Simbahang Ebangheliko ng Pateros

Simbahang Ebangheliko ng Pateros Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Simbahang Ebangheliko ng Pateros, Church, F imson Pateros Metro Manila, Pateros.

ISANG PAANYAYA SA PAG-AAYUNO AT PANANALANGINTheme: “Together Before the Throne”“All these with one accord were devoting ...
30/05/2026

ISANG PAANYAYA SA PAG-AAYUNO AT PANANALANGIN

Theme: “Together Before the Throne”

“All these with one accord were devoting themselves to prayer…” — Acts 1:14 (ESV)

Ang pag-aayuno ay ang espirituwal na disiplina ng pagkakait sa ating sarili ng isang bagay (karaniwan ay pagkain) upang magpakabusog sa mga bagay ng Diyos. Ang pag-aayuno at pananalangin ay batay sa Bibliya na mga disiplina na angkop para sa lahat ng mananampalataya sa lahat ng edad sa lahat ng siglo sa lahat ng bahagi ng mundo. Ang pag-aayuno ay isang paraan upang ipakita sa Diyos, at sa ating sarili, na tayo ay seryoso sa ating kaugnayan sa Kanya at maging sa ating idinudulog na panalangin.

Sa pagsisimula ng buwan ng Hunyo at bilang paghahanda sa pagdiriwang ng ating ika-56 na Anibersaryo ng ating Iglesya, tayo po ay maglalaan ng limang (5) araw na pag-aayuno at pananalangin. Nais nating marubdob na idulog sa Diyos ang direksyon Niya para sa ating Iglesya - ang malaya Niyang pagkilos sa ating buhay upang maisakatuparan ang Kanyang layunin sa atin. Isasagawa po natin ang pag-aayuno at pananalangin sa HUNYO 1 hanggang HUNYO 5. Sa mga araw na ito, maaari po kayong pumili ng mga panahon na inyong isasagawa ang inyong pag-aayuno at pananalangin. Maaari pong full or partial fasting. Pipili po kayo alinman sa oras ng pagkain - almusal, tanghalian o hapunan. Maaari din pong fasting sa madalas ninyong pinagkakaabalahan tulad ng panonood ng TV, paggamit ng CP at iba pa. Ang mga oras ay ilalaan sa panahon ng pananalangin. Magbibigay po tayo ng gabay sa pagbubulaybulay at pananalangin.

Magkakaroon po tayo ng gabi-gabing sama-samang panalanginan o Nightly Intercessory Prayer via Zoom na magsisimula sa ganap na ika-7 ng gabi.

Mga kapatid, inaasahan po namin ang inyong pakikiisa sa gawaing ito. Ipanalangin po natin na ihanda tayo ng ating Diyos sa gawaing ito. Maraming salamat po at pagpalain tayo ng Diyos.

Paghahanda Bago ang Limang Araw ng Pananalangin at Pag-aayunoTema: “Together Before the Throne”Pre- Prayer & Fasting Day...
30/05/2026

Paghahanda Bago ang Limang Araw ng Pananalangin at Pag-aayuno
Tema: “Together Before the Throne”
Pre- Prayer & Fasting Day Devotional Guide

“Lumapit tayong may buong katiyagaan sa trono ng biyaya…” — Hebreo 4:16

PANIMULA

Bilang paghahanda sa ating Limang Araw ng Pananalangin at Pag-aayuno, inaanyayahan tayong ihanda hindi lamang ang ating katawan kundi higit sa lahat ang ating puso at espiritu sa presensya ng Panginoon.

Ang pag-aayuno ay hindi lamang pag-iwas sa pagkain o ibang bagay. Ito ay isang banal na paglalaan ng sarili sa Diyos—isang pagkakataon upang manumbalik, magpakumbaba, at muling ihanay ang ating buhay sa Kanyang kalooban.

Sa temang “Together Before the Throne,” tayo ay tinatawag bilang isang iglesya na magkaisa sa pananalangin, pagsamba, at paghahanap sa mukha ng Diyos.

PAGBASA NG SALITA NG DIYOS
Joel 2:12–13
“Manumbalik kayo sa akin nang buong puso, na may pag-aayuno, pagtangis at panaghoy…”

PAGNINILAY
Bago magsimula ang ating pag-aayuno, nais ng Diyos na ihanda muna natin ang ating puso. Hindi mahalaga kung gaano kahaba ang ating pag-aayuno kung hindi naman tunay ang ating paglapit sa Kanya.

Ang tunay na pag-aayuno ay may kasamang:
• Pagsisisi
• Pagpapakumbaba
• Pananalangin
• Pagtitiwala sa Diyos
• Pagkakaisa bilang katawan ni Cristo

Habang tayo ay sama-samang lumalapit sa trono ng Diyos, inaalis natin ang anumang hadlang tulad ng galit, tampuhan, pride, at kasalanan upang maranasan natin ang mas malalim na presensya ng Panginoon.
Ang linggong ito ay hindi lamang tungkol sa personal na breakthrough kundi tungkol din sa pagkakaisa ng iglesya at sama-samang paghahanap sa kalooban ng

MGA DAPAT IHANDA SA PAG-AAYUNO
1. Ihanda ang Iyong Puso
Humingi ng tawad sa Diyos at magpakumbaba sa Kanyang harapan.
Panalangin
“Panginoon, siyasatin Mo ang aking puso. Alisin Mo ang anumang bagay na humahadlang sa aking relasyon sa Iyo.”

2. Ihanda ang Iyong Isipan
Magkaroon ng malinaw na layunin kung bakit ka mag-aayuno.

Maaaring Ipanalangin:
* Mas malalim na relasyon sa Diyos
* Pagkakaisa ng iglesya
* Revival at spiritual renewal
* Kalakasan ng mga pamilya
* Direksyon ng Panginoon

3. Ihanda ang Iyong Katawan
Magpasya kung anong uri ng pag-aayuno ang iyong gagawin:
* Full Fast
* Partial Fast
* 'One Meal Fast
* Social Media Fast
* Entertainment Fast
(Pumili ayon sa iyong kakayahan at kalagayan.)

4. Ihanda ang Iyong Oras
Maglaan ng tiyak na oras para sa:
* Pagbabasa ng Biblia
* Pananalangin
* Pagsamba
* Tahimik na pakikinig sa Diyos

MGA PANALANGING PAGHAHANDA
1) Para sa Sarili
- Linisin ng Diyos ang aking puso.
- Bigyan Niya ako ng spiritual hunger.
- Turuan Niya akong magpakumbaba.

2) Para sa Iglesya
- Magkaisa ang bawat ministry at miyembro.
- Maghari ang pag-ibig at kapatawaran.
- Magkaroon ng apoy ng pananalangin ang iglesya.

3) Para sa Bansa at Komunidad
- Manumbalik ang mga tao sa Diyos.
- Magkaroon ng kapayapaan at katuwiran.
- Maranasan ng bansa ang spiritual awakening.

HAMON SA ARAW NA ITO
Bago magsimula ang prayer and fasting week:
• Maglaan ng tahimik na oras kasama ang Diyos.
• Makipag-ayos kung may tampuhan o hindi pagkakaunawaan.
• Isuko sa Diyos ang iyong mga alalahanin at personal na agenda.
• Ihanda ang sarili na marinig at sundin ang tinig ng Panginoon.

DEKLARASYON NG PANANAMPALATAYA
“Kami ay sama-samang lalapit sa trono ng Diyos nang may pagpapakumbaba, pananampalataya, at pagkakaisa.”

PANGWAKAS NA PANALANGIN
Aming Ama sa Langit, salamat sa pagkakataong muli kaming makalapit sa Iyong banal na presensya. Habang kami ay naghahanda para sa linggo ng pananalangin at pag-aayuno, ihanda Mo ang aming puso, isip, at espiritu. Alisin Mo ang anumang hadlang sa aming relasyon sa Iyo at sa isa’t isa. Turuan Mo kaming magkaisa bilang Iyong iglesya. Nawa’y ang linggong ito ay maging panahon ng pagbabago, panunumbalik, at mas malalim na pagkilala sa Iyo. Sama-sama kaming lalapit sa Iyong trono upang hanapin ang Iyong kalooban at maranasan ang Iyong kapangyarihan. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

God’s chief gift to those who seek Him is Himself.~Edward B. Pusey
02/03/2022

God’s chief gift to those who seek Him is Himself.
~Edward B. Pusey

Bible Reading PlanFebruary 28, 2022Deuteronomy 23-25“Ang tiwasay na puso ay nagbibigay-buhay sa laman, ngunit ang pagnan...
27/02/2022

Bible Reading Plan
February 28, 2022
Deuteronomy 23-25

“Ang tiwasay na puso ay nagbibigay-buhay sa laman, ngunit ang pagnanasa, sa mga buto ay kabulukan.”
~ Mga Kawikaan 14:30 | ABTAG2001

- - - - -

Mapagmahal na Diyos, pinagmumulan ng lahat ng mabuting bagay, tulungan ninyo po akong itakwil ang mga kasinungalingan ng mga pagnanasa, at ang mga anyo nito na nag-aalis ng kagalakan at sumisira sa akin. Hayaan po ninyong sa halip ay ipagdiwang ko ang di mabilang na magagandang regalo ng buhay sa Iyong kaharian. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Bible Reading PlanFebruary 27, 2022Deuteronomy 20-22“Samakatuwid, hindi na kayo mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mg...
26/02/2022

Bible Reading Plan
February 27, 2022
Deuteronomy 20-22

“Samakatuwid, hindi na kayo mga dayuhan o taga-ibang bansa, kundi mga kababayan na ng mga hinirang ng Diyos at kabilang sa kanyang sambahayan.”
~ Efeso 2:19 | MBBTAG

- - - - -

Heavenly Father, thank You for welcoming me into Your family as a child of God. Help me live out my position. In Jesus' name, Amen.

What “door” leads to your greatest temptation? How will you avoid that door today?
25/02/2022

What “door” leads to your greatest temptation? How will you avoid that door today?

Bible Reading PlanFebruary 24, 2022Deuteronomy 9-11“Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo.” ~ 1 Corinto 11:1...
23/02/2022

Bible Reading Plan
February 24, 2022
Deuteronomy 9-11

“Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo.” ~ 1 Corinto 11:1 | MBBTAG

- - - - -

Father God, thank You for the example of Jesus. Show me how to follow Him in actions and in words every day. Amen.

Bible Reading PlanFebruary 23, 2022Deuteronomy 5-8“Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong...
22/02/2022

Bible Reading Plan
February 23, 2022
Deuteronomy 5-8

“Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan?” ~ Awit 8:4 | MBBTAG

- - - - -

Ama naming nasa langit, kinikilala ko po ang Iyong pag-ibig ng may buong pagkamangha, pitagan at pagpapakumbaba. Sino nga ako na lubos Mong pagmalasakitan? Salamat sa Iyong pag-ibig sa akin. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

22/02/2022
Bible Reading PlanFebruary 22, 2022Deuteronomy 3-4“Igalang mo ang iyong ama at ina tulad ng iniutos ko sa iyo. Sa gayo'y...
21/02/2022

Bible Reading Plan
February 22, 2022
Deuteronomy 3-4

“Igalang mo ang iyong ama at ina tulad ng iniutos ko sa iyo. Sa gayo'y mabubuhay ka nang matagal at sagana sa lupaing ibinibigay sa iyo ni Yahweh na iyong Diyos.” ~ Deuteronomio 5:16 | MBBTAG

- - - - -

Thank you, God, for parents, especially godly parents. Thank you for the gift they are in our lives and in others’ lives. Help us to show them proper honor and to respect all people as created and loved by you. In Jesus’ name, Amen.

Address

F Imson Pateros Metro Manila
Pateros
1620

Telephone

+63284253532

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Simbahang Ebangheliko ng Pateros posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category