23/10/2025
Oktubre 23: Ika-20 gunitaon ng Koronasyong Kanonikal sa Mahal na Ina ng mga Walang Mag-Ampon ng Marikina.
𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐒𝐀 𝐈𝐍𝐀 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐆-𝐀𝐌𝐏𝐎𝐍
𝑨𝒏𝒈 𝑩𝒊𝒓𝒉𝒆𝒏 𝒏𝒈 𝑴𝒂𝒓𝒊𝒌𝒊𝒏𝒂
𝐴𝑣𝑒 𝑀𝑎𝑟𝑖𝑎, ikaw ang mapagmahal na inang kumakalinga sa aming lahat.
Ikaw ang mahabaging 𝗜𝗡𝗔 na kumukupkop sa mga walang masilungan. Kami ay lumalapit sa iyo, bukod na pinagpalang Ina ng Panginoon.
Ikaw ang aming 𝗥𝗘𝗬𝗡𝗔; pamunuan mo kami sa paglaban sa kasamaan.
Ikaw ang aming 𝗚𝗨𝗥𝗢; papaglinawin mo ang aming isip sa panahong kapos kami sa pang-unawa.
Ikaw ang aming 𝗜𝗟𝗔𝗪; tanglawan mo kami nang ‘di kami maligaw sa dilim.
Ikaw ang aming 𝗟𝗨𝗡𝗔𝗦; hilumin mo ang sakit ngaming mga kaluluwa at katawan.
Aming ina, ipagtanggol mo kami sa aming pagkaapi. Aliwin mo kami sa aming pagkaalipin sa aming mga kahinaan. Inang mapagkawanggawa, ilahad mo ang iyong mga kamay sa mga kapus-palad na nangangailangan ng iyong tulong. Ina ng sangkatauhan, ipanalangin mo kami at akayin sa landas patungo kay Hesukristong Panginoon namin. Amen.
𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐘𝐀𝐃-𝐏𝐔𝐑𝐈 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐀𝐋𝐀𝐏𝐀𝐒𝐓𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐁𝐈𝐑𝐇𝐄𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐑𝐈𝐀
𝐴𝑣𝑒 𝑀𝑎𝑟𝑖𝑎, Ina ng Diyos at aming ina, ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain, sa aming mga abang makasalanan; kami ay labis na nagdurusa sa maraming kasamaan na nakapaligid sa amin sa buhay na ito, ang aming mga puso ay lalo't higit na nadudurog na masaksihan ang mga kalapastanganan at marinig ang mga insulto laban sa iyo, O maluwalhating Birhen. Batid namin na ang mga gawaing ito ay pangdudusta sa walang hanggang kamahalan ng Diyos at ng kanyang Bugtong na Anak, si Hesukristo. Buong puso naming iniaalay ang aming buhay at buong kagalakan ka naming pararangalan, O Mahal na Ina, sapagkat ito ay kalooban ng Diyos. At dahil sa aming matimyas na pagmamahal sa iyo, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang ikaw ay maparangalan at mahalin ng lahat ng tao. Hindi man sapat, tanggapin mo nawa itong aming pagbabayad-puri, O Birheng Mapang-aliw sa mga Nagdadalamhati, na aming iniaalay para sa aming mga pamilya at gayundin para sa mga lumalapastangan sa iyo nang walang kabuluhan na hindi nalalaman kung ano ang kanilang mga ginagawa at sinasabi. Kamtin mo para sa kanila mula sa Makapangyarihang Diyos ang biyaya ng pagsisisi. Ipadama mo sa kanila ang iyong habag, ang iyong lakas, at ang iyong awa. Nawa'y maging kaisa namin sila sa pagpapahayag sa iyong katamistamisang ngalan, ikaw na pinagpala sa babaeng lahat, ang Birheng Kalinislinisan at lubhang mapag-ampong Ina ng Diyos. Amen.
Mula sa Santa Marta - Rosas ng Pateros aming ipinaabot ang pagbati sa Bayan ng Marikina at sa mga deboto ng Mahal na Ina ng Walang Mag-ampon.