang ikalawang kura-paroko na itinalaga noong Hunyo 1, 1996. Noong Disyembre 16, 1999, ang Simbahang Pamparokya ni San Jose na dating kapilya ng Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay ay nasunog dahil sa kalumaan na ng instilasyon ng kawad-kuryente. Sanhi nito, lahat ng pamparokyang gawain ay isinagawa na sa kasalukuyang ginagawang simbahan. Inunang buuin ang sakristiya na pansamantalang naging tirahan ng pari. Ang nasunog na lumang simbahan ng parokya ay ipinagawa noong Hunyo-Setyembre, 2002 sa pangangasiwa ni Rdo. Padre Gary N. Almoneda at tinustusan ni Felizardo Villariรฑo ng Linga, Pila, Laguna. Ang lahat ng napatalagang kura-paroko ng Parokya ni San Jose sa tulong ng mga layko ay hindi matatawaran ang naging kontribusyon sa pagpapalago ng Parokya; ispiritwal man o temporal.

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ Mayo 03, 2026 Juan 14, 1-12Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San JuanNoong panahong iyon, sinabi...
02/05/2026

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€
Mayo 03, 2026

Juan 14, 1-12

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: โ€œHuwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayon, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.โ€ Sinabi sa kanya ni Tomas, โ€œPanginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?โ€ Sumagot si Hesus, โ€œAko ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko. Kung akoโ€™y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyong nakita.โ€

Sinabi sa kanya ni Felipe, โ€œPanginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama, at masisiyahan na kami.โ€ Sumagot si Hesus, โ€œMatagal na ninyo akong kasama, Felipe! Diyataโ€™t hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing: โ€˜Ipakita mo sa amin ang Amaโ€™? Hindi ka ba naniniwalang akoโ€™y sumasa-Ama at ang Amaโ€™y sumasaakin? Ang mga salitang sinasabi ko ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Amang sumasaakin ang gumaganap ng kanyang mga gawain. Maniwala kayo sa akin: akoโ€™y sumasa-Ama at ang Ama ay sumasaakin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito. Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Iustus SocCom | San Jose Parish - Linga, Pila, Laguna


๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐’๐ฒ๐ง๐จ๐๐š๐ฅ ๐๐š๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐š๐ฅ ๐๐ฅ๐š๐ง๐ง๐ข๐ง๐  Marso 7, 2026Noong nakaraang Marso ay matagumpay na naisagawa ng ating Parokya ang Pari...
02/05/2026

๐๐š๐ซ๐ข๐ฌ๐ก ๐’๐ฒ๐ง๐จ๐๐š๐ฅ ๐๐š๐ฌ๐ญ๐จ๐ซ๐š๐ฅ ๐๐ฅ๐š๐ง๐ง๐ข๐ง๐ 
Marso 7, 2026

Noong nakaraang Marso ay matagumpay na naisagawa ng ating Parokya ang Parish Pastoral Synodal Planning na may temang โ€œLusongโ€ฆโ€. Isa itong makabuluhang pagtitipon na naglalayong pakinggan ang tinig ng bawat isa, palalimin ang ating pagkakaisa, at sama-samang magplano para sa mas masiglang paglilingkod sa ating pamayanan. Sa diwa ng pakikinig, pakikibahagi, at pakikiisa, tayo ay hinamon na โ€œlumusongโ€ โ€” makibahagi nang buong puso sa misyon ng Simbahan, yakapin ang mga hamon, at maging buhay na saksi ng pananampalataya sa ating kapwa. Nawaโ€™y magsilbi itong gabay at inspirasyon sa patuloy nating paglalakbay bilang isang nagkakaisang Parokya.

Iustus SocCom | San Jose Parish - Linga, Pila, Laguna

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ Mayo 02, 2026Juan 14, 7-14Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San JuanNoong panahong iyon, sinabi ...
01/05/2026

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€
Mayo 02, 2026

Juan 14, 7-14

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: โ€œKung akoโ€™y kilala ninyo, kilala na rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon ay kilala na ninyo siya at inyong nakita.โ€

Sinabi sa kanya ni Felipe, โ€œPanginoon, ipakita po ninyo sa amin ang Ama, at masisiyahan na kami.โ€ Sumagot si Hesus, โ€œMatagal na ninyo akong kasama, Felipe! Diyataโ€™t hindi mo pa ako nakikilala? Ang nakakita sa akin ay nakakita na sa Ama. Bakit mo sinasabing: โ€˜Ipakita mo sa amin ang Amaโ€™? Hindi ka ba naniniwalang akoโ€™y sumasa-Ama at ang Amaโ€™y sumasaakin? Ang mga salitang sinasabi ko ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Amang sumasaakin ang gumaganap ng kanyang mga gawain. Maniwala kayo sa akin: akoโ€™y sumasa-Ama at ang Amaโ€™y sumasa-akin. Kung ayaw ninyong maniwala sa sinasabi ko, maniwala kayo dahil sa mga gawang ito. Sinasabi ko sa inyo: ang nananalig sa akin ay makagagawa ng mga ginagawa ko at higit pa rito, sapagkat pupunta na ako sa Ama. At anumang hilingin ninyo sa Ama sa aking pangalan ay gagawin ko, upang maparangalan ang Ama sa pamamagitan ng Anak. Gagawin ko ang anumang hihilingin ninyo sa pangalan ko.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Iustus SocCom | San Jose Parish - Linga, Pila, Laguna


๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐š๐ฅ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐งMayo 1, 2026Ginanap ang unang araw ng pagdarasal ng Santo Rosaryo at Nobena pa...
01/05/2026

๐”๐ง๐š๐ง๐  ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐š๐š๐ฅ๐š๐ฒ ๐ฌ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐ข๐ซ๐ก๐ž๐ง
Mayo 1, 2026

Ginanap ang unang araw ng pagdarasal ng Santo Rosaryo at Nobena para sa FLORES DE MARIA 2026 sa karangalan ng Nuestra Seรฑora dela Paz y Buen Viaje. Ito ay sinundan ng Banal na Misa at pag-aalay ng mga bulaklak.

Ave Maria!

Iustus SocCom | San Jose Parish - Linga, Pila, Laguna





๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‰๐จ๐ฌ๐ž, ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐šMayo 1, 2026Ipinagdiriwang natin sa araw na ito ang ating Patron bilang pintakasi ng m...
01/05/2026

๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐‰๐จ๐ฌ๐ž, ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š
Mayo 1, 2026

Ipinagdiriwang natin sa araw na ito ang ating Patron bilang pintakasi ng mga manggagawa. Lumapit tayo sa Tatay Jose upang tayo ay gabayan sa ating mga gawain. Pabanalin nawa ng ating pagtulad sa kanya ang lahat ng ating mga mithiin sa pamamagitan ng ating mga panalangin.

San Jose, Patron ng mga Manggagawa, ipanalangin nyo po kami.

Iustus SocCom | San Jose Parish - Linga, Pila, Laguna




๐…๐ฅ๐จ๐ซ๐ž๐ฌ ๐ƒ๐ž ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Mayo 1 - 31, 2026Sa pamumuno ng ating Hermanos, Hermanas at Rosa Mystica 2026, inaanyayahan ang laha...
01/05/2026

๐…๐ฅ๐จ๐ซ๐ž๐ฌ ๐ƒ๐ž ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”
Mayo 1 - 31, 2026

Sa pamumuno ng ating Hermanos, Hermanas at Rosa Mystica 2026, inaanyayahan ang lahat na makiisa sa mga gawain ng Flores de Maria mula Mayo 1 hanggang 31 sa ating Parokya.

Araw-araw ay magkakaroon ng Rosaryo at Nobena tuwing 4:00 ng hapon na susundan ng Banal na Misa at Pagaalay ng Bulaklak sa ganap na 5:30 ng hapon.

Tuwing Sabado, ang Banal na Misa ay gaganapin sa Kapilya ng Dela Paz sa ganap ika-6 ng umaga. Ang Rosaryo, Nobena, at Prusisyon naman ay gaganapin sa Parokya tuwing ika-4 ng hapon.

Sama-sama nating ipagdiwang ang buwang iniaalay para sa Mahal na Birheng Maria, ang ating patrona, Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay.

AVE MARIA!.

Iustus SocCom | San Jose Parish - Linga, Pila, Laguna




๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ Mayo 01, 2026Juan 14, 1-6Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San JuanNoong panahong iyon, sinabi n...
30/04/2026

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€
Mayo 01, 2026

Juan 14, 1-6

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Noong panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, โ€œHuwag kayong mabalisa; manalig kayo sa Diyos at manalig din kayo sa akin. Sa bahay ng aking Ama ay maraming silid; kung hindi gayun, sinabi ko na sana sa inyo. At paroroon ako upang ipaghanda ko kayo ng matitirhan. Kapag naroroon na ako at naipaghanda na kayo ng matitirhan, babalik ako at isasama kayo sa kinaroroonan ko. At alam na ninyo ang daan patungo sa pupuntahan ko.โ€ Sinabi sa kanya ni Tomas, โ€œPanginoon, hindi po namin alam kung saan kayo pupunta, paano naming malalaman ang daan?โ€ Sumagot si Hesus, โ€œAko ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Iustus SocCom | San Jose Parish - Linga, Pila, Laguna


Ganap nang nakahanda ang ating Mahal na Ina at Patrona, Nuestra Seรฑora dela Paz y Buen Viaje, para sa buong buwan ng May...
30/04/2026

Ganap nang nakahanda ang ating Mahal na Ina at Patrona, Nuestra Seรฑora dela Paz y Buen Viaje, para sa buong buwan ng Mayoโ€”ang buwan ng pagpaparangal at pag-aalay ng mga bulaklak bilang tanda ng ating pagmamahal at debosyon.

Halinaโ€™t sama-sama tayong mag-alay ng bulaklak kay Maria, na ang kanyang kadalisayan at kagandahan ay tulad ng mga bulaklak sa hardin ng Panginoonโ€”buhay, mabango, at nagbibigay-liwanag sa ating pananampalataya.

Ave Maria!

Iustus SocCom | San Jose Parish - Linga, Pila, Laguna

๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง ๐‰๐จ๐ฌ๐ž, ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ƒ๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐€๐ฆ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐จ๐ค๐ฒ๐šAbril 30, 2026PANALANGIN KAY SAN JOSEO San Jose, na ang...
30/04/2026

๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ ๐ง๐ข ๐’๐š๐ง ๐‰๐จ๐ฌ๐ž, ๐€๐ซ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐ƒ๐ž๐›๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐š ๐€๐ฆ๐š ๐š๐ญ ๐๐š๐ญ๐ซ๐จ๐ง ๐ง๐  ๐๐š๐ซ๐จ๐ค๐ฒ๐š
Abril 30, 2026

PANALANGIN KAY SAN JOSE

O San Jose, na ang pangangalaga ay napakadakila, napakalakas, napakaagap sa harap ng trono ng Diyos, inilalagay ko sa inyo lahat ng aking kapakanan at mga naisin.

O San Jose, sa pamamagitan po ninyo ay tulungan n'yo ako at tanggapin po ninyo para sa akin, buhat sa inyong Banal na Anak ang lahat ng biyayang pangkaluluwa sa ngalan ni Hesus na ating Panginoon, upang habang ako'y naririto sa lupa sa ilalim ng inyong makalangit na kapangyarihan, maialay ko ang aking pasasalamat at pagdakila sa lubhang kaibig-ibig sa lahat ng Ama.

O San Jose, hindi kailanman ako napapahod sa pagninilay sa inyo, at kay Hesus na natutulog sa inyong mga bisig; nangingimi akong lumapit sa inyo habang siya ay namamahingang malapit sa inyong puso. Haplusin mo po Siya sa aking ngalan at hagkan nyo po ang kanyang banal na ulo para sa akin at hilingin mo po sa Kanya na ibalik sa akin ang halik na yaon sa huling sandali ng aking buhay.

San Jose, patron ng mga kaluluwang pumapanaw, aming Ama at Patron, ipanalangin mo po kami. AMEN.

Iustus SocCom | San Jose Parish - Linga, Pila, Laguna

๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐๐ข๐จ ๐•, ๐ฉ๐š๐ฉ๐šAbril 30, 2026PANALANGIN:O San Pio V, banal na Papa at masugid na tagapagtanggol ng pananam...
30/04/2026

๐๐š๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐š ๐ค๐š๐ฒ ๐’๐š๐ง ๐๐ข๐จ ๐•, ๐ฉ๐š๐ฉ๐š
Abril 30, 2026

PANALANGIN:

O San Pio V, banal na Papa at masugid na tagapagtanggol ng pananampalataya, kamiโ€™y lumalapit sa iyo na may kababaang-loob. Ipanalangin mo kami sa Panginoon upang manatili kaming tapat sa Kanyang mga aral, lalo na sa gitna ng mga pagsubok at pagkalito ng mundo. Turuan mo kaming mahalin ang Banal na Misa at ang Santo Rosaryo gaya ng iyong ipinamalas, at palakasin mo ang aming loob upang ipagtanggol ang katotohanan nang may tapang at kabutihan. Nawaโ€™y sa iyong paggabay, kamiโ€™y lumago sa kabanalan at maging karapat-dapat sa biyaya ng Diyos. Amen.

San Pio V, Ipanalangin mo kami!

Iustus SocCom | San Jose Parish - Linga, Pila, Laguna

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€ Abril 30, 2026Juan 13, 16-20Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San JuanNang mahugasan na ni Hesus...
29/04/2026

๐Œ๐€๐๐”๐“๐ˆ๐๐† ๐๐€๐‹๐ˆ๐“๐€
Abril 30, 2026

Juan 13, 16-20

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan

Nang mahugasan na ni Hesus ang mga paa ng kanyang mga alagad, sinabi niya sa kanila: โ€œSinasabi ko sa inyo: ang alipin ay hindi dakila kaysa kanyang panginoon, ni ang sinugo kaysa nagsugo sa kanya. Kung nauunawaan ninyo ang mga bagay na ito at inyong gagawin, mapapalad kayo.

โ€œHindi para sa inyong lahat ang sinasabi ko; nakikilala ko ang aking mga hinirang. Ngunit dapat matupad ang nasasabi sa Kasulatan, โ€˜Akoโ€™y pinagtataksilan ng taong pinakakain ko.โ€™ Sinasabi ko ito sa inyo bago pa mangyari upang, kung itoโ€™y mangyari na, ay manalig kayo na โ€˜Akoโ€™y si Ako Nga.โ€™ Tandaan ninyo: ang tumatanggap sa sinugo koโ€™y tumatanggap sa akin; at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin.โ€

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

Iustus SocCom | San Jose Parish - Linga, Pila, Laguna


Address

Brgy. Linga
Pila
4010

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Jose Parish - Linga, Pila, Laguna posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share