22/02/2026
๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ ๐ ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐จ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ด๐ด๐ผ ๐ป๐ด ๐๐๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐๐บ๐ฎ, ๐ ๐ฎ๐๐ถ๐ด๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐ฝ
Poblacion,Pikit, Cotabato - Masigla at puno ng mananampalataya ang ginanap na banal na misa ngayong unang linggo ng Kwaresma. Ang una at pangalawang misa ay pinangunahan ni Fr. Marcelo Andamon Jr., OMI, na nagbigay ng inspirasyon at gabay sa mga mananampalataya.
Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ni Fr. Andamon ang kahalagahan ng panahong ito sa buhay ng mga Kristiyano. Aniya, "Ang Kwaresma mao ang panahon sa Simbahan nga ginasaulog sulod sa kap-atan (40) ka mga adlaw diha sa pag-ampo, pagpuasa ug pagpamalandong sa mga kaagi ni Jesukristo sa Iyang Pagpasakit, Kamatayon ug Pagkabanhaw."
Sa parehong misa, nagkaroon ng espesyal na pagbasbas at panalangin para sa mga nakatatanda o senior citizens. Ito ay tanda ng pagpapahalaga ng Simbahan sa kanilang mahalagang papel sa pamayanan at sa patuloy nilang pananampalataya.
Nagsimula na rin ang Station of the Cross tuwing Biyernes sa loob ng Parokya at inaanyayahan ang lahat ng mananampalataya na makiisa sa pagninilay sa mga huling sandali ng buhay ni Kristo bilang paghahanda sa kanyang muling pagkabuhay.
Ang pagdiriwang ay nagsilbing paalala na ang Kwaresma ay hindi lamang panahon ng pagtitiis, kundi panahon din ng pagbabalik-loob, pag-asa, at muling pagkabuhay kasama ni Kristo.