Oratorio de la Patrona - Pateros

Oratorio de la Patrona - Pateros The Home of Santa Marta de Pateros in Barangay Aguho since 1980s Herrera. Mula noon, orihinal ang istruktura nito sa nagdaang apat na dekada.

Ang Oratorio de Santa Marta de Pateros o mas kilala sa tawag na Oratorio de la Patrona ay ang tahanan ng Imahen at Banal na Relikya ni Santa Marta sa Barangay Aguho, Bayan ng Pateros, Kalakhang Maynila. Ito ay ipinatayo ni Ginang Cresencia Tenorio-Castillo (1925-2019) sa tabi ng kanilang tahanan noong dekada 1980 nang siya ay mahirang bilang “Camarera de Honor” ng matandang imahen ng Santa Marta d

e Pateros. Sa loob ng mahigit na dalawang dekada, ito ang naging tahanan ng pamamanata kay Santa Marta sa pamamagitan ng pagtitirik ng kandila at pag-aalay ng mga bulaklak. Matatandaan na ang matandang imahen ay pagmamay-ari ng Pamilya De Borja-Dayco (hanggang sa kasalukuyan) kaya makikita lamang ito tuwing ika-29 ng Hulyo, Dakilang Kapistahan ni Santa Marta. Dito nagmumula ang “Traslacion” o paghahatid sa imahen patungong simbahan para sa pagsisiyam gayundin ang sunduan sa tuwing may hihiram ng imahen para sa “Pamisa de Gracia.”

Ang Oratorio ay matatagpuan sa kahabaan ng P. Ang unang altar nito ay isang urna na yari sa kahoy na may aparador sa ibabang bahagi kung saan itinatago ang mga antigong gamit at damit ng imahen. Pinalitan ito ng sementadong altar noong dekada 1990 na ginagamit hanggang sa kasalukuyan. Sa pagbabalik ng matandang imahen sa Pamilya De Borja-Dayco noong 2004, iniluklok ang imahen ng Poderes de Santa Marta de Pateros na naging dambanang imahen noong 2009. Ang Oratorio ay isinara sa publiko sa kadahilanang walang pagmamay-aring imahen ng Santa Marta de Pateros ang Pamilya Castillo na mailuluklok sa altar. Ang nasabing dambanang imahen ay pinalitan ng panibagong imahen na kaloob ni Padre Estelito Villegas noong 2019 at maraming kasapi ng nasabing samahan ay ang kasalukuyang bumubuo ng Ministry on Popular Piety and Devotion o Team Pintakasi ng Dambanang Pangdiyosesis ni Santa Marta. Dahil sa natatanging bahagi nito sa kasaysayan ng pamimintuho kay Santa Marta sa Pateros at sa ala-ala ni Ginang Cresencia Castillo at ng mga Camarera de Honor, napagpasyahan ng kanyang mga anak na muling buksan ang Oratorio de la Patrona at magluklok ng bagong imahen. Ang muling pagbubukas ay binasbasan ni Padre Felix Maria Dueñas, FI, JCL, noong ika-29 ng Hulyo, 2019. Maliban sa imahen, makikita rin ang banal na relikya – piraso ng buto – ni Santa Marta at iba pang mga banal katulad nina San Roque, San Antonio ng Padua, at San Pio ng Pietrelcina. Layunin ng muling pagbubukas ang mga sumusunod:
Pangalagaan ang istruktura at sinupan ng Oratorio bilang nalalabing ala-ala ng pamimintuho kay Santa Marta bago ang pagtatatag ng Dambana,
Pagpapahalaga sa pamanang tradisyon ng mga “Camarera de Honor” sa pamamagitan ng pagsunod sa kanilang halimbawa mula sa pag-aalaga ng imahen hanggang sa pagtanggap sa mga deboto bilang pagpupugay,
At pag-ingatan ang kasaysayan ng pamimintuho kay Santa Marta para sa susunod na salinlahi at laban sa mga nais gumawa ng kanilang sariling kasaysayan gamit ang Oratorio. Ang Oratorio de la Patrona ay bukas tuwing Pistang Bayan ng Pateros (ikalawang Linggo ng Pebrero) at Dakilang Kapistahan ni Santa Marta para sa mga deboto na nais magtirik ng kandila at mag-alay ng mga bulaklak sa imahen at banal na relikya ni Santa Marta habang nagbabalik-tanaw sa nakaraan.

12/06/2026

KAPISTAHAN NI SAN ANTONIO NG PADUA 2026

31 Mayo-12 Hunyo 2026
TREDICINA (LABINTATLONG ARAW NA NOBENA)

Ang pagdarasal ng Tredicina ay isasagawa bago ang Banal na Misa sa ganap na ika-6:00 ng gabi

13 Hunyo 2026, Sabado
ARAW NG KAPISTAHAN

6:00 ng umaga
Banal na Misa, Pagbabasbas ng mga Tinapay, at Pagpapahalik sa Relikya

7:00 ng umaga
Pagdalaw ng Relikya ni San Antonio ng Padua sa Kapilya ni San Antonio ng Padua, Barangay Calzada-Tipas, Lungsod ng Taguig

6:00 ng gabi
Banal na Misa, Pagbabasbas ng mga Tinapay, at Maringal na Prusisyon

Sa mga nagnanais maghandog ng tinapay, mangyaring makipag-ugnayan sa opisina ng ating Dambana at Parokya.

SHRINE MINISTRY
Dambanang Pangdiyosesis ni Santa Marta
Parokya ng San Roque
Bayan ng Pateros, Kalakhang Maynila

12/06/2026
SCHEDULE OF MASSES:May 19, 2026, Tuesday | 7:00 PMPresider: Rev. Fr. Loreto N. Sanchez, Jr., Shrine Rector and Parish Pr...
19/05/2026

SCHEDULE OF MASSES:

May 19, 2026, Tuesday | 7:00 PM
Presider: Rev. Fr. Loreto N. Sanchez, Jr., Shrine Rector and Parish Priest
Castillo Residence
939 P. Herrera Street, Aguho, Pateros, Metro Manila
Pin: Oratorio de la Patrona

FUNERAL MASS
May 20, 2026, Wednesday | 3:00 PM
Presider: Rev. Fr. Jay Jose D. Cambiado, Guest Priest
Diocesan Shrine of St. Martha
San Roque Parish
B. Morcilla Street, Poblacion, Pateros, Metro Manila

With deep faith in the Risen Lord, we pray for the eternal repose of the soul of our dear INISIA TENORIO CASTILLO who returned to the Father's House this morning. Through her, the Oratorio de Santa Marta de Pateros reopened in 2019.

Eternal rest grant unto Inisia, O Lord.
R. And let perpetual light shine upon her.

May she rest in peace.
R. Amen.

May her soul and the souls of the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace.
R. Amen.

​Inisia Tenorio Castillo
January 21, 1953 – May 17, 2026

With deep faith in the Risen Lord, we pray for the eternal repose of the soul of our dear INISIA TENORIO CASTILLO who re...
17/05/2026

With deep faith in the Risen Lord, we pray for the eternal repose of the soul of our dear INISIA TENORIO CASTILLO who returned to the Father's House this morning. Through her, the Oratorio de Santa Marta de Pateros reopened in 2019.

Eternal rest grant unto Inisia, O Lord.
R. And let perpetual light shine upon her.

May she rest in peace.
R. Amen.

May her soul and the souls of the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace.
R. Amen.

​Inisia Tenorio Castillo
January 21, 1953 – May 17, 2026

23/03/2026
22/03/2026

FROM PATEROS TO TARASCON! 🇵🇭✈🇫🇷

As we enter the Fifth Sunday of Lent, reflecting on the Gospel of the Raising of Lazarus, we are blessed to announce that our Official Miniature Reliquary Bust of Saint Martha from Pateros, Philippines, has reached the Parish of Saint Martha in Tarascon, France, where Saint Martha is buried. It was formally received by the Parish Priest, Père Michel Savalli, through Master in History Monsieur Yoan Bruyère.

We extend our gratitude to Madame Santy Baldemo of Sta. Ana, Taguig City, who is currently residing in Paris, France, for bringing the items from the Philippines to France.

OFFICIAL MINIATURE REPLICA
Reliquary Bust of Saint Martha
✅ 6.5-inch fiberglass resin
✅ With Certificate of Authenticity
✅ Limited edition of 50 pieces (few pieces left)
📦 Nationwide delivery service

Attached to its base is a third-class relic - a cloth touched to the Tomb of Saint Martha. Proceeds will go toward the maintenance of the Oratorio de Santa Marta and the Pilgrim Relics of Saint Martha in the Philippines.

Saint Martha,
Heavenly Advocate in Urgent and Difficult Cases,
Wonderful Protector of Nurses,
and Patroness of Mothers and Social Workers,
pray for us.

17/03/2026

UNANG MARTES NI SAN ANTONIO NG PADUA
18 Marso 2025

TANGING DASAL AT PAMAMANATA
Ang tanda ng Santa Cruz ipag-adya Mo kami Panginoon naming Diyos, sa mga kaaway namin sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Ispiritu Santo. Amen Hesus.

Panginoon kong Hesukristo, Diyos at tao namang totoo, lumalang at sumakop sa akin, Ikaw pa ang Diyos ko na iniibig na lalo sa lahat ng bagay; pinagsisisihan kong matibay na matibay ang lahat ng pagkakasala ko sa Iyo. Umaasa ako na Iyong patatawarin sa madlang ipinagkasala ko sa Iyo at pakakamtan sa akin ang Kaluwalhatian sa Langit alang-alang na po sa mga hirap Mo’t sakit dahil sa akin. Siya nawa.

PANALANGING GAGAMITIN SA LAHAT NG MARTES
Kaibig-ibig at mapagampon kong San Antonio; paluhod at buong pagpapakumbabang inihahandog ko sa Iyong mga yapak ang dalanging pakamtan sa akin ang kapatawaran ng Dakilang Diyos, sa lahat nang aking pagkakasala at ipakamit nawa ang tunay na pagka-Kristiano; napagtiyagaan hanggang sa wakas at magkamit ng biyayang hinihiling ko, na kung ito’y hindi nararapat sa akin ay sangayon ako sa anumang ipagkakaloob ng Dakilang Diyos na Kanyang mamarapatin. Harinawa, oh maluwalhating Santo na sa loob ng labingtatlong linggo na aking paghahandog sa Iyo, ay mamalagi ako sa biyaya at pagmamahal ng Diyos at nawa’y huwag na akong mawalay sa Kanya ng dahil sa kasalanan, upang pagkatapos ay pagkalooban akong mapasama sa Iyo magpakailan man sa Kaluwalhatian. Siya nawa.

Ihalintulad mo si San Antonio sa araw na ito sa isang bituing taga-hatid balita na sa ngalan ng Diyos ay tinatawagan ka sa buhay na mabiyaya, kung ito, sa kasawiang palad ay hindi mo tinatamasa; kung ikaw ay nagpabaya sa iyong sariling pamumuhay at nakalimot sa sariling pagpapakabanal.

Isaalang-alang mo rin ang katuwaang tinámo ni San Antonio ng may limang táon lamang ang gulang, nang mapágtagumpayan niya ang mga paraya ng demonyo at mapanghalinang laman at pagsunod sa kamunduhan, ipinangako Niya sa Diyos na siya’y mananatiling malinis sa mga kamay ng kamahalmahalang Inang Birhen.

(Bulaybulayin mo ang mga nangyári at gumawa ng káhilingan.)

PANALANGIN
Oh maluwalhating San Antonio! Nang dahil sa maagap Mong pagsasagawa ng mga atas ng Langit at ng hindi masayod na katuwaang suma-Iyo ng maghandog Ka sa Diyos at ipangakong mananatiling malinis, igawad Mo nawa sa akin ang biyaya na maging marapat akong makasunod ng buong pagtitiyaga at katapatan sa mga panawagan ng Dakilang Diyos at mamalagi rin naman akong malinis ang katawa’t kaluluwa ng alinsunod sa aking kalagayan. Siya nawa.

(Pagkatapos ay magdasal ka ng isang Ama namin, isang Aba Ginoong Maria at tatlong Gloria Patri.)



02/03/2026
VIVA SANTA MARTA!Ikalawang Linggo ng PebreroPISTANG BAYAN NG PATEROS ALAY KAY SANTA MARTAPatrona, Protektora, Tagapagtan...
08/02/2026

VIVA SANTA MARTA!

Ikalawang Linggo ng Pebrero
PISTANG BAYAN NG PATEROS ALAY KAY SANTA MARTA
Patrona, Protektora, Tagapagtanggol, Sandigan, Huwaran, at Rosas ng Bayan ng Pateros (Pambayang Resolusyon Bilang 06-2019)

PANALANGIN
Ama naming makapangyarihan,
hindi ikinahihiya ng iyong Anak
na makituloy sa bahay ni Santa Marta.
Bilang tugon sa kanyang pagdalangin
mapaglingkuran nawa namin si Kristo sa katauhan ng kapwa
upang mapatuloy mo kami sa iyong tahanan sa kalangitan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Oratorio de Santa Marta de Pateros
“The Home of Santa Marta de Pateros in Barangay Aguho since 1980s”
939 P. Herrera Street, Aguho, Pateros, Metro Manila
oratorioph.blogspot.com


Address

939, P. Herrera Street
Pateros
1620

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Oratorio de la Patrona - Pateros posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Place Of Worship

Send a message to Oratorio de la Patrona - Pateros:

Share