St. Francis of Assisi Parish Youth Ministry

St. Francis of Assisi Parish Youth Ministry Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from St. Francis of Assisi Parish Youth Ministry, Religious organisation, Peñaranda, Nueva Ecija, Peñaranda.

𝐓𝐀𝐎𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐅𝐑𝐀𝐍𝐂𝐈𝐒𝐂𝐎 𝐍𝐆 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐈 | 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐄𝐌𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐈𝐓𝐄𝐌𝐒Sa ating paggunita sa Taon ni San Francisco ng Assisi, inilulunsad ...
23/08/2026

𝐓𝐀𝐎𝐍 𝐍𝐈 𝐒𝐀𝐍 𝐅𝐑𝐀𝐍𝐂𝐈𝐒𝐂𝐎 𝐍𝐆 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐈 | 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐄𝐌𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐈𝐓𝐄𝐌𝐒

Sa ating paggunita sa Taon ni San Francisco ng Assisi, inilulunsad ng ating parokya ang mga natatanging commemorative items na naglalayong maging paalala ng buhay, pananampalataya, at halimbawa ni San Francisco ng Assisi—ang taong piniling mamuhay nang simple, mapagkumbaba, at may malasakit sa kapwa at sa buong sangnilikha.

Maaaring mag-avail ng mga sumusunod:

•𝙎𝙩. 𝙁𝙧𝙖𝙣𝙘𝙞𝙨 𝙄𝙢𝙖𝙜𝙚 𝙬/ 𝙍𝙚𝙩𝙖𝙗𝙡𝙤
•𝙎𝙥𝙚𝙘𝙞𝙖𝙡 𝘾𝙤𝙢𝙢𝙚𝙢𝙤𝙧𝙖𝙩𝙞𝙫𝙚 𝙏𝙖𝙪 𝘾𝙧𝙤𝙨𝙨
•𝘾𝙤𝙢𝙢𝙚𝙢𝙤𝙧𝙖𝙩𝙞𝙫𝙚 𝙏-𝙎𝙝𝙞𝙧𝙩𝙨 - maaring mag-order hanggang sa ika-31 ng Agosto
•𝘿𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙞 𝙎𝙖𝙣 𝙁𝙧𝙖𝙣𝙘𝙞𝙨𝙘𝙤 𝘽𝙤𝙤𝙠𝙡𝙚𝙩

Higit sa pagiging alaala ng natatanging pagdiriwang na ito, ang bawat item ay may mas malalim na layunin. Ang lahat ng kikitain mula rito ay ilalaan sa pondo ng Kalinga ni Apo Kiko, bilang pagpapatuloy ng ating misyon ng pagkalinga at paglilingkod sa ating mga kapatid na nangangailangan.

Sa bawat inyong pag-avail, kasama kayo sa paggunita kay San Francisco at sa konkretong pagpapakita ng pagmamahal at pagkalinga sa kapwa.

Ang mga nais mag-avail ay maaaring magtungo sa opisina ng parokya. Gayundin, narito ang link para mga nais magpre-order online:

https://tinyurl.com/pnj4sna6
https://tinyurl.com/pnj4sna6
https://tinyurl.com/pnj4sna6




23/08/2026

[LIVE] 𝐈𝐊𝐀-𝟐𝟏 𝐍𝐀 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐍𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍

Punong Tagapagdiwang: Reb. Pdr. Sedfrey J. Calderon


21/08/2026

[LIVE] 𝐁𝐈𝐘𝐄𝐑𝐍𝐄𝐒 𝐈𝐊𝐀-𝟐𝟏 𝐍𝐀 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐍𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍

Punong Tagapagdiwang: Reb. Pdr. Sedfrey J. Calderon


𝐂𝐀𝐒𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐋𝐋 | 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐈𝐓𝐔𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝙋𝙖𝙭 𝙚𝙩 𝘽𝙤𝙣𝙪𝙢!Inaanyayahan ang lahat ng kabataan na nais maging bahagi ng isang makabuluhan...
19/08/2026

𝐂𝐀𝐒𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐋𝐋 | 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐈𝐓𝐔𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔

𝙋𝙖𝙭 𝙚𝙩 𝘽𝙤𝙣𝙪𝙢!

Inaanyayahan ang lahat ng kabataan na nais maging bahagi ng isang makabuluhang pagtatanghal para sa paggunita sa buhay, pananampalataya, at Transitus ng ating patron na si San Francisco ng Assisi, na ihahandog sa October 3, 2026. Kung nais mong ibahagi ang iyong talento, oras, at puso bilang bahagi ng cast o production, ito na ang iyong pagkakataon na maging bahagi ng kuwentong nagbibigay-buhay sa pananampalataya at paglilingkod.

Kaugnay nito, hinihikayat ang mga interesadong kabataan na punan ang Google Form upang makapagparehistro para sa Casting Call na gaganapin sa August 30, 2026. Basahin nang mabuti ang mga kinakailangang impormasyon at siguraduhing tama ang inyong mga sagot bago isumite ang form. Register now and be part of the story of San Francisco!

Registration Form:
https://forms.gle/CKKKH8ZBvfCPR8ed9
https://forms.gle/CKKKH8ZBvfCPR8ed9
https://forms.gle/CKKKH8ZBvfCPR8ed9




𝐂𝐀𝐒𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐋𝐋 | 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐈𝐓𝐔𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔Bilang paggunita at pag-alaala sa buhay, pananampalataya, at Transitus ng ating patron San ...
17/08/2026

𝐂𝐀𝐒𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐀𝐋𝐋 | 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐈𝐓𝐔𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔

Bilang paggunita at pag-alaala sa buhay, pananampalataya, at Transitus ng ating patron San Francisco ng Assisi, inaanyayahan namin ang lahat ng kabataan na maging bahagi ng isang makabuluhang pagtatanghal na ihahandog sa darating na October 3, 2026.

Sa pamamagitan ng teatro, muli nating isasalaysay ang kuwento ng isang taong buong kababaang-loob na tumugon sa tawag ng Diyos—isang buhay na puno ng pananampalataya, kapayapaan, at pagmamahal sa sangnilikha.

Kaugnay nito, gaganapin ang ating Casting Call sa August 30, 2026 para sa mga kabataang nais magbahagi ng kanilang talento, oras, at puso para sa gawaing ito.

Kung nararamdaman mong may papel kang gagampanan sa kuwentong ito, ito na ang iyong pagkakataon na maging bahagi ng isang pagtatanghal na hindi lamang tungkol sa pag-arte, kundi tungkol sa pananampalataya, bokasyon, paglilingkod, at pag-alala sa buhay ni San Francisco.






16/08/2026

[LIVE] 𝐈𝐊𝐀-𝟐𝟎 𝐍𝐀 𝐋𝐈𝐍𝐆𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐑𝐀𝐍𝐈𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐇𝐎𝐍

Punong Tagapagdiwang: Reb. Pdr. Sedfrey J. Calderon


15/08/2026

[LIVE] 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐊𝐘𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀

Punong Tagapagdiwang: Reb. Pdr. Sedfrey J. Calderon



𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐊𝐘𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀Bukas, ika-15 ng Agosto, ay ang D...
14/08/2026

𝐀𝐆𝐎𝐒𝐓𝐎 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐊𝐘𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀

Bukas, ika-15 ng Agosto, ay ang Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria. Lakip sa post na ito ang iskedyul ng Banal na Pagdiriwang at ang mga tagapagtaguyod ng Banal na Misa.

Inaanyayahan po ang bawat mananampalataya na makiisa sa gawain na ito ng ating Parokya.

𝙑𝙞𝙫𝙖 𝘼𝙨𝙪𝙣𝙘𝙞𝙤𝙣!




14/08/2026

[LIVE] 𝐁𝐈𝐒𝐏𝐄𝐑𝐀𝐒 𝐒𝐀 𝐃𝐀𝐊𝐈𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐊𝐘𝐀𝐓 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐓 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀

Punong Tagapagdiwang: Reb. Pdr. Sedfrey J. Calderon


Address

Peñaranda, Nueva Ecija
Peñaranda
3103

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. Francis of Assisi Parish Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share